You are on page 1of 3

Pagsulat Reviewer

Pagsulat

- Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum o wika ng paghahatid ng mensahé' - AUSTERA (2009)
- Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag
ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan - Mabilin, et al., (2012)

Dahil arbitraryo ang wika, nagiging arbitraryo din ang pagsulat. Napagkasunduan ang tumbasan ng mga
titik. ang kahulugan ng sallta, ang kabuluhan ng pagpapahayag.

ANG PAGSULAT AY SIMBOLONG KUMAKATAWAN SA KULTURA AT TAO

Kumunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat - (Fischer, 2001)

Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon - (GOODY, 1987)

ano ang layunin ag pagsolat?

Ayon kay Mabilin, ang layunin sa pagsasagawang pagsulat ay maaaring mahati sa dalawa

- Personal o ekspresibo
- Panlipunan o sosyal

Personal o ekspresibo

- Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, nalis|p, o nadarama


ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng
kaslyahan, kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat

Panlipunan o Sosyal

- Ang layunin ng pagsulat ay maklpag- ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang iba
pang tawag dito ay transaksiyonal. Layunin nito ang magbibigay ng interpretasyon,
mangangatwiran, maghatid ng impormasyon, magsuri, manghikayat o kaya'y makikipagpalltan
ng mga ideya sa iba pang manunulat

Kahalagahan ng pagsulat (kulang number 3)


- Masasanay ang kakayahang mag organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagtan
ngobhetibong paraan.
- Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't Ibang pinagmulan
ng impormasyon ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
- Mahuhubog an pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.

Uri ng Pagsulat

Malikhaing pagsulat/Creative Writing

Teknikal na Pagsulat/ Technical Writing

Propesyonal na Pagsulat/Professional Writing

Dyornalistik na Pagsulat/ Journalistic Writing

Reperensyal na Pagsulat/ Referential Writing

Akademikong Pagsulat/ Academic Writing

Malikhaing pagsulat/Creative Writing

- Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa


imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
- Maibibilang sa uri ng pagsulat na Ito ang maikling kuwento, dula, tula, mailing sanaysay,
gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.

Teknikal a Pagsulat/ Technical Writing

- Layunin nito na pag- aralan ang Isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag- aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Isang halimbawa nito ay ang "Feasibility
Study".

Propesyonal na Pagsulat/Professional Writing

- Ang url ng pagsulat na ito ay patungkol sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
- Binibigyang pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag- aaral tungkol sa napiling propesyon o
bokasyon ng isang tao.
Dyornalistik na Pagsulat/ Journalistic Writing

- Ito ay may kInalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.


- Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, artikulo, magasin at Inuulat sa radyo at
telebisyon.

Reperensyal a Pagsulat/ Referential Writing

- -Ang pagtatala ng mga sangguniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadaling


gagawing pagsulat. Maaaring ang mga Ito'y mula sa mga aklat, pahayagan, magazin, brochure,
diksyunaryo, journal at tesis.

Akademikong Pagsulat/ Academic Writing

- Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalman ng


mga mambabasa. Lubos ding pinatataas ng uring pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa iba't ibang larangan bunga ng masusing pag- aarral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at
pananaliksik.

You might also like