You are on page 1of 13

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 16: Paglalarawan ng Katangian na Pagiging
Mapagtimpi sa mga Sitwasyong Kinahaharap
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Catherine A. Cañelas
Editor: Nida C. Francisso
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph. D., Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Unang Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Paglalarawan ng Katangian ng Pagiging
Mapagtimpi sa mga Sitwasyong
Kinahaharap
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng
Modyul para sa araling Paglalarawan ng Katangian ng Pagiging Mapagtimpi sa mga
Sitwasyong Kinahaharap!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol sa


Paglalarawan ng Katangian ng Pagiging Mapagtimpi sa mga Sitwasyong Kinahaharap
!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nailalarawan ang katangian na pagiging mapagtimpi sa


mga sitwasyong kinahaharap.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kulayan ang isang kamay kung ang isinasaad ay


iyong ginagawa at kulayan naman ang dalawang kamay kung
hindi mo ginagawa.

1. Pakakalmahin ko ang kaibigan kong galit na galit.


2. Aawayin ko ang lahat ng taong magsasalita nang di
maganda sa aking kapatid.
3. Iniiisip ko muna nang maraming beses ang mga
salitang aking sasambitin.
4. Yayayain ko ang aking mga kaibigan na ipagtanggol
ako sa mga umaaway sa akin.
5. Hihinga na lang ako nang malalim kapag may nang-
aasar sa akin.

BALIK-ARAL

Panuto: Lagyan ng kung nagpapakita ng positibong epekto

ng paggamit ng internet at – naman kung negatibong epekto.

_____1. Nakapagsasaliksik ng aralin sa agham para sa


proyekto.

_____2. Nakakakalap ng balita at impormasyon.

_____3. Nakapagpopost ng laban sa iyong kaaway.

_____4. Nakapag-a upload ng mga videos tungkol sa aralin.

_____5. Nakapapasok sa mga site na pangmatanda.

ARALIN

Naranasan mo na ba na mapag-usapan ng hindi totoo ng ibang


tao? Ano ang pakiramdam mo sa ganitong sitwasyon?
Basahin ang kwento.
Mapagtimpi Ako!
Si Karla ay isang walong taong gulang na tinamaan ng Covid-
19. Matapos ang isang buwan, siya ay nakauwi na sa kanilang
tahanan at tinawag ng Covid-19 survivor.
Isang araw, habang siya ay nakasilip sa bintana, narinig niya
ang usapan ng kanilang mga kapitbahay. “Nakakatakot dumaan
sa eskinitang ito. Alam nyo ba na may Covid-19 yung anak ng
nakatira diyan sa bahay na yan.” sabi ni Donik sabay turo sa
kanilang tahanan. “Naku, kuya, baka mahawa tayo!” sagot ng
kapatid nitong si Kim. “Dapat siguro ay sabihin natin sa Kapitan
na paalisin na lamang sila dito sa lugar natin. Lubhang delikado
para sa atin si Karla.” Sagot ng isa pang kapitbahay na si Mario.

Nais nang sumagot ni Karla sa kanyang mga narinig. Lubha


siyang nasasaktan sa mga sinasabi ng kanilang mga kapitbahay.
Alam niya na siya ay magaling na at hindi na makapanghahawa.
Ngunit naisip niya ang sinabi ng kanyang ina. “Maging
mapagpasensya ka sa mga salitang iyong maririnig lalo na kung
alam mong ito ay walang katotohanan.” Bilin naman ng kanyang
ama, “sa tuwing ikaw ay makakaramdam ng pagkapikon, huminga
ka lang ng malalim ng tatlong beses at mag-isip ng magagandang
bagay.” “Dapat kong sundin ang bilin nina inay at itay. Hindi ko
na lamang papansinin ang aking mga kapitbahay upang
maiwasan ang away.” sambit sa sarili ni Karla.

Talakayin Natin: Isulat ang sagot.


1. Sino-sino ang mga kapitbahay na nag-uusap tungkol kay
Karla?
Sagot:_____________________________________________________
2. Ano ang tawag kay Karla matapos siyang magkasakit?
Sagot:____________________________________________________
3. Ano ang naging pakiramdam ni Karla sa narinig? Bakit?
Sagot:____________________________________________________
4. Anong katangian ang ipinakita ni Karla sa tatlong
kapitbahay?
Sagot:____________________________________________________
5. Kung ikaw si Karla, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit?
Sagot:____________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng bubble ang bilin ng mga magulang kay
Karla hinggil sa kanyang mga narinig sa kapitbahay. Isulat din
ang naging tugon dito ni Karla.
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng masayang labi ang mukha kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na labi
kung hindi.
1. Tinapik ni Mila ang kamay ng kanyang kapatid nang
agawin nito ang cellphone sa kanya.
2. Pinatigil ni Leah sa pag-iyak ang sanggol na kapatid sa
pamamagitan ng pagkarga dito.
3. Sinigawan ni Mang Teban ang kanyang kapitbahay na
nagkakaraoke.
4. Nginitian na lamang ni Aling Maria ang lalaking
nakatabig sa kanya habang namimili.
5. Pinagpaubaya na lamang ni Rica ang kanyang laruan sa
nangungulit na kapatid.
Gawain 3

Panuto: Isulat sa kahon ang nararapat gawin ng isang batang

tulad mo upang maipakita ang pagiging mapagtimpi sa

sumusunod na sitwasyon.

Madalas kang tawaging


“tabachingching” ng iyong
nakatatandang kapatid.

Nais mo nang makipaglaro


sa mga kaibigan mo sa
labas ngunit hindi pa
maaaring lumabas ng bahay
ang batang tulad mo.

Pagkatapos mong magligpit ay


nagkalat muli ng laruan ang
iyong kapatid.

Tahol nang tahol ang alaga


mong aso habang ikaw ay
nanonood ng iyong video
lessons.

Nasira ng iyong kuya ang


pinaghirapan mong proyekto.
PAGLALAHAT

Para sa isang mag-aaral na tulad mo, ano ang katangian ng isang


taong mapagtimpi?
Ang pagiging mapagtimpi ay isang katangian na dapat
taglayin ng bawat tao. Ito ay nakapaglalayo sa atin sa kaguluhan
at kapahamakan. Isang katangian ng pagiging mapagtimpi ay ang
di pagpansin sa mga naririnig natin laban sa sa atin,
pagapapahaba ng ating pasensya, at pag-unawa sa ating kapwa.
Hindi lahat ng bagay ay dapat patulan, lalo na’t kung ito ay hindi
naman totoo. Dapat nating tandaan ang bilin sa atin ng ating mga
magulang patungkol sa pagtitimpi sa lahat ng oras.

PAGPAPAHALAGA

Paano mo maipapakita sa mga umaaway o nang-aasar sa iyo ang


iyong pagiging mapagtimpi? Gumawa ng komik strip ng isang
pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng pagtitimpi.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng ang pangungusap na nagpapakita ng


pagtitimpi. Kung hindi naman, isulat kung ano ang nararapat
gawin ng tauhan upang maipakita ang pagtitimpi.

_____1. Natalo si Arkin sa larong tumbang preso kung kaya’t siya


ay nagsalita ng masama.
_____2. Nginitian lamang ni Leo ang pangaasar sa kanya ni Ben.
_____3. Inabangan ng mga kaibigan ni Troy ang batang nang-
aasar sa kaniya.
_____4. Sinunod ni Aya ang bilin ng ina na huwag awayin ang
nakababatang kapatid.
_____5. Ibinigay na lamang ni Jessie ang kanyang laruan sa
umiiyak na kapatid.
Bitmoji Mobile App, accessed July 10, 2020
Mula sa Internet
Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro, DepEd-MICS
Kagawaran ng Edukasyon Unang Edisyon 2015, Edukasyon sa
Pagpakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral, DepEd-MICS
Kagawaran ng Edukasyon Unang Edisyon 2015, Edukasyon sa
Mula sa aklat
Sanggunian
BALIK ARAL TALAKAYAN PAGSASANAY
1. Covid- 19 Survivor GAWAIN 1
1. +
NANAY: “Maging mapagpasensya
2. + 2. Donic, Kim, Mario
ka sa mga salitang iyong
3. Nasaktan, dahil alam niya na maririnig lalo na kung alam mong
3. -
ito ay walang katotohanan.”
walang katotohanan ang
4. + TATAY: “Sa tuwing ikaw ay
kanyang narniig
makakaramdam ng pagkapikon,
4. Mapagtimpi huminga ka lang ng malalim ng
tatlong beses at mag-isip ng
magagandang bagay.”
KARLA: .” “Dapat kong sundin
ang bilin nina nanay at tatay.
Hindi ko na lamang papansinin
PANAPOS NA PAGSUSULIT
GAWAIN 2 ang aking mga kapitbahay upang
1. Tinanggap na lamang maiwasan ang away.”
1.
dapat ni Arkin ang
pagkatalo
2.
3. 2.
3. Hindi nalang dapat
4.
pinansin ang nag-aasar
4.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like