You are on page 1of 1

SONIO, JERICHO N

BSE-FILIPINO

DISKUSYON

Anu-ano ang mga uri ng pagsulat? Bigyang kahulugan at ipaliwanag ang bawat isa.

Uri ng Pagsulat

Teknikal na pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para


sa komersyal o teknikal na layunin. Limilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa
teknolohiya. Isang espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mamasyong maari makatulong sa pagbibigay solusyon
sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng FEASIBILITY STUDY at
KOREPONDING PAMPANGANGALAKAL. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa
idang partikular na paksa tulad ng science and technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience
o pang kat ng mga mambabasa.

Referensiyal na pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapapliwanang , nagbibigay


impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan,
naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa madalas,
binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan ng
ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nitong maaring sa paraang pamaklong
(parential) footnotes o endnotes. Madalas itong makikita sa mga TEKSBUK, PAMANAHUNANG
PAPEL, TESIS, O DISERTASYON. Maihahanay din dito ang paggawa ng BIBLIOGRAPHY,
INDEX at NOTE CARDS.

Jornalistik na pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampahayagan ang uring ito ng
pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o jornalist. Saklaw nito ang pagsulat ng
BALITA, EDITORYAL, KOLUM, LATHALAIN at iba pang akdang mambabasa sa mga
PAHAYAGAN at MAGAZINE.

Masining na pagsulat – masining na uri ng pasulat sa larangan panitikan o literatura, ang tuon
ay ang imahinasyo ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng TULA,
NOBELA, MAIKLING KUWENTO, DULA, at SANAYSAY.

Akademikong pagsulat – ito ay may isinusulat na partikular na kumbensiyon. Ito’y may


layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaring
maging KRITIKAL NA SANAYSAY, LEB REPORT, EKSPERIMENT, KONSEPTONG PAPEL,
TERM PAPER o PAMANAHONG PAPEL, TESIS o DISERTASYON. Itinuturing din itong isang
intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante sa paaralan.

You might also like