You are on page 1of 17

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/353385903

Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng


Pandemya

Research · July 2021


DOI: 10.13140/RG.2.2.33811.20008

CITATIONS READS
0 3,144

2 authors, including:

Rozar Ric Cachuela Catabian


La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Rozar Ric Cachuela Catabian on 22 July 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa
Panahon ng Pandemya
Rozar Ric C. Catabian
rozarric.catabian@email.lcup.edu.ph
Hulyo 2021

Abstrak: Tunay na sinubok ng pandemya hindi lamang ang ating bansa kundi ang buong mundo

kung paano tayo makatutugon sa mas humihigpit na mga batas pangkaligtasan at pangkalusugan.

Naharap sa matinding hamon ang lahat ng sektor sa ating’ Pambansa at local na pamahalaan o

gobyerno kung paano nila maisasagawa ang bagong normal. Nariyan ay hindi nagpahuli at

mabilis na gumawa ng hakbang ang Kagawaran ng Edukasyon upang maipagpatuloy ang

edukasyon sa panahon ng pandemya. Nakapaloob sa sulating ito ang iba’t ibang mga

pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo ng filipino sa panahon ng Pandemya

Mga Susing Salita:

Online Class- Pamamaraan ng pagkaklase kung saan ay gumagamit ng online platform ang

tagapagturo upang maituro ang paksa sa mag- aaral

Blended Learning- Pamamaran ng pagkatuto ng mag- aaral na siya ay maaaring nakamodule

habang nakakasama sa online na klase

Department of Education- Gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pagtiyak sa pag-access sa,

pagtataguyod ng equity in, at pagpapabuti ng kalidad ng pangunahing edukasyon. Ito ang

pangunahing ahensya na tinalakay na pamahalaan at pamahalaan ang sistema ng pangunahing

edukasyon sa Pilipinas.

ICT- ay isang extensional na terminolohiya para sa teknolohiya ng impormasyon na nagbibigay

diin sa papel ng pinag-isang komunikasyon at ang pagsasama ng telecommunications at computer.

1
1. Panimula

Tunay na hindi natin inasahan na ang sakit pala na siyang lumaganap hindi lamang sa ating

bansa kundi sa buong mundo ang siyang magbabago ng takbo ng ating pamumuhay. Lahat ng

sektor ng lipunan ay naapektuhan dulot ng iba’t ibang batas na ipinatupad ng pamahaal maging ito

man ay pangkaligtasan o pangkalusugan.

Ayon kay Li at Cacani (2020) ay may mga paaralan ang nagsara dahil sa pandemyag ito.

Sa buong mundi ay tinatayang 1.2 bilyong kabataan ang hindi na akapag aral sa loob ng silid-

aralan.Kapansin- pansin din ang naging epekto ng pandemyang ito sapagkat lubhang tumaas ang

nagsasagwa ng e-learning kung saan ang pagkatuto ay isinasagawa sa isang digital na platforms.

Ayon din sa ilang mga pananaliksik ay napag- alaman na ang online na pagkatuto ay nagpakita ng

pagkatuto sa mga mag-aaral sa mas maikling panahon, kaya naman ay maaaring maasahan natin

na ang bagong normal na ito sa pagkatuto ay manatili rin.

Sa sektor ng edukasyon sa ating bansa ay isinasaad sa DO 12 serye ng taong 2020 na sa

pinaiksing taong panuruan ay iminungkahi ng kalihim ng kagawaran ng edukasyon na magkaroon

din ng pagsasanay at mga gawaing pampagkatuto sa araw ng sabado. Kung susumahin ay mayroon

tayong 203 na araw para sa kalendarong pampaaraalan sa taong panuruang ito. Kaya naman kada

oras at araw na lumilipas sa pag- aaral ay marapat lamang na masulit ng guro at mag- aaral upang

lang sa gayon ay mas maging kapaki pakinabang ang maiksing panahon sa taong panuruang ito.

Ang aktibo at malalim na pakikinig ay tunay na mahalagang kakayahan na dapat taglayin ng

tagapanguna- at isang abilidad na dapat ay nililinang pa (Rudder, 2020).

Kaugnay ng mga gawaing pampagkatuto ng mga mag- aaral sa bagong kadawyan na ito ay

inaasahan ang matatag na ugnayan ng paaralan at tahanan upang maging sandigan ng mga mag-

2
aaral sa kanilang pagkatuto ng mga asignaturang kanilang kinukuha ngayon. Isang malaking

hamon ang masiguro ng mga kaguruan na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag- aaral sa

isang asignatura lalong- lalo na ang filipino na siyang pokus ng pananaliksik na ito.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

2. Ang Pagtuturo ng Pakikinig

Isinasaad sa DO 12 serye ng taong 2020 na sa pinaiksing taong panuruan ay iminungkahi ng

kalihim ng kagawaran ng edukasyon na magkaroon din ng pagsasanay at mga gawaing

pampagkatuto sa araw ng sabado. Kaya naman kung susumahin ay mayroon tayong 203 na

araw pata sa kalendarong pampaaraalan sa taong panuruang ito. Kaya naman kada oras at

araw na lumilipas sa pag- aaral ay marapat lamang na masulit ng guro at mag- aaral upang

lang sa gayon ay mas maging kapaki pakinabang ang maiksing panahon sa taong panuruang

ito. Ang aktibo at malalim na pakikinig ay tunay na mahalagang kakayahan na dapat

taglayin ng tagapanguna- at isang abilidad na dapat ay nililinang pa (Rudder, 2020). Ang

pakikinig ang pinakamahirap na linangin mula sa apat na makrong abilidad. Di tulad ng

3
pagbabasa ay nangyayari ang pakikinig sa tunay na oras (real time) at mayroong pagkakataon

na mahirap makontrol ang mga impormasyong kanilang natatanggap. Idagdag pa riyan ang

mga pagkakaiba ng nakasanayang wika at dayalekto, ingay mula sa kapaligiran at ang

pangangailangang makatugon sa kanilang kausap (Peachey 2019). Narito ang ilan sa mga

kagamitang iminungkahi ni Peachey na maaring magamit ng mga guro upang malinang ang

pakikinig ng mga mag- aaral.

1. TeachVid-Ito ay isang app na pinagsama ang pakikinig at panonood. Ang app na ito ay

gumagamit ng mga bidyo sa youtube at mayronng iba't ibang mga gawain na maaaring

gawin ukol dito na humahangga sa pagbuo ng teksto, pagsasalin, multiple choice,

jumbled sentence at marami pang iba.Ang isa sa Maaaring pumili ang mag- aaral ng

gawaing kanilang nagugustuhan upang malinang ang kanilang abilidad sa pakikinig.

Kung ikaw ay nagpalista (register) bilang isang guro ay maari kang makabuo ng gawain

gamit ang video na iyong pipiliin at makaawa ng silid- aralan (klasrum) upang maibahagi

ang mga takdang- aralin sa mga mag- aaral at mamonitor ang kanilang resulta sa bawat

gawain.

2. Synth- Ang synth ay isa sa mabisang pamamaraan ng paggawa ng isang malikhain at

interaktibong podcast. Maaring magrecord ng podcast ang isang guro at sa record na iyon

ay nakapaloob na ang mensahe at mga katanungang sasaguti ng mga mag- aaral sa

pamamaraang irerecord nila o idadagdag nila sa iyong mensahe. Sa pamamagitan ng mga

ganitong gawain ay nakakabuo na ng dayalogo ang guro at ang mag- aaral habang

nililinang ang kanilang kakayahang pakikinig. maaaring idownoad ito gamit ang IOS o

gamit sa web- browser

4
Ang Pagtuturo ng Pagsasalita

Sa ating tahanan pa lamang ay kahit hindi direktang itinuturo sa atin ang pagsasalita ay

kusa natin itong natututunan. Sa pamamagitan ng pakikinig ay naoobserbahan ng isang indibidwal

kung paano bigkasin at ano ang layunin ng pagsasalita ng isang bagay. Karaniwan pa nga ay

inaabangan ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal ang unang salitang mamumutawi sa

kanyang bigbig. Isang malaking hamon para sa mga guro ang pagtuturo ng pagsasalita lalong lalo

na noong magkaroon pa ng pandemya na kung saan ay iba’t ibang kautusang pangkalusugan at

pangkaligtasan ang isinabatas para sa publiko. Naapektuhan ang nakararami pati ang sector ng

edukasyon subalit hindi ito ang nagging dahilan upang matigil ang ginagawang pagkatuto ng mga

mag- aaral. Bagama't tuloy ang ginagawang pag- aaral sa iba't ibang disiplina at asignatura ay

dapat na tuloy-tuloy rin ang pag- aaral ng pagsasalita. Ano nga ba pagkakaiba ng online at face-

to-face na pamamaraan ng pagkatuto pagdating sa pag- aaral ng salita? Isa na siguro dito ay ang

pisikal na presensya ng guro at mag- aaral. Maraming estratehiya at pamamaraan ang maaaring

maisagawa upang masiguro ang pagkatuto ng isang mag- aaral. May mga gurong matagal na ding

nagtuturo sa inline ang makapagsasabing marami ding pamamaraan sa pagkatuto ng salita sa

online na pamamaraan. Ang pinakamalaking bentaha nga nito ay maaaring mairekord ang bawat

klase upang mabalikan ng mag- aaral ang kanilang naging aralin (Jones, 2018). narito ang ilan sa

mungkahi ni Jones para sa birtuwal na pagtuturo ng pagsasalita:

Brainstorming exercises- Ito ay maaring isagawa sa pamamagitan ng pagtatype ng mga mag- aarl

sa chat box ng platform na pinag gagamitan ng online na klase o kaya naman ay sa shared

whiteboard na makikita sa kanilang screen.

5
Quickword- Mga gawain gaya ng pari-sulat( word square) matapos ay tatanungin ang mga mag-

aaral na gumawa ng pangungusap o ano ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Tanong- Diskusyon- Ito ay maaaring gawin sa mga break out room at maaring maisulat ng mga

mag- aaral ang mga sagot mula sa mga katanungang ibibgay ng guro at ito ay iuulat sa kabuuan

ng klase sa pagtatapos ng gawan.

Image-based activities- Halimbawa nito ay ang pamamahagi ng larawan at pagtatanong sa mga

mag- aaral na magtanong batay sa mga bagay o pangyayaring nakikita sa larawan. Gayundin ay

sasabihan ng guro ang kanyang klase na maibahagi din ang kanilang larawan at magsabi ng mga

bagay tungkol dito.

Mahalaga din sa mga mag aaral ayn kay Jones na magkaroon ng oras para makapag- isip

o magkaroon ng paunang pagsagot mula sa iyo upang magkaroon ng ideya ang mga mag- aaral sa

kanilang isasagot.

3. Ang Pagtuturo ng Pagbasa

Kung paanong tutok ang ating mga magulang sa ating tahanan sa pagtuturo sa atin ng

pagbasa ay gayun din ang ating mga guro. Mula sa pagkilala ng mga alpabeto, pagpapantig

ng bawat salita hanggang sa makilala at tuluyan na tayong makabasa ng salita at isang

pangungusap. Sa normal na sitwasyon ng klase ay napakaraming mga estratehiya at

pamamaraan ang ginagamit ng guro upang maturuan ang kanilang mga mag- aaral ng

pagbasa. Kaya naman sa birtuwal na pamamaraan ng pagkatuto ay napakalaking hamon sa

mga mag- aaral at guro kung paano magiging epektibo ang pagkatuto sa pagbasa. Hindi na

lamang isang prediksyon ang digital na pagbabasa sapagakat ito ay reyalidad na sa

kasalukuyan. Ang mga makabagong teknolohiya ( na kung tawagin natin ay ICT) gaya ng

6
application na makikita natin sa mobile phones at internet ay nagiging parte na ng ating

buhay. Ang mga teknolohiyang ito na ginagamit natin sa ating personal na pamumuhay ang

siyang nagbago din ng pamamaraan ng pagbasa na inaasahan ng mga mag- aaral (Leu et al.

2011). Ang karunungang bumasa at sumulat sa panahong ito ay di na lamag sumasaklaw sa

pagkaintindi sa tradisyonal na inilimbag na mga teksto subalit kasama na din ang kasanayan

sa makabagong teknolohiya ( International reading association, 2009). Sa isang sulatin ni

Brun- Mercer ay ay tinalakay ang iba't ibang hamon sa pagbabasa online.

1. Ang mabilis at epektibong pagtaya sa isang impormasyon kung ito ba ay kapaki-

pakinabang

2. Ang pagtingin kung ang impormasyon bang kanilang nakita sa internet ay totoo o

hindu.

3. Ang pagbasa sa online ay hindi katulad ng pagbasa ng inilimbag na teksto o aklat. Ang

aklat ay mayroon pahinang sinusunod na maaaring buklatin ng mambabasa samantalang ang

mga baabasahin sa inyernet ay isang pahinang tuloy tuloy lamang. Minsan pa nga'y may iba't

ibang larawan at imahe na tumatalakay sa kung ano ang nakasulat o mababasa sa teksto

subalit karaniwan ang mga larawan ng isang produktong inaadvertise ng website na iyon.

7
4. Ang Pagtuturo ng Pagsulat

Sa panahon na kung saan ay halos naususulit lalo ang paggamit ng teknolohiya sa ating

kapaligiran ay hindi maikakaila na totoong kailangan pa rin ng mga mag- aaral ang paggabay ng

mga guro kahit sa pagtuturo ng pagsulat. Isang malaking hamon sa kagawaran ng edukasyon

maging sa ating mga guro ang pagtuturo na sa ating palagay ay mas epektibo kung ito ay ituturo

sa pamamagitan ng face to face na interaksyon. Hindi tulad ng pagsasalita, ang pagsulat ay pormal

na pinag-aaralan. Ang resulta o epekto ng pagsulat ay higit na nagdudulot ng kakintalan sa

isipan ng sinuman sapagkat ang anumang naisulat na ay maaaring basahin nang paulit-ulit. Ang

katangiang ito ang ipinagkaiba ng pagsulat sa iba pang uri ng komunikasyon. (Legaspi, 2005)

Mahalaga ang papel ng guro sa paglinang sa mga kasanayang ito. Sa pananaw ni Reid

(1993), ang guro ang pinakamahalagang salik sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral

sa pagsulat. Nasabi ni Lutkewitte(2012) na iba ang pamamaraan ng pagsulat at pagbasa ng

tinawag niyang digital natives( mga taong ipinanganak ng 1980- kasalukuyan)na nagkaroon ng

pagsasanay sa pagbabasa at pagsusulat gamit ang iba't ibang malabagong teknolohiya kaysa sa

mga taong nasanay sa pagbasa at pagsulat sa inilimbag na mga kagamitan.Ito nasabi matapos ang

ginawang pag- aaral noong 2002 ng "the Pew Internet and American Life Project" napag- alaman

na halos 85% ng mga mag- aaral sa tersyarya ay may kani- kaniyang computer (jones 2). Nasabi

pa na ang mga mag- aaral na ito ay ginagamit ang internet upang makapag- download ng musika

magamit ang sulatroniko at makapag- browse sa pansariling kapakinabangan. Sa mga panahong

ito ay di na lamang doon nagagamit ang internet. Ito ay nagagamit na sa mas maraming

pamamaraan pa gaya ng social networking, pagba- blog at paggawa ng mga video. Dahil sa mga

ganoong gawain ay naiiba ang aydentidad at kanilang pamamaraan ng pag- iisip kaysa sa mga

taong nito na lamang nakakagamit ng mga teknolohiya. Subalit kahit na mas kakaunti na lamang

8
ang oras sa interaksyon sa pagitan ng guro at mag- aaral sa pagtuturo ng pagsusulat sa online na

pamamaraan ng pagkatuto ay kinakailangan pa rin na maisama ang mga masining na

pamamaraan at pangangatwiran sa pagbibigay ng takdang- aralin. Ang mga mag- aaral sa

kasalukuyang panahon ay nabubuhay, nag-aaral at nagtatrabaho sa panahon ng ika-21 na siglo--

panahon kung saan sila ay nakapagsusulat at nakapagbabasa gamit ang mga makabagong media

kung ikukumpara sa inilimbag na pamamaraan noong ika-20 na siglo (Lay 2012)

5. Ang Pagtuturo ng Talasalitaan

Noo'y winika ni Lope K. Santos na siyang nanungkulan sa Surian ng Wikang Pambansa

(SWP) noong 1941- 1946 ang mga katagang ang wika ay daynamiko, umuunlad, nagbabago at

yumayabong sa paglakad ng panahon. May mga salita noon na tila kinalimutan na o di- naman

kaya ay nagbago ng pakahulugan. Gaya na lamang ng mga salitang kalupi, tampipi, kudyapi,

himaton, napopoot, daratal,at hinagpis na bagong bago sa kanilang paningin at pandinig subalit

karaniwang nasa mga akdang kanilang dapat basahin at talakayin. Hindi na nagagamit o naririnig

ng karaniwang kabataan ang katulad ng mga salitang nabanggit sa pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan (Cabigao, 2012). Tunay na ang wika ay daynamiko at sumasabay sa panahon,

Mayroong nauuso ngunit nakalulungkot isipin na mayroon ding wiakng tila kinakalimutan ng

panahon o namamatay. Patunay dito ang pagbibigay- pansin nina Santiago at Tiangco (1991)

tungkol sa pagbabago sa sinaunang alituntunin ng pagbabantas, gaya ng paggamit ng kudlit

(’) sapagsulat ng mga salitang subalit, datapwat, ngunit, at sapagkatsapagkat ang mga ito ay

pinaiklilamang na subali at, datapuwa at, nguni at, at sapagka atna sinasabing buhay na buhay

noong araw sa pananalita ng ating mga ninuno ngunit ngayon ay halos wala nang

gumagamit. Ang mga salitang itoanila ay maituturing nang ‘patay’ sapagkat hindi na ginagamit

nang hindi kakabit ang dinaglat na at. Ang bokabolaryo o talasalitaan ang nakakaimpluwensya sa

9
husay, pagkaintindi at pagtatagumpay sa pag- aaral. Idagdag pa rito ay ang pagkakaroon ng

malawak ng talasalitaan ay mahalaga sa epektibong pagsasalita, pagsulat, pagbabasa at pakikinig

(Tyson, 2020). Sa panahon ngayon ay marapat na magamit sa pagkatuto ang mga makabagong

teknolohiya kasama ng mga tradisyunal na kagamitan sa pagkatuto. Mayroong bentaha ang mga

makabagong teknolohiya sa pagkatuto sapagkat nakakatulong ito sa mga mag- aaral na:

1. Marinig ang pagbigkas

2. Mabasa ang mga salita at paano ito gamitin sa isang halimbawa

3. Makita ang larawan na maaaring nakakonekta sa salita

4. Mapaigi ang pagkatuto ng talasalitaan sa pamamagitan ng interaktibong mga Gawain

6. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Mga gawaing pagsasadula, dugtungang pagkukuwento, mga pag- uulat at iba’t iba pang

masining na mga pamamaraan upang maituro ng guro ang isang kuwento o panitikan sa loob ng

klase ang siyang mga ilang ala- ala ng mga mag- aaral sa isang normal na klasrum ng Asignaturang

filipino. Mga Gawain o aktibidad na siyang masusing pinaplano ng mga kaguruan di lamang para

malaman ng mga mag- aaral kung ano ang nilalaman ng kuwento kundi ay magkaroon ng

kamalayan sa suliranin at kasalukuyang isyu ng bansa. Gayundin ay para maipaabot sa mga mag-

aaral ang gintong aral na nakapaloob sa panitikang tinatalakay. Ang panitikan sa edukasyon ay

nakapokus upang mahasa ang potensyal na kakayahan ng mga mag- aaral, holistik, mabalanse ang

pinagsamang pangkahalagahan ng iba't ibang konsepto ng maayos na indibiduwal na may mataas

na pamantayan sa lipunan gaya ng espirituwal, emosyonal at pisikal na aspeto (Mustakim et. Al

2006). Nasabi ni Trisha Bender (2003) na ano't ano pa man ang kadahilanan ng ating pagtuturo sa

online na platporm ay ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang matuklasan pa ang

10
maaaring maitulong pa ng teknolohiya at mga kapakinabangan nito. Ganito na ang sitwasyon

nating mga guro sa panahon ng pandemya. Ang pagtuturo online ng mga konsepto at aralin na

nakapaloob sa isang panitikan na karaniwan ay nagiging lunsaran (springboard literature) para sa

isang gramatikang ating gagamitin. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang panawagan na

kung saan ang mga panitikan at babasahin ay gawing sentro ng mga apektadong asignatura sa

klasrum. Hinihimok din ang mga mag- aaral na wag lang basta makinig sa pag- aaral ng panitikan.

Ang pag- aaral ng panitikan ay maiuugnay sa dalawang pamamaraan ayon kina Rene Wellek at

Austin Warren. Ito ay ang Panloob (Intrinsic) at Pang labas (Extrinsic). Ang unang pamamaraan

o intrinsic ay tungkol sa isang ideya na ang mga mambabasa mismo ang magbibigay ng

interpretasyon sa nabasang teksto samantalang ang panlabas o extrinsic ay pagtingin sa

interpretasyon ng iba sa pamamagitan ng opinyon ng iba na siyang napagsasama nila at nakabubuo

ng panibagong ideya o interpretasyon sa isang teksto (Manzonillo, 2016). Kung ibabatay natin ang

ating magiging estratehiya sa Intrinsic o extrinsic na pamamaraan ng pagtuturo ng panitikan ay

maaring marami na tayong maisip lalong lalo sa intrinsic na kung saan ang mag- aaral ang siyang

magbibigay ng sariling enterpretasyon sa panitikang binasa. Ayon sa pag- aaral ni Bender (2003)

sa ginawang pananaliksik ni Agbaw (2010) na tunay ngang nakakabuo ng opportunidad ang online

na flatform sa pagtuturo ng panitikan sapagkat maryoong pedagohiya ang maaaring magawa ng

guro sa pagtuturo ng panitikan. Subalit depende din sa kurso o lebel ng mag- aaral ay maaaring

maisagawa ang dekalidad na edukasyon.Maaari kasing magamit ang mga break-out session o mga

forum upang magkaroon ng komunikasyon ang mga mag- aaral at maiparating ang kanilang

nararamdaman bago o pagkatpos na mabasa ang isang akda. Idagdag pa rito ay magagawa ng mga

mag- aaral ito sa loob ng ligtas na lugar o ng kanilang tahanan.

11
7. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Malaking hamon sa panahon ng pandemyag ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Nasabi ni Thompson (2020) na kailangan nga ba nating isaaalang- alang ang bagong

normal na pagtataya sa K-12? Ang patuloy na na pagdami ng kaso ng nagkakaroon ng covid19

ang siyang ang siyang ipinag- aalala ng mga kaguruan maging ng mga kinatawan ng kagawaran

ng edukasyon kung paano masusukat ang mga natutuhan ng mga mag- aaral. Nagbigay rin siya ng

3 hakbang na dapat nating gawin upang maisagawa ang isang epektibong pagtataya

Unang hakbang: Pagsukat sa kakayanan ng mag- aaral- Isa sa pinaka epektibong

estratehiya na magagamit sa mga gantong panahon ikaw man ay nagtuturo sa personal o malayuan

ay ang paggamit ng tanong na sasaklaw sa kakayanan ng mga mag- aaral. Ang mga katanungang

ito ay maaaring maitanong sa mga mag- aaral bago magsimula ang paksa upang masukat mo agad

ang saklaw ng kanilang kaalaman sa paksa.

ikalawang hakbang: Kapag nalaman mo na ang kakayanan ng iyong mga mag-aaral base

sa mga unang gawain na iyong isinagawa ay mayroon ka nang datos sa iyong "hinge-point" o

12
mapagbabatayang punto ng iyong mga gawain. Tinawag itong "hinge-point" sapagkat ang paksa

ay maaring mapunta sa iba't ibang direksyon depende sa magiging responde ng mga mag- aaral

(Leahl et al. 2005)

Ikatlong hakbang: Maximizing Feedback- Ano't ano pa man ang mga katanungang ating

itinatanong sa ating mga mag- aaral ay wag kakalimutan ang pinakalayunin nito. Ang malaman

ang kanilang kaalaman base sa feedback na ating natatnggap mula sa kanila. Nais natin malaman

ang mga ito para lang sa gayon ay malaman kung epektibo nga ba ang ating kagamitang

pampagkatuto na ating nagagamit.Ang mga ito ay mababse lamang sa datos na makakalap sa

ginagawang pagtalakay at pakikisalamuha ng mga mag- aaral sa paksang tinatalakay.

8. Sanggunian

Brunn- Mercer, Nicole (2019) Online Reading Strategies for the Classroom

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1236175.pdf

Cabigao, J. R. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa

Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills of

Grade 7 Students in Filipino).

https://www.researchgate.net/publication/337110884_Magsikap_Mamulat_Magsulat_PA

GPAPAUNLAD_SA_BATAYANG_KASANAYAN_SA_PAGSULAT_NG_MGA_MA

G-

AARAL_SA_FILIPINO_BAITANG_7_Improving_Basic_Writing_Skills_of_Grade_7_

Students_in_Filipino

Cabigao, J. R. (2012). Saloobin at Mungkahing Pagbabago sa Nilalaman ng 2009 Gabay sa

Ortograpiyang Filipino (Perception and Proposed Change on the Content of the 2009

13
Manual of Orthography in Filipino).

https://www.researchgate.net/publication/337110977_SALOOBIN_AT_MUNGKAHIN

G_PAGBABAGO_SA_NILALAMAN_NG_2009_GABAY_SA_ORTOGRAPIYANG_

FILIPINO_PERCEPTION_AND_PROPOSED_CHANGE_ON_THE_CONTENT_OF_

THE_2009_MANUAL_OF_ORTHOGRAPHY_IN_FILIPINO

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-

Home Partnership.

https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf

ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2020). Tackling the fear of writing.

https://www.researchgate.net/publication/341679036_Tackling_the_fear_of_writing

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR

Volume 5. 256-258.

https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen

ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik sa

Pagmamarka ng Mga Sulatin sa Antas Graduwado (Development and Validation of A

Proposed Model Rubric in Rating Written Outputs at the Graduate School Level).

https://www.researchgate.net/publication/350888318_Pagbuo_at_Balidasyon_ng_Isang_

Mungkahing_Modelong_Rubrik_sa_Pagmamarka_ng_Mga_Sulatin_sa_Antas_Graduwa

do_Development_and_Validation_of_A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_O

utputs_at_the_Graduate

https://www.researchgate.net/publication/351228101_Development_and_Validation_of_

14
A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_Outputs_at_the_Graduate_School_Leve

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).

International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.

https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-

Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-online-digital-

learning/

Jones, Ceri ( 2018, January 11) An introduction to teaching speaking online – Part 1

https://www.cambridge.org/elt/blog/2018/01/11/introduction-teaching-speaking-online-

part-1/

Lay, Ethna Demsey (2012) Welcome e-Burdens: New Media Projects in the Basic Writing

Classroom https://bwe.ccny.cuny.edu/LayWelcomeEBurdens.pdf

Lutkewitte, Claire (2012) The First Digital Native Writing Instructors and the Future Multimodal

Composition Classroom

https://bwe.ccny.cuny.edu/Lutkewitte%20The%20First%20Digital%20Native%20Writin

g%20Instructors%20.pdf

Ly, Cathy and Lalani, Farah ( 2020, apr 29) The COVID-19 pandemic has changed education

forever. This is how https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-

global-covid19-online-digital-learning/

Ruder, Carla (2020, July 6) 10 ways for leaders to be better listeners now

https://enterprisersproject.com/article/2020/7/listening-skills-tips-leaders

15
Tyson, Kimberly (2021) PhD Digital Tools to Build Your Vocabulary

https://www.teachthought.com/literacy/21-digital-tools-build-vocabulary/

Yenika- Agbaw, Vivian (2010, Dec) Teaching Children’s Literature Online: Modern Technology

and Virtual Classroom Communities https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ966664.pdf

16

View publication stats

You might also like