You are on page 1of 3

Pangalawang Mahabang Pagsusulit

Grade 12 (GAS) - Filipino


(1st Quarter)

TEST I – Panuto: Isulat sa patlang ang konseptong tinutukoy ng mga kasunod na pahayag. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kasunod na kahon.

actual writing biswal na deminsyon ekspresibo impormatibo malikhain


mambabasa manunulat mapanghikayat pagsulat paksa
pre-writing re-writing transakyonal
multi-dimensyonal na proseso

1. Pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaaring mapagsalinan ng mga


nabuong salita, simbolo at ilustrasyon.
2. Isang pananaw na nagsasabing ang pagsulat ay isang mental at sosyal na aktibiti.
3. Dimensyon ng pagsulat na nagsisilbing ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa
mambabasa.
4. Dimensyong nagbibigay diin sa mga simbolo bilang istimulus sa mga mambabasa.
5. Layuning ginagamit sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
6. Layuning ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.
7. Tinatawag ding expository writing.
8. Tinatawag ding persuasive writing.
9. Layunin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
10. Hakbang na pinaggaganapan ng paghahanda sa pagsulat.
11. Hakbang na kinapapalooban ng pagsulat ng burador.
12. Hakbang kung kalian ginagawa ang pag-eedit at pagrerebisa.
13. Ang mismong pukos sa impormatibong pagsulat.
14. Ang pokus sa mapanghikayat na pagsulat.
15. Ang mismong pokus sa malikhaing pagsulat.

TEST II – Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng uri ng pagsulat na tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag.

a. Akademiko c. Journalistic e. Propesyonal


b. Teknikal d. Reperensyal f. Malikhain

1. Masining ang uring ito ng pagsulat.


2. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
3. Halos lahat ng pagsusulat sa paraan ay masasabing nasa uring ito mula sa antas primary
hanggang sa doktoradong pag-aaral.
4. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o
journalist.
5. Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa
isang paksa.
6. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
7.Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin.
8. Ito ay maaaring gawing kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o
pamanahong papel, tesis o disertasyon.
9. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
10. Madalas, binubuod o pinaiikli rito ang isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal,
talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa refer sa
reperens na tinutukoy.
11. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
12. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang
makikita sa mga pahayagan o magasin.
13. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative
report n mga imbestigador, mga legal forms, beliefs, pleadings ng mga
abugado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga
doctor at nars.
14.Ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagatatala ng mga impormasyon sa note
cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
15. Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso para
rito, ang AB Journalism.
16. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang
creative devices ang mga akda sa uring ito.

17. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literature.

18. Itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili
ng mga mag-aaral tulad ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.

19. Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.

20.Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang
partikular na asignatura tulad ng science o technology.

TEST III - Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


Pamantayan
Wastong gamit ng mga salita----------------------------------------------------------- 3 puntos
Nilalaman--------------------------------------------------------------------------------- 2 puntos
Kabuuan 5 puntos
1. Bakit hindi basta-basta natututunan ng isang tao ang pagsulat?

You might also like