You are on page 1of 9

MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL

National Highway, Buenavista, Maddela, Quirino


E-mail add: marvelousgrace2020@gmail.com
CP #: +63-906-186-0907
TALAAN NG ISPISIPIKASYON
First Quarter Examination
ARALING PANLIPUNAN 10
2022-2023
NO. ITEM
LEARNING COMPETENCIES OF PLACEM %
ITEMS ENT
ACQUIRING KNOWLEDGE (60%) 1-36 (36 items)
Nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu. 3 1-3
Nauunawaan ang konsepto ng kontemporaryong isyu. 5 4-8
Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa
4 9-12
bansa.
Nauunawaan ang gampanin ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan . 4 13-16
Nasusuri ang iba’t-ibang klase ng greenhouse gases. 3 17-19
Natatalakay ang iba’t-ibang pagtingin sa climate change. 5 20-23
Nasusuri ang programa ng pamahalaan tungkol sa climate change. 2 24-25
Natutukoy ang sanhi at klasipikasyon ng unemployment sa Pilipinas. 5 26-30
Nasusuri ang mga iba’t-ibang sangay ng pamahalaan na tumutulong sa paglutas
4 31-34
ng unemployment.
Natutukoy ang mga institusyong nagging instrumento ng globalisasyon. 2 35-36
MEANING MAKING (30%) 37 – 54 (18 items)

Naipapaliwanag ang mga kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng


3 37-39
kontemporaryong isyu.
Nakapagbibigay ng mga personal na halimbawa ng paghahanda tuwing may
5 40-44
inaasahang kalamidad.
Natatalakay ang isyu at mga paraan para maresolba ang climate change. 4 45-48
Naipapaliwanag ang sanhi at klasipikasyon ng unemployment sa lipunan. 3 49-51
Naipapaliwanag ang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya,lipunan, at kultura. 3 52-54

TRANSFER (10%) 54-60 (6 items)


Naipapaliwanag ang mga hamong kinakaharap ng iba’t ibang institusyon upang
6 55-60
makasabay sa globalisasyon.

60
TOTAL
ITEMS
Continuation of the …

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
First Quarter Examination
ARALING PANLIPUNAN 10
S.Y. 2022-2023

Inihanda ni:

AIKO S. BACDAYAN
Subject Teacher

Checked by:

ZYRELL MITCH D. GALAPON


H.S Department Head

GENELYN F. BRANCHCOMB LIRIO C. CONSOLACION


Academic Committee Academic Committee

Noted by:

JUANITA O. TOLENTINO, Ph.D.


School Principal
MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL
National Highway, Buenavista, Maddela, Quirino
E-mail add: marvelousgrace2020@gmail.com
CP #: +63-906-186-0907

First Quarter Examination


ARALING PANLIPUNAN
Grade 10
S.Y. 2022-2023
PANGALAN: _____________________________________________________ ISKOR: _______________
PETSA: _____________

Psalm 16:8
“I know the Lord is always with me.
I will not be shaken, for he is right beside me.”
MULTIPLE CHOICE.Basahin at suriing mabuti ang mga tanong.Isulat sa patlang ang tamang sagot.
___1.Ang mga isyung itoay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan.
A. Isyung pangkapaligiran C. Isyung pangkalakalan
B. Kontemporaryong isyu D. Isyung pangkalusugan
___2.Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kontemporaryong isyu?
A. Ito ay laging negatibo C. Ito ay may malinaw na epekto sa
B. Ito ay may temang pinag-uusapn lipunan
D. Ito ay mahalaga sa lipunan
___3.Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?
A. Kolonyalismo C. Tsismis
B. Renessaince D. Terorismo
___4. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng kontemporaryong isyu ang kinabibilangan ng usaping
pandemya gaya ng Covid-19?
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalakalan
___5.Alin sa mga sumusunod na termino ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Magazine C. Internet
B. Journal D. Lathalain
___6.Ito ay mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t-ibang sector ng
lipunan tulad ng pamilya at simbahan.
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalakalan
___7.Isyu na may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan.
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalakalan
___8.Mga hamon na may kinalaman sa globalisasyon at kalakalan.
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pangkalakalan
___9.Anong uri ng kalamidad ang nagdudulot ng pagyanig nagkakaroon ng paggalaw ng mga tectonic
plates sa ilalim ng lupa?
A. Lindol C. Pagsabog ng bulkan
B. Tsunami D. Bagyo
___10.Ano ang tawag sa matataas na alon na dala ng isang bagyo?
A. Tornado C. Storm surge
B. Tsunami D. Bagyo
___11.Ano
A. ang
Pinatubo
pangalan ng aktibong bulkan sa Timog na bahagiC. ng Luzon
Taal na sumabog noong Enero
2020? B. Mayon D. Bulusan
___12.Alin sa mga sumusunod na kalamidad ang nagaganap dahil sa lubos na pagputol ng mga puno sa
kagubatan?
A. Lindol C. Pagguho ng lupa
B. Storm surge D. Bagyo
___13.Aling ahensya ng pamahalaan ang namumuno sa NDRRMC sa pamamagitan ng Office of Civil
Defense?
A. DND C. DPWH
B. DOST D. DILG
___14.Ito ang ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa pamamahagi ng mga relief goods tuwing
nagkakaroon ng kalamidad?
A. DND C. DPWH
B. DOST D. DSWD
___15.Aling ahensya ng pamahalaan ang naniniguro ng kaligtasan ng mga pangunahing paliparan at
daungan sa bansa kapag may kalamidad?
A. DPWH C. DOTr
B. DepEd D. DILG
___16.Sila ang anagbibigay abiso sa mga local na pamahalaan upang magkaroon ng programa para sa
kahandaan sa sakuna sa mga komunidad.
A. DPWH C. DOTr
B. DepEd D. DILG
___17.Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga komersiyal at organikong pataba,pagsunog ng
biomass at paggawa ng nitric acid.
A. Methane C. Chloroflourocarbons
B. Nitrous oxide D. Carbon dioxide
__18.Ito ay isang kemikal na ginagamit na refrigerants,aerosol propellants at isa ito sa labis na nakakasira
ng ozone layer.
A. Methane C. Chloroflourocarbons
B. Nitrous oxide D. Carbon dioxide
___19.Ang gas na ito ay galing sa hininga ng tao,hayop at pagsabog ng mga bulkan.
A. Methane C. Chloroflourocarbons
B. Nitrous oxide D. Carbon dioxide
___20.Sa anong aspeto ng climate nagkakaroon ng epekto pagdating sa pagkatuyo,pagbaha ng lupa,at
pagkasira ng mga coral reef?
A. Kapaligiran C. Lipunan
B. Kabuhayan ng tao D. Sosyal
___21.Alin sa mga sumusunod ang suliraning nagdudulot sa pagtaas ng pangangailangan sa likas na
yaman?
A. Paglaki ng populasyon C. Family planning
B. Paggawa at pagproseso ng hilaw na D. Tamang pagkonsumo
sangkap
___22. Anong aspeto ng climate change ang naaapektuhan kapag dumami ang mga insekto at peste na
sumisira sa mga pananim dahil sa mainit na panahon?
A. Kapaligiran C. Lipunan
B. Kabuhayan ng tao D. Sosyal

___23.Ito ang aspeto ng climate change na ang naaapektuhan ay ang mga tao dahil sa pagdami ng skin
diseases gaya ng allergy,pangangati ng balat at galis dahil sa water pollution.
A. Kapaligiran B. Kabuhayan ng tao
C. Lipunan D. Sosyal
___24.Ang programang nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III na may kaugnayan sa
climate change ay?
A. National Climate Change Action C. National Climate Cooperation Action
Policy Plan
B. National Climate Change Activity D. National Climate Change Action Plan
Plan
___25.Anong batas ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Climate Change Commission na nakatuon sa
pagsasakatuparan ng ilang mga programa upang masolusyunan ang isyung ito?
A. R.A 9279 C. R.A 9275
B. R.A 8749 D. R.A 9729
___26.Anong uri ng suliranin maihahanay ang unemployment?
A. Edukasyon C. Politika
B. Ekonomiya D. Heograpiya
___27.Alin sa mga sumusunod ang ibig sabihin ng labor force?
A. Yamang tao na may edad 15 pababa. C. Edad 15 pataas na may full-time o
B. Empleyadong hindi lalagpas sa 8 oras part-time job.
ang trabaho. D. Negosyanteng naghahanap ng
manggagawa.
___28.Ilang taon ang kasama sa labor force ayon sa Philippine Statistics Office?
A. 18 pataas C. 15 pataas
B. 18 pataas sa babae,15 pataas sa lalaki D. 15 pababa
___29.Ito ang tawag sa mga taong nasa wastong gulang at mabuting pangangatawan ngunit walang
trabaho.
A. Unemployed C. Labor force
B. Underemployed D. Overemployed
___30. Pagkaubos ng mga propesyonal at matatalinong tao sa bansa dahil mas malaki ang suweldo sa
ibang bansa.Ano an tawag ditto?
A. Export C. Brain Drain
B. Import D. Brain Drill
___31.Pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa upang hindi sila mapagsamantalahan
ng kanilang employer.
A. DOLE C. DTI
B. TESDA D. POEA
___32.Layunin nito na makapagbigay ng de-kalidad na trabaho sa mga mamamayan na nakapag-aral ng
bokasyonal na kurso.
A. DOLE C. DTI
B. TESDA D. POEA
___33.Sangay ng pamahalaan na nangangasiwa ukol sa mga Pilipino na nagtratrabaho sa ibang
bansa.Pinamamahalaan ito ng iba’t-ibang recruitment agencies sa Pilipinas.
A. DOLE C. DTI
B. TESDA D. POEA
___34.Layunin nito na patatagin ang polisiya at programa sa paggawa na may kinalaman sa internasyunal
na kalakalan.
A. DOLE C. DTI
B. TESDA D. POEA

___35.Ito ang tawag sa organisasyon ng mga bansa sa Southeast Asia na nagtutulungan upang mapaunlad
ang kalakalan at mapanatili ang kapayapaan ng rehiyon.
A. Nongovernment Organization C. International Monetary Fund
B. World Trade Organization D. ASEAN
___36.Ang ahensyang ito ang nagsisilbing tulay ng mga bansa upang mapag-usapan ang isyung
pangkalakalan at lutasin ang mga posibleng alitan dulot nito.
A. Nongovernment Organization C. International Monetary Fund
B. World Trade Organization D. ASEAN
___37.Bakit kailangang magkaroon ang mga mag-aaral ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong
panlipunan?
A. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa lipunan.
B. Upang maging aktibong taga-kontra ng gobyerno.
C. Upang makamit ang ganap na transpormasyon ng tao lamang.
D. Upang piliin lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
___38.Bakit mahalaga ang pamamaraang estadistika sa pag-aaral at pagsusuri ng isang kontemporaryong
isyu?
A. Dahil ito ang naglalahad ng hinuha ng hinuha tungkol sa isyu.
B. Dahil ito ang nagsasabi sa kahihinatnan ng isang isyu.
C. Dahil ito ay nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang isyu.
D. Dahil ito ang nagpapakita ng mga aktuwal na datos tungkol sa isyu na magagamit na
batayan sa pagsusuri.
___39.Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu para
masabi na ito ay reliable at may validity?
A. Nahihinuha ang katotohanan at opinion sa mga balitang nabasa o napakinggan.
B. Hindi nagpapahayag ng kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
C. Hindi na inaalam ang mga sanggunian dahil sayang lang ang oras.
D. Bumubuo na agad ng opinyon kahit hindi pa nabasa o napakinggan lahat ng impormasyon.
___40.Piliin sa mga sumusunod na halimbawa ang hakbang na iyong gagawin para maiwasan ang
pagbaha sa inyong lugar.
A. Pag-iwas sa mga gamit na yari sa kahoy o metal.
B. Pagsunog sa mga basura upang hindi na ito bumara sa mga kanal at ilog.
C. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
D. Pagsakay sa mga sasakyang hindi mausok.
___41.Kung ikaw ay nakatira malapit sa dagat,ano ang gagawin mo para maiwasan ang epekto ng
daluyong?
A. Pagtatayo ng mansiyon malapit sa dagat.
B. Pagtatayo ng bahay malayo sa fault line.
C. Pagtatayo ng resort sa mismong dagat para sa turismo
D. Paglikas sa bahay kapag may paparating na malakas na bagyo.
___42.Ano ang ginagawa ng mga paaralan sa mga estudyante bilang paghahanda kapag may lindol?
A. Pagsasagawa ng earthquake drill sa disiplinado at maayos na paraan.
B. Paglalagay ng fire extinguisher sa bawat silid-paaralan.
C. Pagbabahagi ng maling impormasyon tungkol sa lindol.
D. Pagsasagawa ng fire drill sa tahanan at gusali para makaiwas sa panganib.
___43.Kapag ang super typhoon ay papasok na sa Philippine Area of Responsibility,bilang isang handang
indibidwal ano ang nararapat mong gawin?
A. Lumikas at maghanap ng bagong tirahan.
B. Antabayanan ang mga balita sa telebisyon at radio.
C. Magtungo sa pinakamalapit na opisina ng PAGASA at magtanong.
D. Ayusin ang labas ng tahanan at tignan kung ito ay hindi agad masisira ng super typhoon.

___44.Katatapos lang ng lindol sa inyong lugar,ano ang susunod na gagawin mo?


A. Ihanda ang sarili sa maaaring sumunod na aftershock.
B. Ipost sa facebook ang iyong naranasan para ikaw ay pag-usapan.
C. Magtungo sa inyong munisipyo para iulat ang iyong kalagayan.
D. Magtungo sa labas ng bahay at makipagkuwentuhan sa kapitbahay.
___45.Bilang isang mag-aaral,ano ang iyong dapat gawin upang suportahan ang programa ng pamahalaan
tungkol sa isyu ng climate change?
A. Pag-iwas sa pagsusunog ng basura sa bakuran.
B. Pakikilahok sa programa ng barangay gaya ng clean-up drive at tree planting.
C. Panonood ng bidyo na may kaugnayan sa pagsugpo ng climate change.
D. Pagpost sa social media ng tamang hakbang para mapigilang ang climate change.
___46.Sa paanong paraan magiging mabisa ang mga kasunduang nilagdaan ng mga bansa upang
matugunan ang isyu ng climate change?
A. Idudulog ng bawat bansang kasapi sa organisasyon ang kanilang mga suliranin.
B. Ang mga kalahok na bansa ay magpapadala ng kanilang representante sa mga organisasyon na
bumuo nito.
C. Ang mga pinuno mula sa lokal at nasyonal na lebel ay lubusang ipapatupad ang mga
probisyon at kasunduan at ang mga tao ay susunod.
D. Pagkakaroon ng mga organisasyon ng pondo ang bawat bansang kasapi.
___47.Papaano masosolusyunan ang isyu ng deforestation sa ating bansa?
A. Isumbong ang illegal loggers na nagpuputol ng puno sa inyong lugar.
B. Maglinis ng kapaligiran upang maging maayos ang tirahan ng mga hayop.
C. Magpataw ng parusang habang buhay na pagkabilanggo sa mga illegal loggers.
D. Magpatupad ng programa at polisiya ang pamahalaan na naghihikayat sa mga tao na
magtanim ng mga puno sa kanilang lugar at kabundukan.
___48.Paano masosolusyunan ng ating mga lider ang problema sa basura ng ating bansa?
A. Ibaon na lamang ang basura sa ilalim ng lupa.
B. Hikayatin ang mga mamamayan na i-recycle ang mga recyclable upang gawing kapaki-
pakinabang na produkto.
C. Maghanap ng isang lugar kung saan maaaring ilagay ng mga tao ang kanilang basura.
D. Makipagkasundo sa ibang bansa na doon na lamang ipadala an gating basura.
___49.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagbibigay kahulugan sa konsepto na underemployed?
A. Si Nery ay nagtatrabaho bilang sales lady mula 10:00am ng umaga hanggang 6:00 pm ng gabi.
B. Si Ange na graduate ng kursong Education pero pagkagraduate ay naging call center agent.
C. Si Paul na full time teacher at nagtitinda ng pabango kapag weekend.
D. Si Chielo na graduate ng nurse pero nangibang bansa.
___50.Anong sitwasyon ang nagpapakita ng brain drain?
A. Si Nery ay nagtatrabaho bilang sales lady mula 10:00am ng umaga hanggang 6:00 pm ng gabi.
B. Si Ange na graduate ng kursong Education pero pagkagraduate ay naging call center agent.
C. Si Paul na full time teacher at nagtitinda ng pabango kapag weekend.
D. Si Chielo na graduate ng nurse pero nangibang bansa.
___51.Kapag dadami ang bilang ng mga unemployed sa ating bansa ano ang mangyayari sa mga Pilipino
sa susunod na taon?
A. Lalong dadami ang mga dayuhang negosyante na magtatayo ng negosyo sa ating bansa.
B. Mangingibang bansa ang mga nakapag-aral para doon magtrabaho.
C. Lalong lalago ang ekonomiya ng ating bansa.
D. Ang mga tao ay magiging palaasa sa gobyerno.

___52.Ano ang epekto ng globalisasyon sa ating ekonomiya?


A. Ang pagpasok ng mga dayuhang negosyo ay nagreresulta ng mataas na kalidad ngunit
murang produkto.
B. Ang globalisasyon ay mas lalong nagpahirap sa ating ekonomiya dahil sa mga dayuhang
negosyante.
C. Dahil sa globalisasyon ang mga produktong Pilipino ay nawalan ng kalidad.
D. Wala sa nabanggit.
___53.Kung ikaw ay magtatayo ng negosyo sa isang lugar na mayaman ang kultura ano ang mga bagay na
dapat mong isaalang-alang?
A. Dapat mong isipin kung ano ang teknolohiya na iyong gagamitin para masabing ikaw ay up-to-
date.
B. Una mong isaalang alang ang kanilang kultura para mas makilala mo pa ang mga taong iyong
bibigyan ng produkto at serbisyo.
C. Ang dapat mong unahin ay ang mga produkto na iyong gagamitin para hindi magkulang.
D. Pipiliin mo lamang ang mga puwedeng bumili ng iyong produkto at serbisyo.
___54.Ano ang nangyayari sa mga iba’’t-ibang bansa kapag nagkakaroon ng globalisasyong politikal?
A. Pinag-uusapan ng mga representante kung sino ang mas mayaman na bansa sa kanila .
B. Sinisiguro nila ang kapayapaan sa bawat bansa upang mapanatili ang kanilang ugnayan.
C. Pinag-uusapan nila ang mga mahihirap na bansa upang matulungan at bigyan ng capital.
D. Pinagkakaisahan nilang ibaba ang ekonomiya ng Pilipinas.
55-60.Gumawa ng isang speech tungkol sa kung ano-ano ang mga kasanayan o skills na dapat magkaroon
ang mga kabataang Pilipino upang magkaroon ng oportunidad na maging bahagi ng anumang trabaho sa
iba’t-ibang bahagi ng mundo.Sa huli ay banggitin kung ano sa mga kasanayn na ito ang iyong tinataglay at
ano ang kailangan mong gawin upang taglayin ang mga kasanayan na wala ka pa.

Rubrics:
Pamantayan 6 5 4 3
Paglalahad Maikli ngunit Maikli ngunit may Maraming bahagi Hindi malinaw ang
napakalinaw ng isang bahagi ang ang hindi malinaw pagkakalahad ng
pagkakalahad ng mga hindi malinaw ang ang pagkakalahad mga impormasyon.
impormasyong pagkakalahad ng ng mga
ibinigay. mga impormasyon. impormasyon
Kabuluhan Napakamakabuluhan Makabuluhan ang May ilang Hindi makabuluhan
ang mensahe mensahe. makabuluhang ang mensahe.
mensahe
Kawastuhan Wasto ang lahat ng May dalawang hindi May apat na hindi Hindi wasto ang
ibinigay na wastong ibinigay na wasto mula sa lahat ng ibinigay na
datos,impormasyon datos. ibinigay na datos. datos.
Pagkakagawa Sa Sa kabuuan,mahusay Hindi gaanong Hiindi mahusay ang
kabuuan,napakahusay ang pagkakagawa mahusay ang pagkakagawa.
ng pagkakagawa pagkakagawa

You might also like