You are on page 1of 4

Pagtanggap ng Tiktok Bilang kagamitan sa Pagtuturo ng Gramatika

sa Filipino sa Unang Taon sa Kolehiyo ng


Batsilyer ng Sekundarya Major sa Filipino sa Pamantasan ng
Silanganing Pilipinas Pedro Rebadulla Memorial Campus, Catubig.

Rebyu ng Literatura

Ang mga ito ay inaasahang nakapagpapakita ng iba’t ibang


abilidad, istilo ng pagkatuto, antas ng kanilang 11 performans,
preperensya, at maging sa kanyang kagustuhan upang makamit ang
kani-kanilang pangangailangan at nalalaman sa loob ng paaralan na
ginagamit nila sa totoong buhay (Bender, 2012).1

Nabanggit sa librong Sinag na ayon kay Briones (2020), nais


nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga
Pilipinong mag-aaral pagdating sa edukasyon. Kaya naman dapat
lamang na malinang ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at
guro, magamit ang limang makrong kasanayan, pagiging epektibo ng
10 mga estratehiya na gagamitin sa pagtuturo na makapukaw ng
atensyon para sa mga mag-aaral, at higit sa lahat, maging gabay
ang mga guro sa pag-aaral sa loob ng apat na sulok ng silid-
aralan, maging sa makabagong klasrum ang teknolohiya. Tinataglay
ng bawat isa ang pagsasalita, pagsulat, pakikinig, pagbasa, at
panonood ng limang makrong kasanayan, na ang lahat nang ito ay
mayroong proseso, upang lubos na madebelop ang kakayahan ng isang
mag-aaral.2

Sang-ayon din sa pag- aaral ni Cabigao (2021) sinasabing


malaking tulong din ang sigla ng isang guro, upang maging maayos
ang pagbibigay ng mga impormasyon sa pagtuturo.3

1
Bender (2012), Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino
https://www.researchgate.net/publication/353443547_Paglinang_ng_mga_Estratehiy
a_sa_Pagtuturo_ng_Wikang_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemy a

2
Briones, (2020), Paglinang ng Wikang Filipino sa Panahon ng Pandemya
https://www.researchgate.net/publication/353443547_Paglinang_ng_mga_Estratehiy
a_sa_Pagtuturo_ng_Wikang_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemy a

3
Cabigao (2021), Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino
https://www.researchgate.net/publication/ 353443547_
Paglinang_ng_mga_Estratehiya_sa_Pagtuturo_ng_Wikang_
Bagama’t kinikilala ang panonood bilang isang makrong
kasanayan kung kaya isinasama ito sa kurikulum sa mga asignatura
sa wika, hindi kasing-bigat ang inilalaang pokus sa pagtuturo
nito ng mga guro gaya ng sa pakikinig at pagbasa. Ang
nakababahala rito, tayo ay nasa panahon kung saan nagiging
pangunahing pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan, maging
ng ibang asignatura, ang pagpapanood ng iba’t ibang anyo ng midya
sa telebisyon o internet. Mabigat ang tungkulin ng mga guro sa
wika na maturuan ang mga mag-aaral sa wastong pagpili,
pagpapatibay, at pagpapakahulugan sa mga imaheng biswal (Bien
etal, 2018).4

Samakatuwid, labis na kailangan ang pagpapaunlad ng


kanilang kasanayan sa panonood. Dito nagpapakita ang mag-aaral ng
kakayahang tumanggap ng impormasyong may iba’t-ibang layon
pasalita o pasulat, mula sa pagbabasa, panonood at pakikinig sa
maraming uri ng midya (Greenstein, 2012).5

Ang pagsasanib ng pelikula sa pagtuturo ay epektibong paraan


upang maabot ng guro ang pandamdaming domeyn ng mga mag-aaral at
magkaroon ng replektibong pag-uugali at magkaroon ng ugnayan ang
pagkatuto sa kanyang mga karanasan. Nabubuksan ng mga pelikula
ang mga natatagong emosyon kaya ang 13 pagbubukas ng damdamin sa
pamamagitan ng pagtatanong at paglalahad ng mga ekspektasyon at
dilema. (Mumford 2018).6

Sa pahayag na binanggit ni Klein (2019) ang paggamit ng


paraang bidyo aplikasyon sa pagtuturo ay nagbibigay ng enganyo at
sigla sa isang aralin. Tunay na madaling matuto ang mga mag-aaral

Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya

4
Bien et al. (2018), ANG KASANAYANG PANONOOD AT ANTAS NG PAGKATUTO NGMGA MAG-
AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO,
https://www.scribd.com/document/397166735/final-thesis-1- docx

5
Greenstein. (2012), Mga Salik Tungo sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo
https://www.academia.edu/60122357/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKT
IBONG_PAMAMARAAN_NG_PAGTUTURO?sm=b

6
Mumford et. al (2018) (PDF) ESTILO NG PAGTUTURO NG MGA GURO AT ANG AKTIBONG
MOTIBASYON NG MGA MAG-AARAL | jethro lopez - Academia.edu M.
kung ang makabagong estratehiya na 14 gagamitin ay naaayon sa
kanilang interes at sa pagkatuto.7

Ayon naman kay Catacutan (2015), makakatulong ang


pamamaraang biswal na malaman ng mga mag-aaral kung paano ito
ipakahulugan. Sa panahon ngayon, maraming paraan ng pagbibigay ng
impormasyon at isa na dito ang biswal kung saan ay makakatulong
sa pagkatuto ng mga mag-aaral.8

Naging bahagi na ng pamumuhay at kultura ng mga kabataang


Pilipino ang iba’t-ibang social networking applications. Maging
ang aspetong pisikal ay lubos na naapektuhan. Ang mga larong
Pinoy tulad ng mga tumbang preso, patintero, luksong-baka, at iba
pa ay tila nawawala na sa kasalukuyang panahon sapagkat ang mga
kabataan ay sinupil na ng mga produkto ng teknolohiya na patuloy
na patok sa mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan. Isa na rito
ang Bidyo Aplikasyon tulad ng Tiktok application na kinagigiliwan
at patok na patok sa masa. Ang Bidyo Aplikasyon na ito ay ginawa
ng kumpanyang ByteDance noong taong 2018 mula sa bansang China.
Ito ay isang aplikasyon na kung saan maaaring manood o lumikha ng
mga bidyo na 15 hanggang 60 segundo ang haba. Ito ay may konsepto
na gumawa ng mga bidyo na maikli lamang na mas malawak ang saklaw
kung ikukumpara sa mga ibang mga bidyo sa parehong larangan
(Wallaroo Media, 2020). Ang nasabing bidyo aplikasyon ay
ginagamit upang makagawa at makapag-post ng mga lip-syncing
videos, lifehacks, mga tips at tricks, at marami pang iba na
mapagkukunan ng dagdag kaalaman. Ang mga bidyo na ito ay maaaring
lagyan ng mga filter, background music at stickers kung kaya’t
ito ay kinagigiliwan ng mga kabataan.9

Ayon sa pananaliksik ni Nasil et al.(2014) na binibigyan-


pansin ang paggamit ng pamamaraan sa pagkatuto. Sa kanyang

7
Klein.(2019) Paglinang ng mga estratehiya sa lpagtuturo ng wikang filipino
sa panahon ng pamdemya.
8
Catacutan (2015),KABISAAN NGPAGGAMIT NG YOUTUBE BILANG PAMARAANG
PAMPAGKATUTO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO BAITANG 10 NG PAMBANSANG
MATAAS NA PAARALAN NG NEW TAUGTOG https://pdfcoffee.com/kabisaan-ng-paggamit-
ngyoutube-sa-pagtuturo-ng-filipino-10-pdf-free.html

9
Dr. Leticia Central (2010), Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral,
hhtps://www.academia.edu/43296379/ Kabanata 1 ang Suliranin at
Kaligiran_ng_Ng_Pag_aaral_Panimula
ginawang pananaliksik ang mga visual learners ay madaling
natututo sa pamamagitan ng biswal na pamaraan .10

10
Nasil et al. (2014), Paraan ng Pagtututo ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa
Kolehiyo Mga Paraan NG Pagkatuto NG Mga Piling Mag-Aaral NG Unang Taon Sa
Kolehiyo | PDF (scribd.com)

You might also like