You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO 7

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

Pangunahin at Pantulong kaisipan

Ika-limang Linggo
Panimula (Susing Konsepto)
Gusto mo bang maging isang mahusay na mambabasa? Ang aralin na ito ay sadyang inihanda
upang matulungan ka sa paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa.
Inilalahad sa aralin na ito ang mga tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa pangunahing kaisipan at
pantulong kaisipan ng isang teksto, babasahin o alinmang akda.
Ang unang gagawin ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa paksa ng tekstong
binabasa. Ang isang paraan na makakatulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagsususri sa pamagat.
alamin ang pangunahing kaisipan at pantulong kaisipan..

Pangunahing kaisipan- ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto, ito ang
tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa
unahan o hulihan ng talata. maging madali ang pagtukoy kung masasagot mo ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang paksa o ang pinag-uusapan?
2. Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?
Pantulong na kaisipan- Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon o mga detalye na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan katulad ng petsa, pangalan, lugar, datos istatistika at iba pang impormasyon na
nagbibigay suporta sa pangunahing kaisipan. Mahalaga ang pagkilala at pang-unawa sa mga detalyeng
nagbibigay suporta sa pangunahing kaisipan dahil sa:
1. Ito ang susi sa lubusang pang-unawa ng pangunahing kaisipan.
2. Nakakatulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahahalagang impormasyon sa
teksto.
3. Makakatulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
ISAISIP!!
Sa kabuuan ng araling ito, madali mong maunawaan ang tekstong iyong binasa kung sususndin mo
ang dayagram na nasa ibaba.

PAKSA/PAMAGAT
(Tungkol saan o kanino ang teksto)

PANGUNAHING KAISIPAN
(ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tunkol sa paksa)

MGA PANTULONG NA KAISIPAN


(Sumasagot sa mga tanong na …)

Sino Ano Saan kailan Bakit Paano

Basahin at Unawain:

Online learning sa New Normal ng Edukasyon

GRABE ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan ng edukasyon sa buong mundo at ang anyo
ng bagong normal sa edukasyon ay malayong malayo sa dating normal. Sa ayaw man o sa gusto ng
mga titser, magulang, estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda,
mas dadalas at magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online
learning” na dati’y madalang gamitin.Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan
lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang edukasyon. Ang online learning ay
gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan
at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro.

Sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online learning kesa sa pag-aaral
sa loob ng silid paaralan.

Mas natatandaan ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online kumpara sa 8-10% lang
kung sa silid-paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng bata ang isang
aralin sa online learning. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata ang aralin, puedeng lumaktaw at
umabante sa ibang konsepto batay sa sariling kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa bagal
ng pagtuturo ng titser sa silid paaralan.

May distance o remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga estudyante upang aralin ang
mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser gamit ang teknolohiya tulad ng email, viber,
telegram, at FB PM. Maaari din bahay bahayin ng titser ang paghahatid ng mga modules na ito.
Maaari din gumamit ng TV at Radio learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa
Inglatera, mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinama dito para mahikayat ang estudyante na
manood at makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring mag video conference o
virtual meeting o di kaya bibisita ang titser sa bahay ng estudyante para magkaroon ng “one on one” sa
estudyante.

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din “flipped classroom” ,
isang uri ng blended learning kung saan manonood ang mga estudyante sa online lecture, magbabasa
ng mga itinakdang aralin, may video chat ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o
magtulong-tulong sa pagsasaliksik sa internet ng mga materyales na kailangan upang lalong luminaw,
lumawak at lumalim ang kanilang pagkaunawa sa mga konsepto na tinatalakay ng titser.

Sa isang napanood kong video sa epekto ng online learning sa Wuhan sa panahon ng pandemic,
isang 10 taon gulang na bata ay nag-online sa takdang oras, tumayo sa harap ng monitor at sumaludo
habang kinakanta ang kanilang pambansang awit. Mayroon din ilang minuto ng calisthenics at
sumusunod ang bata sa mga kilos ng titser sa monitor. May ilang saglit na pahinga bago mag umpisa
sa aralin ng araw na iyon at sumagot sa mga tanong sa learning modules na hawak niya. Ang bata ay
nagsabing malungkot mag-aral mag-isa dahil wala siyang makausap. Mas gusto pa niya pumasok sa
paaralan para magkita ng mga kaklase at makapaglaro pagkatapos ng klase. Ang nanay naman ng
bata ay nangangamba sa kalusugan ng tumatabang anak na isang swimmer dahil kulang ito sa
ehersisyo.

Mayroon dalawang puna ang mga nangangamba na hindi magtatagumpay ang online learning sa
Pilipinas: una, mabagal ang internet sa Pilipinas, at pangalawa, maiiwanan ang mga mahihirap sa
bagong normal sa edukasyon.

Nakakahiya ang kupad ng mobile internet download speed ng Pilipinas sa 15.06 megabits per second
(Mbps) para sa taong 2019. Ang global average speed ay 26.12 Mbps. Daig pa tayo ng Zimbabwe
(15.2 Mbps) at Syria (19.48 mbps). Pang 103rd sa 139 bansa ang ating rango. Ang DepEd, CHED,
Tesda at DICT ay kailangan magsanib puwersa para pigain ang mga Telecom carriers na palakasin
ang internet connectivity infrastructure ng Pilipinas. Free WiFi at libo-libo pang mga cloud servers ang
kailangan upang ang mahihirap na estudyante ay hindi na kailangan pang magpaload ng kanilang
mobile device para makapag online at magkasya ang napakalaking bulto ng data na kailangan
idownload at upload.

Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili ng mga desktop, laptop, at
mobile devices para sa estudyante at mga guro. Dagdag pa rito ang paglalaan ng pondo para sa
training ng titser sa pagsasalin ng kanilang ituturo sa digital format at kung paano gumamit ng mga
devices para mag upload ng mga aralin na ginawa nila. Ang lesson na pang isang oras sa silid
paaralan ay kailangan kinisin upang magkasya sa loob ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito ang
pinaka epektibong online session, ayon sa University of Peking.

Ayon kay Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020), noong 2017, 80% ng mga Pilipino na ang
edad ay 18-24 ay nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na malaking hamon paano mabubuksan
ang isipan ng age group na ito na ang internet ay tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang
ito kasangkapan ng libangan, aliwan ,at pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila.
Minungkahi niya na pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa
online at ofline learning sapagkat “learning should be fun”.

Sabi ni Alfred Mercier, dapat maging masayang karanasan ang pag-aaral upang hindi makalimutan
ng mag-aaral ang kanyang natutuhan. Kung susundin ng Dep Ed, CHED at Tesda ang mungkahi ni
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
Contreras, hindi mababagot ang mga batang mag-online para mag-aral. Ang bagong normal sa
edukasyon ay dapat maging isang masayang karanasan ng bata at titser.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mg pantulong na kaisipan (f7PB-III-g-17)
Gawain1
Panuto:
Sa tulong ng Cynical Thinking Map ay gumawa ng buod ng akdang “online learning sa New Normal ng
Edukasyon” isulat ang nabuong buod sa isang malinis na papel.
Pamamaraan: Pagbubuod

Pangunahing kaisipan
Ano ang Online learning?
1.
2.

Buod ng “Online
learning sa New Mga pantulong na kaisipan
Aral na nakuha sa binasang Positibong pananw sa online
Akda Normal ng
learning
edukasyon”
1. 1.
2.

Mga pantulong na kaisipan


Neagatibong pananaw sa Online
Learning
1.
2.

Gawain2
A. Panuto: Ngayong alam mo na kung paano mag buod ng isang teksto sa tulong ng pangunahin at
pantulong kaisipan, sagutan mo na ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat tungkol sa teksto o Akda?

A. Detalye B. Paksa C. Mensahe D. Pamagat

2. Ang ___________ ay maaring isang salita o parilala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto.

A. Detalye B. Kaisipan C.Mensahe D. Paksa

3. isang teknik na makakatulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa _____________ ng teksto.

A. Detalye B. Paksa C. Mensahe D. Pamagat

4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.

A. Paksa B. Pangunahing kaisipan C. Pantulong na kaisipan D. Pamagat

5. Ang mga __________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan upang maunawaan ito ng
lubos.

A. Paksa B. Pangunahing kaisipan C. Pamagat D. Pantulong na kaisipan

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na teksto at tukuyin kung alin ang Panguanhing
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
kaisipan.

6. “Maagang pumapasok si Tonyo upang makapagreview sa library, tuwing nagkakaroon ng oral na


recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang ginagawa ang
kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas an gang marking nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay isang
mabuting estudyante.”

A. Maagang pumapasok si Tonyo B. Nakakasagot sa klase si Tonyo

C. Mabuting estudyante si Tonyo D. Mataas ang marka ni Tonyo

7. “Si patricia ay isang mabait na bata. Kapag nakikipag-usap siya ay kakikitaan mo talaga ng
paggalang. Sinusunod niya rin ang payo ng kanyang mga magulang, guro at iba pang mga nakakatanda sa
kanya. Tinutulungan niya rin ang kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay.”

A. Matulungin na bata si Patricia B. Mabait na bata si Patricia

C. Magalang si Patricia D. Masunurin si Patricia

8. “Napakagandang tignan kung an gating ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang sira, tiyak na mabango
ito. Kapag araw-araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya dapat
talagang mapangalagaan an gating mga ngipin.”

A. Maputing ngipin B. Mabangong ngipin

C. Pagsipilyo ng ngipin C. Pangangalaga ng ating ngipin

9. “Ang pinakpaborito kong bulaklak ay rosas. Gustong gusto ko ang amoy nito kaya araw-araw akong
namimitas nito sa aming hardin. Tuwing birthday ko ay hindi mawawala ang rosas sa dekorasyon.”

A. Ang paborito kung bulaklak B. Ang amoy ng rosas

C. Pamimitas ng ng rosas D. Dekorasyon sa Birthday

10. “Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. Kung si Papa ay matipid, mahilig naming gumasta ng
pera si Mama. Mahilig din si Mama na lumabas kasama ang mga kumara nito kahit gabi na, gusto ni Mama
na ang sports habang si Papa ay mahilig magbasa ng mga libro, natatakot ako nab aka maghiwalay sila”.

A. Ang mga hilig ni Papa B. Ang mga hilig ni Mama

C. Paghihiwalay nina Papa at Mama D. Palaging nag-aaway ang aking mga magulang

Pangwakas (Repleksiyon)

Repleksiyon:
Sa araw na ito, ang aking bagong kaalaman na natutuhan ay __________________________
______________________________________________________________.
Kailangan ko pa ng karagdagang kaalaman sa _____________________________________
_____________________________________________________________.

Kailangan ko ng tulong sa bahagi ng ____________________________________________.

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
Mga Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=GkFnvmmyecQ
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)
Sandigan ng lahi…ikarangal natin (pangunahin at pantulong na kaisipan) unang edisyon 2020

Panandang anaporik at kataporik


Ikaanim na Linggo
Panimula: (Susing Konsepto)
Ngayon naman ay tutungo na tayo sa isa pa nating aralin sa modyul na ito. Masaya ako sapagkat
nakaabot ka na sa bahaging ito. Halina’t pag-aralan natin ang mga panandang anaporik o kataporik.

Basahin ang mga sumusunod na paliwanag:


Panandang anaporik at kataporik
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap. Ito ay sa
pamamagitan ng pagpapatungkol reprehensiya, may dalawang uri ang pag-uugnay na ito. Ito ay ang
anaporik at kataporik. Ginagamit ang katapora at anapora upang hindi na paulit-ulit na banggitin ng
nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan Layunin ng katapora at anapora na maiwasan ang
nakakasawang pagbanggit ng tinutukoy na pangngalan sa isang talata. Samakatuwid, ang anapora at
katapora ay pawang mga panghalip na sumusunod o sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa
magkaibang paraan at puwesto. Sa ordinaryo nating pakikipagpanayam, nagagamit natin ang anapora at
katapora nang hindi sinasadya.

Ang anaporik- ito ang sulyap na pabalik ay ang reprehensiya kung binanggit na sa unahan ang salita, ito
ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan.

Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan . utang natin sa ating magulang, lolo o lola an
gating buhay at kinabukasan. Sila ang kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang
kabutihan nila sa atin.

ang kataporik – ito ang sulyap n pasulong ay ang reprehensiya na binabanggit sa dakong hulihan na
nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag ito ang ay ang panghalip na ginagamit kung nasa hulihan
ang tinutukoy at nasa unahan ang naglalarawan sa tinutukoy.

Halimbawa: sila ay aking ginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay nmatatalino lalo na
pagdating sa karanasan. Sa Matatanda sa pamilya ko natutuhan ang maraming bagay. Sila ang mga lolo
at lola ko na aking iniidolo.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Nagagamit nang wasto ang mga panandang anaporik at ng pangalan(F7WG-IIIh4-16)

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
Gawain1
Panuto:
Upang mas maunawaan natin ang wastong gamit ng mga pananadang anaporik at kataporik , gawin ang
pagsasanay na inihanda ko para sayo.
Pamamaraan: Pagsasanay sa Gramatika
Isulat ang letrang A kung ang pangungusap ay anaporik at K naman kung ang pangungusap ay kataporik,
isulat ang sagot sa patlang.

________1. Ang mga taga nueva Ecija ay nakatanggap nan g kakaibang ayuda mula sa pamahalaan kaya
naman sila ay napanatag sa kanilang pamumuhay.
_________2. Ang mga frontliner tulad ng tanod at bumbero ay tumutulong sa panahon ng pandemya kaya
dapat lamang na sila ay ating pahalagahan.
_________3. Maitututring sila na mga bayani ng bagong henerasyon kaya dapat lamang mabigyan ng
pagkilala ang mga ofw.
_________4. Si Andrea ay mabait na bata dahil ginagawa niya kahit ang mga mababait na Gawain.
_________5. Binili lamang niya ang mga pangunahing pangangailangan sa kusina kaya nakauwi agad ang
nanay.
_________6. Sila ay may malasakit sa kalikasan. Ang samahan ng magbubukid ay may layuning
panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng bawat ilog ng kanilang Barangay.
________7. Ang Bayanihan to Heal as One Act ay mas pinalawig pa. Ito ay batas na nagbibigay ng
karagdagang karapatan sa pangulo upang malabanan ang pandemya (COVID-19) sa Pilipinas.
_________8. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibigay natin sa kanila ang mga
pangangailangang ito.
_________9. Tayo ay dapat maging mgandang halimbawa. Alagaan natin ang ating kalikasan. Ang mga
kabataan na tulad natin ang dapat magsimula.
_________10. Ang PhilHealth ay ahensyang handang tumulong sa taong nagpositibo sa COVID-19. Sila
ang tumututustos sa pinansyal na pangangailangan ng maysakit.

Gawain2
A. Panuto: Tukuyin sa kahon ang akmang salita na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Mag-uulit Pagpapatungkol Pangngalan Mabisa Ipinapahiwatig

Higit na magiging (1.) ___________ ang diwang (2.)_______________ ng isang talata


kung hindi (3.) ___________ ng mga (4.) _______________ sa mga pamamagitan ng
(5.)_____________ o reperensiya.

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
B. Panuto: Tukuyin ang mga wastong pangngalang bubuo sa diwa ng pangungusap. Piliin sa kahon
ang tamang sagot at itala sa patlang.

Pangulo Anak uban

Heal as One Act Bantay Bata

1. Mapalad ang mg ______________ na nag-aalaga ng kanilang magulang.


2. Ang kanilang ______________ ay nagpapakita ng katandaan. Ito ay ebidensya ng maraming
taon ng karanasan sa buhay.
3. Ang _______________ ay handang mangalaga sa kabataang Pilipino. Ito ang gagawa ng
tungkulin ng mga magulang na hindi magagampanan.
4. Sa ______________ ay awtomatikong nakatanggap ng ayuda ang lahat ng mga mahihirap at
nawalan ng trabaho. Ito ay malaking tulong sa kanila.
5. Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act. No. 11480 na nagsususog sa RA No.7797 na
nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan na iurong ang petsa ng pagbubukas ng klase sa
panahon ng pandemya. _____________ ay may malasakit sa mga mag-aaral at sa mga guro.

Pangwakas na Gawain (Repleksyon)

Repleksiyon:
Sa araw na ito, ang aking bagong kaalaman na natutuhan ay __________________________
______________________________________________________________.
Kailangan ko pa ng karagdagang kaalaman sa _____________________________________
_____________________________________________________________.

Kailangan ko ng tulong sa bahagi ng ____________________________________________.

Mga Sanggunian
Batikan 7- Ikalawang Markahan
Supplemetal Lessons Filipino Baitang 7—REX interactive

Inihnanda ni:

FLORIE O. LIWONGAN
Guro sa Filipino

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like