You are on page 1of 12

LIHAM

Ano nga ba ang


Liham?
Ang liham o sulat ay
isang isinulat na
mensahe na naglalaman
ng kaalaman, balita, o
saloobin na pinapadala
ng isang tao para sa
kanyang kapwa.
Pagsulat ng Liham
• Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng
pakikipagtalastasan na isinasagawa sa pamamagitan ng
limbag na mga salita.
• Ang isang liham ay katulad din ng personal na
pakikipagusap kababakasan ng tunay na personalidad
ng taong sumusulat ay matamang nag-isip at malinaw
na nakapagpahayag ng kanyang tunay na damdamin sa
pamamagitan ng mga mapitagan at magagalang na
pananalita.
• Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay
gumagamit ng wastong pahayag ng kanyang ideya,
pumili ng mga makahulugang pananalita nagpamalas ng
sapat na kaalaman sa bagay na nais niyang ihatid, at
gumamit ng sariling istilo sa pagsulat na madaling
maunawaan ng bumabasa.
• Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga di-maliwasang
aktibidad sa negosyo at pangangailangan personal. Ang
korespondesyang pampamahalaan at liham-
pampangalakal at iba ba pang kauring liham ay dapat
nang may kapormalan. Hinahanap sa ganitong uri ng
mga korespondensya ang pagiging kahika-hikayat at
nakakukumbinsi sa bumabasa o pinadadalhan.
Karaniwang Mungkahi Tungo
sa Mahusay na Pagsusulat

1. Ituon ang iyong pag-iisip.


(Center your mind)
2. Organisahin ang iyong
iniisip. (Organize your thinking)
3. Tiyakin ang iniisip. (Scpecify
your thinking)
4. Ilahad nang malinaw ang
iyong mga ideya o kaisipan.
(Present your thoughts clearly)
Mga Katangian ng Liham
• Madaling makapaghanda ang sinuman
ng isang liham, maging ito'y liham na
pormal o di-pormal, subalit iilan
lamang ang mapipili at maituturing na
mahusay ang pagkakahanda. Ang
pangunahing dahilan nito ay ang
kakulangan sa bisa ng liham.
• Mahalagang isiping kailangang laging
maging pormal at mabisa ang pagsulat
ng liham pantanggapan.
Nangangailangan ito ng pagiging
maayos ng ideyang nais ipahatid sa
sinusulatan.
Upang maging
matagumpay ang isang
liham, inilalahad dito
ang ibang elementong
dapat taglayin kasama
ang pabuod na
paliwanag sa bawat isa.
1. Malinaw (Clear)
- Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad
ipabatid sa liham. Iplano ang pagkasunod-sunod ng mga ideyang
ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang
pagkakapagpahayg ng bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o
paligoy-ligoy ang liham. Higit na epektibo ang maikling
pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pag-
unawa.
2. Wasto (Correct)
- Laging isaisip na ang anumang liham na nangangailangan ng
katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na
impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin muna ang mga kailangan at
ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang prayoridad. Tiyaking
wasto ang bawat pahayag o impormasyon bago ito isulat. Ang wastong
pagpapahayag at balarilla ay napakapundamental sa kapuri-puring
pagsulat ng liham o ano mang uri ng panulat.
Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang pagbabantas.

3. Buo ang kaisipan (Complete idea)


- Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat
kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumusulat,
lalabas na kapos o may pinsala sa pangunahing sangkap ang liham.
Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinusulatan, dapat na unang-
unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumusulat.
4. Magalang (Courteous)
- Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Kasinghalaga ito ng
wika. Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagagalitin, o
pagkawala ng kagandahang-asal. Makatatawag-pansin ang
pagkamagalang, kaya't agad nakukuha ang tugon o reaksyon sa liham.
Makatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya't agad nakukuha ang
tugon o reaksyon sa liham. Naipakikita at naipadarama ng mga Pilipino
ang iba't ibang uri ng pagiging magalang nila sa pamamagitan ng
kanilang pananalita.

5. Maikli (Concise)
- Sikapin na ang bawat salitang isusulat ay makakatulong sa
pagpapabatid ng nais sabihin sa nililihaman. Iwasan ang paglalakip
ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito'y isa lamang pag-aaksaya
ng panahon at nakapapawi ng interes ng nililihaman.
6. Kombersasyonal (Conversational)
- Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kapag ang
bumabasa nito'y parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa
natural na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na
maging epektibo ang pagkakaunawaan.
Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang pagkamaligoy. llahad
nang makatotohanan ang mga ideya at paniniwala. Iwasan ang
pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na "Ako' na karaniwang
ipinoposisyon sa simula ng pangungusap.

7. Mapitagan (Considerate)
- Pakatimbangin ang anumang nais ipahayag ng sumusulat. Bigyang-
diin ang mensaheng nagbibigay- interes sa sinusulatan o bumabasa.
Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay
maipadama ang pagtitiwala at kabutihang-loob.
Pangkalahatang uri ng liham/Korepondensya

Liham Pantanggapan at Liham Pangangalakal.

• Ang liham pantanggapan ay tumutukoy sa mga Iiham na ginagamit


sa tanggapang pampamahalaan at/o pribado na ang paksa ay hinggil
sa anumang transaksyon o mga isyu sa loob at labas ng mga
tanggapang nabanggit.

• Ang liham pangangalakal ay tumutukoy sa mga ugnayang pasulat sa


pagitan ng mga establisyemento pangkalakalan, publiko man o
pribado.

You might also like