You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10
Ang Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Framework
Unang Markahan – Ikapitong Linggo

Ricky V. Marcelino
Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang mga mag-aaral ay mauunawaan ang dalawang pangunahing layunin ng
Philippine Disaster Risk Reduction and Management of 2010. Ang mahalagang
proseso sa pagbuo ng isang Disaster Management Plan ay mabibigyang pansin sa
araling ito upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang proseso sa pagbuo ng
isang epektibong disaster management plan.

Matutuklasan din ng mga mag-aaral ang proseso kung paano magiging


matagumpay ang isang Community Based Disaster and Risk and Reduction
Management Plan.

Bilang panimula, subukin mong sagutan ang paunang pagsusulit na


makikita mo sa araling ito. Basahin sa suriing mabuti ang mga sumusunod na
katanungan isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
____1. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng
pagpaplano, pagoorganisa, pagtukoy ng mga kasapi pamumuno at pagkontol.
A. Disaster C. Natural Hazard
B. Disaster Management D. Hazard
____2. Ang mga bantang maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao, na kung
hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan.
A. Hazard C. Natural Hazard
B. Anthropogenic Hazard D. Disaster
____3. Ito ay mga hazard na bunga ng mga Gawain ng tao ang maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan.
A. Natural Hazard C. Hazard
B. Anthropogenic Hazard D. Disaster
_____4. Tumutukoy naman ito sa mga hazard na dulot ng kalikasan tulad ng
bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge at landslide.
A. Disaster C. Natural Hazard
B. Anthropogenic Hazard D. Hazard
____5. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at
mga gawaing pangekonomiya.
A. Anthropogenic Hazard C. Disaster
B. Hazard D. Natural Hazard
____6. Ang mga tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maaapektuhan ng mga hazard.
A. Vulnerability C. Disaster
B. Hazard D. Natural Hazard

2
___7. Ang inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama
ng isang kalamidad.
A. Risk C. Disaster
B. Vulnerability D. Hazard
____8. Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
A. Risk C. Hazard
B. Resilience D. Natural Hazard
____9. Saan nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management?
A. PRRDM Act of 2010 C. PDDRM Act of 2018
B. PDRRM Act of 2012 D. PDRRM Act of 2020
___10. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang vulnerable sa oras ng kalamidad.
A. Lalaki, babae, bata C. Lalaki, bata, matatanda
B. Babae, bata, matatanda D. Wala sa mga nabanggit
___11. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano
na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa
sa mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng pamahalaan. Anong CBDRM
Approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach C. Top-down Approach
B. Downward approach D. Upward approach
___12. Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya sa mga hazard
at kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
___13. Ang pagputok ng bulkang Taal ay isang uri ng anong kalamidad?
A. Man-made disaster C. Anthropogenic hazard
B. Natural disaster D. wala sa nabanggit
___14. Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk
Reduction and Management Framework ay ang pagbuo ng disaster resilient
na mga pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang
mga pamayanan kung maaayos na maisasagawa ang CBDRM. Ano ang ibig
sabihin ng CBDRM?
A. Country Based – Disaster and Risk Management
B. Community Based – Disaster and Risk Management
C. Community Based – Disastered and Risk Management
D. Community Based – Disaster and Risk Managers
____15. Ayon sa Disaster Risk Reduction Plan, ano ang tamang pagkakasunod-
sunod na dapat gawin para harapin ang kalamidad?
A. Disaster Rehabilitation and Recovery, Disaster Response, Disaster
Preparedness, Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster
Response, Disaster Rehabilitation and Recovery
C. Disaster Response, Disaster Prevention and Mitigation, Disaster
Rehabilitation and Recovery, Disaster Preparedness
D. Disaster Preparedness, Disaster Prevention and Mitigation, Disaster
Rehabilitation and Recovery, Disaster Response

3
Isulat ang mga kalamidad na nagaganap sa Pilipinas. Alamin ang sanhi,
bunga, at epekto nito sa kapaligiran. Sagutan ang mga gabay na tanong na nasa
ibaba ng chart.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang hinuha na inyong nabuo tungkol sa ibat-ibang epekto na ating
nararanasan dulot ng suliraning pangkapaligiran?
___________________________________________________________________________
2. Ang ibat-ibang suliraning pangkapaligiran ba na ating nararanasan sa
kasalukuyan ay may kaugnayan sa isat-isa? Patunayan.
___________________________________________________________________________
3. Kung patuloy nating mararanasan ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na ito, sino sa inyong palagay ang pangunahing
maaapektuhan? Bakit?
___________________________________________________________________________
4. Ano kaya ang pinaka mabisang paraan upang masolusyunan ang mga
nabanggit na suliranin at hamong pangkapiligiran?
___________________________________________________________________________
5. Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng inyong sariling
suhestyon ukol sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na ating
kinakaharap sa kasalukuyan at sa darating pang panahon ano kaya ito?
___________________________________________________________________________

4
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
Dalawang pangunahing layuning ng Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010:
1. Ang hamon ang dulot ng kalamidad at hazard na dapat pagplanuhan at
hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng ibat-ibang kalamidad; at
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang
pinsala at panganib na dulot ng ibat-ibang kalamidad at hazard.

Ang mga nabanggit na layuning ito ay kasama sa mga naging batayan sa


pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction Management Framework o (PDRRMF).
Binigyang diin sa mga paghahandang ito ang sapat na kahandaan ng mga
mamamayan sa pagharap sa anumang sakuna o kalamidad na kakaharapin ng ating
bansa, upang ng sa ganun ay maiwasan ang malawakang pinsala na maaaring
maranasan ng mga mamamayan. Isinusulong din ng PDRRM Framework ang
kaisipan ng paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin
ng pamahalaan, kung hindi ito tungkulin ng lahat ng mga mamamayan upang
mapanatiling ligtas ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya. Ang proseso
sa pagbuo sa isang Disaster Management Plan ay dapat na produkto at pagkakaisa
at pagtutulungan ng lahat ng sector ng pamahalaan maging ito man ay pribado at
pampublikong sector tulad ng Business Sector Non-Governmental Organizations
(NGO’s) at lalo’t higit ang pakikiisa ng lahat ng mga mamamayan na naninirahan sa
isang komunidad. Ang ganitong proseso at tinatawag na Community-Based Disaster
and Risk Management (CBDRM).

Figure 1. Bumubuo sa Epektibong Disaster Management Plan

5
Isang halimbawa ay ang Muntinlupa City Disaster and Risk Reduction and
Management Office (MCDRRMO) na nagbubuklod sa mga Barangay at komunidad
upang mapaghandaan at maibsan ang mapaminsalang dulot ng anumang hazard.
Ang MCDRRMO ay itinatag sa huling bahagi ng taon ng 2013.

Philippine Disaster and Risk Reduction Management Flow Chart

Ipinapakita sa chart na ito kung paano nagiging maayos ang ugnayan mula
sa PDRRMO/NDRRMO patungo sa mamamayan. Magiging epektibo ang isang
CBDRRM Plan kung ang mga mamamayan mismo ay magiging kabahagi nito.

Ang Community Based Disaster and Risk Management Plan


Ang CBDRRM ay sangay ng nagmomonitor sa ibat-ibang komunidad sa
tuwing magkakaroon ng sakuna, maaari itong gawin bago at pagtama ng kalamidad
at maging pagkatapos ng kalamidad na nararanasan ng isang lugar. Sa tulong ng
CBDRRM nababawasan ang mga casualties o mga pinsala o maaaring maranasan
ng isang komunidad. Nabibigyan ng agarang tulong ang mga biktima ng kalamidad
o sakuna. Ang mga gawaing ito ay nakikita din sa ating lungsod ng Muntinlupa
sapagkat ang Muntinlupa ay may paghahanda din naisinasagawa sa tuwing may
mga kalamidad na nagaganap sa ating lungsod.

Ang pinaka sentro ng CBDRRM Approach ay ang mga sumusunod


❖ Maagapan ang anumang pinsala na maidudulot ng sakuna
❖ Maipamamahagi ang mga impormasyon tungkol sa sakuna kung ano-ano ang
mga unang gawin ng mga mamamayan upang maging ligtas sa oras ng
sakuna.
❖ Pagbibigay ng impormasyon sa pamayanan kung saan ang mga lugar na
maaari nilang puntahan para sila ay maging ligtas

6
Ano ang kahalagahan ng Community-Based Disaster and Risk Reduction and
Management?
❖ Maging handa ang mga mamamayan sa pagtukoy sa mga banta at kalamidad
sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagtukoy pag-suri pagtugon, pagsubaybay
at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
❖ Dahil sa CBDRRM magiging handa ang komunidad na maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian dahil bahagi ang mamamayan sa
pagplano at pagbuo ng desisyon sila rin ang kasapi sa implementasyon sa
mga gawain na may kaugnayan sa Disaster Risk Management.
❖ Sa pamamagitan ng CBDRRM binibigyan ang tao ng kapangyarihan na
alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad

Community Based Disaster and Risk Reduction Management Flow Chart

Ipinapakita sa chart ang mahalagang tungkulin ng mamamayan sa pagbuo


ng epektibong CBDRRM Approach. Ang mamamayan ay makikipag-ugnayan sa
PDRRM upang maibsan o maiwasan ang malubhang epekto ng mga kalamidad,
sakuna, o hazard sa komunidad na kung saan sila naninirahan.

7
Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek ang linya na katabi nito kung ang
salita ay naaayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Framework.
Lagyan naman ng Krus kung hindi.
________1. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong bansa.
________2. Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster
Management Plan.
________3. Dapat na kasama ang NGOs sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
________4. Hinihingi ang tulong ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng disaster
management plan.
________5. Isinusulong ang top-down approach.
________6. Isinusulong ang Community Based Disaster Management Approach.
________7. Tungkulin ng pamahalaan ang disaster management.
________8. Tungkulin ng lahat ang paglutas sa suliraning pangkapaligiran.
________9. Pagpaplano sa pagharap ng kalamidad.
________10. Pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito.

Mahalagang malaman ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin at


responsibilidad upang mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad, maligtas
ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano
kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa
Pambansang Pamahalaan, at ang iba't ibang suliranin na dulot ng hazard at
kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor
ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag
nakararanas ng kalamidad.

Ang may kaalaman sa pagbuo ng isang mahusay na Disaster Management


Plan ay makakatulong sa mga taga Muntinlupa na harapin ang anumang kalamidad
at pagsubok na darating pa sa hinaharap.

8
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Ilagay ang tamang sagot sa patlang.

Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of


2010 sa 1. ________________ pangunahing layunin. Ang MCDRRMO ay itinatag sa
huling bahagi ng taon ng 2. ____________. Ang 3. ____________ ay sangay ng
nagmomonitor sa ibat-ibang komunidad sa tuwing magkakaroon ng sakuna, maaari
itong gawin bago at pagtama ng kalamidad at maging pagkatapos ng kalamidad na
nararanasan ng isang lugar. Pagkakakilanlan- bilang isang mamamayan ay may
sapat kang kaalaman sa ibat-ibang hazard na nasa iyong paligid at kung paano ito
umusbong upang kaagad mo mataya ang sitwasyon ng hazard upang maging ligtas
sa nakaambang kalamidad. Samantalang sa 4. ___________________ ay dapat na may
sapat na kaalaman ang mamamayan sa uri ng hazard at dito naman sa 5.
_________________ay ang pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
sa isang lugar upang agarang makahanap ng solusyon ang pamahalaan sa lawak ng
pinsala ng hazard. Ang 6. _________________ naman ay napagaaralan ang tungkol sa
sakop at tagal ng epekto ng isang hazard upang ng saganun ay makapaghandaang
mabuti. Sa 7. ___________ ay dito kagya’t na matutukoy kung sino ang maaaring
tamaan o maapetuhan ng hazard sa 8. _____________ nasasabi ang panahon kung
kalian maaaring maranasan ang isang hazard upang kaagad na masabihan ang
lahat na lumikas. Samantalang sa 9. _____________ naman ay ang pagtugon sa
kakayahan ng komunidad na kaharapin ang hazard upang mabawasan ang
malawakang pinsala. Ang 10. _________________ o ang dalas na pagdanas ng hazard.
Dito ay nalalaman na ang hazard ay nagaganap taon-taon isang beses sa loob ng
lima o sampung taon o kaya ay biglaan lang at sa 11. ___________ nalalaman dito
kung kalian nararanasan ang hazard, maaari itong panandalian lamang tulad ng
lindol, sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil.
Sa 12. ________________ naman ay ang bilis ng pagtama ng hazard maaari itong
mabilisan at walang babala tula ng lindo at kaya naman ay may pagkakataon na
magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha. Samantalang sa 13. __________ naman
ay natutukoy ang oras ng pagtama ng isang hazard sa isang komunidad, dito naman
sa 14. ________________ maaari itong natural tulad ng hazard na dala ng hangin,
tubig tulad ng madalas na pagbuhos ng ulan, baha, pagapaw ng tubig, tidal wave at
storm surge, at landslide, lahar, apoy tulad ng pagkasunog sa kagubatan at mga
kabahayan at iba pang mga hazard. Ang 15. ________________________ay tinataya ang
kakayahan ng komunidad na harapin ang ibat ibang uri ng hazard.

9
Susi sa Pagwawasto

onset, 13. Forewarning, 14. Force, 15. Capacity Assessment


Lawak, 7. Saklaw, 8. Predictability, 9. Manageability, 10. Frequency, 11. Duration 12. Speed of
Pang-wakas na Pagsusulit: 1. Dalawang, 2. 2013, 3. CBDRRM, 4. Katangian, 5. intensity, 6.

Gawain 1. X, 2. X, 3. Tsek, 4. Tsek, 5. X, 6. Tsek, 7, X, 8. Tsek, 9. Tsek, 10. X

Subukin 1. B, 2. a, 3. b, 4. c, 5. c, 6. a, 7. a, 8. b, 9. a, 10. b, 11. c, 12. a, 13. b, 14. b, 15. B

Sanggunian
Websites:

• https://www.officialgazette.gov.ph/2010/05/27/republic-act-no10121/
• http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/41/NDRRM_Plan_2011-2028.pdf
• https://www.preventionweb.net/files/35855_muntinluparesilientcity actionplan.pdf
• Muntinlupa City Disaster Risk and Reduction Management Office –City Government
of Muntinlupa
https://www.muntinlupacity.gov.ph/?page_id=3256

• Antonio, Eleanor D etal kayaman : kontemporaryong Isyu


• Learners Modyul, at Internet

10

You might also like