You are on page 1of 3

Ang liham ay isang paraan ng komunikasyon na ginagamit upang maipahayag ang iba’t

ibang damdamin, impormasyon, o mensahe sa pamamagitan ng sulat. Ito ay maaaring


para sa isang indibidwal, grupo, institusyon, o kahit na para sa sarili. Isa itong
dokumento na nagpapahayag ng mensahe mula sa nagpadala patungo sa tatanggap.
Paano Gumawa ng Liham
Sa paggawa ng liham, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Tiyakin ang Layunin ng Liham
Magplano. Ano ang gusto mong maabot sa iyong liham? Ang layunin nito ay magiging
gabay sa iyong pagsusulat.
Kilalanin ang iyong Susulatan
Alamin kung sino ang tatanggap ng iyong liham. Ang kanilang background at interes ay
makakatulong sa iyo na magsulat nang mas epektibo.
Isulat ang Liham
Simulan ang iyong liham sa pamamagitan ng pagbati, kasunod ang mga detalye ng
iyong mensahe, at tapusin ito sa isang maayos na pamamaalam.
I-review at I-edit
Siguraduhing walang mali at malinaw ang inyong mensahe.
Mga Bahagi ng Liham
Mayroong limang bahagi ng liham. Ito ay ang mga sumusunod:
Pamuhatan
Ang pamuhatan ay binubuo ng tirahan ng sumulat o yung adres ng pinagmulan ng
liham. Nakasulat din dito ang petsa kung kailan ginawa ang liham.
Halimbawa ng Pamuhatan
456 Brgy. Matapang
Kawit, Cavite
Hunyo 12, 1898
Bating Panimula
Ito ang bahagi kung saan makikita ang pagbati ng taong sumulat sa kanyang
sinusulatan. Iba-iba nag maaaring gamitin bilang pambating panimula. Depende sa uri
ng liham kung ito ay pormal o di-pormal.
Mga Halimbawa ng Bating Panimula
Sa di-pormal na liham, tandaan na ang bantas na gagamitin sa dulo ng bating
panimula ay kuwit o comma (,). Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Mahal kong kaibigan,
Mahal kong anak,
Mahal kong pinsan,
Mahal kong Nanay,
Mahal kong Lolo,
Minamahal kong Linda,
Mahal kong Kuya Buboy,
Mahal kong Lola Gina,
Minamahal kong Diego,
Kung para naman sa pormal na liham, ang bantas na gagamitin sa dulo ng bating
panimula ay tutuldok o colon (:). Ito naman ang ilan sa mga halimbawa:
Mahal na Ginoong Penitente:
Mahal na Gng. Magsalin:
Mahal na Bb. Batumbakal:
Mahal na Mayor Hidalgo:
Mahal na Kapitan Gatdula:
Mahal na Gobernador Magat:
Mahal na Kalihim Tiongson:
Mahal na Pangulong Marcos:
Katawan ng Liham
Sa bahaging ito isinasaad ng sumulat ang dahilan ng kanyang pagsulat. Dito makikita
ang pinaka paksa, mensahe, o layunin ng liham.
Katangian ng Maayos na Katawan ng Liham
1. Malinaw at Tumpak na Nilalaman
o Kailangang malinaw na nakasaad ang lahat ng mga detalye at
impormasyon sa liham. Huwag pumayag na mag-iwan ng anumang
alinlangan sa isip ng mambabasa. Ang mga pahayag dapat ay tumpak
at hindi nagbibigay ng maling impormasyon.
2. Maayos na Pagkakasunod-sunod
o Dapat ay organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap,
talata, at bahagi ng liham. Kailangan mong magbigay ng lohikal na
daloy ng impormasyon sa mambabasa.
3. Madaling Basahin at Unawain
o Dapat ay gamitin ang mga salitang madaling maunawaan at hindi
magpakomplikado. Siguraduhing mayroong maayos na banghay at
tamang bantas.
4. Magalang na Tono
o Kailangang ang tono ng sulat ay magalang, lalo na kung ang layunin
nito ay opisyal o propesyonal. Dapat na igalang ang mambabasa at
hindi gumamit ng salitang maaring makasakit ng damdamin.
5. Wastong Gramatika at Pagbabaybay
o Siguraduhing walang maling gramatika o pagbabaybay sa iyong sulat.
Ang mga maling gramatika at pagbabaybay ay maaaring makagulo sa
mensahe na nais mong ipahayag.
6. Kawastuhan ng Impormasyon
o Lahat ng mga datos at impormasyon na ibinibigay sa liham ay dapat na
tama at kapani-paniwala. Hindi dapat maglaman ng mga hindi totoong
pahayag.
7. Pagiging Epektibo
o Ang sulat ay dapat na makamit ang layunin nito, kung ito man ay
upang magbigay impormasyon, humiling, o manghikayat. Sa huli, ang
mambabasa ay dapat na maunawaan at maaksyunan ang iyong
mensahe.

You might also like