You are on page 1of 15

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 15: Nakapagninilay ng Katotohanan Batay sa
Nakalap na Impormasyong Nababasa sa mga Social Networking Sites.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Janet O. Sison
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Unang Markahan
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto
Impormasyon sa Social Networking
Sites: Bahagi at Instrumento sa Aking
Pagkatuto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Modyul para sa araling Pagninilay ng Katotohanan Batay sa Nakalap na
Impormasyon sa Nababasa sa mga Social Networking Sites!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul para sa araling
Pagninilay ng Katotohanan Batay sa Nakalap na Impormasyon sa Nababasa sa mga
Social Networking Sites!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
A. nakapagninilay ng katotohanan batay sa nakalap na
impormasyon sa nababasa sa social networking sites at
B. napahahalagahan ang kabutihang dulot ng pagiging
responsable sa paggamit nito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang SA kung (sang-ayon) ka sa isinasaad ng


pangungusap at HSA naman kung (hindi ka sang-ayon)
______1.Sa paggamit ng social networking sites ay mahalagang
pamilyar ka sa privacy setting ng iyong account.
_______2.Ang cyber bullying ay maaring panunukso, panglalait,

pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa


tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social

networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram

at iba pa.

_______3.Laging mag-sign-out pagkatapos gamitin ang kahit

anong uri ng social networking sites upang maiwasang

pakia-laman ito ng ibang tao.


_______4.Hindi lahat ng mga impormasyong mababasa sa social
networking sites ay totoo kaya nararapat lamang na
pagnilayan at suriin ang mga ito bago ibahagi sa ibang
tao.
_______5. I-accept lahat ng nagfifriend-request sayo kahit
hindi mo sila kakiklala para marami kang kaibigan.

BALIK-ARAL

Lagyan ng ang bilang na nagpapakita ng pagninilay sa


nababasang impormasyon sa internet at kung hindi.

_____1.Ibinabahagi ko agad sa kaklase ko ang mga


impormasyong nababasa ko sa internet kahit hindi ko pa
sigurado ang pinagmulan nito.
______2.Hindi ako basta basta naniniwala sa mga impormasyong
nakakalap sa internet kaya madalas ay nagtatanong
muna ako sa magulang ko o kya nama’y sinusuri ko kung
sino ang nagpakalat nito.

______3.Inuunawa kong mabuti kung ang mga nababasa kong


balita ay may katotohanan bago ko ito ibalita o ipasa sa
iba.

_______4.Ikinukuwento ko agad sa aking kaklase ang mga


narinig at nabasa kong impormasyon dahil alam kong
matutuwa siya kapag nalaman niya ang tugkol dito.

______5.Bineberipika ko sa iba pang sources ang mga


sinasabi ng manunulat sa kanyang artikulo.
ARALIN
Gamit ang mga letra sa kahon, buuin ang salitang tinutukoy sa
ibaba.
A= 01 F= 06 K= 11 P= 16 U= 21
B= 02 G= 07 L= 12 Q= 17 V= 22
C= 03 H= 08 M= 13 R= 18 W= 23
D= 04 I= 09 N= 14 S= 19 X= 24
E= 05 J= 10 O= 15 T= 20 Y= 25
Z= 26
1. Ano ang tawag sa mga serbisyong pampublikong
nagrerehistro na nakapaloob sa isang system tulad ng
facebook, twitter at instagram?

19 15 03 09 01 12

14 05 20 23 15 18 11 09 14 07

19 09 20 05 19

2. Ito ay maaring panunukso, panglalait, pang-aasar o


anumang aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo
sa isang tao gamit ang mga social networking sites.

03 25 02 05 18

02 21 12 12 25 09 14 07

Sagutin mo ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa


sa loob ng graphic organizer.
3.Ano ang nabuo mong sagot
sa una at ikalawang tanong?
4.Paano nakatutulong sa iyong
pag-aaral ang social
networking account mo?
5.Ano ba ang mga dapat mong
tandaan sa wastong paggamit
ng social networking sites?

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na simbolo o logo. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa bilog.

1._ 4._
A. Facebook _ _
B. Instagram
C. You tube
D. LinkedIn
E.messenger

2._
3._ 5._
_
_ _
Pagsasanay 2
Pag-aralan ang logo at deskripsyon sa bawat bilang.Piliin sa kahon kung
aling Social Networking Site ang inilalarawan dito.
Blogger Skype You Tube messenger Wattpad
Instagram 1. Ito ay ang nangungunang network ng
pagbabahagi ng video sa mundo na nagbibigay-
daan sa mga user na mag-upload, tingnan, at
magbahagi ng mga video.

2. Ito ay isang app na dina download upang


makapagbigay nang mensahe sa kausap nito, ito
rin ay bersyon nang Facebook upang maging
madali ang pag uusap nang bawat isa.

3. Ito ay isang malaking social reading network


kung saan maaaring basahin ng mga miyembro
ang mga libro, mga audio book at magasin.

4. Ito ay isang social network at blog na


nagpapahintulot sa mga gumagamit nito na
lumikha ng mga blog at makipag-ugnay sa bawat
isa. Mayroon itong tungkol sa 1.5 milyong mga
gumagamit.

5.Ito ay isang instant messaging platform na


nagbibigay-daan sa komunikasyon gamit ang
teksto, boses at video.

Pagsasanay 3
Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng Social
Networking Sites (SNS)? Lagyan ng ang patlang kung
nagpapakita ng pagpapahalaga sa wastong paggamit ng SNS at
naman kung hindi wasto ang paggamit nito.

______1. Dapat maging maingat tayo sa lahat ng ating mga


pananalita, mga pictures, at maging sa ating
ekspresyon.
____________2. Huwag natin hayaan ang mga sarili na abusuhin
ang teknolohiya. Maaaring makapag dulot ito ng mga
masasamang epketo sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tama o
mabuting pamamaraan.

_________3.Iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga


topiko, maseselang litrato at video.

__________4. Magpost ng mga babasahin o larawan na


nakakasakit o nakakaoffend sa ibang tao tulad ng
patungkol sa
kasarian, relihiyon at pulitika.
__________5.Masasabi natin na malaking tulong ang internet sa
pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at
edukasyon subalit kinakailangan tandaan na
nararapat gamitin ito nang wasto.

PAGLALAHAT

Iguhit ang kung TAMA ang ipinahahayag ng sitwasyon


ukol sa responsableng paggamit ng Social Networking Sites
at kung MALI.
1. Maaaring
maubos sa social networking ang oras mo at
mapabayaan ang mas mahahalagang gawain kaya
maglaan lamang ng kaunting oras para dito.
2. Ang mga kaibigan mo ay nakaiimpluwensiya sa iyong
pag-iisip at pagkilos. Kaya makatuwiran lang na piliin kung
sino ang magiging kaibigan mo sa isang social network.
3. Tanggapin ang lahat ng mga taong nag-fi-friend request
sayo upang makahanap ka maraming kaibigan.
4. Tiyaking mag sign-out pagkatapos gamitin ang iyong
social networking account upang wlang ibang makapagpost
gamit ang iyong account.
5. Ang hindi maingat na paggamit ng social networking
sites ay maaring magdulot ng kapahamakan tulad ng
panghaharass.

PAGPAPAHALAGA

Panuto : Lagyan ng bilang 1-3 ang pangungusap


upang mabuo ang panalangin. Basahin at bigkasin
nang tama ang inyong sagot pagkatapos.
pagkatapos.

“Panalangin ng mga Netizen”


______Linisin mo po ang aming isipan sa mga bagay na
nakakagulo dala ng makabagong teknolohiya. Basbasan mo po
ang aming puso para maiproseso namin ang mabuti at
masamang epekto ng internet at social networking sites.
______Panginoon, gawin mo kaming mabuting netizen na may
pagmamahal , sa katotohanan at may pagtaguyod sa tamang
paggamit ng bagong likhang kagamitan.
Amen.
______Panginoon lubos po kaming nagpapasalamat sa
katalinuhang inilaan po ninyo sa amin. Sa inimbento naming
materyal na kagamitan tulad ng computer at internet, kami’y
iyong gabayan.Ilayo niyo po kami sa tukso at patnubayan sa
wastong paggamit ang mga ito upang kami’y makaiwas sa
kapahamanakn tulad ng cyber bullying.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang NRG kung ang sitwasyon ay Nararapat mong


Gawin at HRG kung Hindi Nararapat Gawin bilang
responsableng Netizen.
______1.Regular na i-check ang iyong page at pag-isipan kung
mayroon kang nailagay na impormasyon na puwedeng
magamit ng masasamang tao para matunton ka o
nakawin ang identity mo.
_______2. Gamitin ang social networking sites tulad ng Facebook
at Instagram upang asarin at ipahiya ang kaklase mo na
nang-aaway sayo.
_______3. I-accept lamang ang mga friend requests ng mga taong
dating kakilala o kapamilya.
_______4.Kahit sa mga kaibigan mo, huwag mag-post ng
impormasyon na magsasapanganib ng privacy mo o ng
iba. Kung kompidensiyal ang impormasyong sasabihin
mo, gumamit ng ibang paraan ng komunikasyon.
_______5. Laging mag-sign-out pagkatapos gamitin ang kahit
anong uri ng social networking sites upang maiwasang
pakia-laman ito ng ibang tao.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Kagarawan ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng
Mag-aaral , Vibal Group Inc.2015 p.51-53
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102012043
https://www.teacherph.com/social-networking-sites-ang-mga-epekto-nito-
sa-mga-mag-aaral/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service
https://www.tagaloglang.com/cyberbullying/

You might also like