You are on page 1of 65

Ang Filipino sa

Pagsulat
Pagsulat
 Ayon kina Bernales et al. (2001), ang pagsulat ay
pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layu n in maipah ayag an g kan iyan g
/kanilang kaisipan.
Mga Uri ng
Liham
Mula sa Patnubay ng Korespondensiya Opisyal
(Ikaapat na Edisyon 2015)
Bahagi ng Liham
Liham Pagbati
 Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang
nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na
k a s i y a - s i y a . G a n i to r i n g u r i n g l i h a m a n g
ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang
k a p u r i - p u r i o k a h a n g a - h a n g a n g b a g ay s a
tanggapan.
Liham Pagbati

https://www.google.com/url?
sa=i&url=https%3A%2F%2Fbrainly.ph%2Fquestion%2F937921&psig=AOvVaw0iL9gknL1QybBKYd08UAxy&ust=1709643360302000&
source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBYQ3YkBahcKEwio8Jqg1NqEAxUAAAAAHQAAAAAQCA
Liham Paanyaya

 Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo


sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o
gumanap ng mahalagang papel sa isang
partikular na okasyon.
Liham Paanyaya

https://images.app.goo.gl/jvH8rKyzCc5rZp7B7
Liham Tagubilin
 Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang
i n di b i dwal o tan g g ap an ku n g may g awai n g
nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng
gawain upang magkatulungan ang mga
kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.
Liham Tagubilin
Mahal kong mga Anak,
Ako ay aalis muna upang magtrabaho sa ibang bansa.
Alam ninyong hindi madali sa akin ang desisyon na ito. Pero
kung minsan,, may mga bagay tayong ginagawa hindi dahil sa
gusto natin, kung hindi dahil ito ay kinakailangan at hinihingi ng
pagkakataon.
Liham Tagubilin

Sa aking pag-alis, iiwna ko sa inyo ang aking walang


hanggang pagmamahal. Walang kasiguruhan sa aking
pupuntahan. Pero ang pagmamahal ko sa inyo ang gagabay
patungo sa inaasam kong buhay para s ainyo.
Liham Tagubilin

Ipangako ninyo sa akin na lalo kayong magmahalan


habang ako ay wala. Alagaan at proteksyonan ninyo ang isa’t
isa. Alam kong mabubuti kayong bata at isgurado ako na
gagabayan kayo ng Diyos habang wala ako sa tabi ninyo.
Liham Tagubilin
Mahal na mahal ko kayo!

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal,
Ang inyong Ina
Liham Pasasalamat
 Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog
na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng
kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at
opinyon, at tinanggap na mga bagay.
Liham Pasasalamat
Liham Kahilingan
 Liham na inihahanda kapag nangangailangan, o humihiling
n g i s a n g b a g a y, p a g l i l i n g k o d , p a g p a p a t u p a d , a t
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya
tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.
Liham Kahilingan
Liham Pagsang-ayon
 Liham na inihahanda kapag nangangailangan, o humihiling
n g i s a n g b a g a y, p a g l i l i n g k o d , p a g p a p a t u p a d , a t
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya
tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.
Liham Pagsang-ayon
Liham Pagtanggi

 Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di


pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan,
panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at
transaksiyonal.
Liham Pagtanggi

 Kailangang mahusay na maipahayag ang dahilan ng


pagtanggi ng inaanyayahan upang hindi makapagbigay-
alinlangan sa sumulat. Nasasalamin sa ganitong uri ng
liham ang pagkatao o personalidad ng tumatanggi sa
liham.
Liham Pagtanggi
 Dapat tandaan na kapag ang inaanyayahan ay tumanggi o
di makadadalo sa paanyaya, kailangang magpadala ng
isang kinatawang gaganap ng kanyang tungkulin. Kung di
gustong ipaganap ang tungkulin, sagutin ng
nakakukumbinsing pananalita sa liham ang nag-aanyaya.
Liham Pagbibitiw
 Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang
kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa
pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at
mapanghahawakang kadahilanan.
Liham Pagbibitiw
 Kinakaiiangan ditong mailahad nang maayos at mabisa
ang dahilan ng pagbibitiw sapagkat nasa anyo at himig ng
pananalita ng nagbibitiw ang larawan ng kanyang pagkatao.
Hinihingi rito ang marangal na pagpapahayag. Dapat
iwasan ang panunuligsa sa tanggapan o sa mga pinuno at
tauhan ng opisinang nililisan.
Liham Pakikiramay

 Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan,


kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang
kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha,
sunog, aksidente o anupamang sakuna ngunit buhay pa.
Liham Pakikiramay

 Nilalaman ng liham ang lubos na pakikiramay sa sinapit na


sakuna at ang tulong na nais ipaabot ng tanggapan sa
biktima. Nararapat na maipadala agad ito sa kinauukulan
matapos mabatid ang pangyayari.
Uri ng
Korespondensya
 Liham Pangangalakal
 Katitikan ng Pulong
 Kasunduan
 Katibayan
 Ulat
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal

 Sa usaping “epektibong komunikasyon,” hindi malalayo o


makaliligtaan ang pagsulat ng liham sa ibalt ibang
kadahilanan. Maaaring napangungunahan ng takot dahil
mas pormal ang anyong ito.
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal

 K i nak ai l ang ang m ag i ng d o b l e ang i ng at m ul a sa


pagkakamali, dahil ang karaniwang pinadadalhan ng mga
ganitong uri ng liham ay mga may katungkulan. Ang tawag
sa ganitong sulatin ay korespondensiyang opisyal.
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal

 Ang korespondensiya ay sumasaklaw sa lahat ng sulating


opisyal na nauukol sa isang kawani, mula sa isang pinuno
patungo sa isang kawani, o pinuno sa isang tanggapan o
kaya ay sa loob ng magkakaugnay na tanggapan.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Kalinawan
• Maging mapili sa mga salitang gagamitin. Gamitin ang
salitang angkop sa propesyon ng sinusulatan.
• May kahusayan sa wikang gagamitin. May kalinawan sa
pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng mahusay at
mabuting paggamit ng wika.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Solidong Diwa
• Buong-buo ang pagpapahayag ng wika na hindi nag-
iiwan ng kakulangan sa impormasyon.
• Mahalaga ring ang nilalaman ay kongkreto at natitiyak na
kakayaning isagawa.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Magalang
• Ang mabuting liham, katulad ng taong magalang sa
pakikitungo sa kanyang kapwa, ay kinalulugdan at
kinawiwiwlihan.
• Nagpapatibay ito ng ugnayan ng sumulat at sinulatan.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba


• Sa pakikitungo sa kapwa, hindi palaging
m ap ang hahawakan ang iyong sarili sa anum ang
pagpapasiya sapagkat ang iyong kagustuhan ay hindi
maaaring kagustuhan din ng nakararami.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Maikli
• Ang haba ng iiham ay dapat isaalang-alang upang
maipahayag ang mensahe nang walang labis at walang
kulang.
• Ang Iiham ay mapaiikli lamang hanggang sa habang
lohikal.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Maikli
• Hi nd i ki nakai l ang ang g um am i t ng m atayutay na
pagpapahayag.
• A n g k a i l a n g a n a y a n g t u w i ra n g p a g l a l a h a d n g
impormasyon sa taong sinusulatan.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Tiyak
• lwasan hangga’t maaari ang paggamit ng mga salitang
abstrakto at mga pangkalahatang salita. Higit na dapat
gumamit ng mga salitang kongkreto at eksakto upang
maging tiyak at diretso ang pinupuntong mensahe.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Wasto
• Sikaping maging wasto ang liham sa pamamagitan ng
walang pag-aagam-agam sa pagpapahayag ng mensahe.
Siguraduhing tama ang taong susulatan ng liham, wasto
ang pagkakasulat ng pangalan at tirahan, at iwasan ang
maraming salitang mali o nakalilito.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Katanggap-tanggap o Maayos ang Anyo


• Kailangang katanggap-tanggap ang liham dahil sa
hitsura pa lamang ay maipalalagay na ng babasa nito
kung maganda o hindi ang nilalaman ng sulat.
• Nakatutulong din sa kagandahan ng liham ang papel na
ginagamit.
Mga Katangian ng Korespodensiyang Sulatin

 Katanggap-tanggap o Maayos ang Anyo


• Binibigyang-halaga rin dito ang porma ng liham na lubhang naiiba
sa liham-pangkaibigan.
• Ang mga porma ng iiham sa korespondensiya, tulad ng nabanggit
sa naunang modyul, ay pormang may indensiyon, pormang fuli
block, at pormang modif ie d block na walang indensiyon ang
bawat simula ng talataan.
Mga Uri ng
Sulatin
Personal na Sulatin

Impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito


ang pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata dahil
nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala,
damdamin, pag-iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa
kanilang sarili.
Transaksyunal na Sulatin

pormal, maayos ang pagkakabuo, at


binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng
nais ihatid dahil komuunikasyon ang pangunahing
layunin ng ganitong sulatin.
Malikhaing Sulatin

masining ng paglalahad ng naiisip o nadarama at


karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa
sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa
paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay
sa paligid o di ka’y isang libangan.
Personal na Sulatin

 Shopping (groseri list)


 Liham
 Tala
 Mensahe
 Diary
 Pagbati
 Dialog
 Talambuhay
 Dyornal
Transaksyunal na Sulatin

 Liham pangangalakal
 Panuto  Patakaran at mga tuntunin
 Memo  Ulat
 Plano  Adbertisment/patalastas
 Proposal
Malikhaing Sulatin

 Tula
 Maikling Kuwento
 Awit
 Anekdote
 Biro
 Bugtong
Anyo ng Sulatin
Pasalaysay (Narration)

Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang


sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at
may tagpuan.
( M a i k l i n g Ku w n e t o , t a l a m b u h a y, d y o r n a l ,
kasaysayan, kathang-isip atb.)
Palarawan ( Descriptive)

Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng


larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o
magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga
bagay-bagay, pook, tao o pangyayari. (paglalarawan
ng mga tao, bagay, lugar o konsepto)
Panghihikayat (Persuasive)

Pagpapahayag na nagllayong mahikayat


ang mambabasa na makiayon o tanggapin
ang pananaw ng manunulat.
*(adbertisment)
Eksposisyon (Exposition)

Pagpapahayag na may tunguhing


ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran
at mga kaisipan.
*(pagpapaliwanag, impormasyon)
Pangangatwiran (Argumentation)

Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o


kuro-kro na naglalayong mapaniwala ang kausap o
bumabasa sa opinion, palagay at paniniwala ng
nagsasalita o ng sumusulat.
* (opinyon, talakay, ebalwasyon)
Ang Pagsusulat
ng Katha
Tandaan

1. Wastong pagsulat ng pamagat sa pahina


2. Paglalaan ng sapat na palugit sa magkabilang
panig ng pahina
3. Pagpapasok ng palugit sa talataan
4. Paglalagay ng puwang sa pagitan ng pamagat at
unang talataan.
Tandaan

5. Wastong pagbabantas at pagbabaybay


6 . P a g s u l a t n g m a ay o s a t m a l i n a w n a
babasahin.
Paghahanda ng
Burador
Pagsulat ng Burador

Habang sumusulat ng burador ang mga bata, dapat na


subaybayan ng guro upang mapabuti ang kanilang sulatin.
Ganyakin ang mga mag-aaral na lalong pagbutihin ang
kanilang gawain. Bigyan ng kasanayan sa pamamagitan ng
paulit-ulit na pagbasa sa mga kathang kanilang isinulat.
Pagsasaayos ng Burador

K ai l ang ang i p ad am a sa m g a m ag - aaral na


kinakailangang sumulat sila ng komposisyong kawili-wili,
wasto ang pangungusap at mabuti ang pagkakabuo.
Bigyan sila ng kasanayan sa pagwawasto ng mga katha
matapos makita sa pisara kung papaanong ang katha ay
itinutuwid.
Pagsasaayos ng Burador

Matapos iwasto ang burador, ito’y dapat na muling


sulatin. Ang maingat na pagtiyak sa gawain ay kailangang
bigyan ng diin. Maiiwasan ang kamalian sa pagsulat ng
katha sa pamamagitan ng maingat na pagtiyak sa mga
bahagi nito.
Mga Pananda at Sagisag sa
Pagwawasto ng mga Mali
sa Kathang Pasulat
Pananda Kahulugan
M Malaking titik ang gagamitin
m Maliit na titik
t Maling titik
ht Huwag tuldikan
mb Maling baybay
s Maling salita
hs Maling hati ng salita
pt Maling pantukoy
pa Maling pang-angkop
pl Maling pang-ukol
Pananda Kahulugan
pg Maling pangatnig
ph Maling panghalip
A Maling pang-abay
Pd Maling pandiwa
pu Maling pang-uri
b Maling bantas
k Maling kailanan
Pan Maling panahunan
tg Maling tinig
g gitlingan
Pananda Kahulugan
ag Alisin ang gitling
? Anong ibig sabihin
/ paghiwalayin
() Alisin
sp Sulating muli ang pangungusap
at dapat iwasto
sk Sulating muli ang buong katha
Pang Baguhin ang pangungusap
hb Hindi buo ang pangungusap

You might also like