You are on page 1of 1

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region III
Division of Pampanga
BASA AIR BASE NATIONAL HIGH SCHOOL
Floridablanca, Pampanga
S.Y. 2019 – 2020
Filipino sa Piling Larang (TECHVOC)

PANGALAN:__________________________________PETSA:_______________ISKOR: ______________
LAHAT NG MAY BURA AY MALI. PARANG SA PAG-IBIG, BES.
HUWAG MO NANG IPILIT, MASASAKTAN KA LANG.
I. Panuto: Isulat ang PAK kung katanggap-tanggap at GANERN kung di-katanggap-tanggap ang isinasaad
na pahayag ng bawat bilang.
_____1. Ang liham pangnegosyo ay kilala rin sa tawag na liham pangangalakal.
_____2. Kailangang may kaisahan ang mga kaisipan.
_____3. Magkakasama ang mga magkakatulad na kaisipan sa bawat talata ng liham.
_____4. Nararapat na maging malawak at maligoy ang pagpapahayag.
_____5. Ginamitan ng magagalang na pananalita ang mga pahayag.
_____6. Tiyak ang mga impormasyong binanggit sa liham.
_____7. Suriing mabuti ang katumpakan ng mga pangungusap upang maiwasanang kalabuan ng mga kaisipan.
_____8. Iwasan ang mga pagdadaglat ng mga salita.
_____9. Sa pagsulat ng Liham-pag-aaplay, nararapat isaalang-alang ang paglalahad ng mahalagang kaalaman
tungkol sa sumulat at ang layunin niya sa pagsulat.
_____10. Sa pagsulat ng liham na sumasagot sa anunsyo ay kailangang banggitin ang pinagkunan ng anunsyo,
ang gulang, ang natapos na pag-aaral, mga karanasan, at ang mga taong nagrerekomenda sa kanya.
_____11. Ginagamit ang tuldok-kuwit sa bating panimula ng mga liham-pangnegosyo.
_____12. Ang kuwit ay ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay, sa pagitan ng petsa at ng taon
at bating pangwakas sa isang liham.
II. Panuto: Piliin sa mga nasa loob ng kahon sa ibaba at isulat ang angkop na pang-uri sa bawat patlang.
1. Sadyang kahanga-hanga ang_______________ ninyong kaalaman sa larangan ng agham at teknolohiya.
2. ______________________ po ang inyong pangalan sa lahat ng pampublikong paaralan sa Maynila.
3. Lubos po naming pinasasalamatan ang ________________________ ninyong kalooban.
4. Kayo po ang magsisilbing inspirasyon namin sa pagkakamit ng __________ naming pangarap sa buhay.
5. Nawa’y magkaroon kayo ng panahong mapaunlakan ang aming paanyaya sa kabila
ng_______________________ninyong iskedyul.
6. Tatanawin po naming_______________________ utang na loob ang inyong pagdalo.
7. Ngayon pa lamang ay nakikinita ko na ang isang __________________________ na pagdiriwang.
8. Ang_________________________ ninyong pagtugon ay labis naming pasasalamatan.
9. Tunay na dapat dakila ang isang_____________________________ tulad ninyo.
10. Tanggapin ninyo ang__________________________ naming pagpapasalamat.

kilala matayog malaking malawak bihasa


taos-puso madalang maaga ginituan
mahigpit matagumpay maingay dakilain
marami
III. Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang maayos na liham-pag-aaplay.
Isaalang-alang ang pormat, anyo, nilalaman, baybay at kayariang panggramatika.

1. Mahal na Gng. Benitez:


2. Gng. Diana Benitez
Tagapamahala
JEA Publication
Cubao, Quezon City
3. 1920 Dagupan
Tondo, Manila
Marso 23, 2005
4. Lubos na gumagalang
Evelyn Jimenez
5. Nakahanda po ako sa panayam na inyong itatakda.
6. Nabasa ko po ang inyong anunsiyo sa pahayagang Daily Bulletin noong Marso 22, 2005 na kayo ay
nangangailangan ng taga-edit.
7. Nagkaroon po ako ng karanasan bilang taga-edit sa aming pahayagang pampaaralan at namasukan na rin po sa
F&B Publishing House bilang katulong sa pag-eedit.
8. Hinihiling ko pong ipaubaya ninyo sa akin ang naturang puwesto
9. Malawak po ang aking karanasan sa mga gawaing may kinalaman sa pag-eedit at sanay na sanay sa mahirap na
gawain.
Inihanda ni:
GNG. EDITA CALARA-AQUINO
Guro, FSPL 12

You might also like