You are on page 1of 16

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng
anumang hakbangin batay sa mga nakalap na impormasyon mula sa
programang pantelebisyon.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Sharon V. Lanorio
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tenikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
Unang Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
.

Pagsusuri ng Katotohanan bago


Gumawa ng anumang Hakbangin batay
sa mga Nakalap na Impormasyon mula
sa Programang Pantelebisyon.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 4)
Modyul para sa araling Pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang
hakbangin batay sa nakalap na impormasyon sa mula sa napanood na progrmang
pantelebisyon !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon sa Pagpapakatao 4) Modyul ukol


sa Pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa
nakalap na impormasyon sa mula sa napanood na progrmang pantelebisyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito kayo ay inaasahang makapagsusuri


ng katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa
mga nakalap na impormasyon sa napanood na programang
pantelebisyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Bumuo ng salita mula sa puzzle.


M A G I N G L A T Itala dito ang mga salitang nabuo
F Z M S P E ninyo
P R O G R A M A L (pahalang)1.____________
L A J p V D E
(pababa) 2.____________
T O H S A S X B
(pahalang)3.____________
T B Y N E C I
(pababa) 4.____________
G Z O W U F D S
T Y E D R A X Y Anong mensahe ang nakapaloob
sa mga salitang nabuo ninyo mula
X D L I T P O
sa crossword puzzle?
A F G R C N
BALIK-ARAL

STAR BALITA NGAYON

“Isang ginang mula sa Pasig City ang natangayan ng


mahigit isang milyon matapos mabiktima ng on-line scam. Ayon
sa biktima may nagpadala ng mensahe sa kanya na
nagpakilalang empleyado ng banko at hiningi ang kanyang
account number para sa pag-update nito kaya’t agad niya itong
ibinigay ngunit matapos lamang ang ilang oras napanood nya sa
balita na may mga nabibiktima ng scam ng mga taong
nagpapakilalang empleyado ng banko upang
makapanloko.Matapos mapanood ito kaagad siyang pumunta sa
banko upang alamin kung totoo ang mensahe na kanyang
natanggap at dito niya nalaman na natangay ang kanyang
naipong salapi mula sa matagal niyang pagtatrabaho sa ibang
bansa.”

A. Bilugan sa talata ang sumasagot sa tanong na:


1. Sino ang nabiktima ng online scam?
2. Paano siya nabiktima ng online scam?
3. Paano nakatulong sa ginang ang napanood niyang balita?
B. Salungguhitan sa talata ang pangungusap na:
1. Nagsasaad na hindi nasuri ng ginang ang nabasa niyang
impormasyon.
2. Nagsasabi ng epekto sa ginang ng ipormasyon sa balita.
ARALIN

Basahin ang usapan nina Ernie at Liza.


Ernie : Liza alam mo napanood ko kagabi sa palabas sa
telebisyon ang tungkol sa isang sakit na galing sa virus
at nalaman ko dito na ang virus pala kapag napunta
sa katawan ng tao inaatake at sinisira nito ang ating mga
“body organs” gaya ng atay at kidney. Naalala ko tuloy
ang nangyayari ngayon tungkol sa COVID. Kaya pala
maraming namamatay sa COVID kasi ganun katindi ang
virus.
Liza: Talaga? Yun ang pinanood mo? Hindi ka ba natakot?
Ernie: Hindi naman, Kaya lang sa gabi napapanaginipan ko ang
napanood ko at ako daw ay nahawa ng sakit. Nakakakaba
kasi parang totoo.
Liza: Naku Ernie ! Sa susunod huwag ka ng manood ng mga
ganyang uri ng palabas kung hindi mo kasama ang mga
magulang mo upang gabayan ka. Tingnan mo
napapanaginipan mo tuloy. Saka hindi ka naman
mahahawaan ng virus basta sundin mo lang ang payo ng
DOH na palaging maghugas ng kamay, magsuot ng mask
kapag lalabas ng bahay at lumayo sa matataong lugar at
siyempre huwag kalimutan ang social distancing.
Ernie: Salamat sa payo mo Liza. Mula ngayon susundin ko na
ang mga alituntuning iyan kasi iyan din ang sinabi sa
palabas na napanood ko. Sige, uuwi na ako. Maraming
salamat!
Gamit ang graphic organizer. Kumpletuhin ang mga sumusunod
batay sa usapan nina Ernie at Liza.

Nakuhang inpormasyon Epekto kay Ernie ng


ni Ernie mula sa palabas. nakuha niyang
impormasyon

Hakbangin ni Ernie Aral na nakuha sa


matapos niyang usapan
mapanood ang palabas.
MGA PAGSASANAY

A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng ang


kahon kung tama ang mga hakbang na ipinakikita sa bawat
sitwasyon at naman kung mali ang mga ito.
1. Ipinalabas sa telebisyon ang tungkol sa Strawberry
Moon.Sinabi ng kalaro ko na tinawag itong strawberry
moon sapagkat hugis strawberry ang buwan. Nais kong
malaman kung totoo ang kuwento kung kaya’t hinanap ko
ang palabas tungkol dito at doon ko natuklasan na
tinawag itong strawberry moon dahil natapat ito sa
anihan ng strawberry sa Amerika.
2. Narinig mong sinabi ng nanay mo na pupunta sila ng
inyong kapitbahay sa barangay hall para magpalista sa
“Social Amelioration” ngunit alam mo na nakatanggap ang
tatay mo ng ayuda mula sa DOLE. Napanood mo sa balita
na ang “SAP” ay para lamang sa mga walang natanggap na
kahit anong ayuda mula sa anumang ahensya ng
pamahalaan dahil dito, sinabi mo sa iyong nanay ang
tungkol sa napanood mong balita.
3. Patuloy ka pa ring naglalaro sa labas kahit napanood mo
sa telebisyon na lubos na pinag-iingat ang mga bata at
matatanda dahil madali silang mahawa ng sakit.
4. Hindi ka naghuhugas ng kamay bago kumain kahit
madalas mong mapanood na makatutulong ito sa pag-
iwas sa anumang sakit.
5. Sinabi sa isang palabas na may malakas na bagyong
parating. Sinabi ko ito sa aking mga magulang upang
makapaghanda kami.
B. Isulat sa telebisyon ang mga palabas na sa palagay ninyo
ay angkop sa inyong edad at isulat sa kahon kung paano
nakatutulong sa inyo ang mga palabas na ito.

C. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Ano-ano ang iyong mga karanasan na nagpapakita ng


pagsusuri mo sa palabas na iyong napanood?
________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________.
PAGLALAHAT

Laruin ang Snake and Ladder.Sundin ang panuto sa ibaba.

30 29 28
Nagpanic 27 26 25
Ginagaya ang
Tamang agad dahil sa Tamang
karahasan na
Hakbang napanood na Hakbang napanood sa
palabas TV.
24
Pinagkalat 23 22 21 20 19
ang maling
balita na
napanood
18 17 16 15 14 13
Sinuri ang
napanood
Maling Tamang
na palabas Hakbang Hakbang

12 11 10
Tinimbang 9 8 7
kung tama
o mali ang
pinanood
6 5 4 3 2Inalam 1
kung totoo
Maling Maling ang
Hakbang Hakbang napanood
na palabas.
Panuto: Gamit ang Snake and Ladder alamin kung tama o mali
ang hakbang na isinasaad ng mga sumusunod na bilang.
Bilang 2: Inalam kung totoo ang napanood na balita/palabas.
Bilang 10: Tinimbang kung tama o mali ang pinanood na
palabas.
Bilang 16: Sinuri ang napanood na palabas.
Bilang 24: Pinagkalat ang maling balitang napanood.
Bilang 25: Ginagaya ang karahasan na napanood sa telebisyon.
Bilang 28: Nagpanic agad dahil sa napanood na balita/palabas.
PAGPAPAHALAGA

Sinabihan ka ng iyong magulang na huwag panoorin ang palabas


na gusto mong panoorin dahil ayon sa MTRCB ito ay may tema,
lenggwahe karahasan, sekswal, horror at droga. Istriktong
patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
Magbigay ng mga hakbanging gagawin batay sa sitwasyon.

________________________________________________________________
______________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ang mga sitwasyon Gumuhit ng araw ( ) kung naisagawa ang


pagsusuri at tamang hakbangin sa bawat sitwasyon at ulap ( ) kung hindi
ito naisagawa.

_____1.Napanood mo sa DOH Briefing na ang COVID-19 na ang


mga bata at matatanda ay madaling mahawa ng COVID-19

kung kaya’t hindi ka na lumalabas kahit gustong-gusto mo

ng makipaglaro sa iyong mga kaibigan.

_____2.Sinabi ng isang psychic sa napanood ninyong palabas na

magkakaroon ng napakalakas na lindol kinabukasan at nagpapanic

na ang mga magulang mo kaya’t sinabihan mo sila na huwag mag-

panic dahil walang katotohanan ang impormasyong iyon sapagkat

napag-aralan ninyo na hindi pa kaya ng siyensya na malaman ang

pagdating ng lindol.

_____3.May napanood na programa sa telebisyon si Edna na tungkol sa

Agham at Matematika. Marami siyang natutuhan tuwing nanonood


siya,Dahil dito, sinabihan niya ang kanyang mga kamag-aral na

panoorin din ang palabas na iyon.

_____4.Mahilig manood si Jomar ng mga proramang nagpapakita


ng karahasan.Sinabi sa palabas na ito na maaaring
gayahin ng mga bata ang mga teknik na ipinakikita
nila.Pinag-aralan ito ni Jomar at sinubukang gawin sa
kanyang mga kalaro.
_____5.Palaging nanonood si Rommel ng mga gag show kung
saan nagmumurahan ang mga artista.Sinasabi ng mga
host sa palabas na ito na mas maganda ang magmura
kaysa manakit. Kung kaya’t ginagaya niya ang kanyang
napanood.
SUSI SA PAGWAWASTO

5.ulap 5.+
4.ulap 4.- 4.Telebisyon
3.araw 3.- 3.Programa
2.araw 2.+ 2. Mapanuri
1.araw 1.+ 1.Maging

Panapos na Gawain Pagsasanay Paunang pagsubok

Sanggunian
A.DepEd Resources
Abac,Soledad E.,Amoyen Gina A.,Antiquierra, Jesusa M.,Bringas Henrietta
A. et. al.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral,Unang
Edisyon, Pasig City: Department of Education,2015.
Abac,Soledad E.,Amoyen Gina A.,Antiquierra, Jesusa M.,Bringas Henrietta
A. et. al.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro,Unang Edisyon,
Pasig City: Department of Education,2015.

B.Online Resources
Clipart Image of a Pencil
Digital Image,Tenor.Com,Accessed:May
30,2020,https://www.tenor.com/search/pencil-gifs
Clipart Image of Pencil
Digital Image,Accessed:June
01,2020,https://www.clipart.email/clipart/pencil-writing-clipart-gif-
197619.html
Magnifying Glass Image
Digital Image,Gograph.Com,Accessed:June
1,2020https://www.gograph.com/magnifying-glass-gg59636777.html
Image of Children Talking
Digital Image,Freepik.Com,Accessed:June
1,2020,https://www.freepik.com/premium-vector/group-children-talking-
3501492.html
Clipart Image of Television
Clipart Image,Gograph.Com,Accessed June
1,2020,https://www.gograph.com/vector-clipart/tv.html

You might also like