You are on page 1of 16

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 14: Nakapagninilay ng Katotohanan Batay sa
Nakalap na Impormasyon sa Nababasa sa Internet
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Janet O. Sison
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Pelita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Unang Markahan
Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto
Impormasyon:Bahagi at Instrumento
ng Aking Pagkatuto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Modyul para sa araling Pagninilay ng Katotohanan Batay sa Nakalap na
Impormasyon na Nababasa sa Internet!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul para sa
araling Nakapagninilay ng Katotohanan Batay sa Nakalap na Impormasyon sa
Nababasa sa Internet!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


A. nakapagninilay ng katotohanan batay sa nakalap na
impormasyon sa nababasa sa internet at
B. napahahalagahan ang kabutihang dulot ng pagiging
responsable sa pagtuklas ng katotohanan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng Tsek (/) ang patlang kung tama ang


ipinahahayag ng pangungusap at Ekis (X) naman kung mali.

______1.Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong


mundo upang mapagkonekta ang grupo ng mga
kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon upang ang mga impormasyon ay
maipararating at mababasa ng mga tao.

______2.Hindi nagdudulot ng magandang kapakinabangan sa

mga mag-aaral ang internet.


______3.Responsibilidad nating pagnilayan ang katotohanan ng

mga nababasa natin sa internet upang hindi tayo maging

bahagi ng pagpapalaganap ng maling impormasyon.

______4.Maniwala lamang sa mga balita o impormasyon mula sa

verified social media accounts ng ahensiya ng gobyerno,

private sector o civil society organizations na may kinalaman

dito.

_______5.Pagnilayan muna at siguraduhing totoo ang mga

nababasa sa internet at social media bago ito ibahagi o

ipakalat sa ibang tao.


BALIK-ARAL
Pakinggan at pagnilayan ang mga impormasyong
maaring makalap sa balitang ito.

DepEd, pinababantayan ang mga bata sa panonood ng


telebisyon ngayong bakasyon

MANILA, Philippines —
Ayon kay Department of
Education Undersecretary
Alberto Muyot,
responsibilidad ng mga
magulang o mga nag-aalaga
sa mga bata na mabantayan
ang mga ito sa panonood ng
mga palabas sa telebisyon.

Inamin ng DepEd na maaari matuto ng mga karahasan na


napapanood sa telebisyon o mawalan ng ganang mag-aral ang mga
bata dahil sa nakababad na lang sila sa panonood.
Ayon sa DepEd, mas maigi umano na paglaanan ng mas
maraming oras ng mga bata ang pagkakaroon ng mga physical
activities, gaya ng paglalaro o kaya ay ipasok sila sa mga summer
class upang ma-develop ang kanilang mga talento. (Ulat ni Naomi
Sorianosos, UNTV)
Gawain 2
Pagnilayan ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
patlang batay sa impormasyong nakalap sa balita.

___.bawat

Bilang isang bata, gusto mo


rin bang sundin ang
mungkahing ito ng Deped?
Ano ba ang magandang
maidudulot nito sa iyong
buhay?
_______________________________
_____________________________

Magaling! Ngayon naman ay dumako tayo sa bago nating aralin.


ARALIN

A. Gamit ang halo-letra , tukuyin ang mga


salitang may kaugnayan sa internet at
teknolohiya. Isulat ang iyong sagot sa tsart na
nasa ibaba.

1. MIALE 4. KOAFBOCE

2. LEGOGO 5. NETERTIN
3. OYU BETU

1.Modernong pagpapadala ng liham.

2.Isang uri ng website na maaring gamitin sa


pananaliksik.
3.Ito ay isang uri ng website na maaring gamitin
upang makapanood ng videos o palabas.

4.Sa pamamagitan nito ay maaring magdagdag


ang mga kaibigan mo at magiging madali ang
magpadala ng mensahe sa kanila.
5.Ito ay ang magkakakabit na computer network
na maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo
upang makapagbahagi ng impormasyon.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
1. Ano-ano ang mga salitang iyong nabuo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Tungkol saan ang mga salitang
ito?____________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo sa paghahanap ng
kasugutan sa iyong mga naiisip na opinyon? Magbigay ng
halimbawa._____________________________________________________
________________________________________________________________

4. Bukod sa telebisyon, dyaryo at radyo, saan ba tayo maaring


makakalap pa ng impormasyon o balita?

5. Nakakaapekto ba ang internet sa iyong pag-aaral?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
Pagsasanay 2
Pagnilayan ang bawat pangungusap. Isulat ang NK kung ang ang
paggamit ng internet ay Nakabubuti at HNK kung ito ay Hindi
Nakabubuti

1.Nakapagsasaliksik ng mga paraan kung paano


makakaiwas sa Covid -19.
2.Nagagamit ang email upang maka-usap ang mga
kapamilya na nasa malayong lugar.
3.Nakakapag video call para makapagbigay
impormasyon sa mga kaklase tungkol sa online
enrolment.
4.Nakapapasok at nakapapanood sa site na may hndi
kaaya-ayang panoorin.
5. Nakapaglalaro ng Mobile Legend (ML), Dota at
facebook magdamag.

Pagsasanay 3
Lagyan ng ang bilang na nagpapakita ng pagninilay sa
nababasang balita sa internet at kung hindi.

_____ 1.Ibinabahagi ko sa iba ang mga impormasyong


nababasa ko sa internet kahit hindi ko pa nasusuri
kung saan ito nagmula.
______2.Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan
sa pagbabasa ng balita.

_______3.Inuunawa kong mabuti kung ang mga nababasa


kong balita ay may katotohanan bago ko ito sabihin sa
iba.
_______4. Ikinukuwento ko agad sa aking kaklase ang mga
narinig at nabasa kong impormasyon dahil alam kong
matutuwa siya pag nalaman niya ang tugkol dito.

_______5.Pinipili ko ang mga balita na angkop sa aking


gulang.

PAGLALAHAT

Panuto: Kulayan ng pula ( ) kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng katotohanan tungkol sa internet at teknolohiya at asul
naman kung hindi.
______1. Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet
sapagkat napadadali ang mga gawaing pananaliksik ng
mga gumagamit nito.
______2. Sa pamamagitan lamang ng pagbrowse sa internet ay
napapagaan ang gawain ng mga mag-aaral at napapadali
ang pagkatuto sa larangan ng anumang disiplina.
______3. Lahat ng ating nababasa sa internet ay totoo at tama kya
dapat itong paniwalaan.
______4.Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o
pinapasok na sites. Maraming sites ang may mga
karahasan at di-kanais-nais na babasahing hindi angkop
sa mga batang tulad mo.
_______5.Huwag abusuhin ang paggamit ng teknolohiya dahil
maari itong magdulot ng masamang epekto sa atin kapag
hindi natin ginamit nang tama.
PAGPAPAHALAGA

1. Ano ang dapat mong gawin upang hindi ka


makasuhan at mapahamak kung may nabasa kang
negatibong balita na maaring makasira ng ibang tao?
__________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____

2. Magtala ng isang karanasan na nagpapakita ng


pagiging mapanuri sa mga nabasa o napakinggang balita.
__________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang araw kung sang-ayon ka sa isinasaad ng


pangungusap at iguhit naman ang kidlat kung hindi ka sang-
ayon.
_______1. Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita
ay tumutulong sa atin para makuha, malaman at
maunawaan natin ang tamang impormasyon.
_______2. Ang pagninilay sa nababasang balita o
impormasyon sa internet ay nagpapakita lamang
ng masusing pag-iisip upang maiwasang maikalat
ito.
_______3. May mga balita na nagbibigay ng tamang
impormasyon upang lalong mapalawig ang
kaalaman ng mga nagbabasa. Subalit mayroon din
naman sa paraang paninirang puri.
_______4.Sa pamamagitan ng pagbrowse sa internet,
napagagaan ang ating gawain at napadadali ang
ating pagkatuto.
_______5. Ang mga nababasang balita ay dapat na may
batayan o ebidensya dahil kung minsan ito ay
paninirang puri lamang.
SUSI SA PAGWAWASTO

bata 5.internet
isasagot ng mga 5.
/ 5. book
ay base sa 4.face
/ 4. 4.
Ang ibang sagot tube
/ 3. Summer classes
X 2. 3.you
activities 3.
/ 1. 2.google
Physical
1.email
DepEd 2.
Pagsubok Aralin
Alberto Muyot
Paunang Philippines
1.
Manila
Balik-Aral
PAGSUSULIT
PANAPOS NA
5.HNK
4.HNK 5.
3.NK 4.
2.NK 3.
5.
1.NK 2.
1. 4.
Pagsasanay 1 3.
Pagsasanay 2 2.
1,

Paglalahat

Sanggunian
Kagarawan ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng
Mag-aaral , Vibal Group Inc.2015 p.38-44
https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=qOJgZm5V&id=
8F1F5D38B4EEC7B6A05DE87405A450F387EEF2CE&thid=OIP.qOJgZm5V
boQj76L0zK2AwgHaJo&mediaurl=https%3a%2f%2fthumbs.dreamstime.com
%2fz%2fboy-girl-talking-standing-hand-drawing-clip-art-
41287631.jpg&exph=1300&expw=1000&q=picture+of+a+girls+and+a+boys+
draw&simid=608011800948378406&ck=22781D2F684CA759CA1076C920
3094BA&selectedindex=0&ajaxhist=0&first=1&scenario=ImageBasicHover
Module internet
https://depedligaocity.net/EsP_5_Activity_Sheets_v1.0.pdf
https://www.jw.org/tl/library/magasin/g200810/Mga-Bata-at-Internet-
Ang-Dapat-Malaman-ng-mga-Magulang/

You might also like