A OPISYAL BY: GROUP 2 Korespondensiya Opisyal ▪︎Ang komunikasyon sa pamamagitan ng palitanng mga nakasulat na liham ay tinatawag na Korespondensya .
▪︎Ipinaaalam natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at iba pangmahal
sa buhay ang atingnararamdaman at iniisip sa pamamagitan ngtinatawag nating Personal na korespondensya .
▪︎Ang mga nasa opisina o nasa iba pang lugar ng pagtatrabaho ay
nagsusulat din at tumatanggapsa kanilang araw-araw na transaksiyon ngtinatawag na Korespondensya opisyal o business correspondence. ▪︎Halimbawa ng korespondensiya opisyal ang liham na ipinadala ng kinatawan ng isang kompanya sa mga tagasuplay ng mga materyal na kinakailangan sa negosyo at ang tugon naliham na matatanggap ng opisina mula sa mga tagasuplay.
▪︎Karaniwang halimbawa rin ang mga liham ng mga kliyenting
nagtatanong ng presyo, kalidad, at iba pang impormasyon tungkol sa produkto oserbisyo ng kompanya. Halimbawa ng korespondensiya opisyal Mahalagang Ideya Dahil sa mahahalagang pagbabago sa teknolohiya, lumalaki ang papel ng korespondensiya opisyal sa maayos napagpapatakbo ng modernong organisasyon o kompanya. Kahalagahan ng Korespondensiya Mahalaga ang papel ng korespondensiya opisyal sa makabaong pagnenegosyo at pagtatrabaho. Maliban sa pagbabahagi at pangtanggap ng mahahalagang impormasyon, ano-ano pa ang kahalagahan ng mga dokumentong ito? 1. Madali at epektibong paraan ng paghahatid ngimpormasyon ang korespondensiya opisyal, lalo na ngayong may teknolohiya na sa komunikasyong susuporta sa mabilis at mabisang paghahatid ng mensahe.
2. Nakatutulong ang korespondensiya opisyal sapagpapanatili ng
ugnayan.
3. Kaugnay nito, ginagamit ang korespondensiya opisyal upang
lumikha at magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante, empleyado, kliyente at ibapang interes sa organisasyon o kompanya. 4.Nagsisilbing permanenteng rekord at ebidensiya ang mga korespondensiya.
5. Nakatutulong din ang korespondensiya
opisyal sa paglago ng kompanya Mahalagang Ideya Ang korespondensiya opisyal ay dokumentong hindi lamang nagdadala ng mensahe, bagkus nagpapanatili ito ng ugnayan, lumilikha at nagpapatatag ng relasyon, at nagsisilbing rekord at ebidensiya. PAGSULAT NG KORESPONDENSIYA OPISYAL Bagaman hindi na kasimpormal ngayon ang mga liham-pantrabaho at memo kompara noon, kailangan isiping mabuti kung ano lalamanin ng mga ito sa kung anong format isusulat ang mga dokumentong ito. Makatutulong sa pagsulat ang mga sumusunod na tanong (Learning for (Empowerment and Development, 2009): 1. Ano ang layunin ng isusulat na liham o memo? Pauunlakan mo ba ang imbitasyon sa iyong maging guest speaker? Ipapaliwanag mo ba sakliente ang dahilan ng hindi pagdating sa oras ng inihatid na produkto? Makatutulong kung lilinawin mo ang iyong layunin sa isang pangungusap. 2. Sino ang magbabasa nito? Sila ba ang iyong superyor, katrabaho, subordinate, kliyente o kinatawan ng ibang kompanya? Kung kilala mo ang padadalhan ng dokumento, may ideya ka kung papaano mo gagamitin ang lengguwahe o kung paano mo gagawing organisado ang mga ideya rito. 3. Ano-anong mga ideya ang iyong isasama saliham o memo? Mas mapapadali ang iyong trabaho kung ikaw ay tumutugon lamang sa natanggap na liham dahil sinasagot mo lamang ang mga tanong sa iyo. Sa kabilang banda, kung sa iyo magsisimula ang korespondensiya,kailangan mong alamin ang mga posibleng tanong ng tatanggap nito 4.Paano mo gagawing organisado ang mga ideya? Maaari kang gumamit ng academic format, upfront format, at soft-approach format. Ang balangkas ng academic format, ginagamit kapag nais ilagay ang pangunahing punto sa huling bahagi ng liham- pantrabaho o memo, ay karaniwang ganito: Background (Kaligiran) Introduksiyon(Suliranin,Saklaw) Katawan(mga facts,argumento,detalye,ebidensiya) Kongklusyon o rekomendasyon( resulta, mungkahing aksiyon) Mahalagang Ideya Sa pagsulat ng liham o memo, isaalang-alangang mga sumusunod: layunin, mambabasa,ideya, at organisasyon ng korespondensiya opisyal. Academic format KARANIWAN NAMANG GINAGAMIT ANG UPFRONT FORMAT SA MGA LIHAM NAHUMIHILING. DITO, HINDI NA KAILANGAN PANG HIMUKIN ANG PINADADALHAN DAHILSIGURADONG "OO”ang ISASAGOT. SA FORMAT NA ITO, NASA UNANGPANGUNGUSAP ANG PANGUNAHING PUNTO. ITO ANG KARANIWANG AYOS NGGANITONG FORMAT: •MENSAHE (PANGUNAHING IDEYA, KONGKLUSYON) •REKOMENDASYON (AKSIYON) •PALIWANAG (MGA FACT, DETALYE, ELABORASYON, ILUSTRASYON) •reITERASYON (PAG-UULIT NG KONGKLUSYON AT Upfront format NGUNIT MAY MGA PAGKAKATAONG HINDI ANGKOP ANG UPFRONT FORMAT,PARTICULAR SA KASO NG MGA LIHAM O MEMO NA ANG LAYUNIN AY MANGHIKAYAT.DITO MAAARING GAMITIN ANG SOFT-APPROACH FORMAT. KARANIWAN ITONGGINAGAMIT KAPAG INAASAHANG NEGATIBO ANG MAGIGING TUGON NGPINADALHAN. SA PAGSULAT NITO, KAILANGANG PANATILIHIN ANG MAGANDANGUGNAYAN SA MAMBABASA. ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG MGA ELEMENT NGFORMAT NA ITO: • ATENSIYON (PAGPURI O PAGBIBIGAY-LOOB) • INTERES (DETALYE NG PROBLEMA, BENEPISYO PARA SA MAMBABASA) • GUSTONG MANGYARI (PAGLALAHAD NG INAASAHANG MANGYAYARI, MGAMATERIAL NA MAKAPAGHIHIMOK Salamat Group 2