You are on page 1of 10

ASSUMPTION COLLEGE OF NABUNTURAN

P-1 Poblacion, Nabunturan, Compostela Valley

FILIPINO 406

PAGLINANG NG KURIKULUM AT PAGHAHANDA NG MGA

KAGAMITANG PANGKURIKULUM SA FILIPINO

Pangalan: MICA O. NUGAL

Guro: Rammel T. bayani

Planong Pangkurikulum

INTERBENSYONG PANGKURIKULUM
1. Ano-ano ang mga estratehiya sa pagtuturo mo ang ginagamait sa bagong kadawyan?

( IDI 1): . Ang stratehiya na aking ginamit sa pagtuturo ngayon ay ang ICT approach.

( IDI 2): Ang estratehiyang aking ginamit ang paggamit ng ICT o online teaching at modular.

( IDI 3): Sa paglaganap ng pandemya, marami ang naapektuhan at isa nito ang edukasyon ng mga mag-
aaral, Kaya’t modular distance learning ay pinairal. Learner- centered teaching ang estratehiyang ginamit.
Kung saan ang mga mag-aaral ang nasa sentro ng pagkatuto at ang mga guro ang tagapagdaloy.

( IDI 4): Ang Paggamit nga ICT

( IDI 5): . Sa panahon ng pandemya ang pinakamabisang paraan ng pagtuturo ay ang Modular distance
Learning at Online Distance learning

( IDI 6): Pagbibigay ng modyul / modular

( IDI 7): DRTA ( Direct Reading- thinking Activity

a. Ano ang mga pinakamabisang estratehiyang iyong ginagamit sa pagtuturo sa bagong kadawyan?
Bakit?

( IDI 1): Ang pinakamabisang stratehiya na aking ginamit ay (1.)pag aaply ng ICT approach sa mga activity
na ginagawa ng mga bata isa dito ang paggawa ng kanilang performance task. (2) ang pag gawa ng
portfolio bilang compilasyon ng mga activity sheets ng mga bata na kung saan makikita rito ang mga
malikhaing gawa at mga puntos ng mga nakuhang marka. Sa ganitong pamamaraan nagagamit ko bilang
isang guro ang stratehiyang Discovery at ICT approach ng mga bata.

( IDI 2): Ang pinakamabisang estratehiya na aking ginamit ay ang modular learning o pagbibigay ng mga
supplementaryong kagamitan. Dahil dito sa atin sa rural na lugar ay limitado o pili lamang ang mga signal
para sa paggamit ng mga teknolohiya o walang masyadong Internet Connection kaya may mabisa ang
Modular. Kasi nga maaari silang makapag-aral kahit na walang internet kasi nasa modyul naman lahat ng
aralin para sa asignaturang Filipino.

( IDI 3): Pinakamabisang estratehiya ay ang learner-centered teahing sapagkat ang mga bata/ mag-aaral
ay natututong umunawa at gumawa ng solusyon sa kanilang gawain.

( IDI 4): Ang paggamit ng makabagong teknolohiya para maparating sa mga mag-aaral ang mga leksyon
na dapat nilang matutunan.

( IDI 5): Sa ngayon an gaming ginagamit ay ang Modular distance Learning

( IDI 6): Paggamit ng Self Learning module at Learning activity sheets.

( IDI 7): . Isa parin sa tradisyunal na estratehiya na maaaring gamitin para maging epektibong ang klase,
dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na mahihiwalay ang kahihinatnan ng susunod na pangyayari.

b. Paano nakatulong ang mga estratehiyang ito sa iyong mga mag-aaral? Ano ang naging kahinaan
ng mga estratehiyang ito? Bakit mo naman nasabi?
( IDI 1): Nakakatulong ang stratehiyang ito na magampanan ng mga bata ang kanilang mga aralin at
performance task . Ang naging kahinaan ng stratehiyang ito ang ibang mga bata ay hindi gumagawa basi
sa ICT approach dahil sa wala silang kagamitan tulad ng celpon,laptop at wala ding internet connection.

( IDI 2): .Nakakatulong ito, sapagkat sa panahon ngayon kahit nasa pandemya tayo ay kinakailangan
parin na patuloy ang kaalaman ng mga mag-aaral para man lang hindi nila makakaligtaan ang mga aralin
para sila mismo ang maka alam at maka diskobre sa mga impormasyon. Ngunit naging mahina ito
sapagkat wala mapagtatanungan ang mga mag-aaral kung mga mga bagay na hindi nila maintindihan kasi
hindi rin naman lahat ng magulang ay may napag-aralan lalo na ditto na lugar.

( IDI 3): Ito ay nakakatulong sa aking mga mag-aaral sapagkat natuto silang magtiwala sa kanilang
kakayahan at sarili. Nag-aaral sila ng mabuti at matutung mangalap ng impormasyon sa libro man o
internet.

( IDI 4): Nakakatulong ito para maunawaan nila ang mga bahagi ng modyul lalo na sa mga aralinna hindi
nila masyadong naintindihan.

( IDI 5): Nakatutulong ito sa mag-aaral upang matuto silang mag aral o intindihin ang mga aralin na
nakasaad sa kanilang modyul sa sarili nilang mga paraan. At kung minsan naman sinasabi ng mga mag-
aaral na nababagot na sila sa pagsagot sa mga katanungan o Gawain bukod sa hindi nila masyadong
naintindihan ang mga aralin ay napapagod din sila sa pagsulat lalo na kung mahaba

( IDI 6): Nakatutulong ito sa mag-aaral na matuto kahit walang gurong gumagabay, dahil e denisenyo ito
para sa independent learning

( IDI 7): Kapag nabasa na nila ang iyong kinukuwentong isinasalaysay ay parang hindi na sila
magkakaroon ng pananabik sa aralin o sa klase

c. Ano ang mga pinakamabuting karanasan sa paggamit ng estratehiya sa pagtuturo sa bagong


kadawyan? Ano ang mga pinakamasamang karanasan?

( IDI 1): Ang pinakamabuting karanasan gamit ang bagong stratehiya ay napapa unlad ko ang self efficacy
ng bata at ang pagiging malikhain.

Ang masamang dulot naman nito ay nagpapagawa ang ilan sa mga bata sa ibang tao kung kaya ang
individual learning nito ay hindi na napaunlad

( IDI 2): Kung ating ipagkukumpara noon na face to face pa ay maraming mabisang estratehiya sa
pagtuturo, ngunit ngayon na pandemya mabuting karanasan ay nabibigyan natin nga pagkakataon ang
mga mag-aaral na kusa sila na mag-aral at maipamalas ang kanilang angking galling lalo na yung mga
mag-aaral na hindi napapansin noong face to face pa.

( IDI 3): . May mga mabubuting karansan at hindi ang estratehiyang ito. Sapagkat may mga mag-aaral na
natutu ng maigi ngunit may mga mag-aaral din na hindi gaanong katalino kung ipaghambing sa iba

( IDI 4): Para sa akin ang pinakamabuti ang yung naging bahagi ka nang mga kung bakit may natutunan
ang mga mag-aaral. ngunit ang masama ay yung hindi sapat sa mga mag-aaral ang mga kaalamang
ibinahagi lalo na yung mga wala o mahina ang access ng internet o signal kung ikukumpara sa panahon ng
face to face na maiaabot mo lahat at maibabahagi mo lahat sa kanila ang mga mahahalagang aralin,

( IDI 5): Masasabi ko na mabisa ang estratehiyang ito dahil ang mga mag-aaral ay natutuo sa
pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap, kaya lang kung minsan may mga mag-aaral na hindi lahat ay
sinasagutan ang mga Gawain o binabasa kasi nga may mga sagot naman ito na kalakip sa modyul dahil
nga ito ay nasa Guidelines na ibigay din kasali ang mga susi sa pagwawasto.
( IDI 6): Ang pinakamabuting karanasan ay naging mas responsible at mas naging mapanaliksik ang mga
mag-aaral. Ang pinakamasamang karanasan ay mababaw ang mga natutunan ng mga mag-aaral dahil ang
iba ay nakabasi lang sa magulang o mga nakakatandang kapatid at mga sagot ng kakaklase

( IDI 7): Ang mga mag-aaral ay masiglang nakikilahok sa talakayan samantalang ang iilan ay walang
pakialam.

d. Paano mo pa kaya mapauunlad ang mga estratehiyang iyong ginamit sa pagtuturo sabagong
kadawyan?

( IDI 1): Mapapaunlad ko pa ang stratehiyang ito sa pagbibigay remedial visitation o peer tutoring upang
ang bawat individual ay matuto at mapaunlad rin ang kanyang performance

( IDI 2): Siguro mapapaunlad ko ito kung may roon ng sapat na signal hindi lamang sa internet kundi
maging sa celpon kasi mas mabigyan pa ng Assistant ang mga mag-aaral sa kanilang mga Aralin.

( IDI 3): Dahil ito ay modular may mga batang hindi pa nakaka adopt sa bagong Sistema. Home visitation
ay kailangan upang ang estratehiyang ito ay mas umunlad pa.

( IDI 4): Siguro yung pagbibisita o Home Visitation lalo na sa mga batang walang selpon o internet
connection at yung malalayo ang bahay. At siguro isa narin ay ang pagkakaroon at pagsali sa mga webinar
na maaring gamitin sa pagtuturo.

( IDI 5): . Mapapaunlad ang estratihiyang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Home Visitation

( IDI 6): Gawing mas interesado ang mga Gawain na ibibigay sa modyul.

( IDI 7): .Kinakailangan maghanap/ manaliksik ng bagong mga kwento na may kaugnayan/ pagkakatulad
sa tunay nilang nakikita upang maging aktibo

e. Ano-ano ang mga suliraning hinarap mo sa pagtuturo sa bagong kadawyan?

( IDI 1): Ang mga suliranin ko rito ay ang distance communication sa mga bata.dahil sa hindi pa
pinapatupad ang face to face learning. kung kaya bawat guro ay may mga suliraning hinaharap kung
paano bigyan ng atensyon ang bawat mag aaral sa mga modules na silay nahihirapan magsagot.

( IDI 2): Mga Suliranin tulad nga kakulangan sa mga kagamitan tulad ng sa pag limbag o pag imprenta ng
mga modyul at lalo na rin ang mga magulang na may malayo ag bahay hindi sila agad nakakakuha ng
modyul .

( IDI 3): Maraming suliranin ang aking napagdaanan katulad ng ibang mag-aaral na hindi sinasagutan
lahat ng kailangan na tugon sa modyul. Isa ito sa naging suliraning aking kinaharap sapagkat alam ko ang
mga mag-aaral na ito ay hindi masyadong naintindihan ang nilalaman o ang aralin sa modyul.

( IDI 4): Una ay ang internet Connection, Pangalawa ay yung mga batang hindi regular ang pagpapasa at
pagkuha ng mga modyul o summative.

( IDI 5): Isa sa mga suliranin ay ang pagbabasi o umaasa nalang ang mga mag-aaral sa susi ng
pagwawasto na kalakip din ito kapag nagbibigay ng modyul.

( IDI 6): Una ay naninibago ako sa kadahilanang hindi ko nakikita ang aking mga estudyante. Pangalawa
ay ang paghahanda ng mga Gawain na ibibigay sa mga mag-aaral na angkop sa kanilang kakayahan kahit
na walang gabay ng guro. At ang paghahanda ng mga modyul kung paano ito ibibigay lalo na yung mga
nasa malayo at liblib na lugar.

( IDI 7): Mahirap tukuyin ang kanilang mga interest/hilig


f. Ano ang kadalasang naging hinaing ng mga mag-aaral at mga magulang na hanggang sa
kasalakuyuan ay naging nararanasan pa rin nila?

( IDI 1): . Ang mga hinanaing ng mga mag aaral ay sana bumalik na ang face to face learning dahil ang
sabi ng mga karamihan mas matututo ang mga bata kung guro talaga ang magtuturo.dahil hindi lahat ng
mga mag aaral ay aktibo at ang kanilang mga magulang ay no read no write pa..kaya marami talagang
hinanaing ang bawat mag aaral sa ngayon.

( IDI 2): Isa sa kanilang hinaing ay ang pagbabalik ng Face to face na klase . Kasi hindi lang ang mag-
aaral ang nahihirapan kundi pati oras ng mga magulang sa pagtututro ng kanilang mga anak

( IDI 3): May mga mag-aaral na nagsasabing mahirap intindihin ang nilalaman ng modyul lalo na kung
walang internet ay talagang mahihirapan sila. May mga magulang din na nagsasabing na mahirap ang
modyul at hindi ito angkop sa kakayahan ng kanilang mga anak.

( IDI 4): Nahihirapan na sila sa pagsagot sa mga modyuls lalo na sa mga magulang na hindi nakapagtapos
ng pag-aaral at walang internet connection at hindi rin sila sanay sa paggamit ng mga teknolohiya

( IDI 5): Paulit- ulit nalang ang reklamo ng mga mag-aaral na napapagod na sila sa pagsagot sa modyul

( IDI 6): Ang kadalasang hinaing ng mga mag-aaral ay nahihirapan silang intindihin ang mga aralin hindi
lang sa Asignaturang Filipino kundi halos lahat.

( IDI 7): Kadalasan sa mga mag-aaral ay hindi mahilig magbasa, kaya sila ay nalulong sa mga
makabagong teknolohiya tulad ng celpon.

2. Paano mo hinarap ang mga hamon sa paggamit ng estratehiya sa pagtuturo sa bagong kadawyan?

( IDI 1): Hinarap ko ang stratehiyang ito sa paggawa din ng mga tutorial vedio lesson na kung saan
matutulongan ang bawat mag aaral na maiintindihan ang leksyon na nasa module. Itong vedio lesson i
inaupload ko sa ginawa naming groupchats at kung may mga tanong din ang mga bata ay naaksyonan
agad

( IDI 2): . Kailangan harapin, kasi wala naman tayong magagawa kasi parte ito sa ating trabaho

( IDI 3): Ang mga batang nahihirapan ay pinupuntahan sa kanilang mga bahay o Home Visition at kung
mga mga na bagsak man ay binibigyan ng remediation.

( IDI 4): Naki ayon ako sa bagong kaganap o mga bago ngayon na henerasyon, dahil kung hindi ka rin
marunong hindi mo maipapaabot sa mga mag-aaral ang mga kaalaman na dapat nilang matutunan. At
sumali sa mga orientation sa pagtuturo sa new normal.

( IDI 5): Pagkakaroon ng Home Visitation sa mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral na nahihirapan o
mga mahihina ang kakayahan.

( IDI 6): Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong at payo.

( IDI 7): Paghahanap ng mga aklat o babasahin


a. Paano mo hinarap ang mga suliranin sa pagpili ng mga kagamitang panturo?

( IDI 1): Dahil sa walang f2f learning bilang isang guro sa Filipino ay kinakailangan talaga ng guide ang
mga mag aaral kung kaya naisipan ko itong ICT approach at gumawa ng vedio lesson upang may tingnan
sila kung papaano sagutan ang mga tanong

( IDI 2): Sa tulong din ng aking mga kasamahan sa pangangalap ng mga datos para matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mag-aaral.

( IDI 3): May mga suliranin sa kagamitan lalo na sap ag limbag o pag imprenta ng modyul. Ngunit ito ay
naagapan dahil may nakatalang mga budget para rito ang paaralan

( IDI 4): Nagsasaliksik ako ng mga angkop na kagamitang pampagtuturo

( IDI 5): . Dahil sa dami ng mga kinakailangan na modyul ayon sa dami ng mga enrollees ay minsan
nakukulangan ang mga budget lalo sa mga materyales sap ag imprenta ng mga ito. Tulad ng mga ink,
bondpaper, printer at iba pa.

( IDI 6): . Hinarap ko ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga kapwa ko guro at pagsali sa mga
orientation at Webinar.

( IDI 7): . Isaalang-alang ang interes at hilig ng mga mag-aaral sa tulong ng aking kapwa guro.

b. Paano mo tinugunan ang suliranin sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

( IDI 1): Natugunan ko ang pamamaraang ito sa pagbigay muna ng mga sample kung papaano
gawin..dahil sa kanilang performance task ay inatasan ko sila gumawa o magrecord ng vedio kung
papaano nila sagutan ang mga suliranin..

( IDI 2): Pag attend ng mga webinar para mas makatulong kung ano pa ang mga stratehiya o hakbang
para sa ikakabuti ng mga mag-aaral

( IDI 3): Tinugunan koi to sa pagbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa kanilang aralin tulad nga (fact
Sheet).

( IDI 4): Kung sa mga mag-aaral na may internet koneksyon ay nabibigyan ko ng gabay sa pamamagitan
nga Messenger o Group chat, ngunit sa mga wala naman ay nagkakaroon ako ng Home Visitation para
maipaliwanag sa kanila ng maayos ang mga hindi masyadong maunawaan .

( IDI 5): Sa pamamagitan ng Home Visitation .

( IDI 6): Tinutugunan ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay tugon sa kanilang mga katanungan gamit ang
social media, tawag at text. At home Visitation sa mga walang signal.

( IDI 7): Maghanap ng mga babasahing angkop sa kanilang mga hilig o interest
c. Sino/Sino-sino ang iyong nilapitan upang matulungan ka sa pagharap sa mga suliranin sa paggamit
ng estratehiya sa pagtuturo sa bagong kadawyan?

( IDI 1): Oo syempre, bago ko ginawa ang aking mga hakbang ay nakipag usap ako sa mga magulang ng
mga bata sa pamamagitan ng pagpupulong sa paaralan upang imungkahi sa kanila ang aking gagawing
plano para matugunan ang pangangailangang teknikal assistance sa mga batang hindi abot ng internet at
sa mga hindi nakakaintindi ng leksyon sa module

( IDI 2): Syempre una ang mga kasamahan natin sa Filipino o mga nagtuturo ng Filipino at ang punong
Guro.

( IDI 3): Una kong nilapitan ang aking mga kasamahan, humingi ng tulong at payo kung ano ang maaari
kung gawin at panghuli ay an gaming punong guro.

( IDI 4): Kumunsulta ako sa punong-guro para mabigyan ako ng payo sa kung ano ang mga dapat gawin.

( IDI 5): Ang punong guro at kapwa ko guro upang maslalo pang mabisa ang mga estratehiyang aking
gagamitin sa pagtuturo.

( IDI 6): . Lumalapit ako sa mga kapwa ko guro at sa mga eksperto sa aming larangan

( IDI 7): . Kapwa guro

3. Ano ang iyong mga saloobin sa paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo sa baong kadawyan?

( IDI 1): Sa aking palagay ang naging saloobin ko ay kung papaano maging epektibo sa mga kabataan
ang ganitong stratehiya na ICT approach at kung tataas pa ang bahagdan ng kanilang performance sa
pamamagitan nito.

( IDI 2): . Hindi naman kasi pare- pareho ang utak ng mga mag-aaaral kaya may mga pagkakataon na
naiintindihan ko ang mga mag-aaral kung mayroon silang mga reklamo sa kanilang mga modyul. Kasi nga
may mga modyul na subrang hirap na at hindi rin angkop sa kakayahan ng mga bata

( IDI 3): Bilang isang guro walang kahit anong halaga ang tutumbas sa aking nararamdaman pag aking
nakikita na ang aking mag-aaral ay maraming natutunan.

( IDI 4): Para sa akin, may mabuti naming naidulot ang pagtuturo sa new normal gamit ang mga
teknolohiya. Pero mas maganda at mabuti talaga ang face to face na klase para hindi na mahirapan ang
mga mag-aaral sa pagsagot.

( IDI 5): . Bilang isang guro lahat ay aking gagawin upang matugunan ang mga pangangailangan ng aking
mga estudyante, kahit anong estratehiya pa yan bastat para sa kinabukasan at para sa kaalaman ng mag-
aaral ay hahanap talaga ako ng paraan

( IDI 6): . Mas maganda sana siya lalo na kung may mga sapat na internet connection o kagamitan ang
mga mag-aaral.

( IDI 7): May magandang din na naidulot at impluwensiya sa mga mag-aaral.


a. Ano ang bagong estratehiyang iyong natutuhan mula sa iyong mga karanasan sa pagtuturo sa
bagong kadawyan?

( IDI 1): Wala namang nagbago...ganoon pa rin ang naging ganap sa pagtuturo ...ang isang bagay
lamang na nag iba ay yong tumuturo ka sa pamamagitan ng online at distance learning modality.

( IDI 2): . Siguro para sa akin ang estratehiya ay ang pagbibigay ng mga pagkakataon na hahayaan natin
ang mga mag-aaral na kusa silang mag hanap ng mga suliranin o mga bagong aralin na angkop sa kanila
na dapat hindi lang tayo nakabatay palagi sa aklat o sa Pamamaraan ng Deped kasi may mga mag-aaral
na hindi rin nakakasabay .

( IDI 3): Bagong natutunan ko ay dapat hindi natin baliwalain ang kakayahan ng mga mag-aaral, kung may
nahihirapan bigyan nating pansin ito at gawan ng paraan para sila ay may matutunan

( IDI 4): Ang paggamit ng mga modyul kahit na face to face para magkaroon ng advance learning ang mga
mag-aaral. lalo na kung mga mga guro ay subrang busy sa mga paperworks o mga extracurricular sa
paaralan.

( IDI 5): . Kailangan natin bigyang pansin ang pangangailangan ng bawat mag-aaral kayat nararapat na
magtuklas tayo ng mga bagong estratehiya na angakop sa kanila at sa panahon.

( IDI 6): Ang bago kung natutunan ay kung paano gumawa ng isang self learning modyul at ang paggamit
ng mga online flatforms sa pagtuturo

( IDI 7): Paggamit ng makabagong teknik sa pagtuturo gaya ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya
na angkop din sa henerasyon

b. Ano ang nais mong sabihin sa mga guro na gumagamit ng mga estratehiya sa pagtuturo sa bagong
kadawyan?

( IDI 1): . Saludo ako sa mga guro, dahil sa ganitong sitwasyon ay ginagampanan parin nila o kami na
matugunan ang kalidad na edukasyon sa mga kabataan...nakaakibat parin kami sa salitang no one left
behind...

( IDI 2): Patuloy lang para sapag-unlad ng mga mag-aaral basta lang mabuti ang ating mga hangarin at
dapat ito ay nasa tama din bilang isang tagapagturo

( IDI 3): Bilang isang guro hindi dapat tayo nka pokus sa isang estratihiya lamang sa pagtuturo.
Laging gumamit ng mga estratehiya na angkop sa kakayahan ng ating mga mag-aaral

( IDI 4): Go on lang, lagi nating isipin ang kapakanan ng mga mag-aaral..

( IDI 5): Sa pagpili ng estratehiya kailangan gumamit ng mabisang estratehiya na angkop sa mag-aaral.

( IDI 6): Sa mga gurong nagtuturo sa panahon ngayon tanggapin natin ang pagbabago at paunlarin natin
ang mga estratehiyang mas makatutulong sa ating mga-aaral at huwag po tayong huminto sa pagtuklas ng
mas mabisang estratehiya sa pagtuturo lalo na sa panahon ngayon.

( IDI 7): Ang paggamit ng mga makabagong teknik tulad ng paggamit ng mga teknolohiya na aakma sa
interes at hilig ng mga mag-aaral ang isa sa pinakamabisang paraan.
c. Ano ang nais mong sabihin sa mga mag-aaral na iyong tinuturuan sa bagong kadawyan?

( IDI 1): Ang nais kong sabihin sa mga mag aaral ngayon ay huwag tumigil sa pagdiskobre sa kong anong
kaalaman na meron sila dahil lahat naman tayo ay may ideya na kapag nilikom ay may pangungusap na
mabubuo. Sipag at tiyaga lang sa pag aaral kahit sa ganitong sitwasyon ang bawat isa sa atin ay may
kakayahang uunlad at mauunlad pa.

( IDI 2): Huwag tumigil sa pag-aaral kahit na medyo mahirap lalo na sa panahon ngayon, kasi balang araw
ay maipagmamalaki moa ng iyong sarili na kinaya mo pala.

( IDI 3): Mag-aral sila ng mabuti at lagging magtiwala sa kanilang kakayahan at sarili

( IDI 4): Taasan pa nila ang kanilang pasensya at magtiyag sa pagsagot sa kanilang mga modyul,
pasasaan ba’t matatapos rin ang kanilang paghihirap.

( IDI 5): . Kailangan natin bigyang pansin ang pangangailangan ng bawat mag-aaral kayat nararapat na
magtuklas tayo ng mga bagong estratehiya na angakop sa kanila at sa panahon.

( IDI 6): Sa mga mag-aaral sipagan pang lalo ang pag-aaral dahil hindi na araw araw nandiyan ang guro
na sasagot kung may mga katanungan kayo. Mas maging responsible para maging maganda ang
kinabukasan huwag aasa lagi sa sagot ng mga kaklase

( IDI 7): Kahit na mahilig o nalululong na sila sa mga makabagong teknolohiya tulad ng selpon at palagihin
at bigyan parin nila ng panahon at oras ang pagbabasa dahil ito ay paraan din na matuto .

d. Ano ang nais mong sabihin sa administrador o opisyal ng DepEd hinggil sa paggamit ng mga
estratehiya sa pagtuturo sa bagong kadawyan?

( IDI 1): Sa paggamit naman ng estratehiya ay nakabatay naman ito sa guro at hindi sa opisyal ng
DepEd.kasi ang kagawaran ng edukasyon ay nagpapalabas lamang ng mga bagong stratehiya na hindi
naman angkop sa ibang paaralan o lugar. Tayo kasing mga guro mas alam natin kung anong mga
stratehiya ang gagamitin lalong lalo na dito sa mababang paaralan at malayo sa mga makabagong
teknolohiya.

( IDI 2): Siguro ano, huwag masyadong magbigay ng mga reports o paperworks na hindi rin naman
kinakailangan na lahat ng mga Paaralan at guro ang gagawa kasi hindi naman sila ang nasa Field kaya
hindi nila alam ang pangyayari, kasi ngayon ang nangyayari imbis ang guro ay naka pokus sana sa
pagtuturo sa mga-aaral ang nangyayari ay puro mga report at paperwork ang inaatupag.

( IDI 3): Sana lahat ng opisyal hindi lang mga guro ay mas bigyang halaga ang edukasyon ng kabataan .

( IDI 4): Sana maibalik na nag face to face na klase

( IDI 5): . Panatilihin ang mga hakbang na ikakabuti ng ating mga kabataan at huwag masyadong
magbigay ng mga report o paperworks sa mga guro.at dagdagan din ang mga budget lalo na sa mga
kagamitang pampagtuturo

( IDI 6): Para sa mga opisyal ng Deped sana ay mas ipairal pa natin at bigyang pansin ang mga
pangangailangan ng mga guro lalo na sa pagtuturo

( IDI 7): . Isaalang-alang angf mga guro sa mga training/ seminar na tumatalakay sa mga estratehiyang
aangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

You might also like