You are on page 1of 40

Kahulugan ng

Pagsulat
at Teknikal-
Bokasyunal Pagsulat
Ang pagsulat bilang isa sa mga makrong
kasanayan ay naging bahagi na ito ng ating pang-
araw-araw na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng pagsulat ay naipapahayag


natin ang ating mga nararamdaman at mga
saloobin tungol sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Bilang panimulang gawain, ano-ano ang mga
posibleng salita na puwede mong iugnay sa salitang
pagsulat?
PAGSULAT
Ngayong tapos mo na ang pagbibigay
ng mga kaugnay na salita tungkol sa
pagsulat, titingnan natin kung ang iyong
mga naisulat ay tama sa pamamagitan
ng pag-aaral ng araling ito. Upang
subukin ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin, sagutin muna
natin ang mga katanungan
Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga pahayag
sa ibaba. Lagyan ng tsek (✔) ang patlang sa ibaba
kung ang pahayag tungkol sa pagsulat ay tama at
ekis (✖) naman kung ito ay mali.

_____1. Ang pagsulat ay pagpapahayag ng


kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan
ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
_____2. Ang pagsulat ay mahalaga
sa pagpreserba o pagpapanatili ng
ating kasaysayang pambansa dahil
ang mga naisatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga sumusunod
na henerasyon
_____3. Ang jornalistik na pagsulat ay
espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitibo at
sikolohikal na pangangailangan ng mga
mambabasa at minsan maging ng
manunulat mismo.
_____4. Kung isang mamamahayag o
journalist si Anna, ang uri ng pagsulat
na kanyang ginagawa ay tinatawag
reperensiyal na pagsulat na
sumasaklaw sa pagsulat ng balita,
editoryal, kolum, anunsiyo, at iba pang
akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.
_____5. Ang akademikong pagsulat
ay itinuturing na isang intelektuwal na
pagsulat
dahil layunin nitong itaas ang antas
at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan
_____6. Layunin ng
reperensiyal na pagsulat na
bigyang-pagkilala at
rekomendasyon ang mga
sangguniang maaaring
mapagkunan ng kaalaman.
_____7. Ang propesyunal
na uri ng pagsulat ay
ekslusibo o nakatuon sa
isang tiyak
na propesyon.
_____8. Ang proseso ng
pagsulat ay hindi komplikado
sapagkat may fixed o pare-
parehong istandard na
sinusunod ang mga manunulat.
_____9. Isa sa pangunahing hakbang sa
pagsulat ay ang pre-writing kung saan
nagaganap ang paghahanda sa pagsulat,
pagpili ng paksang isusulat at
ang pangangalap ng mga datos o
impormasyong kailangan sa pagsulat.
10. Kapag gumagaan ang
pakiramdam ng ibang tao at
naiibsan ng mabigat na dalahin
pagkatapos makapagsulat ay
indikasyon ng kahalagahang
pansosyal ng pagsulat.
Ang mga Ayta ay kadalasang itinuturing na
“minoridad lamang” kasama ng mga
katutubong pangkat sa bansa. Isang
trahedyang maituturing na wala silang
nasusulat na kasaysayan. Kung mayroon
man, ang mga ito ay naisulat ng mga
kolonisador kaya’t ang pananaw ay maka-
kanluran. Subalit, may positibong mensaheng
mapupulot mula sa halos kawalan ng
presensya nila sa mga talang kolonyal
Hindi sila naabot ng mga banyagang mananalaysay
dahil hindi sila napasailalim sa kapangyarihang
kolonyal. Ang kabundukan bilang likas na tahanan
ang naging likas na depensa rin nila mula sa banta
ng kolonyalismo, partikular na noong panahon ng
Hapon, kaugnay nito, layunin ng pananaliksik na
talakayin ang papel ng mga Ayta noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, partikular ang pakikibakang
gerilya sa Bulubunduking Zambales.
Gamit na batis ang mga naisulat ng mga
Amerikanong gerilya at ilang panayam sa
mga buhay na gerilyang Ayta, nakatuon ito sa
malaking impluwensiya ng kanilang kultura
sa pakikibaka ng mga gerilyang Amerikano.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng papel
ng mga Ayta sa pagtatagumpay ng laban sa
mga Hapon at sa pambansang pagkilos ng
mga gerilya.
Munoz, A. (2015). Ang mga pakikibaka ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig: Isang panimulang kasaysayan. Hasaan Journal, 2(1), 23-24.
Kinuha mula sa https://ejournals.ph/article.php?id=100009
1. Ano ang paksa ng
binasang teksto?
2. Ano ang naging mabuting
dulot ng kawalan ng
presensya ng mga Ayta sa
talang kolonyal?
3. Bakit kaya isang
trahedyang maituturing na
walang nasusulat na
kasaysayan ang mga Ayta?
4. Ano ang layunin
ng tekstong
binasa?
Kahulugan
ng
Pagsulat
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa
papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo, at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang
kaisipan (Sauco et al., 1998).
Ang Proseso ng
Pagsulat
Bago Sumulat
Nagaganap dito ang
paghahanda sa
pagsulat tulad ng
pagpili ng paksa at
pangangalap ng
datos
Aktuwal na Pagsulat

Isinasagawa dito ang


aktuwal na pagsulat
kabilang na ang
pagsulat ng burador
o draft.
Muling Pagsulat

Nagaganap dito ang pag-eedit


at pagrerebisa ng burador
batay sa wastong gamit ng
mga salita, talasalitaan at
pagkakasunod-sunod ng mga
ideya
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Akademiko -
Itinuturing na intelektuwal na Kritikal na
pagsulat dahil layuning itaas sanaysay
ang antas at kalidad ng  Lab report
kaalaman ng mga mag-aaral  Eksperimento
sa paaralan  Term Paper
 Tesis
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Teknikal -

Espesyalisadong uri na Feasibility study


tumutugon sa mga kognitibo at  Korespondensyang
sikolohikal na pangangailangan pampangangalakal
ng mga mambabasa
 Gumagamit ng teknikal na
terminolohiya
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Jornalistik -
Ginagawa ng mga Balita
 Editorial
mamamahayag o  Kolum
journalist  Akdang makikita sa
pahayagan o magasin
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Referensyal -
Pamanahong papel
Naglalayong  Tesis at disertasyon lalo na
magrekomenda ng iba sa bahaging Mga Kaugnay na
pang sanggunian sa Pag-aaral at LIteratura
isang paksa
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Profesyunal -
Police report
Nakatuon o eksklusibo  Investigative reports
sa isang tiyak na  Legal forms
propesyon  Medical report
 Patient’s journal
Mga Uri ng Pagsulat

URI KATANGIAN HALIMBAWA


Malikhain -
Tula
Layunin na paganahin  Maikling Kuwento
ang imahinasyon at  Nobela
pukawin ang damdamin  Dagli
 Masining sapagkat  Dula
mayaman sa idyoma,
tayutay, at simbolismo
Kahalagahan ng Pagsulat

 Kahalagahang Panterapyutika
Ginagamit ng tao ang pagsulat upang gumaan ang kanilang
pakiramdam at
maibsan ang isang mabigat na dalahin.
 Kahalagahang Pansosyal

Ginagamit ng tao ang pagsulat bilang sandata para maipadama


ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
 Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat para siya’y mabuhay.
Sa madaling salita, ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay.
 Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagpreserba


ng kasaysayang pambansa at ang mga
naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para
sa mga sumusunod na henerasyon.
Ang Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 Isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang


pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na
impormasyon sa tiyak ding layunin sa isang partikular na mambabasa
o grupo ng mga mambabasa.
 Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay sulatin sa larangan ng
pananahi, pagluluto, automotive, pagwewelding, computer hardware
at software, agrikultura, pangingisda, at iba pa na gumagamit ng
espesyalisadong bokabularyo sa partikular na larangan.
 Madalas gamitin ng mga teknikal na manunulat ang mga espesyal
na teknik gaya ng pagbibigay ng depinisyon, deskripsyon ng mga
mekanismo, proseso at klasipikasyon ng mga interprestasyon
1. Batay sa iyong binasang katuturan ng pagsulat,
pumili ng isa at ipaliwanag ayon sa sariling pag-
unawa.

2 . Ano ang mga kahalagahan ng pagsulat?


Isulat sa loob ng kahon ang detalye tungkol
dito.
3. Ano ang mga katangian ng teknikal-
bokasyunal na pagsulat? Ilagay ang
sagot sa loob ng kahon.
4 . Gaano kahalaga ang mga kaalaman
sa proseso ng pagsulat sa baguhang
manunulat na kagaya mo?
Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa
kinahihiligan mong pahayagan. Idikit ito sa letter-sized
na bond paper. Suriin at ipaliwanag ito batay sa hinihingi
sa ibaba.

1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto


2. Organisasyon ng sulatin
3. Katangian ng sulatin at wikang
ginamit
4. Layunin ng sulatin
5. Damdamin ng sulatin
6. Mensaheng nakapaloob sa sulatin
Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa benepisyo
sa iyo ng pagsusulat.

Rubriks…

You might also like