You are on page 1of 30

FILIPINO sa PILING LARANGAN

(Akademik)
Paanyaya sa Akademikong Pagsulat
Layuning ng Asignatura

Pagsulat ang pangunahing mga gawain na


paghahandaan mo sa iyong pag-aaral. Hahasain
ka sa yunit na ito upang ang anomang ideyang
iyong nabasa o kaya’y ibig mong ipahayag ay
malinaw, maayos, at lohikal mong mabubuo nang
ayon sa mapagkakatiwalaang batayan,
katuwiran, at etika. Mga gawaing pasulat at
panggrupo ang gagawin sa yunit na ito.
PAGSULAT
Ano ang PAGSULAT?
Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel sa
anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag
ang nasa kaniyang kaisipan
(Sauco, et al., 1998)
https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.html
Ano ang PAGSULAT?
Ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga
saloobin, damdamin at kaalaman ang
pagsulat katulad ng pagsasalita.

Ito ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng


isipan at emosyon ng tao.
https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.html
KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT :
Ano-ano nga ba?
Kahalagahan ng Pagsulat: Arrogante (2000)
A. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay
mahilig magsulat mailabas lamang ang nasa
kalooban may babasa man o wala.
Kahalagahan ng Pagsulat: Arrogante (2000)
B. Kahalagahang Pansosyal
Ang pagsulat ay nagsisilbing ugnayan ng tao at lipunan.
Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang pagsulat
ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa pangyayari sa lipunan.
Kahalagahan ng Pagsulat: Arrogante (2000)
C. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao ay sumusulat dahil kailangan para siya’y
mabuhay, sa madaling salita ito’y kanyang nagiging
hanapbuhay.
Kahalagahan ng Pagsulat: Arrogante (2000)
D. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang pagsulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating
kasaysayang pambansa at mga naisatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga susunod na henerasyon.
URI ng PAGSULAT
Akademikong Sulatin
URI ng PAGSULAT
A. AKADEMIKONG Pagsulat

Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil


layunin nitong pataasin ang antas at kalidad
ng kaalaman ng mga mag-aaral.

- Kritikal na Sanaysay
- Lab Report
- Eksperimento
- Term Paper
URI ng PAGSULAT
B. TEKNIKAL na Pagsulat

Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na


nagbibigay impormasyon para sa teknikal o
komersyal na layunin.

- Ulat laboratoryo
Kompyuter
URI ng PAGSULAT
C. DYORNALISTIK
Sumasaklaw ito sa mga sulating tulad ng
balita, kolum, anunsiyo, atbpng akdang
makikita sa pahayagan at magasin.

D. REPERENSIYAL
Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa
tulad ng bibliyograpiya, index at note cards.
URI ng PAGSULAT
E. PROFESYUNAL

Ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o


eksklusibo sa isang tiyak na larangan o
propesyon.
- Police Report
- Investigative Report
- Legal Forms
- Medical Reports
URI ng PAGSULAT
F. MALIKHAINg pagsulat

Ito ay isang uri ng pagsulat na masining. Ang


pokus ng pagsulat nito ay batay sa
imahinasyon ng manunulat.

- Pagsulat ng Tula, Dula, Nobela, Maikling Kuwento, at


Malikhaing Sanaysay.
https://www.slideshare.net/badebade11/uri-ng-pagsulat
Mga GAMIT sa
PAGSULAT
1. WIKA

Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik


ang mga kaisipan, kaisipan, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng taong
sumusulat.
2. PAKSA
Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga
ideyang dapat mapaloob sa akda. Mahalagang
magkaroon ng isang tiyak na paksa o temang isusulat
3.LAYUNIN

Ang layunin ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga


datos o nilalaman ng anomang isusulat. Kailangan
matiyak na matugunan ang motibo ng isusulat nang
sa gayon ay maganap ang pakay sa katauhan ng
mambabasa.
4. Pamamaraan ng
pagsulat

Ito ang paglalahad ng kaisipan at kaisipan ng


manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng
pagsusulat.
(5)Limang Pamamaraan:

1. Paraang Impormatibo
Kung saan ang pangunahing layunin ay magbigay
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

2. Paraang Ekspresibo
Kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinyon, paniniwala, ideya , obserbasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa batay sa sa sariling karanasan o
pag-aaral
(5)Limang Pamamaraan:

3. Pamamaraang Naratibo
Kung saan ang pangunahing layunin ay magkuwento o
magsasalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

4. Pamamaraang Deskriptibo
Kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga
bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig,
natunghayan, naranasan, at nasaksihan.
(5)Limang Pamamaraan:

5. Pamamaraang Argumentatibo
Kung saan ang layunin ng pagsulat ay naglalayong
manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng


argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang pampag-iisip

Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-


analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi
gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong
dapat isama sa akdang isusulat.
6. Kaalaman sa wastong
pamamaraan ng pagsulat

Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon


ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular
sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik,
wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap at talata.
7. Kasanayan sa Paghabi
ng boung sulatin

Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga


kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado,
obhetibo, at masining na pamaraan mula sa panimula
ng akda o komposisyon hanggang sa wakas.
Takdang Aralin

Panuto:
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong
sarili. Isipin kung anong mga
impormasyon ang mahalagang ibahagi sa
iba. Gumupit ng mga larawang sa tingin
mo ay nagpapakita ng iyong mga
katangian at ilagay sa gilid ng talata.
Mga Sanggunian:

https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-pagsulat.html

https://www.slideshare.net/badebade11/uri-ng-pagsulat

Filipino sa Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik)


Eugene Y. Evasco, Wil P. Ortiz
Published by: C&E Publishing Inc
839 EDSA, South Triangle, QC Phil. 2017

You might also like