You are on page 1of 3

FILIPINO Ikalawang Markahan

LAGUMANG PAGTATAYA
10 T.A. 2021-2022

Pangalan: ______________________ Taon/Seksyon: ____________________ Petsa: _____________


I. Pagtukoy

A. Pillin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang kahulugan ng sumusunod na parirala. Gawing gabay
o batayan ang mga salita o pariralang nakapaloob sa mga panaklong.

ningas panakip palaka nakaw sulong


pagong patay bukid bisig kilay

_______________ 1. ______________-butas (Pamalit o pansamantala lamang)


_______________ 2. Nagsusunog ng _____________ (Masipag mag-aral)
_______________ 3. Kapit-______________ (Pagkakaisa)
_______________ 4. _____________-bahay (Magnanakaw)
_______________ 5. _____________-tingin (Pagsulyap sa isang tao na hindi nito nalalaman)
_______________ 6. Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
_______________ 7. Boses-______ (Sintunado o wala sa tono kung kumanta)
_______________ 8. __________-gutom (Palaging gutom o matakaw)
_______________ 9. Lakad-____________ (Mabagal maglakad)
_______________ 10. Urong-____________ (Nahihirapang magdesisyon)

B. Tukuyin kung paano nagbago ang anyo ng mga sumusunod na salita. Isulat ang A – kung ito ay Pagsasama ng
mga Salita, B – kung Hiram na mga Salita, at C – kung Morpolohikal na Pinagmulan.
__________ 11. Kapitbahay
__________ 12. Kompyuter
__________ 13. Kagandahan
__________ 14. Radyo
__________ 15. Hanapbuhay
__________ 16. Marami
__________ 17. Keyk
__________ 18. Hulyo
__________ 19. Manakot
__________ 20. Hampaslupa

II. Maramihang Pagpipilian


A. Suriin ang mga pahayag. Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat pahayag. Itiman ang letra ng tamang sagot sa
nakalaan Answer Sheets.

_______ 21. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.


A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon
B. Gregorio C. Borlaza D. William Shakespeare
_______ 22. Siya ang nakakita kay Romeo sa kasiyahan at isinumbong ito sa isang Capulet.
A. Juliet B. Nars C. Paris D.Tybalt
_______ 23. Paano nagpakamatay si Romeo?
A. Siya ay nagpasagasa C. Uminom siya ng lason
B. Sinaksak niya ang kaniyang D. Nagbaril siya ng sarili
sarili
_______ 24. Sa kaniya dapat pakakasal si Juliet kung hindi siya umibig kay Romeo.
A. Capulet B. Paris C. Romeo D.Tybalt
_______ 25. Saan unang nakita ni Romeo si Juliet?
A. sa gubat C. sa kanilang tahanan
B. sa hardin D. sa isang kasiyahan

Para sa bilang 26-30, basahing mabuti ang mga bahagi ng tula pagkatapos tukuyin kung anong elemento ang nangibabaw rito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Halaw sa tulang “Ang Pamana”


_____ 26. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula?
A. isang anak na masipag B. isang anak na mabait
C. isang anak na taksil D. isang anak na may pakialam
_____ 27. “Na/ki/ta ko ang i/na ko’y ti/la ba/ga na/lu/lum/bay ”Anong elemento ang nangibabaw sa taludtod na ito?
A. persona B. imahe
C. musikalidad D. wika
_____ 28.” Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw. Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.Sa pilak ng
kaniyang buhok na hibla na katandaan.” Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula?
A. persona B. imahe
C. musikalidad D. wika
_____ 29. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
A. pagdurusa B. pag-ibig
C. panghihiyang D. pag-asa
_____ 30. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula?
A. soneto B. elehiya C. pastoral D. dalit
Para sa bilang 31-35, basahin at unawain mo ang bahagi ng tula at saka sagutin ang sumusunod na tanong. Itiman ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel na nakalaan.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
- Ang Aking Pag-ibig

_____ 31. Alin sa sumusunod ang katangiang HINDI taglay ng persona sa tula?
A. mapagtiis C. masayahin
B. mapagpakumbaba D. mapagmalasakit
_____ 32. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng
______________.
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
C. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
_____ 33. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pagibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina C. pag-ibig sa kapatid
B. pag-ibig sa kaibigan D. pag-ibig sa kasintahan/asawa
_____ 34. Ang uri ng or tawag sa tulang nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. soneto B. tanaga C. oda D. haiku
_____ 35. Sa pagsulat ng tula, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. magmasid sa paligid
B. siksik at umaapaw sa mensahe ang tula
C. pagiging orihinal ng akdang isusulat
D. iwasan ang paggamit ng mga tayutay
_____ 36. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng isang kuwentong may mahalagang pangyayari at may iisang kakintalan
lamang.
A. Alamat B. tula C. Maikling Kuwento D. Dula
_____ 37. Ito’y ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kuwento.
A. Tema B. Kariktan C. Tauhan D. Tagpuan
_____ 38. Paano mo maipadadama ang iyong pagmamahal sa isang tao?
A. Pagsunod sa kaniyang mga gusto.
B. Pagbibigay ng mga materyal na bagay.
C.Pagsasakripisyo sa mga mahahalagang bagay para siya’y mapasaya.
D.Ituon lahat ng oras sa kaniya.
_____ 39. Ang tawag sa isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pananalita at
pangungusap at kaisipan ng isang tauhan.
A. Kuwentong bayan C. Kuwentong pakikipagsapalaran
B. Kuwento ng Katutubong kulay D. Kuwento ng tauhan
_____ 40. Bakit mahalaga ang pagbibigayan sa kapuwa?
A. Nagpapadama ng pagmamahalan C. Naipaparating ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao
B. Pagpapakita ng pagkakaisa D. Lahat ng nabanggit

III. Performans na Pagtataya.


A. Mula sa iyong mga natutuhan sa araling gramatikal at diskorsal, sumulat ng isang napapanahon balita na maaaring
nangyari sa paaralan, sa komunidad, ito may ay tungkol sa agham/science, political at iba pa. (15 puntos)

Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Balita


-Organisasyon ng mga salita sa pagbuo ng Balita – 5 Puntos
-Kaangkupang bilang isang Balita – 5 Puntos
-Nilalaman ng Balita – 3 Puntos
-Pagpasa sa takdang panahon – 2 Puntos

You might also like