You are on page 1of 7

PUGARO INTEGRATED SCHOOL

Senior High School Department


Pugaro Dagupan City, Pangasinan

S.Y. 2021-2022

Epekto ng Modular Class sa mga Mag-aaral ng Grade 11 Palaris ng


Pugaro Integrated School taong 2021-2022

Isang sulating pananaliksik na iniharap kay

G. Kenneth Richard A. Carrera

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Isa sa mga

Pangangailangan ng Kursong “Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”

Ikalawang Semestre, 2021-2022

Ipinasa nina:

Abueme, Aira Mae De Vera, Dimple

Aquino, Aldrin Marc De Vera, Kenneth

Bautista, Jamby Dela Cruz, Alfredo

Calaunan, Ma. Regina Fabia, Romel

Calaunan, Shane Harvy Gonzales, Benzon

Decano, Prencess
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang

“EPEKTO NG MODYULAR NA KLASE SA MGA

MAG-AARAL NG GRADE 11 PALARIS

NG PUGARO INTEGRATED SCHOOL S.Y. 2021-2022"

Inihanda mula sa paaralan ng Pugaro Integrated School sa mga mag-aaral ng

11-GAS Urduja-SetA pangkat bilang bahagi ng katuparang proyekto ng asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik sa baitang

11-GAS ng Senior High School.

Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isang

pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik sa baitang 11-GAS Urduja ng Senior High School sa

ikalawang semestre.

KENNETH RICHARD A. CARRERA


PASASALAMAT

Taos-puso naming pinasasalamatan ang mga naging kawani at iba pang

naging bahagi ng proyektong ito, sa walang sawang pasuporta upang magawa at

maisakatuparan and pananaliksik na ito.

Sa mga kapwa naming mag-aaral sa Pugaro Integrated School, maraming

salamat sa tulong, pag-intindi at sa paggawa ng inyong trabaho.

Sa aming guro na si ginoong Lucky Allan Valle at sa Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, na si ginoong Kenneth Richard A.

Carrera, maraming salamat sa suporta,paglalaanan ng oras sa pagtulong at sa

pagbibigay kaalaman para sa aming pananaliksik.

Sa aming mga magulang na walang sawang pagbibigay ng supporta at

pangangailangan namin, at laging nasa aming tabi sa tuwing napanghihinaan ng loob,

isang taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay ng lakas at oras para sa pananaliksik

na ito.

Sa Poong-Maykapal na gumabay sa paggawa ng pananaliksik, sa walang

sawang pagsupporta, at sa lakas at determinasyon na kaniyang ibinigay sa amin

para sa pananaliksik na ito.


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Sa pagpasok ng taong 2020, hindi rin inaasahan ng lahat ang pagdating ng

nakamamatay at nakahahawang “Corona Virus” na kilala sa tawag na “Covid-19” at

naituturing na matinding paghinto ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga lubhang

naapektuhan ay ang sektor ng edukasyon na kung saan ay napilitang magsara at ihinto

muna ang pagsasagawa ng tradisyonal na pagtuturo pansamantala. Maraming estudyante

ang naapektuhan dulot ng pandemyang ito. Subalit parehong hindi nais ng lahat na ang

mag-aaral ay matigil sa pag-aaral, gayundin ang mga guro at iba pang tauhan ng paaralan

na mawalan ng trabaho ngunit imposible nang maipatupad ang nakasanayang pag-aaral

dahil sa pag-iingat na madagdagan pa ang mga nahahawaan ng bayrus at para na rin sa

kaligtasan ng lahat. Kaya naman, sa panahon ng krisis na ito mainam na lunas ay ang

pagpapatupad ng modular learning mode na mas epektibo kesa sa pag-aaral sa loob ng silid

paaralan. Ngayon, madaming unibersidad sa buong mundo ang kumupkop sa pagbabagong

ito at isa na roon ang Pugaro Integrated School ng Dagupan City, Pangasinan. Hindi

maipagkakaila na malaki din ang naiaamabag at naitutulong nito upang makapagpatuloy pa

rin sa pag-aaral ang mga mag-aaral.

Modyular learning ay isa sa mga ipinatupad ng DepEd para sa distansyang pag-

aaral. Ito ang makabagong paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ang modyular na klase ay gawa sa nakalimbag o naka-imprintang papel kung saan

nakasulat ang mga aralin o leksyon sa bawat asignatura. Pinag-aaralan ng bawat estudyante

ang kanilang leksyon sa module na hindi kasama o kaharap ang kanilang guro, natututo

silang mag-aral ng mag-isa. (Dagdagan)


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga katanungan na pumupukos na talakayin ang

mga epekto ng modular learning sa mga mag-aaral ng grade 11 palaris ng Pugaro Integrated

School.

(1) Ano ang epekto ng modyular learning sa mga mag-aaral?

(2) Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsasagot ng modyul?

(3) Ano-ano ang magandang idudulot sayo ng modular learning ngayong pandemic?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin- nito na malaman ang mga epekto ng modular class sa mga mag-aaral ng 11 GAS

PALARIS para narin malaman kung paano masosolusyonan ang mga problemang

kinakaharap ng mga estudyante sa pagsasagot ng kanilang module.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Isinagawa ng mga mananaliksik and pananaliksik na ito upang tukuyin ang mga epekto ng

modular learning sa mga mag-aaral ng grasde 11 palaris. Ang mga benepisyo sa mga

benipisyaryo ng pag-aaral ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na malaman

ang mga epekto ng modular learning na kung saan maaari nilang bigyang solusyon and

mga hindi magandang epekto nito.

Sa mga Guro. Ang mga guro ay magkakaroon ng ideya at kaalaman sa kung ano ba ang

epekto ng modular learning sa mga mag-aaral ng grade 11 palaris.


Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga magulang sa kung

ano ang pwedeng solusyon sa mga suliranin na nararanasan ng kanilang mga anak sa

modular learning mode.

Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at reperensa

sa mga susunod nilang pananaliksik.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa karanasan ng mga mag aaral sa grade 11

Palaris ang Pagaaral na ito ay tungkol sa kung ano ang mga Kapakinabangan, Limitasyon at

Rekomendasyon ang kanilang mga naranasan habang isinasagawa ang pag-aaral modular.

dahil sa Pandemyang nararanasan ng lahat sa ngayon maraming nagbago at kabilang na

dito ang bagong paraan ng edukasyon, ang layunin ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito

ay upang malaman ang mga karanasan ng mga estudyante at kung paano nila ito

nalampasan at nakayanan. Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay hanggang dalawampu't

walo (28) mag-aaral lamang ito ay sapat na upang malaman ang impormasyong nais

malaman ng mga mananaliksik, ang pag-aaral ay magsisimula sa buwan ng Abril at

matatapos sa buwan ng Hulyo sa taong dalawalang libo’t dalawamput dalawampu't dalawa

(2022).
KAHULUGAN NG MGA TERMINO

EKONOMIYA- Ang ekonomiya ay ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasiya

kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar. Kabilang dito ang lahat ng bagay na may

kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. May umiiral na ekonomiya upang

masiyahan ang mga pangangailangan ng mga kalahok nito.

KRISIS- Ang krisis ay tumutukoy sa panahon o pangyayari, sa isang lipunan, o sa tao na

kung saan ay nakakaranas ng taghirap. Sa madaling sabi, ang krisis ay maituturing na isang

seryoso o matinding problema.

MODULAR LEARNING- ang modular distance learning ay nangangahulugang ikaw ay mag

aaral sa pamamagitan ng teknolohiya o ikaw ay mag aaral nang hindi na pumupunta sa

paaralan.

NAKALIMBAG-Ang kalakip na artikulo ay tumutukoy sa espesipikong mga mapa sa

pamamagitan ng mga numero ng pahina na nakalimbag sa makakapal na tipo.

PANDEMYA-Ang Pandemya ay ang pang- internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit kung saan ang

karamihan ay wala pa ring kaligtasan laban dito.

SEKTOR- sektor ay tumutukoy sa isang grupo o pangkat na namamahala sa kapakanan ng nasasakupan at

may mga tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan tungo sa pagtupad ng mga layunin, ito rin ang

natatanging bahagi ng isang lipunan o bansa, maraming mga sektor ang bumubuo sa lipunan o sa bansa.

You might also like