You are on page 1of 4

INTERNATIONAL SCHOOL OF ASIA AND THE PACIFIC

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


AlimannaoHills, Peñablanca/Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan
Email address: isaphsdept@isap.edu.ph / isaptuguegaraocitygmail.com| contact number: 0936-193-1278
Asignatura Pagsulat sa Filipino at Piling Baitang
Larangan 12
Guro Zandra Lei S. Ponce Inalaang Oras
4
Mga Layunin  Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa resumé at liham-aplikasyon.
 Naisaalang-alang ang etika sa binubuong resumé at liham-
aplikasyon.
 Natutukoy ang layunin, gamit, mga hakbang, at anyo sa pagsulat ng
resumé at liham-aplikasyon.
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating ginagamit sa
pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa.
 Naksusulat ng mga dokumentong pagtatrabaho batay sa maingat,
wasto, at angkop na paggamit ng wika.
 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang
dokumentong pagtatrabaho.
 Nakusulat ang epektibong liham-aplikasyon.

Simulan Natin
PAGSULAT RESUMÉ at LIHAM APLIKASYON

 Ang resumé at liham-aplikasyon ang mga unang kasangkapan sa pag-aaplay sa trabaho at


iba pang propesyunal na layunin.

GAMIT NG RESUMÉ AT LIHAM-APLIKASYON


 Ang resumé at liham-aplikasyon ang dalawa sa mga pinakamahalagang dokumento kung
mag-aaplay ng trabaho, papasok sa gradwadong programa sa unibersidad, mag-aaplay
para sa fellowship o grant, sasali sa patimpalak, at iba pa.
 Sa pagtatrabaho, kailangan ang mga ito kung nais makapanayam. Ang resumé at liham-
aplikasyon ang mga unang ugnayan sa posibleng employer o kanilang kinatawan.
Hahanapın nila sa resume ang mga impormasyon tungkol sa edukasyon, mga naunang
trabaho, parangal, kaugnay na kakayahan, at iba pang kalipikasyon o kagalingan.
Samantalang aalamin naman nila sa liham-aplikasyon ang ilang personal na impormasyon
kasama na ang mga dahilan kung bakit nag-aaplay ng posisyon sa kanila.
 Ang resumé at liham-aplikasyon ang dalawa sa magiging batayan kung karapat-dapat bang
mapabilang para sa panayam ang isang aplikante. Dahil matindi ang kompetisyon,
halimbawa, sandaan kayong naglalaban-laban para sa isa o dadalawang posisyon,
kailangang umangat ang iyong aplikasyon, partikular ang iyong resumé at liham-aplikasyon.
Kailangan mong paglaanan ng panahon ang pagsulat ng mga ito.

PAGSASAALANG-ALANG SA ETILKA
Katulad ng iba pang akademiko at propesyonal na sulatin, kailangan isaalang-alang ang etika sa
pagsulat ng liham-aplikasyon at resumé.
 Unang-una, ilahad lamang dito kung ano ang totoo. Huwag mong sabihing valedictorian ka
noong hayskul o nanalo ka sa isang patimpalak kung hindi naman ito nangyari. Tandaan na
dahil sa teknolohiya ng Internet, madaling mapagtibay kung may katotohanan ang mga
impormasyong ibinigay dito. Anumang uri ng pagsisinungaling, gaano man ito katindi, ay
hindi pinalalampas ng mga potensiyal na employer.
 Nagsusulat ka ng resumé at liham-aplikasyon hindi upang ipahayag sa mundo na ikaw ang
pinakamatalino at pinakamagaling. Nagsusulat ng mga ito upang ipakita sa pinag-aaplayan
na gusto mo ang posisyon at sa tingin mo ay makatutulong ka sa pag-unlad ng
organisasyon o kompanya. Ilahad ito sa paraang impormatibo at nang may kababaang-loob
at paggalang. Huwag mambobola o magyayabang. Hindi ito magugustuhan ng employer

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG RESUMÉ AT LIHAM-APLIKASYON


 Sa pagsulat ng resumé at liham-aplikasyon, kailangan munang alamin ang organisasyon o
kompanyang nais pasukan.
 Magtanong-tanong o magsaliksik kung ano ang hinahanap nila.
 Maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na Web site upang maging pamilyar sa mga
produkto o serbisyo, mga tagapamuno, misyon at bisyon, at kultura ng aaplayan.
 Pagkatapos ay ituon ang mga dokumentong ito sa kung paano makabubuo ng magandang
ugnayan sa kanila at ano-ano ang mga maitutulong mo sa pag-angat ng organisasyon o
kompanya.

MGA TIP SA PAGSULAT NG RESUMÉ


 Iwasan ang pagsulat ng generikong resumé at lumikha ng isang partikular sa posisyong
inaaplayan. Kung mag-aaplay bilang editor sa isang publishing house, halimbawa, ipakita
ang edukasyon, karanasan, at kasanayang may kinalaman sa pag-e-edit at publikasyon,
hindi sa pagtitimpla ng nakalalasing na inumin o pagsasayaw ng hip-hop.
 Maaaring sundan ang ilang balangkas sa pagsulat ng resume, Ang dalawang pangunahing
porma ay ang tradisyunal na kronolohikal na ayos (ang edukasyon at karanasan ang mga
pangunahing seksiyon) at functional na organisasyon (na nagtatanghal sa iyong mga
kasanayan).
 Maraming makikitang iba't ibang format ng resume sa Internet. Magkakaiba man, layunin
ng mga ito na gawing simple at madaling maintindihan ang resumé. Gumamit ng mga
heading, bullet form, at mga puting espasyo upang malinaw sa mga mambabasa ang
organisasyon ng resume.
 Sa pangkalahatan, hindi na isinasama sa resume ang mga detalye tungkol sa mga
natamong karangalan noong hayskul, maliban na lamang kung talagang kailangang-
kailangan. Hindi na rin kailangang ilagay ang mga personal na detalye ng buhay.

MGA TIP SA PAGSULAT NG LIHAM-APLIKASYON


 Tulad ng sa resumé, iwasan ang pagsulat ng generikong liham-aplikasyon at lumikha ng
isang partikular sa posisyong inaaplayan. Kung mag-aaplay bilang manager sa restoran,
ilahad mo ang mga karanasan at kasanayan na may kinalaman sa posisyon, hinid sa
pananahi o panonood ng pelikula.
 Kahit na hindi binabanggit sa mga anunsiyo ang pagsusumite ng lihanm-aplikasyon,
gumawa pa rin nito. Ipinapakita nito ang pagiging maalam sa pormalidad at kalakaran ng
pag-aaplay sa trabah0. Isa pa, makatutulong ito sa pagbibigay ng diin sa mga impormasyon
sa resumé na nais itanghal.
 Gumamit ng standard na anyo ng liham-aplikasyon: may petsa, pangalan (o posisyon) at
tiyak na lugar ng padadalhan, bating panimula, katawan, pagsasara, at lagda. Kung hind
sigurado sa pangalan o posisyon ng padadalhan ng liham, tawagan mo ang opiSina o
tingnan ang kanilang Web site.
 Gumamit ng pormal na lengguwahe at tono. Tandaan na ang potensiyal na employer ang
kausap.
 Gawing maikli at malaman ang liham-aplikasyon. Sikaping magkasya ito sa isang pahina.
 Sa simula pa lamang ay linawin na ang intensiyon. Banggitin ang posisyong inaaplayan at
kung saan nakita o nabasa ang anunsiyo.
 Sa katawan ng liham-aplikasyon, ilahad ang mga dahilan kung bakit nag-aaplay at kung ano
mga maitutulong mo sa organisasyon o kompanya. Maaari ding inawin ang lang bagay na
mababasa sa resume.
 Sa pagtatapos ng liham-aplikasyon, hilingin na makapanayam. Tanggap na ngayon kung
sasabihingg tatawagan sila upang i-set ang petsa at oras ng panayam.

Sino ang nangangailangan ng Resume?


Sila yung mga taong pumapasok para sa isang trabaho at employer na naghahanap ng
aplikante.
Ano ang Kahalagahan ng isang Resume?
 Dito makikita kung saan maaring kontakin ang aplikante.
 Dito makikita at maaaral ang kakayahan at kwalipikasyon ng isang aplikante at kung gaano
ito katugma sa trabaho o posisyon.

Ang mga dapat na nilalaman ng katawan ng liham ay ang mga sumusunod:


1.Paglalahad ng naisin na pumasok sa kompanya
2. Posisyon na ina-applyan
3. Paano o saan nalaman na may tanggapan sa kompanya
4. Iyong mga kakayahan na nararapat sa posisyon na inaapplyan.
5. Numero ng iyong telepono o contact numbers.
6. Oras na maaring ikaw ay tawagan o maanyayahan sa interview.

Isang halimbawa ng resumé:

Juan dela Cruz


123 Banlat Road, Tandang Sora
Lungsod Quezon
(0917)876-5432
jdc@gmail.com

Layunin
Posisyon sa pagtuturo para sa inisyal na karanasan sa pagtatrabano
Unibersidad ng Pilipinas (Open University) 2014-kasalukuyan
Bachelor of Arts in Multimedia Studies
Edukasyon
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman 2009-2013
Bachelor in Secondary Education (Filipino)
Karanasan
Student Teacher 2013
University of the Philippines Integrated School
Volunteer Teacher 2012
UP Ugnayan ng Pahingungod
Lecturer/Facilitator 2012
3rd Isabela Literary Festival

Mga Kasanayan
 Nakagagawa ng sariling instruksiyonal na materyal (tradisyunal o makabago)
 Nakagagamit ng Microsoft Word, Excel, PowerPoint, Photoshop
 Maalam sa teknolohiya ng Internet
 Natatapos ang mga gawain sa takdang panahon
 Nagsusulat ng mga akdang pampanitikan sa blog
Halimbawa ng Liham-Aplikasyon
Ika-4 ng Agosto 2015

G. JOSE VELASCO
Associate Creative Director
YourTV Creative Services Department
Tandang Sora, Lungsod Quezon

Mahal na G. Velasco:

Nag-aaplay ako sa posisyong promo producer na inyong inanunsiyo sa inyongWeb site noong
nakaraang Sabado. Matapos basahin ang mga detalye tungkol sa posisyong ito, masisiguro ko sa
inyong magagawa ko nang mahusay ang trabaho.

Makikita ninyo sa kalakip na resumé na maliban sa ilang taon kong karanasan sa industriyang
telebisyon bilang promo producer, tumutugon ang aking akademikong kalipikasyon at kakayahan
sa inyong mga kahingian.

Maaari ninyo akong interbyuhin sa araw at oras na inyong naisin upang matalakay ko nang mas
detalyado ang aking mga kalipikasyon at inyong mga kahingian. Maaari niyo akong Kontakin sa
aking email: juandelacruz@gmail.com o sa aking cell phone: 09161234567.

Maraming salamat.

Sumasainyo,

JUAN DELA CRUZ

References:

DELA CRUZ, MAR ANTHONY SIMON., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (MAKATI CITY, PHILIPPINES; 2016), p.74-
81

You might also like