You are on page 1of 16

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Tech - Voc)
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
NARATIBONG ULAT

NegOr_Q2_PL_Tech -Voc12_Modyul2_v2
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Naratibong Ulat Ikalawang
Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ana Melissa T. Venido
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Rico C. Tañesa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palspis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Sa araw na ito ay may makabuluhang paksa tayong tatalakayin.


Tiyak kong makatutulong ito sa iyo lalo pa’t hangad mo ang maging isang
matagumpay na propesyunal sa hinaharap. At ang daan tungo sa pagiging
isang propesyunal ay may kaakibat na mga pampropesyunal na gawain
partikular na ang gawaing pagsulat. Haharap ka sa mga mabibigat na
transaksiyon at makasasalamuha mo ang iba’t ibang klase ng indibidwal sa
lipunan.
Kaya sa modyul na ito, ipapasilip ko sa iyo ang mukha at anyo ng
mga sulating teknikal-bokasyunal, partikular na ang pagsulat ng naratibong
ulat, upang mas mahubog ang iyong kakayahan at kasanayan, at gawin
kang mas handa sa pagharap sa mga hamon sa larangang iyong
tatahakin.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang iba’t ibang mga halimbawa ng
teknikal-bokasyunal na sulatin!

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino
(CS_FTV11/12PS-0jd-l-93)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nauunawaan ang mga kaugnay na konsepto at kalikasan ng isang anyo ng


sulating teknikal-bokasyunal, ang naratibong ulat, ayon sa kahulugan,
kahalagahan, at katangian.
2. Nakasusuri ng isang halimbawang naratibong ulat batay sa mga
mahahalagang elemento at kahalagahan nito.
3. Naisasagawa nang may kawilihan ang mga gawain kaugnay sa isang anyo
ng sulating teknikal-bokasyunal
SUBUKIN

A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat ang
TAMA kung ang pahayag may kaugnayan sa naratibong ulat at MALI naman kung
hindi ito kaugnay sa naratibong ulat.

1. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging


kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan.
2. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng
mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon.
3. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang
magkaroon ng sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
4. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa nangyari.
Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa
sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.
5. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang maging katanggap- tanggap
sa mga pamunuan ng ahensyang kinabibilangan nito.
6. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil
ito ang magtatakda ng kabuuang set-up ng pagkikita.
7. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan naganap ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain.?
8. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang pag- uusap, mahalagang
kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong pangalan sa unang beses
na banggitin ang pangalan nila.
9. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga pangyayaring naging
karanasan, namasid o nasaksihan at maaari namang pasalita o pasulat
ang pagsasalaysay. _
10. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o kompanya
na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa
isang organisasyon o institution. _

TUKLASIN

Panuto: Magbigay ng tatlong mga posibleng katangian ng isang naratibong ulat. Isulat
ito sa loob ng mga kahon. Kopyahin ang pormat na nasa ibaba.
Katangian ng
Naratibong
Uat

Panuto: Punan ng tamang kaisipan ang mga blangkong kahon hinggil sa mga paraan
sa paglalahad ng pangyayari.

Mga Paraan sa Paglalahad


ng Pangyayari

SURIIN
NARATIBONG ULAT
Kung ikaw ay naghahangad na maging isang matagumpay na propesyunal,
mahalagang malaman mo ang isang anyo ng teknikal-bokasyonal na pagsulat, ang
naratibong ulat. Kaya simulan na natin ang talakayan.
Bawat larangan na posibleng mong tatahakin ay may kaakibat na mga gawain, mapa
mundo man ito ng medisina, edukasyon, komersyo, pulitika, o agham at siyensya, lahat
ay may mga pampropesyunal na pangangailangan. Gaya na lamang sa larangan ng
medisina, mayroong tinatawag na medical report, sa komersyo naman ay business
report. Ang mga ulat na ito ay sumasalamin sa mga kaganapan o pangyayari sa mga
nabanggit na larangan na higit na kailangang itala para sa isang tiyak na layunin. Kaya
naman sa modyul na ito, may isa pang uri ng ulat na kailangang mong malaman at
matutuhan, ito ay ang naratibong ulat.
Ang naratibong ulat ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay. Kadalasang
makakakita ng narrative report mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na nagbubuo
ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon. Dahil naratibo ang pagbuo nito, mahalaga ang kronolohiya
upang higit na makita ang kaisahan, kaugnayan at lohika ng mga pangyayari. Maaari rin
nitong lamanin ang mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging kalakasan o
kahinaan ng isang ahensya o samahan. Makatutulong din ang ganitong uri ng ulat at
dokumentasyon bilang sanggunian para sa mga gawain at tunguhin ng institusyon sa
hinaharap.
Dagdaga pa, isa rin itong dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na
pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
Kahalagahan ng Naratibong Ulat

Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito


upang magkaroon ng sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan. Sa ilang pagkakataon, sakalaing
magkaroon ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng iba’t ibag tao o grupo ng tao.
Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa maga taong nais
makakuha ng impormasyon hinggil sa isang espisipikong bagay, serbisyo, produkto
o pangyayari. Elemento ng Naratibong Ulat
1. Kronolohikal na pagkakaayos
Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa
nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo
ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat

2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari


Dahil ang isang naratibong ulat ay may layunin, hindi maaaring maglagay ng
personal na opinion o kaya’y kuro-kuro sa naganap. Iwasan ang paggamit ng mga
pang-uri upang ilarawan ang pangyayari. Mas mahalaga na marami ang mga pandiwa.
Halimbawa:
Kung isasalaysay ang pagdating ng isang opisyal mula sa TESDA, maaaring isulat ang:
• Dumating ang TESDA director ng Rehiyon 3 ganap na ika-3 ng hapon.
Sinalubong siya ng mga guro ng Mataas na Paaralan ng Jose Rizal.”
• Mainit na sinalubong ng mga guro ng Mataas na Paaralan ng Jose Rizal ang
makisig na TESDA Director ng Rehiyon 3.
Buo ang Mahahalagang Elemento ng isang Talatang Nagsasalaysay

• Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay upang maging


mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
a. Konsepto
• Mahalagang malinaw sa naratibong ulat ang konteksto ng
paguusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda ng kabuuang set-up
ng pagkikita.
• Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
1. Kailan naganap ang pag- uusap/pagpupulong/gawain?
2. Saan naganap ang pag- uusap/pagpupulong/gawain?
3. Tungkol saan ang pag- uusap/pagpupulong/gawain?
b. Mga Kasali/kasangkot na Tao
• Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain kailangang kilalanin din kung sino so sino-sino
ang kasali sa gawain. Mahalagang kilalanin sila sa pamamagitan ng
pagbanggit ng buong pangalan sa unang beses na banggitin ang pangalan
nila.
• Sakaling babanggitin uli, maaaring sabihin na lamang ang apelyido. Kung
may kaparehong apelyido banggitin ang unang letra ng pangalan bago ang
buong apelyido. Halimbawa, “Binanggit ni Bb. A. Perez kahalagahan ng
pinupunton resolusyon ni G. S. Perez”
c. Resolusyon (kung mayroon man)
• Kung ang pangunahing dahilan ng pag-uusap/pagpupulong/gawain ay para
magkaroon ng paglilinaw, desisyon, o rekomendasyon, mahalaga na maitala
ang resolusyong ito sa pinakamatapat na pamamaraan. Kung kakayanin,
maging verbatim ang nabuong resolusyon.
Kinuha mula sa: https://bit.ly/3njfOh8 (ni MarjorieValdez)
Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang
pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.
Mga Katangian ng Isang Naratibong Ulat
1. Mabuting Pamagat – ang isang mabuti at epektibong pamagat ay dapat maikli,
kawili-wili sa mga mambabasa, may orihinalidad at di palasak, at hindi katawa-
tawa.
2. May Mahalaga/Makabuluhang Paksa
3. Wastong pagkakasunod-sunod – nagtataglay ng tatlong pangunahing bahagi
ang simula, gitna, at wakas; nagbabalik sa tunay na simula at nagtatapos sa
tunay na wakas na ginagamit na simula ng may akda
4. Kawili-wiling simula at wakas.
Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga pangyayaring
naging karanasan, namasid o nasaksihan at maaari namang pasalita o pasulat ang
pagsasalaysay. Ang dalawang paraang ito ay maaring hanguin sa mga sumusunod:
• Sariling Karanasan
• Pangyayaring Nakita o Nasaksihan
• Pangyayaring Narinig o Napakingan
• Pangyayaring Nabasa o Natunghayan
• Bungang Isip o Likhang Isip

(Hango mula kay George William Pascua, 2017)

ISANG HALIMBAWA NG NARATIBONG ULAT:

Naratibong Ulat Hinggil sa Pagdiriwang


ng Araw ng mga Guro 2013 ng
DEPSTEA
Itinuturing ang pagtuturo bilang pinakadakilang prosesyon. Dahil sa mga guro,
naging doktor ang mga doktor, nagiging abogado, nagiging inhenyero ang mga
inhenyero. Itinuring ang mga guro bilang utak sa likod ng mga taong naging eksperto
at nagtatagumpay. Ang mga guro ang liwanag ng isip ng bawat tao, puso ng bawat
kaluluwa, ang katuwang ng mga kailangan ng tapang, ang tinig na nagsasabing
“Sige pa, kaya mo ‘yan”. Kada taon tuwing ika-5 ng Oktubre, ipinagdiriwang ang
Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Taon-taong ipinagdiriwang sa araw na ito ang
mga organisasyon ng guro sa buong mundo. Layunin nitong suportahan ang mga
guro at siguraduhing ang pangangailangan ng sumusunod na henerasyon ay
patuloy na matutuunan ng mga guro.
Nagsagawa ng programa ang Silangang Distrito ng Dinalupihan sa pamumuno
ng mga opisyal na DEPSTEA na may “Guro Ko, Bayani Ko” Kasama sa pagdiriwang
ang bagong halal na Munisipal na Alkalde ng Dinalupihan, ang Kagalang-galang na
Angela “gila” Garcia. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang halaga ng papel
ng mga guro sa pag-angat ng kondisyong pangekonomiya ng komunidad.
Edukasyon ang sagot sa problema ng kahirapan. Edukasyon na may kalidad ang
tawag niya rito. Nanawagan siya sa mga dedikadong guro na iangat ang lipunan.
Para maiparamdam sa mga guro ang kanilang halaga sa araw na iyon, nagdala
siya ng pagkain. Kasama rito ang listahan ng retirado, at nagbigay din siya ng gift
certificate stub na maaaring i-claim sa Jollibee Dinalupihan hanggang Oktubre 6.
Naganap ang okasyong ito sa New San Elementary School kung saan binate ng
ngiti ni Pricipal Renato Dimalanta ang lahat. Nagbahagi pa siya ng Pagmumuni-muni
sa kahulugan ng “teacher”. Ang “T” ay krus, na dala-dala ng mga guro. Ang “A” ay
ache o sakit, na bahay ng buhay-guro, pero sa dulo may “cher”, “cheer” na kulang
ng isang “e”, na siyang bumubuo sa buhay ng 218 bisang guro. Nag-roll call si Gng.
Beverly Tongol, guro sa elementary. Isa pang tagapamahala sa DepEd ang
dumating sa okasyon, si Ginoong Ronnie Mendoza na Superbisor ng Distrito sa
Silangan, at halata ang pagmamahal niya sa mga guro. Makaguro si G. Ronnie
Mendoza. Lagi siyang nagpapatawa sa mga guro. Nagsalita naman si Ginoong
Arturo Santa Ana Dinalupihan Elementary School Eat Bulaga Dancers ang kanilang
talento.
Tunay ngang simple lang ang mga guro, Masaya tayo kahit sa maliit na bagay.
Ipigmalaki natin ang pagiging guro! Darating ang bukang-liwayway dahil sa atin!
Maligayang Araw ng mga Guro sa lahat! (Perez, April J., Santos, Corazon L, 2016)

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konsepto hinggil sa naratibong
ulat?
2. Sa paanong paraan ito makatutulong sa iyo upang maging matagumpay
na propesyunal sa hinaharap?
3. Sa tingin mo, magiging madali ba ang mga pangangailangang
propesyunal kung gagamitin mo ang iyong kakayahan sa pagbuo ng
naratibong ulat? Ipaliwanag.

PAGYAMANIN

Panuto: Basahin at bigyang pansin muli ang halimbawa ng naratibong ulat na inilahad sa
talakayan. Ilarawan ito batay sa mga katangian ng isang naratibong ulat. Ang paglalarawan
na iyong isasagawa ay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Kopyahin ang pormat
sa ibaba.
Mabuting Wastong Makabuluhang Paksa Kawili-wiling
Pamagat pagkakasnuod simula at wakas
- sunod

Angkop ba ang Kronolohikal ba ang Nailahad ba ang Bilang isang


pamagat sa pagkakasunod- mga mahahalagang mambabasa,
nilalaman nito? sunod ng mga detalye batay sa nakuha ba ang
pangyayari? pamagat nito? iyong atensyon
(Pangatwiranan) sa tulong ng
(Pangatwiranan) (Pangatwiranan) simula at wakas
na bahagi ng
naratibong ulat?

(Pangatwiranan)

ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang


teknikal-bokasyonal na pagsulat
partikular na ang pagbuo ng naratibong
ulat ay isang kakayahan na dapat mong
malinang at matutuhan. Malaki ang
naitutulong nito sa paghahanda sa
iyong sarili tungo sa pagiging
matagumpay na indibidwal sa larangan
na iyong tatahakin at upang matulungan
kang magampanan ang iyong magiging
mga propesyunal na pangangailangan.

ISAGAWA

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng naratibong ulat sa ibaba.


Suriin ito gamit ang nakalaang pormat.
Naratibong Ulat ng TESDA Sorsogon

Ang mga tagumpay ng 2006 ay pagpapatuloy ng mga aktibidad na magbibigay


kakayanan ng TESDA-Sorsogon para sa iba’t ibang subsector ng sektor ng
edukasyon at pagsasanay ng (teknikal-bokasyonal technical-vocational
education and training (TVET) bilang paghahanda sa paghahanda sa Baitang ng
Paggabay para sa ikatlong Siklo ng Pagpaplano pagdating ng 2010. Nakatuon
ang mga tagumpay nito sa pagmementa at paghuhusay ng mga estruktura, plano
at programa na ipinatupad noong 2005, ang simula ng Baitang ng Pagbibigay
Kakayanan (Ikalawang Siklo ng Pagpaplano).

Ang iba’t ibang plano ay ina-update pag kailangan, ang mga panukalang
polisya sa iba’t ibang intitusyon ng TVET ay ipinatupad, at inalagaan ang mga
yamang IT (information technology, mga teknolohiyang may kinalaman sa
impormasyon) at presensya sa Internet.

Samantala, 37 program mula Walang Regulasyon sa Pagsasanay (No


Training Regulation o NTR) papuntang May Regulasyon sa Pagsasanay (With
Training Regulation o WTR) o mula lumang Regulasyon sa Pagsasanay tungo sa
mga bago; nag-audit ng 41 nakarehistrong kurso; ang pagsunod sa CBC
(competency-based curriculum, o kurikulum na nakabase sa kahusayan) ng mga
pormal na mga institusyong nag-aalok ng TVET ay ipinagpatuloy at ang LEP
(Ladderized Education Program, o Nakasabay na Programang Pangedukasyon)
ay itinaguyod at nagpakita ng ilang resulta.

Nasukat ang husay ng may 1,159 na tao, samantalang halos 50 porsyento


sa kanila ay may sertipikasyon. Kasabay nito ang pagmamatyag ng ga operasyon
ng tatlong opisyal na sentro ng pagsukat ng kahusayan at ang partisipasyon ng
32 manunukat ng husay, at ang pagpapaskil ng may 1,100 rekord ng
sertipikasyon sa website ng TESDA.

Minatyagan ang mga pagsasanay na nagkaroon ng higit sa 12,000 graduate


mula sa 13,000 na naka-enrol. Kasama rito ang mga regular na kursong mayroon
ang mga pormal na institusyong na-aalok ng TVET. Ang programa ng pag-aaral
na tinatawag na Kasanayan sa Hanapbuhay na 216 nagkaroon ng 39 na
graduate, 10 sa kanila ay naging guro sa programa. May 226 iskolar ng Private
Education Student Financial Assistance (PESFA), 27 iskolar Technical Education
and Skills Development Project-Asian Development Bank (TESDP-ADB) ang
pananatili at ibinigay sa mga mahirap pero karapat-dapat na estudyante,
samantalang 12 Community Training and Employment Coordinators (CTECs) na
may kahusayan sa administrasyon ng paggabay sa paghahanap ng trabaho na
gumagamit ng computer ang nagbigay-serbisyo sa higit 7,600 kliyente. Panghuli,
gumamit sa TTI (TESDA Technology Institutions, o Institusyon sa Teknolohiya ng
TESDA) ang QMS (Quality Management System, o Sistema sa Pamamahala ng
Kalidad), sinunod ang 5S ng Opisinang Probinsyal at ang mga investment para
sa TVET ng iba’t ibang partner ay umabot sa 2.4 milyong piso.

Nilalaman at Paksa Paglalahad ng mga Kahalagahan ng Ulat


Pangyayari

1. Kaugnayan at Kawastuan ng Sagot ------------------------- 10 PUNTOS


2. Organisasyon ng Kaisipan ------------------------------------- 15 PUNTOS
3. Kawastuhang Panggramatika --------------------------------- 10 PUNTOS
4. KABUUAN --------------------------------------------------------- 35 PUNTOS

KARAGDAGANG GAWAIN

Ang husay mo! Ngayon upang subukin ang natutuhan mo sa


araling ito, dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng
makabuluhang pahayag. Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may
kaugnayan sa modyul na ito.
Nang dahil sa araling tinalakay, nalinang ang kakayahan ko na …
_
_
_ _
_
_

Gagamitin ko ang kaalamang nakuha mula sa modyul na ito upang …


_
_
_
_
_

TAYAHIN

A. Panuto: Ibigay ang tatlong mahahalagang elemento ng isang naratibong ulat. Isulat
ito sa loob ng mga kahon at lagyan ng maikling paliwanag ang bawat isa. Kopyahin
ang pormat na nasa ibaba.
Mga
Elemento ng
Naratibong
Uat

B. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat ang
TAMA kung ang pahayag may kaugnayan sa naratibong ulat at MALI naman kung
hindi ito kaugnay sa naratibong ulat.

1. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil ito


ang magtatakda ng kabuuang set-up ng pagkikita. _

2. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan naganap ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain? _ __

3. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang pag- uusap, mahalagang
kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong pangalan sa unang beses
na banggitin ang pangalan nila. _

4. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga pangyayaring naging


karanasan, namasid o nasaksihan at maaari namang pasalita o pasulat ang
pagsasalaysay. _

5. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o kompanya
na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa
isang organisasyon o institution.

6. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging


kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan.
7. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng
mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon.

8. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang
magkaroon ng sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.

9. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa nangyari.


Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari.
Makagugulo ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat. _

10. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang maging katanggap- tanggap sa
mga pamunuan ng ahensyang kinabibilangan nito.

You might also like