You are on page 1of 1

Uri ng pagsulat

1. Teknikal na pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon


para sa komersyal o teknikal na layunin. Limilikha ang manunulat ng dokumentasyon
para sa teknolohiya. Isang espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mamasyong maari makatulong sa
pagbibigay solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng
FEASIBILITY STUDY at KOREPONDING PAMPANGANGALAKAL. Gumagamit ng
mga teknikal na terminolohiya sa idang partikular na paksa tulad ng science and
technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pang kat ng mga mambabasa.

2. Referensiyal na pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapapliwanang , nagbibigay


impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa
katotohanan, naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa
isang paksa madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nitong
maaring sa paraang pamaklong (parential) footnotes o endnotes. Madalas itong makikita
sa mga TEKSBUK, PAMANAHUNANG PAPEL, TESIS, O DISERTASYON.
Maihahanay din dito ang paggawa ng BIBLIOGRAPHY, INDEX at NOTE CARDS.

3. Jornalistik na pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampahayagan ang uring ito ng
pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o jornalist. Saklaw nito ang
pagsulat ng BALITA, EDITORYAL, KOLUM, LATHALAIN at iba pang akdang
mambabasa sa mga PAHAYAGAN at MAGAZINE.

4. Masining na pagsulat – masining na uri ng pasulat sa larangan panitikan o literatura, ang


tuon ay ang imahinasyo ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng
manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Maihahanay sa uring ito ang
pagsulat ng TULA, NOBELA, MAIKLING KUWENTO, DULA, at SANAYSAY.

5. Akademikong pagsulat – ito ay may isinusulat na partikular na kumbensiyon. Ito’y may


layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaring
maging KRITIKAL NA SANAYSAY, LEB REPORT, EKSPERIMENT,
KONSEPTONG PAPEL, TERM PAPER o PAMANAHONG PAPEL, TESIS o
DISERTASYON. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

You might also like