You are on page 1of 15

Pagpapahulugan sa

Pagsulat
Pormal. Ito ay mga sulating may
malinaw na daloy at ugnayan ng
pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa.
May sinusunod naproseso ang
pagsulat at laging ginagamit dito ang
ikatlong panauhan sa pagsulat ng
teksto.
Di-Pormal. Ito ay mga
sulatin na malaya ang
pagtalakay sa paksa,
magaan ang pananalita,
masaya at may
pagkapersonal na parang
nakikipag-usap lamang sa
mga mambabasa.
Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating
ng malikhain at akademikong pagsulat
sa bansa lalo na sa hanay ng mga
kabataang manunulat na nagsasagawa ng
eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat
ng pagsulat. May mga iskolarling papel na
gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng
jornal, liham at iba pang personal na
sulatin kaya posibleng magkaroon ng
kumbinasyon ng pormal at dipormal na uri
ng pagsulat.
Ibat Ibang
Uri ng
Pagsulat
1. Akademik. Itinuturing na isang intelektwal
na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
Halimbawa:
Mga kritikal na sanaysay, lab report,
eksperimento, konseptong papel, term paper
o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
2. Teknikal. Isang espesyalisadong uri ng pagsulat
na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigaysolusyon sa isang
komplikadong suliranin

Halimbawa:
Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng
mga korespondensyang pampangangalakal.
Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa
isang partikular na paksa tulad ng science at
technology. Nakatuon sa isang tiyak na
audience o pangkat ng mga mambabasa.
3. Journalistic. Pampamamahayag ang
uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag o
journalist.

Halimbawa:
Ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang mababasa
sa mga pahayagan at magazin.
4. Referensyal. Naglalayong magrekomenda ng
iba pang sanggunian o source
hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng
isang manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o endnotes.
Halimbawa:
Makikita sa mga teksbuk, pamanahong papel,
thesis o disertasyon. Maihahanay
din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at
notecards.
5. Profesyonal. Ito ay nakatuon sa isang
tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga
sumusunod:
1. police report -pulis
2. investigative report – imbestigador
3. legal forms, briefs at pleadings –
abogado
4. patient’s journal – doktor at nurse
6. Malikhain. Masining na uri ng
pagsulat sa larangan ng panitikan o
literatura.
Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat. Layunin nitong paganahin
ang
imahinasyon ng manunulat at pukawin
ang damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
Panuto. Tukuyin ang mga sulating
akda ayon sa uri ng pagsulat.
1. Propesyunal
2. Journalistik
3. Akademik
4. Propesyunal
5. Referensyal
6. Malikhain
7. Teknikal
8. Teknikal
9. Malikhain
10. Referensyal
11. Malikhain
12. Journalistik
13. Malikhain
14. Malikhain
15. Akademik
Pumili ng limang sulatin ayon sa
sinagutan sa bahaging galugarin.
Sagutan ng makabuluhan at may
diwang sagot ang gawain bilang
pagpapalalim sa
paksa at pagpapaunlad sa
kasanayang pagsulat.

You might also like