You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 18: Natutukoy kung sino sa mga tauhan sa kwento
ang nagpapakita ng may pagtitimpi sa sarili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Catherine A. Cañelas
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Unang Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Pagtitimpi sa Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng
Modyul para sa araling Pagtukoy kung sino sa mga tauhan sa kwento ang
nagpapakita ng may pagtitimpi sa sarili !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol sa
Pagtukoy kung sino sa mga tauhan sa kwento ang nagpapakita ng may pagtitimpi
sa sarili !!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng


tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Gumuhit ng hugis puso kung kaya mong gawin at ekis


naman kung hindi.
_____1. Pagpasensyahan ang makulit kong kapatid.
_____2. Sundin lahat ng utos ni nanay.
_____3. Hindi papansinin ang maiingay sa labas ng bahay.
_____4. Hindi lumabas ng bahay.
_____5. Makinig sa aralin o manood ng video lessons.

BALIK-ARAL

Panuto: Iguhit ang kung nagpapakita ng pagtitimpi at


naman kung hindi.
_____1. Nagkamali sa pag-awit si Leah. Tinignan siya nang
masama ng kanyang mga ka-choir.
_____2. Hindi maiguhit nang maayos ni Sarah ang ipinapaguhit
ng kanyang guro. Tumigil siya saglit at huminga ng
malalim saka niya itinuloy ang pagguhit.
_____3. Naglalaro sina Jack at Macky nang chess nang biglang
natabig ni Jack ang board at natumba ito. Imbes na
mainis ay tumulong na lang si Macky sa pagpulot ng
chess.
_____4. Iyak nang iyak ang iyong nakababatang kapatid habang
ikaw ay nanonood ng iyong video lessons. Binigyan mo
ito ng pagkain upang tumigil sa pag-iyak at
maipagpatuloy mo ang panonood.
_____5. Nagsasagot ng worksheets si Ana nang utusan siya ng ate
Niya na magwalis. Padabog na sumunod si Ana sa utos
ng kanyang ate.

ARALIN

Basahin ang kuwento.

Isipin Mo Muna

Maagang gumising ang magkakaibigang Ron, Allen, Ella at


Kaye. Maglalaro sila ng badminton sa court ng kanilang
barangay. Namili na sila ng kakampi para sa badminton double.
“Kami ni Ella ang magkakampi” sabi ni Ron. “Pero gusto ko rin
siya” sagot ni Kaye. “Ah ganon ba, sige kami na lang ni Allen ang
magkakampi” tugon ni Ron.
Habang naglalaro ay natatalo na nina Ella at Khaye sina
Ron at Allen. “Ayusin mo naman ang laro mo, Ron” sambit ni
Allen na may pagkainis. “Pasensya na, wala yata sa mood itong
raketa ko” pabirong sambit ni Ron. “Allen, wag ka nang mainis.
larong kaibigan lang naman ito.” paalala ni Kaye. “Hindi, naiinis
ako. Madaya kasi kayo!” sigaw nito.

Natapos ang isang set ng laro at talo sina Ron at Allen.


“Madaya kasi kyo Ella at Kaye.” galit na sambit ni Allen. “Naglaro
kami ng ayon sa rules.” depensa ni Kaye. “May ebidensya ka ba
na nandaya kami?” tanong naman ni Ella. “Tama na yan! Sa
aking obserbasyon wala namang nandaya. Ang kanilang
paglalaro ay naaayon sa rules. Maging masaya na lang tayo at
nakapaglaro tayong apat.” paalala ni Ron.

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?


Sagot:______________________________________________
2. Anong isports ang kanilang nilaro?
Sagot:______________________________________________
3. Sino-sino sa apat na magkakaibigan ang nagpakita ng
pagtitimpi? Sa paanong paraan?
Sagot:________________________________________________
4. Sino sa kanila ang nagpakita ng mapanuring pag-iisip
upang matuklasan ang katotohanan?
Sagot:_________________________________________________
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng T kung nagpapakita ng pagiging mapanuri at
H naman kung hindi.

_____1. Tinitingnan ko muna ang pinanggalingan ng balita bago


ko ipost sa social media.
_____2. Kung ako ay nagsasagot sa aking worksheets, binabasa
ko nang mabuti ang mga panuto at katanungan.
_____3. Tinitignan ko ang mga label at expiration date ng mga
pagkain bago ko ito kainin.
_____4. Kahit na ako ay nagmamadali, sinisigurado kong
kumpleto ang aking gamit sa loob ng bag.
_____5. Kapag nakita kong nag-aaway ang aking mga kapatid,
kinakampihan ko kaagad ang unang nagsumbong.
Pagsasanay 2
Panuto: Ilagay sa loob ng kahon ang bilang ng mga pangungusap
na nagpapakita ng pagiging mapanuri at sa loob ng bilog naman
ang hindi.
1. Ginagaya ko ang lahat ng aking napapanood.
2. Kapag nagmamadaling mamili si nanay, hindi na niya
tinitignan ang expiration date ng mga pagkain.
3. Pinipili ko lamang ang mga opisyal na website ng gobyerno
sa internet upang totoo lahat ng aking impormasyong
nakakalap.
4. Kapag may hindi pagkakasunduan ang aking mga kaibigan,
ito ay aking inaayos sa pamamagitan ng pakikinig sa lahat
ng panig.
5. Binibilang kong mabuti ang sukli sa tindahan bago ako
umalis.

PAGLALAHAT

Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaroon ng


mapanuring pag-iisip upang malaman ang totoong nangyayari sa
ating paligid. Ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan ay
naglalayo sa atin sa kapahamakan at nakakapagdagdag ng
kaalaman.

PAGPAPAHALAGA

Ano-ano ang dapat gawin upang maipakita ang pagiging


mapanuri sa sumusunod na sitwasyon?

May kumatok sa inyong tahanan upang magsurvey at


kumuha ng personal na impormasyon ng inyong pamilya.
- Tawagin ang iyong magulang. Bago magbigay ng
anumang impormasyon ang iyong magulang ay tiyakin
muna na ang taong kausap ay lehitimong tagakuha ng
survey sa pamamagitan ng paghanap ng kanyang id,
sertipiko na galing sa barangay na nagpapatunay na siya
ay pinayagang mag-survey, at kung ito ba ay may
kasamang tanod o tauhan ng munisipyo.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang kung nagpapakita ng pagkakaroon ng


mapanuring kaisipan at kung hindi.

__________1. Kapag may naririnig si Ida na usapan ng kanyang


kapitbahay, tinitiyak muna niya kung ito ay totoo o hindi
bago paniwalaan.
__________2. Pinopost ni Lyka ang lahat ng balitang nasasagap niya sa
mga kakilalang nagtatrabaho sa ospital.
__________3. Dahil walang kuryente sa kanilang bahay, nakikibalita na
lamang si Angela sa kanyang mga kaibigan at
pinapamalita niya ito sa kanilang kapit bahay.
__________4. Bago uminom ng gamot si Elsa, nagpapatingin muna siya
sa doktor.
__________5. Ipinamamalita agad ni Ador ang mga naririnig nyang
balita mula sa kanilang kapitbahay.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 LAMP BOW
K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Gabay ng Guro
K-12 Edukasyon sa Pagpakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Sanggunian
BALIK ARAL ARALIN
1. thumbs down 1. Ron, Ella, Allen at Kaye
2. thumbs up 2. Badminton
3. thumbs up 3. Ron – nanatili siyang kalmado
4. thumbs up 4. Ron
5. thumbs down
GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. T Nasa kahon – 3, 4 at 5
2. T
Nasa bilog – 1 at 2
3. T
4. T
5. H
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like