You are on page 1of 4

DALUBHASAAN NG METRO MANILA INK.

U-Site Jordan Plains Subdivision. Brgy. Kaligayahan,


Novaliches, Lungsod Quezon

Kolehiyo ng Edukasyon

KONSEPTONG PAPEL

A. Pamagat ng Risert

Epekto ng Online Learning sa Pagbabalik Eskwelahan ng mga mag-aaral


sa Ika-11 na baitang sa Dalubhasaan ng Metro Manila

B. Mga Mananaliksik:

Lider:

Arias, Olga Largado

Kasapi:

Dimayuga, Elmer Aquino Jr.

Gonzales, Ronelie Ann Abanto

Navarro, Charlene Sison

Rasyunal:

Higit sa dalawang taon na ang nakalilipas nang magsimulang lumaganap


sa Pilipinas ang Coronavirus o "COVID-19" na ikinonsidera na bilang isang
pandemya dahil sa kalawakan ng bilang ng mga namatay at naapektuhan nito.
Bagaman ang lahat ay apektado, walang sinuman at anuman ang naging
handa sa pagdating ng sitwasyong ito. Ang bawat sektor ay lubos na
nagambala at isa sa pinakamalawak ang naapektuhan at naging prayoridad na
pag-usapan noon ay ang sistema ng edukasyon dahil maging ang mundong
pang-akademiko na binubuo ng milyun-milyong mag-aaral at mga aktibong
DALUBHASAAN NG METRO MANILA INK.
U-Site Jordan Plains Subdivision. Brgy. Kaligayahan,
Novaliches, Lungsod Quezon

guro na karaniwang sa klase sa paaralan dumadalo upang mag-aral at


makapagturo ay labis na apektado.

Ayon kina Rappler et al. (2020), isang malaking usapin ang edukasyon sa
gitna ng pandemyang Coronavirus o "COVID-19". At bilang pagtugon sa
malaking suliraning ito ay iba-ibang paraan ang ginawang pagtugon ng mga
ahensya at mga eskwelahan. At isa na nga sa naging tugon sa tawag ng
edukasyon ay ang "online learning" na sistema ng edukasyon.

Makalipas ang dalawang taon na pag-aaral sa online class, sa kasalukuyang


panahon ay naabisuhan nang magbukas ang mga ekwelahan para sa "face-to-
face class". Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay mabibigyang
pagkakataon ang mga mananaliksik na bigyang pansin ang epekto sa mga
mag-aaral sa Ika-11 baitang ng mahigit sa dalawang taong pagkakakulong sa
"online learning" na sistema ng edukasyon sa kanilang pagbabalik eskwelahan
o "face-to-face class".

C. Paglalahad ng Suliranin

Tunguhin ng Pananaliksik na ito na tugunan ang mga sumusunod na


katanungan;

1. Ano-ano ang mga adbentahe at dis-adbentahe sa mga mag-aaral


ng pagbabalik ng face-to-face na klase mula sa online learning?

2. Ano-ano ang mga naging epekto sa pagganap ng mga mag-aaral


sa eskwelahan matapos ang dalawang taong online learning?

3. Paano naaapektuhan ang akademikong pagganap ng mga mag-


aaral sa pagbabalik eskwelahan mula sa online learning?
DALUBHASAAN NG METRO MANILA INK.
U-Site Jordan Plains Subdivision. Brgy. Kaligayahan,
Novaliches, Lungsod Quezon

4. Alin ang higit na mainam para sa pagkatuto ng mag-aaral, face-to-


face na klase o online learning?

D. Balangkas Teoretikal

Ayon sa dating Kalihim ng Departamento ng Edukasyon na si Briones


(2019), kahit ano pa man ang mangyari sa bansa, anuman ang mga
hamon ang hinaharap nito ay marapat na magpatuloy ang edukasyon.

E. Disenyo ng Pananaliksik

Kwantitatibo

F. Panahon ng Hangganan

Limang (5) buwan

AKTIBIDAD SA PAGBUO NG ISANG PANANALIKSIK

TAKDANG-ARAW AKTIBIDAD SA PAGSASAGAWA


NG PANANALIKSIK

✓ Setyembre 5-16, 2022 - Talakayan at pag-uulat

✓ Setyembre 19-30, 2022 - Paghahanda ng paksa at


paghahanap ng maaring i-
suhestiyon bilang tagapayo ng
isasagawang pananaliksik
✓ Oktubre 3-7, 2022
- Unang Preliminaryo/Pagtsetsek
✓ Oktubre 3-5, 2022 ng papel

- Pagsumite ng Research Title at


Research Adviser Suggestion
✓ Oktubre 7, 2022 Form para sa magiging
Tagapayo ng bawat grupo
DALUBHASAAN NG METRO MANILA INK.
U-Site Jordan Plains Subdivision. Brgy. Kaligayahan,
Novaliches, Lungsod Quezon

✓ Oktubre 10, 2022 - Paghahanda ng Konseptong


Papel mula sa napiling paksa

✓ Oktubre 12 at 14, 2022


- Pagsumite ng Konseptong Papel

✓ Oktubre 17-31, 2022 - Concept Paper Defense

- Pagbuo ng Panimulang
✓ Nobyembre 2 at 4, 2022
Pananaliksik (Kabanata 1 at 2)
- Pagpapatsek sa tagapayo
- Pre-oral Defense
✓ Nobyembre 7-25, 2022)
- Pagpapatsek ng papel sa
Tagapayo
- Pagrebisa ng papel
- Pagpapatuloy sa pagkalap ng
✓ Nobyembre 28- Disyembre 9, 2022 datos para sa pananaliksik
(Kabanata 3 at 4)

✓ Disyembre 12-16, 2022 - Paghahanda para sa pinal na


papel at sa pinal na depensa sa
pananaliksik
✓ Disyembre 19, 2022 -
Enero 13, 2023 - Pinal na Depensa

- Pinal na rebisyon sa papel at


pagpapatsek sa Tagapayo

✓ Enero 20, 2022 - Pinal na awtput

G. Guguguling Pinansyal

Limang libong Piso hanggang Pitong libong Piso (₱5,000-7,000)

You might also like