You are on page 1of 5

MODULAR LEARNIG: EPEKTO SA AKADEMIK PERFORMANS NG MGA

MAG-AARAL NA SENIOR HIGH SA DINARATAN NATIONAL HIGH


SCHOOL

PANIMULA

Dahil sa pandemya, maraming mga bagay na nagbago. Ang Covid-19 ang


siyang nagbibigay ng limitasyon sa mga galaw ng tao. Isa sa mga nabago
ng pandemya ay ang pamamaraan ng pag-aral ng mga estudyante. Bago
mag pandemya, ang mga estudyante ay magiliw palang pumapasok sa
paaralan kasabay ng kanilang kapwa kamag-aral, pero biglaang nag
bago ang pamaraan ng pag-aaral ng mga estudyante, di kagaya nung
una ang mga mag-aaral ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang
pamamaraan ng pag-aaral at ang mga ito ay tinatawag na online,
modular, blended atbp classes.

Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging


ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing
malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang
panahon ng tekonolohiya at agham.

Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami


pang bagay. Ang kaalamang natututuhan natin sa paaralan ang
nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-
bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng
pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung
saantayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang
magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at
ang kaakibat nang mga pananagutan. Susi ang edukasyon sa bawat
pinto ng oportunidad.

Ang modyular na pagkatuto o modular learning ayon kay Manlangit et.al


(2020)“is a form of distance learning that uses Self-Learning Modules
(SLM) based on the most essential learning competencies (MELCS)
provided by DepEd”. Ito ay isang sistemang ginawa ng Department of
Education o DepEd upang makapag-aral parin ang mga studyante kahit
hindi pumapasok sa paaralan. Ayon sa pag-aaral ni Bernardo (2020),
ang modular learning ay ang pinakatanyag na uri ng Distance
Learning.

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng naiimprentang modyul na kailangan


nilang pag-aralan sa loob ng kanilang tahanan na naglalaman ng iba’t
ibang gawain na kailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang Modular
Learning ay nagtatampok ng individualized instructions o pang-isang
panuto na nagbibigay -daan sa mga mag-aaral na gumamit ng Self-
Learning Module (SLM) na nakaprint o digital na porma/electronikong
kopya.

Ayon kay Ambayon, (2020) sa modular na pagtuturo, natututo ang mga


mag-aaral sa kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay
nakakatulong sa mga mag-aaral upang mabigyan ng mahabang
pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa paraang ito ng pagtuturo
kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro tungkol sa
kung paano gagamitin at ipapatupad sa loob ng klase.

Sa panahon ng bagong normal ay mas maraming mga mag-aaralang


nahihirapang umunawa ng aralin. Sila ay nakararanas ng
komplikadong pag- unawa sa mga teksto. Nagkakaroon sila ng
kahirapansa pag-aanalisa sa mga susing salita at hindi nila alam kung
anong kahulugan ng nasabing salita. Maaaring nakakasagabal din ang
kanilang pamumuhay sa pagtamasa nila ng sapat na kaalaman sa pag
aanalisa ng iba’t ibang uri ng teksto. Marami sa kanila ang nahihirapan
sa pagsusuri ng konteksto ng teksto sapagkat hindi sapat ang kaalaman
nila sa bokubularyo at gramatika na bumubuo sa isang teksto at isa ito
tinukoy na dahilan ay ang kakulangan ng gabay at pagtuturo ng mga
guro magingng mga magulang sa panahon ng bagong normal.
Ayon kay Geiser at Santelices (2007), ang akademikang perfomans ng
mga mag-aaral ay naapektuhan ng ilang mga saik, tulad ng puntong
pagpasok, kalagayan pang-ekonomiya at kaligirang pampaaralan.

Ang Dinaratan Nation High School ay gumagamit ng Modular Learning


sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya. Pagkat ganito ang
ginamit na paraan ng pag-aaral, marami ang hindi sanay at
napapabayaan ang kanilang pag-aaral dahil mas inuuna nila ang
pagpunta sa bukid at iba pang lugar dahil alam nila na pwede nilang
gawin lamang ng isang gabi ang lahat ng mga mdoules nila, at ang
resulta hindi na nila nababasa ang mga lessons sa modyul nila, hindi na
sila nakakapag focus sa kanilang pag-aaral at hindi nila nasasagutan ng
maayos ang kanilag mdoules.

Ang pagtuturo gamit ang iba’t ibang pamamaraan ay may epekto sa


pagkatuto ng mag-aaral (Naseri, 2014). Ayon din kay Snow (2003), ang
komprehensyon ay isang prosesonang magkasabay na paghalaw at
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitanng interaksyon at
pakikipagugnayan sa lenggwaheng nakasulat.

Ang mga obserbasyong ito ang siyang nag-udyok sa mga mananaliksik


upang alamin ang naging epekto ng modular learning sa komprehensyon
ng mga sekondaryang mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga epekto ng Modular


Learning sa akademik performans ng mga mag-aaral sa senior high ng
Dinaratan National High School. Upang matugunan ang layuning ito,
binuo ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga tanong:
1.Ano-ano ang mga epekto ng modular distance learning sa
pangkalahatan akademik performans ng mga mag-aaral sa senior high
ng Tictapul National High School.

2. Ano-ano ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral sa


Modular Learning?

3. Anong pamamaaraan ang ginawa ng mga mag-aaral upang


malampasan ang mga pagsubok dulot ng Modular Learning?

Layunin ng Pananaliksik

Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga katanungan ukol sa


epekto ng Modular Learning sa pangkalahatang performans ng mga
senior high na estudyante sa Dinaratan Nation High School. At ang pag-
aaral na ito ay mayroon ring layunin na nais mabatid kung may epekto
ba ang Modular Learning sa mentalidad at emotionalidad ng estudyante.

Depenisyon ng mga terminong nagamit

Modular Learning – isa sa mga paraan ng pagtuturo na ginagamit


ngayong panahon ng pandemya. Ito rin ay ginagamit para magturo sa
Dinaratan National High School.

Estudyateng Senior High – mga respondente sa pag-aaral na ito na


nag-aaral sa pamamaraang Modular Learning.

Dinaratan National High School – kung saan isinigawa ang pag-aaral at


gumagamit ng Modular Learning na paraan ng pagtuturo sa estudyante.

You might also like