You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON PARA SA TRABAHO

I.BUOD

Ang aralin na ito ay pumapaloob at tumutukoy sa komunikasyo para sa trabaho. Sa trabaho, ang
komunikasyon ay hindi laging pasalita. Ang pagsusulat sa pagtatrabaho ay isang uri ng propesyonal na
komunikasyon. Ginagamit at ginagawa ito kung magpapahayag ng mensahe sa mga tao sa loob ng
organisasyon, sa mga empleyado, kliyente, at iba pang indiwidwal o grupong may kinalaman sa isang
organisasyon.

Sa unang bahagi ng sulating ito ay ating tatalakyin ang “Liham Pangnegosyo”. Ito ay isang liham na
nakasulat sa pormal na pananalita, kung kaya’t kinakailangan na maging maingat at dapat tiyakin ng
manunulat na nagtataglay ang kanyang liham ng tinatawag na 7C’s of Technical Writing. Pang una,
kailangan nitong maging “Malinaw (Clear)” upang ang mga pahayag ay mailalahad ng maayos at
magkaroon ng ugnayan ang mga ideyang nakapaloob dito upang sa gayon ay hindi gumawa ng kalituhan
sa nagbabasa. “Wasto (Correct)”, bukod sa kawastuhan ng gramtika kinakailangan din maging wasto ang
nilalaman ng mensahe sapagkat hindi lamang ang reputasyon ng manunulat ang nakasalalay dito kundi
maging ang mismong institusyong kanyang kinakatawan.“Kumpleto” (Complete), ang isang liham ay
dapat napapalooban ng kumpletong impormasyon at mga detalye upang mas maunawaan ito ng
mangbabasa. Kinakailangan din magkaroon ng sapat na basihan ang mga pahayag na sasabihin sa liham.
Magalang (Courteous), kailangan maging maingat sa pagpili ng mga salita upang malaman nag himig o
tono ng iyong pananalita. Kinakailangan mabakas sa liham ang mga positibong emosyon upang
makapagbuo ng ugnayan o relayon. “Maikli (Concise) ang isang liham ay maikli lamang at walang
paligoy ligoy ngunit sa kabila ng pagiging direkta ay dapat pa rin itong naiintindihan. “Kombersasyonal
(Conversational), sa kabila ng pagiging pormal ng liham, mas makikitaan pa ito ng kahusayan kung ito
parang nakikipagusap lamang sa mambabasa. Panghuli, “Mapagsalang-alang (Considerate) kinakailangan
na isaalang-alang ng manunulat ang interes at damdamin ng sinusulatan hindi lamang ang kanyang sarili.
Sa pamamagitan ng tamang pagpili ng mga gagamiting salita mas mapapanatili nito ang pagtitiwala at
maipapadama ang kabutihang loob sa mangbabasa. May iba’t ibang uri ang liham pangnegosyo na kung
saan ay nakadepende ito sa layunin o kailangan ng manunulat. Ito ay liham ng aplikasyon sa trabaho,ito
ang liham na inihahanda ng isang taong naghahanap ng trabaho at ipinadadala sa kompanyang nais
niyang pasukan. Liham sa pagbibitiw sa trabaho na kung saan ang isang tao ay nagnanais nang umalis at
tapusin ang kanyang paninilbihan sa isang kompanya. Liham ng pagbebenta, ang layon nito ay ipakilala
ang produkto o serbisyo sa bumabasa at hinihikayat itong bumili. Liham ng Pagbili o pag-order, ito ay
pagnanais sa pagbili o pagorder ng isa produkto. Liham ng pagtatanong o paghiling, ang layon ng liham
ito ay kung may nais malamang mga detalye ang isang tao o kung may nais hilingin ito sa isa pang tao o
organisasyon. Panghuli, liham ng paniningil, Inihahanda ang ganitong liham kung may kailangang
kolektahin sa kakulangang bayarin ang isang negosyo sa kanyang kliyente o customer. Hindi magiging
maayos ang isang liham kung hindi nito alam kung ano ang bawat bahagi at nilalaman nito. Ang liham ay
binubuo ng pamuhatan, petsa, patunguhan, bating pangbungad, katawan ng liham, pamitagang
pangwakas,inisyal ng pagkakakilanlan, paglalakip, tawag-pansin,paksa, at notasyon ng binibgyang sipi.

Sa pagsulat ng liham pangnegosyo, may mga dapat tandaan sa pagsulat nito na dapat isaisip kagaya
ng (1) kailangan ang liham ay maging malinaw na hindi maglilikha ng ano mang alinlangan sa
pinapadalhan o babasa nito, (2) Kailangang may tamang pagkasunod-sunod ng mga salita, pangungusap,
talata at (3) Kailangang ito ay madaling basahin at unawain sa pagkakaroon ng angkop na mga salita,
banghay at bantas. Sa iminungkahi nina Lesikar, et al. (2000), dapat ang liham sa negosyo ay gumagamit
ng estilong Kombersasyonal, ito ay pagikaw sa pag-iwas sa mga lumang pananalita at ekspresyon sa
Vision: MSC – is a research - driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.

Mission: MSC – is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on
humanistic, professional and technologically communities by establishing centers of excellence and development
and research – driven outreach programs..
”Serving Beyond Excellence”
pagnenegosyo. Ang sumunod ay nakatuon sa Punto-de-Bistan-ikaw, ito ay pagtitiyak na ang tuon ay sa
mambabasa at hndi sa sarili. Pangatlo, nagbibigay-diin sa positibong wika, nakapaloob dito ang masusing
pagpili ng mga angkop na salita at ekspresyong gagamitin. Isa pa rito ang nagpapakita ng paggalang,
dapat iwasan sa paraang ito ang tonong nagsesermon o nagagalit, kailangan mas mapakita nito ang
sinsineridad ng isang liham at panghuli ay nagpapamalas ng pagkakaugnay ugnay. Para sa huling aralin
na ito ay ang memorandum na ang layon ay magpabatid sa ng mga impormasyon at madalas ay lumikha
ng pasulat na record ng isang hiling o iba pang mensaheng dato. Katulad ng iba pang komunikasyong
pantrabaho, ang haba o ikli ng memo ay nakabatay sa layunin at awdyens.

II. REPLEKSYON

Bilang isang estudyante, masasabi kong napakahalaga ng pagkakaroon ng komunikasyon sa


trabaho sapagkat sa pamamagitan at pagkakaron nito ay nakakabuo tayo ng relasyon at pakikipag-
uganayan sa bawat isa. Mas matutunan natin ang makipagsalamuha at iayon ang ating kaugalian sa iba.
Maiiwasan nito ang pagkakaroon ng di magandang samahan at pakikipagkompetisyon. Isa pa
makakatulong ito hindi lamang sa pagiging produktibo ng isang emplyedo ngunit kasama na rin dito ang
pagbibigay ng motibasyon kung kaya’t hindi lamang ang isa o dalawa ang makikinabang at lalakas ang
loob kundi maging ang buong organisasyon na lumikha na mabuti at maayos na samahan. Ginagabayan
din tayo nito upang maging isang mahusay at responsibleng manggagawa sa loob ng isnag organisayon o
kompanya. Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng maayos na komunikasyon, mas nagiging
komportable tayo sa ating mga kilos at pananalita. Kagaya nga ng nasabi ko ang bawat negosyo ay
maaaring makinabang mula sa kalidad ng komunikasyon sa lugar ng trabaho, dahil ito ay mahalaga sa
isang maayos at gumaganang samahan. Mapapalago nito ang kakahayahan kung paano dumiskarte,
pagiging produktibo, katapatan at moralidad ng empleyado, ang paggawa ng mga operasyon ay mas
gumagaan at napapadali ng maayos.

III. KAHALAGAHAN/IMPLIKASYON SA INYONG KURSO

Malaking tulong na napapagaralan ito dahil darating ang panahon na kami naman ang nasa
posisyon at gagawa ng mga napagaralan sa aralin ito. Mas nagkakaroon kami ng kaalaman at maagang
pagsasanay para sa hinaharap dahil hindi magiging madali ang pagpasok sa isang trabaho. Ngunit sa
tulong ng mga natalakay natin sa araling ito ay muling nagbukas ang aming kaisipan kung ano at paano
ang mga dapat sa pagpasok sa trabaho at pagkakaroon ng maayos na samahan sa tulong ng pagkakaroon
ng komunikasyon sa bawat indibidwal.

KOMUNIKASYON PARA SA LAYUNING AKADEMIKO

I.BUOD

Vision: MSC – is a research - driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.

Mission: MSC – is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on
humanistic, professional and technologically communities by establishing centers of excellence and development
and research – driven outreach programs..
”Serving Beyond Excellence”
Ang araling ito ay tumutukoy sa komunikasyon para sa layuning akademiko at ito ay binubuo ng
gampanin ng wika. Mahalagang gamitin ang gampanin ng wika sa pang-araw-araw nating pamumuhay
sapagkat ito ang makapagbibigay ng wasto at tamang gamit nito batay sa sitwasyon. Ang iba’t ibang
gampanin ng wika ay may iba’t ibang layunin. Ang pagbibigay ng impormasyon sa kausap at kapuwa ay
mas magiging epektibo at mabisasa pamamagitan ng paggamitan ng gampanin ng wika at ang nakasaad
dito ay impormatib, ekspresib, disrektib, perpormatib, at persweysib.

Ang sumunod na aralin at tumatalakay naman sa tungkulin ng wika na kung saan ito ay ginagamit
ang pangungusap upang makapagpayag. Instrumental, nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa
mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin. Sunod ay regulatori, nangyayari naman
ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Representasyonal, ito
ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt, makapagbahagi ng mga pangyayari, makapagpahayag ng mga
detalye, gayundin, makapagpadala at makatanggap ng mensahe. Interaksyonal, ipinapaliwanag dito na
nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa. Sumunod ay
Personal, nagagamit din ang wika dito upang maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa
sarili niyang kaparaanan. Heuristic ito ay ang pagsagot sa mga tanong, pagtanaw sa mga argumentasyon
at konklusyon bilang konkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid. At panghuli ay
imahinatibo, nagagawa nitong hayaan ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na
tumutulong sa kanya upang siya ay maging artistic.

Para sa huling parte ng aralin, ito ay tumatalakay sa mga halimbawa ng akademikong sulatin. Isa
na rito ang abstrack na kung saan ito ay isang buod na isinasaad ang problemaa o suliranin,
metodolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinasagawa. Meron itong dalawang uwi, ang deskriptibong
abstrak at impormatibong abstrak. Para sa deskriptibong abstrak, ang pangunahing ideya ng papel ay
inilalarawan sa mga mambabasa. Dito nakapaloob ang kaligiran, tuon at layunin ng papel. Para naman sa
impormatibong abstrak, ang mahahalagang ideya ng papel ay ipinahahayag sa mga mambabasa at
nakapaloob dito ang halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin. Ito ay kumpleto, detalyado, kapaki-
pakinabang, at may malinaw na impormasyon. Ang suunod sa halimbawa ay, sintesis/ buod ay ang
paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa
pagkakasunod sunod na pangyayari at ito ang pinakamahalang kaisipan ng anumang teksto. Marapat
lamang na maging malinaw sa pagpapahayag. Ang pangatong halimbawa ay ang bionote, ito ay isang
maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa
isang kaganapan. Sumunod ay panukalang proyekto, ito ay isang dokumento na ginagamit upang
kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikyular na problema sa negosyo o oportunidad. Talumpati, ito ay isang kaisipan o opinion ng isang
tao na binibigkas sa entablado. Mayroon ib’t ibang layuin ang talumpati. Ito ay humikayat, tumugon,
maglahad ng paniniwala, magbigay ng impormasyon at mangatwiran. Katitikan ng pulong, Ito ay isang
mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Posisyong papel, isang salaysay na naglalahad ng kuro-
kuro hinggil sa isang. Replektibong sanaysay, ito ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw at masining
na pagsusulat na nagbibigay ng sariling pananaw o damdamin tungo sa isang paksa. Agenda, ito ay plano
o mahahalagang detalye o gawain na makikita karaniwan sa isang pagpupulong. Pictorial essay, isang

Vision: MSC – is a research - driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.

Mission: MSC – is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on
humanistic, professional and technologically communities by establishing centers of excellence and development
and research – driven outreach programs..
”Serving Beyond Excellence”
sulatin o educational article na naglalayong magpahayag ng isang partikyular o higit pa na mga tema sa
pamamagitan ng mga larawan. Lakbay-sanaysay o travel essay, ito ay isang paraan ng pag kukweto o
makapagbahagi ng isang bagay sa pamamagitan ng pagkukwento sa maikling piraso ng papel tungkol sa
pinuntahang lugar.

II. REPLEKSYON

Ang wika ay may mahalagang gampanin sa komunikasyon sapagkat ito ang nagbibigay daan
upang magkaunawan ang bawat isa. Sa pamamagitan ng wika nasasalamin nito ang ating mga saloobin,
kaisipan at kaalaman. Ang wika ay hindi lang ginagamit sa komunikasyong pasalita kundi sa anyong
pasulat din na kung saan nagagamit natin ang mga akademikong sulatin depende sa sitwayon at sa
layunin nito. Kung kaya, ang pag-aaral nito ay may malaking ambag upang maisagawa at maiaplay ng
tama para sa mga layunin sa hinaharap. Halimbawa, hindi maiiwasan sa kursong ito ang gumawa ng isang
pananaliksik kung saan, isa ang abstrak sa mga sulating nakapaloob dito. Sa pagkakataong ito, hindi ko na
ako mahihirapan kung paano ito gawin sapagkat dahil sa araling ito ay nagkaroon ako ng sapat na
kaalaman at kakayahan.

III. KAHALAGAHAN/IMPLIKASYON SA INYONG KURSO

Malaki ang gampanin ng komunikasyon lalong lalo na sa aking kurso. Bilang isang tourism
student ang unang kaugalian na meron dapat kami ay pagkakaraoon ng kakayahang makipagusap o
makipag komunikasyon lalo’t higit na ang mga taong aming makakaharap ay mayroon iba’t ibang wikang
kinalakhan at dayalekto. Kung kaya’t napakalaki ng implikasyon nito sa amin na dapat naming
mapagaraal at nang sa gayon ay magkaintindihan. Sa larangan ng industriyang gusto kong pasukin
masasabi kong napakalaking bagay na madudulot na wika sa pakikipagkomunikasyon.

own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
as Filipinos shall study our local literatures for they offer various dimensions.
Every country has their own literary works, techniques and styles that refelects their
own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
as Filipinos shall study our local literatures for they offer various dimensions.
Every country has their own literary works, techniques and styles that refelects their
own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
Vision: MSC – is a research - driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.

Mission: MSC – is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on
humanistic, professional and technologically communities by establishing centers of excellence and development
and research – driven outreach programs..
”Serving Beyond Excellence”
Every country has their own literary works, techniques and styles that refelects their
own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
as Filipinos shall study our local literatures for they offer various dimensions.
own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
as Filipinos shall study our local literatures for they offer various dimension
Every country has their own literary works, techniques and styles that refelects their
own context. Some stands out that they've been widely appreciated even by foreign
individuals. Some of those are the works of William Shakespeare. Here in the Philippines
there are also great authors including Jose Rizal and Francisco Balagtas among others. We
as Filipinos shall study our local literatures for they offer various dimensions

Vision: MSC – is a research - driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.

Mission: MSC – is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on
humanistic, professional and technologically communities by establishing centers of excellence and development
and research – driven outreach programs..
”Serving Beyond Excellence”

You might also like