You are on page 1of 11

DEPARTMENTOFEDUCATIONREGIONIII

SCHOOLSDIVISIONOFFICEOFPAMPANGA
CITY OF SANFERNANDO

Modified Strategic Intervention


Material in Filipino
Piling Larang-TVL
Kwarter 2:Modyul 5 (Week 1-2)

GRADE 12
ARALIN 5: LIHAM
PANGNEGOSYO

GUIDE CARD

Alamin

Ang araling ito ay dinisenyo at isinulat nang may pagsasaalang-alang sa iyo. Ito
ay naglalayong tulungan ka nang maging bihasa ka sa pagsasagawa ng mga sulating
teknikal-bokasyunal sa Filipino na nakabatay sa iyong napiling larang. Ang aralin ay
isinaayos sa paraang maaaring magamit sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang
wikang ginamit ay ibinatay sa antas ng kaalaman at talasalitaan ng mga mag-aaral.

Ang aralin ay tungkol sa magkakaugnay na konsepto tungkol sa liham.


Matatalakay ang mga uri at bahagi nito. Makagagawa ka rin ng iyong sariling liham.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES

Naiisa-isa ang mga hakbang sa Maisa-isa ang mga uri at bahagi ng liham
pagsasagawa ng mga binasang pangnegosyo.
halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal Makapagsusuri at makagagawa ng isang
liham pangnegosyo.

Subukin
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng


kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagkalakalan sa kanila.
a. Manwal c. Flyers at leaflets
b. Liham d. Paalala at babala
2. Ito ay bahagi ng liham kung saan nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat.
a. Pamuhatan c. Katawan
b. Bating Panimula. d. Patunguhan
3. Ito ay isang uri ng liham na isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang
isang bagay / produkto na iniendorso.
a. Liham Subskripsyon c. Liham Pagpapakilala
b. Liham Aplikasyon d. Liham ng Pamimili
4. Ito ay halimbawa ng bating panimula.
a. Ika-20 ng Hunyo,1998 c. Lubos Na Gumagalang,
b. Ginoo: d. San Matias, Sto. Tomas, Pampanga
5. Bakit mahalagang lagyan ng lagda ang isang liham?
a. Nang maging pormal
b. Maging katanggap –tanggap
c. Maisaad ang pagkakakilanlan ng sumulat ng liham
d. Lahat ng nabanggit
Balikan

Sa nakaraang aralin , ang iyong napag-aralan ay ang Manwal at kung papaano ito
nagagamit bilang isang sulating-teknikal. Ang konseptong iyong natutuhan ay maaaring
iugnay sa iyong bagong paksang iyong pag-aaralan. Ang iyong natutuhang konsepto sa
paggamit ng mga salitang-teknikal sa Manwal ay higit na makatutulong sa iyong pag-
aaral sa bagong aralin.
Bilang pagbabalik-aral sa dating napag-aralan, magbigay ka ng apat na konseptong
iyong natatandaan tungkol sa Manwal.

MANWAL

ACTIVITY CARD

Tuklasin

Sa iyong pagtuklas sa bagong aralin, kinakailangan mong hulaan ang mga salitang
nakakubli sa larong tinatawag na “Wikarambolan”. Huhulaan mo ang mga salitang
mabubuo sa pinagsama-samang salita mula sa Ingles. Alamin kung ano ang
mabubuong salita sa Filipino.

Wikarambolan

1. CAT A ONE __________________________________

2. FAT TWO NEW WHO ONE __________________________________

3. BAY TEA FAN WAY CAST __________________________________

4. FAME YOU HE ATE TAN __________________________________

5. LOG DOUGH __________________________________

6. BUT THING FAME KNEEL MOLE LAND____________________________


Suriin

Ang Liham Pangnegosyo o Pangangalakal ay ay sinusulat

upang makapag-ugnayan sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan.

Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga

mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais

makipagkalakalan sa kanila. Ang ganitong uri ng liham ay kailangan ang

mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos,

malinis at makinilyado o encoded.

MGA URI NG LIHAM PANGANGALAKAL

- Liham ng Aplikasyon - Isinusulat upang humanap ng trabaho.

- Liham Pagpapakilala - Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang

isang bagay / produkto na iniendorso.

- Liham na Nagtatanong - Isinusulat upang humingi ng impormasyon

- Liham na Nagrereklamo - Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing

- Liham ng Subskripsyon - Isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon

ng pahayagan, magasin at iba pang babasahin

- Liham ng Pamimili - Isinusulat upang bumili ng paninda na ipinadadala sa koreo

Bahagi ng Liham

1. Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat.

Halimbawa: #120 Poblacion Street, Sta Maria


Minalin, Pampanga.

Mataas na Paaralang Pambansa ng San Matias


San Matias, Sto. Tomas, Pampanga.

2. Petsa – araw, buwan, at taon kung kalian isinulat ang liham.

Halimbawa : ika-20 ng Hunyo, 1998


3. Patunguhan – Ito ang tumatanggap ng liham.

Halimbawa:

Gng. Virginia Q. Tizon G. Freddie P. Regala


Geng’s Flower Shop Punong Guro IV
Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga San Matias National High School
San Matias, Sto. Tomas, Pampanga

4. Bating Panimula-ito ay magalang na pagbati na maaaring pinangungunahan ng


Ginoo, Ginang, Mahal na Ginang o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong
padadalhan ang liham ang bating panimula o ginagamit.

Halimbawa:

(Gng.) Ginang: Mahal na Ginang:


(G. ) Ginoo: Mahal na Binibini:

5. Katawan ng Liham – ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais


ipabatid ng sumusulat sa kanyang sinusulatan.

Halimbawa:

Magandang araw!
Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga
bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Abril 19, 2020.

4 na dosenang Daisy (pink)


4 na dosenang Rosas (puti)
2 dosenang Gladiola (dilaw)

Kalakip po nito ay money order na isang libong piso (P1,000).


Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay pagtanggap namin ng mga bulaklak

6. Bating Pangwakas –Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa


kuwit (,).

Halimbawa:
Sumasainyo, Nagmamahal, Lubos na gumagalang,

7. Lagda – pirma ng sumulat sa liham

Halimbawa:

Juan dela Cruz Magdalena Quiroz


ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

Ang gawain sa ibaba ay higit na magpayayaman sa kaalamang iyong natuklasan.


Pumili sa mga uri ng liham pangnegosyo at maglalahad ng pagsusuri sa napiling liham
gamit ang graphic organizer.

Anyo

Napiling Uri ng
Layunin Liham Nilalaman

Wika

Tayahin 1

Sa gawaing ito kinakailangan mong buuin ang AKROSTIK sa ibaba,batay sa inyong


natutuhan sa tinalakay na aralin

L-
I-
H-
A-
M-
ENRICHMENT CARD

Malayang Gawain

Gumuhit ng isang simbolismo batay sa natutuhan mong konsepto tungkol sa liham. Ipaliwanag
ito sa 3-5 pangungusap.

Paliwanag:
REFLECTION CARD

Isaisip

Sa iyong palagay, anu-ano kaya ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagsulat
ng isang liham?

DAPAT GAWIN LIHAM ‘DI DAPAT GAWIN


PANGNEGOSYO

1.______________ 1._____________

2.______________ 2.______________

3.______________ 3.______________

4.______________ 4.______________

Isagawa

Ikaw ay magsusulat ng isang liham pangnegosyo. Ang mga uri at magiging paksa ng iyong
liham ay makikita sa mga pagpipilian sa kahon. Ang iyong awtput ay mamarkahan gamit
ang Rubriks sa ibaba.

• Liham Kahilingan para sa punongguro ng inyong paaralan.


• Liham na Nagtatanong para sa Admission Office ng Don Honorio
Ventura State University.
• Liham Pamimili sa isang malaking Grocery store
• Liham na Nagrereklamo para sa Punong Barangay.
• Liham ng Subskripsyon sa Cosmopolitan Magazine.
Pamantayan 20 15 10 5

NILALAMAN
Ang nilalaman ng Ang nilalaman Ang liham na
liham ay angkop, ng liham ay Ang liham na ginawa ay
kumpleto, at may sapat at ginawa ay may may kulang
maayos ang mga angkop na kaunting at maling
nilalaman at nilalaman at impormasyon. impormasyon
impormasyon. impormasyon. g inilahad.

PAGLALAHAD Maayos, malinawMaayos ang Hindi gaanong Mahina at


at proseso ng maayos ang hindi maayos
malakas ang
paglalahad paglalahad ng ang
proseso ng
ngunit may mga ideya. May paglalahad ng
paglalahad ng mga
iilang ideyang dalawang mga ideya.
ideya at konsepto.
hindi nailahad bahaging May tatlo at
Kumpleto ang mganang malinaw. nawawala sa higit pang
bahagi ng liham May isang liham. bahagi ang
bahaging nawawala sa
nawawala sa liham.
liham.
BALARILA Maayos at wasto Maayos ngunit Hindi gaanong Mahina at
ang paggamit ng may ‘di wastong nagamit nang maraming
mga rehistro ng paggamit ng wasto ang mga kamalian sa
wika at bantas. salita at bantas salita at may balarila.
sa rehistro ng pagkakamaling
wika pambalarila.

ASSESSMENT CARD

Tayahin

Bilang pagtataya ng iyong natutuhang mga kaalaman, susuriin mo ang iyong sariling liham
na ginawa sa bahaging “ISAGAWA”.

May mga nakahandang katanungan na magsisilbing gabay para sa iyong maayos at


masusing pagsusuri.

Mga Gabay na Tanong para sa Pagsusuri:


1. Tungkol saan ang liham na binasa?
2. Anu-ano ang mga bahagi ng liham na binasa?
3. Anong uri ng liham ang binasa?
4. Ibigay ang tiyak na layunin ng sumulat?
5. Paano ito naiba sa impormal na pagsulat ng liham?
REFERENCE CARD

Santos, C. L. (2016).Filipino sa Piling Larang Tech-Voc. Pasig City, Philippines:Bureau of


Learning Resources ( DepEd-BLR).

Susi sa Pagwawasto

Subukin: Tuklasin:
1. B 1. Katawan
2. A 2. Patunguhan
3. C 3. Bating Pangwakas
4. B 4. Pamuhatan
5. Lagda
5. D
6. Bating Panimula
This material was
contextualized by the
Curriculum Implementation
Division (CID)
Learning Resources Management and Development System
(LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material

Manunulat: Joseph Ian T. Quiambao


Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD-EPS Filipino
Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo S. Yambao / Timothy Bagang (cover)
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD,CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMDS
June D. Cunanan, EPS-ADM Division Coordinator

You might also like