You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region III
Division of Pampanga
BASA AIR BASE NATIONAL HIGH SCHOOL
Floridablanca, Pampanga
S.Y. 2019-2020
Pagsusulit sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pangalan: ___________________________________ Antas: _________________ Petsa:______________Iskor:_____________

I. PAGPIPILIAN. Isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot. Gumamit ng MALAKING TITIK.
_____1. Layunin ng pagsulat na ito ay magbigay ng mahalagang impormasyon at ideya.
a. Imahinatibo b. Mapanghikayat c. Impormatibo d. Ekspresibo
_____2. Personal na pagsulat para maipahayag ang kanyang sarili.
a. Imahinatibo b. Mapanghikayat c. Impormatibo d. Ekspresibo
_____3. Layunin ng pagsulat na ito ay magbigyang-ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng manunulat.
a. Imahinatibo b. Mapanghikayat c. Impormatibo d.. Ekspresibo
_____4. Ayon sa kanya ng pagsusulat ay kakambal ng utak ibig sabihin hindi matatamo ang kalidad ng pagsulat kung walang
kalidad ng pag-iisip .
a. Kellogg b. Hellen Keller c. Bernales d. Badayos
_____5. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang
teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.
a. Akademikong Pagsulat c. Teknikal na Pagsulat
b. Referensyal d. Jornalistik na Pagsulat
_____6. Uri ng pagsulat na maaring masukat ang kakayahan ng bata.
a. Akademikong Pagsulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Referensyal d. Jornalistik
_____7. Uri ng sulatin kung saan imahinasyon ng manunulat ang gumagana.
a. Akademikong Pagsulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Referensyal d. Jornalistik
_____8. Kinikilala ang sulating ito bilang isang makapal, mabigat basahin at kung minsan ay may kabigatang intindihin dahil sa
paggamit ng mga salitang “Jargon” o espesyalisasong salita.
a. Persweysiv c.Teknikal na Sulatin
b. Referensyal d. Jornalistik
_____9. Sulatin na kadalasang nakikita sa mga artikulo, pananaliksik o tesis atbp.
a. Akademikong Pagsulat b. Malikhaing Pagsulat c. Referensyal d. Jornalistik 
_____10. Isang uri ng pagsulat ng balita. Ang isang balita ay sumasagot sa lahat ng mga tanong na sino, ano, saan, kailan, bakit,
paano.
a. Akademikong Pagsulat b. Malikhaing Pagsulat c. Referensyal d. Jornalistik 

II. PAGTUKOY AT PAGSASAAYOS. Ayusin ang mga “jumbled letters” upang matukoy ang inilalarawan ng bawat aytem.
_________________11. Maaaring iuri na synopsis sa anyong patalata o pabalangkas at nagpapakita ng pangunahing daloy
ng mga pangyayari sa isang akda, nobela, pelikula. (OBUD)
_________________12. Pinaikling bersyon ng isang pananaliksik na kadalasan ay makikita sa unahan ng panimula ng tesis
o disertasyon. (TBASKRA)
_________________13. Inilalahad nito ang mga pamamaraan na ginamit at isinagawa sa mga nakalap na datos o
impormasyon. (MDTEOOLHIAYO)
_________________14. Kilala rin sa tawag na eksposisyon na isa sa mga bahagi ng balangkas. (NTODRUSOYNKI)
_________________15. Masistemang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari. Tinatawag din itong iskeleton ng isang
sulatin. (LAGNBAAKS)
_________________16. Ibang katawagan sa kasukdulan o pinakaaabangang pangyayari sa isang kuwento. (LAKYMXA)
_________________17. Tumutukoy sa kahalagahan ng buong pag-aaral, magiging kontribusyon, at kung sino ang
makikinabang at posibleng implikasyon. (NALYUNI)
_________________18. Mahalagang datos na kinalabasan ng pag-aaral. (RSELATU)
_________________19. Mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at kung saan nagbibigay ng mungkahi ang mananaliksik.
(KEROMENDSOYAN)
_________________20. Isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng gramatika, talasalitaan,
pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element. (PGASLAUT)
III. PAG-UURI. Batay sa mga uri ng sulatin/teksto, tukuyin kung ito ay PAMPERSONAL O PANSOSYAL/PANLIPUNAN.
______________21. Balita __________________26. Repleksyong Papel
______________22. Liham pangkalakal __________________27. Talaarawan
______________23. Tula __________________28. Editorial
______________24. Maikling Kwento __________________29. Thesis
______________25. Anunsyo __________________30. Posisyong Papel
IV. PINAGBUTING TAMA O MALI. Basahin at unawain kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Bigyang pansin ang
salitang may salungguhit. Isulat ang MAGBABAGO NA AKO kung wasto ang pahayag, kung di-wasto palitan ng wastomg sagot
ang salitang may salungguhit.

_________________31. Pansosyal na gawain ang pagsulat kung ito ay may layuning ekspresibo o pagpapahayag ng iniisip o
nadarama.
_________________32. Taglay ng akademikong sulatin ang mababang gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan
ng karunungan.
_________________33. Hindi maaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng
kognisyon.
_________________34. Ang malikhaing pagsulat ay pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon
ng mga ito.
_________________35. Ang akademikong sulatin ay kaugnay ng akademikong disiplina at isinusulat sa iskolarling pamamamaraan.
_________________36. Ang impormatibong pagsulat ay naghahangad na makapagbibigay ng impormasyon at mga paliwanag.
_________________37. Masasabing akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na
maaaring interdisiplinari o multidisiplina mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko, at
iba pa.
_________________38. Ang persweysiv na pagsulat ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran,
opinion o paniniwala.

V. ANO SA PALAGAY MO?

39-42. Ilahad sa sariling pangungusap kung ano ang bionote.

________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

43-46. Bakit sinasabing magkakambal ang utak o isip at ang pagsulat?

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

47-50. Mula sa sariling pangungusap, ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng biograpiya at awto-biograpiya.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

Rubrik:

May kawastuhan ng wika at bantas ang kasagutan 2 Tiyak at direkta ang diwa ng kasagutan 2
May mga ilang bahagi ang di-ginamitan ng wasting wika
1 Maligoy ang diwa ng kasagutan 1
at bantas
Kabuuang 4 na puntos sa bawat kasagutan

Hindi lubhang mahalaga kung ano ang natapos mo; mas mahalaga ay kung paano ang
simula mo. -eca

You might also like