You are on page 1of 24

NARATIBONG ULAT

NARATIBONG ULAT
Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba’t ibang larangan. Ito ay
isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa
paraang kronolohikal.
Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na
nagsasalaysay sa pamamagitan ng pagkuwento ay pinakaangkop
sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna at wakas.
Ayon kina Onega at Landa (1996)
Ang naratibo ay isang representason ng serye ng
mga pangyayari. Sa madaling salita ang isang
naratibong ulat, ay nagsasalaysay o nagkukuwento ng
buong pangyayari, kaya ang sumusulat nito ay
kailangang may ideya ng banghay o
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari.
Ayon sa artikulong How To Write A
Solid Narrative Report
Ang pangunahing katangian na kailangang tandaan sa pagsulat ng
mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye sa kronolohikal na
ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan ng
papel.

Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang atensiyon at emosyon ng


mambabasa (Legitt 2011). Mahalagang ring tiyakin ng nagsusulat na
samahan ng paglalarawan ang naratibong ulat upang maging interesante ito
para sa mambabasa at hindi sila mabagot o malito sa
daloy ng mga pangyayari.
Ang naratibong ulat ay naglalaman ng mga pormal na salita na
maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa

Natural na pagkukuwento ang tono ngunit isinasaalang-alang pa


rin ang paggamit ng tamang mga salita.

Sa naratibong ulat, nagsasalaysay ng kuwento ang nagsusulat.


Ang antas ng pagiging propesyonal ng pananalita sa isang
naratibong sulat ay nakadepende sa mambabasa at sa nais ng
manunulat na maisip ng mambabasa tungkol sa ulat.
Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa unang
pangyayari na naglalatag sa kabuuang pangyayari o nagpapakilala kung
paano nagsimula ang kuwento.
Ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng naratibong ulat ay
magkaroon ng “pamukaw” o elementong interesante para makuha ang
atensiyon ng mambabasa.

Kapag naisulat na ang introduksyon at ang pokus, ituloy ang salaysay


tungkol sa mga pangyayari habang nagdadagdag ng malinaw na detalye,
deskripsiyon, at halimbawa upang mabigyang-buhay ang naratibo.
KAHALAGAHAN AT BENTAHE NG
PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT SA
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
Mahalaga ang naratibo sa pagsulat ng isang
teknikal na ulat. Sapagkat sa taglay nitong personal
na kaugnayan ng manunulat sa ulat at sa pamilyar
na paraang nagsasalaysay o nagkukuwento,
nakapupukaw ito ng atensiyon at emosyon ng
nagbabasa.
Ayon kay Legitt (2011)
Batay ang agham sa mga obserbasyon, katotohanan,
estadistika, at pagsusuri, gayundin ang mga ulat na
teknikal ay nararapat na obhetibo, masinsing, at
nagtataglay ng buong nilalaman. Ngunit ayon sa kaniya,
kailangan din ng estilo sa teknikal na pagsulat.
Ayon rin kay Vrouvas (2010)
Ginagamit ito ng mga opisyal ng pulisya sa paglalarawan ng isang
aksidente, ng mga doctor na naglalarawan ng mga operasyon at
kalagayan ng pasyente, at mga propesyonal sa human resource na
nagpapaliwanag ng maling asal ng empleyado.

Maaari din itong gamitin ng mga gurong naglalahad ng kanilang


karanasan sa pagtuturo sa particular na mga mag-aaral, ng mga
propesyonal sa larangan ng hotel at restawran sa paglalahad ng mga
pangyayari sa trabaho at ng mga propesyonal sa larangan ng
teknolohiya sa pagpapaliwanag ng mga pagbabagong teknikal.
Halos sa lahat ng larangan ay nangangailangan ng
kasanayan sa pagsulat ng naratibong ulat. Karaniwang ang
pagbabalik-tanaw o pagkukuwento sa paraang kronolohikal
sa mga pangyayari at karanasan ang pinakamahusay na
paraan para maunawaan ng ibang tao o ng mambabasa ang
isang ulat.
Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay
Barton (1988)
1. Mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin
ang teksto;
2. Mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;
3. Mas natatandaan ang daloy ng mga isinalaysay na pangyayari; at
4. Higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad.

Nararapat, kung gayon, na ang pagsulat ng naratibong ulat ay


matutuhan ng mga mag-aaral ng komunikasyong teknikal upang
mapakinabangan ang kasanayang ito sa hinaharap.
Kahalagahan sa Pagsulat ng
Naratibong Ulat
Sundin ang SAKS-BP

• (Sino, Ano, Kailan, Saan/Bakit-Paano). Simulan ang


borador o draft ng ulat sa pamamagitan ng pagtatala
ng isang talata na nagtataglay ng mga detalye kung
sino ang kasangkot, ano ang nangyari, kailan ito
naganap, at saan nangyari.
Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye.

• Importanteng magtuon sa mga tao ang mga


desisyong ginawa nila o sitwasyon o kalagayan nila, at
ang mga bunga ng kanilang mga desisyon o gawa
Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan

• kung ang inimbestigahan ay isang kaso o di-tiyak na


salarin. Sa ilang pagkakataon, kailangang maglarawan ng
mga tao na maaaring matapakan ang karapatan,
kailangang proteksiyunan ang mga tao lalo kung di-tiyak
ang iniimbestigahang pangyayari o kung hindi
pinapayagan na gamitin ang kanilang tunay na mga
pangalan.
Piliin ang pinakamabuting anyo ng naratibo batay sa
iyong layunin
Mayroon dalawang anyo ng naratibong ayon sa website ng
Northern llinois University.
• Una, ang pagsulat na walang diyalogo o ang simpleng
pagsulat sa bawat aksiyon ayon sa mga pangyayari na
may kasamang direktang pagsipi sa mga sinabi ng mga
kasangkot.
Piliin ang pinakamabuting anyo ng naratibo batay sa
iyong layunin

• Pangalawa, ang anyong may kasamang diyalogo na


ikinukuwento ang pangyayari ayon sa bawat eksena at
may kasamang usapan ng lahat ng kasangkot.
Gumamit ng unang panauhan.

• Kung masaksihan ng isang manunulat ang pangyayari o


naranasan niya ang isang sitwasyon, maaari niyang
gamitin ang unang panauhan, ngunit gamitin lamang ito sa
mga ulat na hindi kahingian ang pagiging obhetibo.
Gawing detalyado ang ulat.

• Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong


kasangkot sa pangyayari
Gumamit ng anekdota kung kailangan.

• Mas maiging ipaliwanag ang mga eksena, araw, oras, o


sitwasyon kung kalian sinabi o ginawa ang isang bagay.
Sa paglalarawan sa eksena sa mismong pangyayari, mas
nagiging malinaw ang ugali o mga desisyong ginawa ng
mga tao o ang isang pangyayari.
Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-
sunod at karakterisasyon at
paglalarawan sa mga karanasan, kasukdulan, at
resolusyon.

You might also like