You are on page 1of 9

MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL

National Highway, Buenavista, Maddela, Quirino


E-mail add: marvelousgrace2020@gmail.com
CP #: +63-906-186-0907

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2022-2023
NO. ITEM
LEARNING COMPETENCIES OF PLACEM %
ITEMS ENT
ACQUIRING KNOWLEDGE (60%) 1-36 (36 items)
Naipapaliwanag ang kahulugan ng ekonomiks. 5 1-5
Naipapahayag ang mga salik ng produksiyon. 5 6-10
Nabibigyang kahulugan ang ibig sabihin ng produksiyon at ang ibang agham
3 9-11
ukol dito.
Nakikilala angimplikasyon ng mga salik ng produksiyon. 3 11-15
Natutukoy ang kahulugan ng alokasyon. 2 16
Nahihinuha ang mga iba’t-ibang salik ng produksiyon. 4 17-20
Nakikilala ang iba’t ibang kaisipang pang-ekonomiya. 4 21-24
Natutukoy ang iba’t-ibang konsepto ng kakapusan. 6 25-30
Natutukoy ang dalawang uri ng kakapusan. 2 31-32
Natutukoy ang mga pahayag kung ito ay sanhi, palatandaan o epekto ng
4 33-36
kakapusan .
MEANING MAKING (30%) 37 – 54 (18 items)

Nailalarawan ang mga katangian ng isang matalinong mamimili.. 5 37-41


Naipapaliwanag ang bawat salik na nakakaapekto sa pagkonsumo. 5 42-43
Napaghahambing ang iba’t-ibang konsepto ng pagkonsumo. 4 44-47
Naipapaliwanag ang iba’t-ibang salik na bumubuo sa ekonomiks. 4 48-51
Nailalapat ang konsepto ng lkakapusan sa pang araw-araw na buhay. 3 52-54

TRANSFER (10%) 54-60 (6 items)


Nakapagbibigay ng mungkahi tungkol sa inflation rate na ating kinakaharap. 3 55-57
Naipapahayag ang sariling solusyon hingil sa inflation rate na nangyayari sa
3 58-60
ating bansa.

60
TOTAL
ITEMS
Continuation of the …

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2022-2023

Inihanda ni:

AIKO S. BACDAYAN
Subject Teacher

Checked by:

ZYRELL MITCH D. GALAPON


HS Department Head

GENELYN F. BRANCHCOMB LIRIO C. CONSOLACION


Academic Committee Academic Committee

Noted by:

JUANITA O. TOLENTINO, Ph.D.


School Principal
MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL
National Highway, Buenavista, Maddela, Quirino
E-mail add: marvelousgrace2020@gmail.com
CP #: +63-906-186-0907

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2022-2023
PANGALAN: _____________________________________________________ ISKOR: _______________
PETSA: _____________

Psalm 16:8
“I know the Lord is always with me.
I will not be shaken, for he is right beside me.”
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.
___1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na
pagdedesisyon.
C. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang
kinakaharap.
D. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
___ 2.Sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan.
A. alokasyon C. ekonomiks
B. pangangailangan D. opportunity cost
___3.Saan nakatuon ang pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ng tao?
A. paggawa ng produkto C. paggawa ng alternatibo
B. paggawa ng desisyon D. paggawa ng plano
___4. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Oikonomia na ibig sabihin ay ______?
A. pamamahala ng sambaha C. pamamahala ng buhay
B. pamamahala sa ekonomiya D. pamamahagi ng negosy
___5.Ang salitang OIKOS at NOMOS ay nagmula sa salitang _____?
A. Hebrew C. Griyego
B. Latin D. Frances
___6. Bakit kailangang magsagawa ng trade-off ang tao?
A. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
B. Upang matugunan niya ang kanyang pangangailangan na magdudulot ng higit na kasiyahan.
C. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
D. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
___7. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa
lipunan?
A. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
B. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
C. Limitadong pinagkukunang-yaman
D. Lahat ng nabanggit
___8. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
B. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
C. Isaalang-alang ang trade off at opportunity cost
D. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala mithiin at tradisyon
___9. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakrispisyong hindi bilhin ni Kobe
upang makabili ng mas murang damit at pabango?
A. Trade off C. Marginal thinking
B. Opportunity Cost D. Incentive
___10. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-
ekonomiya na:
A. lumilinang ng likas-yaman. C. lumilikha ng mga produkto at
B. namamahagi ng pinagkukunang- serbisyo.
yaman. D. gumagamit ng mga produkto at
serbisyo.
___11. Ang mga sumusunod ay maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan,
MALIBAN sa isa:
A. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya.
B. Maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
C. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa lahat ng tao.
D. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang- yaman.
___12.Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon
ng:
A. prodyuser C. pamahalaan.
B. konsyumer. D. pamilihan.
___13. Kailan maituturing na primaryang pangangailangan ang isang produkto o paglilingkod?
A. Kapag ito ay kailangan ng tao upang siya ay mabuhay
B. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito
C. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao
D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na gawain
___14. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksyon. Sa ekonomiks,
ang mga pangunahing salik ng produksiyon ay kinabibilangan ng:
A. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur.
B. upa sa lupa, sahod sa manggagawa, imprastraktura at entrepreneurship.
C. interes, kita, sahod at lupa.
D. lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship.
___ 15.Ang kaganapang pagkatao ay makakamit kung ___________?
A. matutugonan ng tao ang kanyang seguridad.
B. marunong siyang magpahalaga
C. nasasagot ang tawag ng pagkatao
D. kung siya ay nagtagumpay
___16.. Ang alokasyon ay sistema ng _________?
A. pamamahagi C. pag-angkat
B. pagpapatupad D. pakikilahok
___17.Ito’y paglalaaan ng tamang dami ng pinagkukunang-yaman sa pangangailangan
A. alokasyon C. produksiyon
B. distribusasyon D. lahat ng nabanggit
___18.Ang PPF ay isang modelong nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga pinagkukunang-
yaman upang makalikha ng produkto. Ano ang kahulugan ng PPF?
A. Production Plan Frontier B. Production Possibilities Frontier
C. Production Preparedness Form D. Plan for the Production of Food
___19.Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang binubuo ng dalawa o higit pang indibidwadwal na
sumasang-ayon na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo?
A. Sole Proprietorship C. Korporasyon
B. Partnership D. Kooperatiba
___20. Aling ahensiya ng ating pamahalaan ang nagsusuri at naniniguradong ligtas ikonsumo ang mga
gamot, pagkain at mga produktong pampaganda?
A. SEC C. ERC
B. NBI D. BF
___21. Ito ay uri ng sistemang pang-ekonomiya na kung saan kontroloado ng estado ang produksiyon at
yaman nito.
A. Kapitalismo C. Pasismo
B. Komunismo D. Sosyalismo
___22.Ito ay umiral sa bansang Italy sa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini noong 1922 matapos
niyang maitatag ang partidong facist.
E. Kapitalismo G. Pasismo
F. Komunismo H. Sosyalismo
___23.Uri ng sistemang pang-ekonomiya na nagpapakita ng estado ng pagbabalanse ng kalayaan at
pagkontrol ng pamahalaan at mamamayan.
I. Kapitalismo K. Pasismo
J. Komunismo L. Sosyalismo
___ 24.Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang produksiyon at pagmamay-ari ng yaman ay nasa
kamay ng mga indibidwal at pribadong sector.
M. Kapitalismo O. Pasismo
N. Komunismo P. Sosyalismo
___25.Isang likas na kaganapan sa mga pinagkukunang yaman.
A. kakapusan C. kahirapan
B. kakulangan D. kalamidad
___26. May kakapusan dahil ______ ang pinagkukunang yaman
A. limitado C. nauuubos
B. nawawala D. nasisira
___27. Nakararanas ng kakapusan ang mga tao dahil _________?
A. walang hangganan ang mga C. walang disiplina ang mga tao.
kalamidad .
B. walang hanggan ang pangangailangan D. walang pagkakaisa ang mga tao.
ng tao.
___28.Upang matugunan ang suliranin sa kakapusan at kakulangan , ang tao ay dapat na marunong?
A. magtipid C. mag-isip
B. magtanim D. magkonserba
___29.Ano ang dapat gawin upang di maubos ang mga isda na isa sa mga kailangan sa pagkain?
A. huwag magtapon ng basura C. huwag gumamit ng dinamita
B. huwag mangisda D. huwag kumain ng isda
___30. Ano ang kailangan upang maiwasan ang kakapusan?
A. disiplina C. pagtutulungan
B. pagkakaisa D. edukasyon
___ 31. Mga bagay na dapat mayroon ang isang tao upang mabuhay.
A. kagustuhan C. nais
B. pangangailangan D. gusto
___32.Bagay na nagdudulot lamang ng kaginhawaan ng tao.
A. kagustuhan C. pangangailangan
B. safety D. kaligtasan
33-36.PANUTO:Isulat kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng Sanhi, Palatandaan o Epekto ng
kakapusan ilagay ang sagot sa puwang pagkatapos ng bawat tambilang.
________33. Alitan ng mga kapitalista at manggagawa .
________34.Mataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
________35.Patuloy na pag-angkat ng pamahalaan kahit naghihirap ang bansa.
________36.Pagtitipid ng lahat ng tao.

___37. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
isang pamayanang mayroong tradisyunal na sistema ng ekonomiya?
A. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ibang mga gawain.
B. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay na pakinabang sa mga pinagkukunang-
yaman.
C. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa isang central planning agency.
D. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinapakialaman ng pamahalaan.
___38.Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa pamamagitan ng:
A. pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
B. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
C. pag-aaral sa nakatatak sa etikita ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
D. palagiang pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang ng biniling
produkto.

INPUT PROSESO OUTPUT


lupa pagsasama-sama kalakal o serbisyo
paggawa ng materyales, na pangkonsumo
capital o puhunan paggawa, capital at kalakal o serbisyo
Entreprenyur entreprenyur na gamit

___39. Ang ilustrasyon sa itaas ay tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik sa gagamitin dito.
B. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga
makinarya.
C. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa, lakas-paggawa,
kapital, at intreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
D. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang
makabuo ng input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan ng entreprenyur.
___40. Bumili si Ela Veronica Nicole ng tatlong kilo ng bangus sa Pamilihang Lungsod ng San Bernardino
del Ruschel matapos niyang magsimba. Pagdating sa bahay, natuklasan niyang kulang ng ¼ kilo ang
timbang ng kanyang pinamiling bangus. Saang ahensiya ng lokal na pamahalaan siya maaaring dumulog
at maghain ng reklamo?
A. ERC C. BFAD
B. PDEA D. City Treasurer’s Office
___41. Matapos maglaba, ginamit ni Dwyane Wade Salaksak ang pinagbanlawang tubig upang linisin ang
kanilang palikuran. Dahil dito, masasabi natin na si Dwyane Wade ay mapanagutan sa kanyang
papgkonsumo dahil siya ay mayroong:
A. pagmamalasakit sa lipunan. C. kamalayan sa kapaligiran.
B. mapanuring kamalayan. D. kaalaman sa pagkilos.
___42.Ano ang maaaring mangyari kung hindi epektibo o walang sistemang pang-ekonomiya
A. mawawalan tayo ng trabaho C. mamatay ang karamihan
B. laganap ang kakapusan D. maglalaho ang ekonomiya
___43.Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas paano mo ipamamahagi ang limitadong pinagkukunang-
yaman?
A. umutang sa ibang bansa C. ibalik ang tradisyunal na sistema
B. higpitan ang pagpapatupad sa batas D. tugunin ang suliraning pangkabuhayan
ng tao
___44. Pagkauwi galing sa paaralan, mas pinili ni Gregzilla Slaughterhouse na magbasa ng kanyang aklat
sa Ekonomiks kaysa sa makipaglaro ng basketball sa kanyang mga barkada. Ano ang isinagawa ni
Gregzilla?
A. Trade off C. Marginal thinking
B. Opportunity Cost D. Incentive
___45. Bumili si Eunes Alyzza ng mga rekado para sa pagluluto ng spaghetti at maja blanca dahil kaarawan
ng kanyang ina at nais niyang ipaghanda ito ng masarap na pagkain. Anong salik ang nakaimpluwensiya
sa desisyon niyang bumili at komunsumo ng mga nasabing produkto?
A. Mga inaasahan C. Demonstration Effect
B. Kita D. Pagkakautang
___47. Iniidolo ni Kylie Bryan ang artistang si Gerald Anderson. Lahat ng produktong iniendorso ng
nasabing artista ay binibili at tinatangkilik ni Kylie Bryan. Ginagaya rin niya ang pananamit at postura
ng kanyang idolo gamit ang mga produktong kanyang tinatangkilik.Ang katangiang ito ni Kylie
Bryan bilang mamimili ay sumasalamin sa epekto ng aling salik sa pagkonsumo?
A. mga inaasahan C. demonstration effect
B. kita D. Pagbabago ng presyo
___48.Grumadweyt si Faith Matthew sa kursong Bachelor of Arts in Psychology noong nakaraang
buwan.Bilang isang bagong miyembro ng lakas-paggawa, ninanais niyang ma-employ sa isang white-
collar job.Saan maaaring mag-apply si Faith Matthew upang makamit niya ang inaasam na white-collar job?
A. Sa isang unibersidad sa kanilang lugar bilang guidance counselor.
B. Sa negosyong talyer ng kanyang ama bilang mekaniko.
C. Sa ibang bansa bilang isang welder kung saan malaki ang inaasahang sahod.
D. Sa lungsod kung saan maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
___49.Kung ikaw ay isang entreprenyur ano ang katangian na dapat ay taglayin mo?
A. Pagiging malikhain
B. Pagiging bukas sa pakikipagsapalaran
C. Pagiging pisikal na malakas
D. Pagiging magaling sa pakikipag-usap
___50.Bakit maituturing ang mga kompanyang Dole Phil.,Nestle,at Proctor and Gamble bilang mga
multinasyonal na korporasyon?
A. Dahil nakagagawa ang mga korporasyon ng iba’t ibang uri ng produkto.
B. Dahil maraming mga manggagawa ng korporasyon.
C. Dahil ang mga korporasyon ay may iba’t ibang sangay sa buong daigdig.
D. Dahil ang mga korporasyon ay may iba’t ibang pagawaan sa Pilipinas.
___51.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng karapatang pumili ng isang mamimili?
A. Pagsasabuhay ng “The consumer is always right”.
B. Pagkakaroon ng malinis na tindahan.
C. Pagbuo ng isang samahang magtatanggol sa mga mamimili.
D. Pagsasagawa ng isang seminar na tumatalakay kung paano maging isang mamimili.
___52.Kung ikaw ang presidente ng Economics Club,paano mo pangungunahan ang pagbabadyet ng
inyong organisasyon?
A. Oorder ako ng student meal at panghimagas para sa limampung mag-aaral.
B. Kukuha ako ng juice at isang juice na titimplahin para sa limampung mag-aaral at gagawing
pondo ang matitirang salapi.
C. Kukuha ako ng pizza at milktea sa mahal na restaurant dahil deserve naming yun.
D. Hindi ko sila pakakainin dahil nagtitipid kami.
___53. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya ano ang dapat gawin upang matugunan ang hamong
dulot ng kakapusan?
A. paggawa ng alternatibo C. pagtatanim ng kahoy
B. paggawa ng matalinong desisyon D. paggawa ng programa
___54.Layunin ng negosyanteng si Ginoong Michael Jordan Castro na mapamahalaan ang suliraning
posibleng idulot ng kakapusan sa kanyang negosyong pagawaan ng Mike na sapatos. Natukoy ng kanyang
supervisor na mahalagang suriin kung paano lilikhain ang mga sapatos, gaano karami at kung para kanino
lilkhain ang mga nasabing produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa ng
negosyanteng si Michael Jordan upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan, MALIBAN sa isa.
A. Kailangan ang angkop na makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon.
B. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay-proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman
C. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad sa paglikha ng
produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
D. Pagbili ng mga hilaw na kagamitan mula sa ibang bansa.
___55-57. Essay. Magbigay ng mga solusyon na dapat gawin ng pamahalaan sa kasalukuyang problema sa
pagtaas ng mga bilihin.Ipaliwanag ito.

___58-60.Essay.Mag bigay ng pamamaraan kung paano malulutas ang problema sa brain drain
“pagkaubos ng magagaling na manggagawa” na nararanasan ng Pilipinas.Ipaliwanag ito.

Pamantayan Lubos na mahusay (3) Mahusay-husay (2) Hindi gaanong mahusay(1)


Nilalaman Naisulat ang sanaysay Naisulat ang sanaysay Naisulat ang sanaysay
ng may tatlo higit pang nang may dalawang nang may isang suportang
mga suportang ideya na mga suportang ideya ideya kung kaya hindi
maglahad ng maayos na kung kaya may ilang maayos na nailahad ang
daloy ng impormasyon impormasyon na mga impormasyon batay sa
batay sa paksa hindi maayos na paksa.
nailahad batay sa
paksa.
Transisyon ng talata Napakahusay na Mahusay ang Katamtamang husay ang
nailahad ang transisyon nailahad ang nagawang paglalahad ng
ng talata transisyon ng talata. transisyon ng talata.

You might also like