You are on page 1of 3

Iba’t Ibang Uri Ng Teknikal Bokasyunal Na Sulatin

Pagsulat

o Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang


layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay
matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.

o Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang


layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay
matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.

Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:

o Ayon kay Sauco, et al., (1998), ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa
mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng
mga tao.

o Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na


komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis
na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato

o Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain (complex).
Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang
kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalagang pag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makatutulong sa pang-araw-araw na


buhay lalo na sa komunikasyon.

Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng pagsulat. Ito ay ang
kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at pangkasaysayan.

1.   Kahalagahang panterapyutika
Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng indibidwal ang kanyang mga
saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos
sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at
mailabas ang mabigat nilang nararamdaman.
2. Kahalagahang pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ating kapwa.
Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong ito upang magkaroon ng
interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap. Halimbawa na lamang nito ay ang
pagpapadala natin ng mga sulat sa mga mahal natin na buhay na nasa ibang bansa. Sa modernong
panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napabilis at napadali pa ang ating
komunikasyon. Nakakatulong din ang pagsulat upang makapagpalaganap ng impormasyon tungkol sa
nangyayari sa kapaligiran tulad ng pagbabalita gamit ang mga dyaryo at gamit ang social media.
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
Alam mo ba na nakakatulong din ang pagsusulat sa pagpapalago ng ekonomiya  ng bansa? Ang
pagsulat ay maari ding ituring bilang isang propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas na
kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang matanggap sa mga
trabaho. Maraming pwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script
writer sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na na maaring makatulong upang
magkaroon ng kita.
4. Kahalagahang pangkasaysayan
Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at pagdodokumento dito.
Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa kasalukuyang panahon ay maaring magamit
na reperensiya sa hinaharap.

Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

Akademiko

Teknikal Journalistik

Uri ng
Pagsulat

Referensyal Propesyunal

Malikhain

 Akademiko – mataas ang antas ng kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral.

 Thesis  Pagawa ng iba’t ibang sanaysay


 Experiment  Mga Teksto

 Teknikal – espelisyadong uri ng pagsulat na tumotugon sa kognitibo at solohikal na


pangangailangan ng mambabasa.

 Feasibility Study  Charting


 Matematical
 Journalistik – mga akdang makikita sa pahayagan at magazine latahain (feature)
 Referensyal – mga rekomenda ng sanggunian para sa iba pang paksa. Kadalasan makikita
sa likurang bahagi ng aklat.
 Propesyunal – nakatuon o ekslosibo sa isang tiyak na prosesyon.
 Malikhain – paganahin ang imahenasyon at pukawin ang damdamin ng isang mambabasa

 Idioma
 Tayutay
 Tula
 Nobela

Mga Anyo ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin

Menu
Dokumentasyon sa paggawa ng produkto
Babala
Paunawa
Liham Pangnegosyo
Anunsyo
Manwal
Naratibong Ulat
Deskripsyon ng Produkto
Feasibility Study
Leaflets
Fliers

You might also like