You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Unang Markahan – Modyul 2: Ang Proseso ng Pagpapasya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Janeth A. Bonifacio
Editor: Marlonito C. Padillo at Victor M. Javeña, Ed.D.
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D., Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Cathy S. Seron

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 10
Unang Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Ang Proseso ng Pagpapasya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Modyul para sa araling Ang Proseso ng Pagpapasya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa


Ang Proseso ng Pagpapasya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa


ng mga konkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.

Sa modyul na ito, inaasahang:


A. nakikilala ang kahinaan sa pagpapasya;
B. napahahalagahan ang kasanayan sa pagpapasya; at
C. nakagagawa ng konkretong hakbang sa pagpapasya.

PAUNANG PAGSUBOK

Mga Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem.
Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang proseso na magbubunga ng kilos sa isang


indibidwal?
A. pagkilos
B. pamimili
C. pagpapasiya
D. pagmumuni-muni

2. Sa pagpapasiya, ano ang mahalagang instrumento na kakailanganin


mo?
A. isip at damdamin
B. isip at katotohanan
C. isip at kilos-loob
D. isip at pagmamahal

3. Paano ka magpapasya sa pagitan ng dalawang magandang pagpipilian?


A. Maaari akong mag-toss coin.
B. Titimbangin ko ang mga pagpipilian.
C. Susundin ko ang aking damdamin.
D. Hihingi ako ng payo sa mga kaibigan.
4. Ano ang isang pamamaraan upang magkaroon ng sapat na kaalaman
patungkol sa pagpapasiya?
A. Pakinggan ang sarili
B. Magkalap ng impormasyon
C. Pagkatiwalaan ang instinct
D. Timbangin ang mga pagpipilian

5. Sa pagsasagawa ng mahirap na pagpapasiya, ano ang unang dapat


mong gawin?
A. Magtiwala sa Diyos
B. Pakiramdaman ang sarili
C. Tingnan ang mga pagpipilian
D. Unawain ang problema

BALIK-ARAL

Mind Map
Iyong balikan ang aralin na natapos. Isa-isahin ang mga salitang
naunawaan at natandaan. Isulat ito sa tamang kinalalagyan ayon sa
pagkakaunawa mo sa aralin.

5 6
7
4
1 8
3

2 10
11
12
(www.bitmoji.com)
Pagsusuri:

1. Ano ang nagpapabukod-tangi sa iyo upang makamit ang layunin ng


pagkakalikha bilang isang tao?

2. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob?

ARALIN

Ang buhay mo bilang kabataan ay puno ng pagpapasiya. Magbigay ng


mga simpleng pagpapasya at mabibigat na pagpapasiya na iyong ginagawa sa
araw-araw.

Simpleng Pagpapasya Mahirap na Pagpapasya

Sa araw-araw ikaw ay gumagawa ng pagpili, mula sa maliit at simpleng


bagay hanggang sa masalimuot at magbibigay ng malaking pagbabago sa
iyong buhay. Ikaw ay palaging magpapasiya ng mga bagay na magbibigay ng
malaking epekto sa iyong buhay. Gayunpaman, kailangan mong paunlarin
ang kakayahan sa pagpapasiya upang mas maihanda ka sa hamon ng buhay.
Paano mo mapauunlad ang kasanayang ito? Narito ang ilang mga
hakbang na maaaring makatulong sa iyo upang magamit sa pagsasagawa ng
pagpapasiya. Mag-isip ka ng kasalukuyang sitwasyon na kailangang
magsagawa ng isang mabigat na pagpapasya. Subukan mo na sundan ang
sumusunod na proseso.

1. Kilalanin at tukuyin ang 2. Mangalap ng impormasyon 3. Ilista ang mga posibleng


problema • Maaari kang magtanong, pagpipilian
• Magkaroon ng masusing pagsusuri magsaliksik, o magbasa upang • Isulat ang mga posibleng magiging
sa kinakaharap na sitwasyon o makakuha ng makabuluhang tugon sa sitwasyong kinakaharap.
problema. impormasyon. Magkaroon ng higit sa 3 pagpipilian.

4. Tingnan ang iyong mga 5. Suriin ang mga pagpipilian 6. Piliin ang nakahihigit sa
pagpapahalaga • Gamit ang iyong isip ay makikita mo mga pagpipilian
• Ang pagpapahalagang taglay mo ay ang maaaring maging bunga ng • Mula sa mga natukoy na pagpipilian,
makatulong sa pagpili ng kilos na gagawing kilos at ang iyong kilos- pumili ng nakahihigit sa lahat. Ito ay
gagawin. loob ay magdidikta na piliin at gawin makabubuti sa nakararami at may
ang mabuti. kaunting negatibong epekto.

7. Gumawa ng pagpaplano 8. Suriin ang naging resulta


ng pagsasagawa • Humingi ng puna mula sa malalapit
• Bago isakatuparan ang napili, na tao at maaaring maapektuhan ng
magkaroon ng konkretong iyong pagkilos.
pamamaraan ng pagsasagawa. Ang
pagkakaroon 2 o higit pa ay
makatutulong.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Pagsusuri ng Kasanayan sa Pagpapasiya


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek
(  ) ang angkop na hanay batay sa nararanasan mo. Maging makatotohanan
sa pagsagot. Sa pagtatapos ng pagsagot, kunin ang kabuuang iskor ng iyong
mga sagot. Basahin ang kahulugan ng iyong iskor.
Hindi Bi- Min- Ma- Pa-
Kailan-
man
hira san dalas lagi
(1) (2) (3) (4) (5)
1. Sinusuri ko muna ang mga pagpipilian at
mga panganib na maaaring idulot nito bago
ako magpasya.
2. Tinutukoy ko ang tunay na isyu/suliranin
bago ko simulan ang pagpapasya.
3. Mayroon akong maayos na proseso sa
pagsasagawa ng pagpapasya.
4. Sa palagay ko, ang pagkakaroon ng ilang
tao sa pagpapasya ay makatutulong sa
proseso.
5. Kung ako ay may pagdududa sa aking
pasya, binabalikan at sinusuri ko ang naging
proseso.
6. Naglalaan ako ng sapat na oras na
kailangan upang pumili ng pinakamahusay
na instrumento sa pagpapasya.
7. Isinasaalang-alang ko ang iba’t ibang
solusyon bago ko gawin ang aking pasya.
8. Mayroon akong plano sa pagpapatupad
bago ko iparating at sabihin ang aking
pagpapasya.
9. Sa pagbabahagi ng aking pasya, sinasabi
ko ang katwirang nakapaloob dito.
10. Natutukoy ko ang mga salik na mahalaga
sa aking pasya at ginagamit ko ang mga salik
na ito upang masuri ang mga pagpipilian.
TOTAL

Pagpapakahulugan
10 - 25 Ang kakayahan sa pagpapasiya ay hindi pa buo. Mas
madalas na ikaw ay umaasa sa suwerte o hilig. Maaaring
simulan mo ngayon ang pagtutuon ng pansin sa paggamit ng
proseso kung magpapasiya.
26 - 44 Mayroon kang mahusay na pag-unawa sa proseso ng
pagpapasiya. Higit na mainam kung magiging mapanuri ka
at humanap ng iba pang mga pagpipilian upang mas tumaas
ang kumpiyansa mo sa iyong mga pagpapasiya.
45-50 Mayroon kang mahusay na pamamaraan sa pagpapasiya.
Alam mo kung paano gumamit ng proseso at magkaroon ng
mga potensyal na solusyon. Gamitin ang mga personal na
karanasan upang patuloy ka pang makabuo ng mainam na
pagpapasiya.
Pagsusuri:

1. Ano ang iyong naramdaman sa natuklasan mo patungkol sa iyong


kakayahang magpasiya?
2. Bakit kailangang linangin mo ang kasanayan mo sa iyong
pagpapasiya?

Gawain 2: Decision Wheel


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Gamit ang
proseso ng pagpapasiya, tukuyin ang gagawin sa bawat hakbang. Isulat sa
loob ng Decision Wheel ang iyong sagot.

Sitwasyon:

Nakaramdam ka ng pagkatakot at pagkabahala nang ianunsiyo ang


pagsasailalim ng Metro Manila sa “community quarantine”. Ang 15 araw na
itinakda ay naging 2 buwan at maaaring umabot pa sa 6 na buwan. Sa
simula ay nagnanais kang sumunod sa panukala, ngunit hindi naglaon ay
nakararamdam ka na ng pagkabagot. May mga pagkakataon na nagpaplano
kayo ng mga kaibigan mo na magkita-kita at pumunta sa mall. Ngunit, kahit
na anong paalam mo ay hindi ka pinapayagan ng tatay at nanay mo. Mas
madalas ka na ring mapagalitan ng iyong mga magulang. Ano ang gagawin
mo upang maging kapaki-pakinabang ang pananatili mo sa loob ng inyong
tahanan?

8. Ano ang
naging resulta
ng aking
pagpapasiya? 1. Tukuyin
Ano ang aking ang
naramdaman? problema

7. Ano ang aking


2. Ano-ano ang mga
gagawin? Paano impormasyong
ko isasagawa makatutulong sa
ito? paglutas ng problema?

6. Alin ang 3. Ano-ano


naging ang iyong mga
matimbang sa pagpipilian?
lahat ng 5. Ano-ano
opsiyon na ang mga
mabuti at 4. Ano-anong
mayroon ako? mga
masamang
idudulot ng pagpapahalaga
mga ang taglay ko na
pagpipilian makaaapekto sa
ko? pagpapasiya?
Gawain 3:
Maraming pamamaraan ang maaaring sundin upang umunlad ang
iyong kasanayan sa pagpapasya. Katuwang ang iyong magulang (o sinumang
tumatayong guardian) gumawa ng sariling pamamaraan kung paano
makagagawa ng isang mahusay at magandang pagpapasya. Ilapat ang
kasalukuyang karanasan sa prosesong ginawa. Maging malikhain sa iyong
presentasyon at idikit ito sa iyong portfolio.
Sagutin:
Paano mo gagamitin ang pamamaraan na ito sa mga hinaharap na
pagpapasya o karanasan?

Pagsusuri:

1. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng


pagpapasiya?
_____________________________________________________________________
2. Paano makatutulong sa iyong buhay ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pagpapasiya?

PAGLALAHAT

Bigyan ng paliwanag ang kahulugan ng banal na kawikaan na ito.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Ang iyong pagpapahalaga ay malaking salik na makatutulong upang
lumago ang kasanayan sa pagpapasiya. Subukin mong kilalanin ang iyong
sarili. Ano-anong mga katangian ang tinataglay mo sa kasalukuyan at mga
katangian na kailangan mong hubugin upang magamit sa mabuting
pagpapasiya?

Mga Katangian na Dapat Kong


Mga Katangian na Taglay Ko
Hubugin
1.
2.
3.
4.
5.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Unawaing mabuti ang mga pahayag. Lagyan ng bilang 1 – 10 ang
proseso na dapat sundin sa pagsasagawa ng pagpapasiya.
1. Mas mabuti na magkaroon ako ng ilang kaibigan na
maaaring pagkatiwalaan.
2. Bigyan ng pagkakataon ang kaklase na maging malapit sa
isa’t isa.
3. Kung ako ay makikipaglapit sa ibang tao, maaari akong
masaktan kung may gagawin sila na hindi ko nais.
4. Maaari akong magbasa ng mga self-help na aklat upang
lumawak ang kaalaman ko patungkol sa pagtitiwala.
5. Ako ay makikipag-usap sa magulang o miyembro ng
pamilya, halimbawa ang isa sa kapatid, pinsan, lolo o lola.
6. Ako ay nahihirapang magtiwala sa ibang tao.
7. Ako ay nagkaroon ng bagong kaibigan, hindi na masyadong
malungkot ang araw ng pagpasok sa paaralan.
8. Makikipag-usap ako sa kaklase na nagpapahiwatig ng
pakikipagkaibigan.
9. Mas ninanais ko ang mapag-isa at tahimik na paligid.
10. Kung magtitiwala ako sa ibang tao, maaaring gumaan ang
aking pakiramdam. Mababawasan ang isipin ko na ako ay
mag-isa lang sa mundo.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Balik-aral Panapos na


Pagsubok Pagsusulit
D 5. MAGMAHAL 12.
7 10.
B 4. MAGMAHALAGA 11.
5 9.
B 3. GUMAWA 10.
9 8.
A 2. PUMILI 9.
10 7.
C 1. KATOTOHANAN
1 6.
TUKLASIN ANG 8.
3 5.
MAG-ALAALA 7.
2 4.
UMUNAWA 6.
6 3.
MAG-SURI 5.
4 2.
MANGATWIRAN 4.
8 1.
MAGHUSGA 3.
KILOS-LOOB 2.
ISIP 1.

Sanggunian
Mula Sa Aklat
Edukasyon, Kagawaran ng. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa
Mag-aaral. FEP Printing Corporation.
Mula Sa Internet
BITMOJI. "Your Personal Emoji.". bitmoji.com. Accessed June 18, 2020.
https://www.bitmoji.com

Pejakovic, Ivana. “8 Simple Steps to Good Decision-Making for Teens.” Noomii, 27


Feb. 2011, www.noomii.com/articles/809-8-simple-steps-to-good-
decisionmaking-for-teens

Morin, Amy. “Steps to Teaching Your Teen How to Make Good Decisions.” Verywell
Family, 6 Mar. 2020, www.verywellfamily.com/steps-to-good-decision-
making-skills-for-teens-260910

You might also like