You are on page 1of 11

Godwins Montessori School Inc.

10th Yakal St. MQH San Sebastian Hagonoy, Bulacan

1st Summative Exam

Araling Panlipunan 10

Pangalan:_______________________

Seksyon:_______________________

Marka:_________________________

I. Tukuyin kung anong ahensya ng pamahalaan ang hinihingi sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ang namamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan lalo na sa
mahirap.

a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

b. Department of Interior and Local Government (DILG)

c. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

d. Department of Education (DepEd)

2. Ito ay namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad ng batayang eduksyon sa ating
bansa.

a. Department of Health (DOH)

b. Department of Education (DepEd)

c. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

d. Department of Public Works and Highways (DPWH)

3. Ito ang nagsasaayos ng mga lansangan, daan, tulay, dike, at ibapang impraestruktura ng pamahalaan
na nasisisira kapag may baha o lindol.

a. Department of Public Works and Highways (DPWH)

b. Department of Health (DOH)


c. Philippine Atmospheric, Geophysica and Astronomical Services Administration (PAGASA)

d. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

4. Ipinararating ng pangasiwaang ito ang lagay ng panahon. Nagbibigay babala ito sa pagdating ng
bagyo.

a. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

b. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

c. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

d. Department of Interior and Local Government (DILG)

5. Ito ang namamahala sa mga yunit ng lokal na pamahalaan tulad ng mga barangay, bayan, lungsod, o
lalawigan.

a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

b. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

c. Department of Interior and Local Government (DILG)

d. Department of Health (DOH)

6. Ito ang nangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ng bansa tulad ng pagsugpo sa pagkalat ng
kolera, tigdas at iba pang nakahahawang sakit, lalong lalo kapag may kalamidad.

a. Department of Education (DepEd)

b. Department of Health (DOH)

c. Department of Public Works and Highways (DPWH)

d. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

7. Pinangangalagaan nito ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa.

a. Department of National Depense (DND)

b. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

c. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

d. Department of Health (DOH)

8. Pinangangalagaan nito ang kapayapaan at kaayusan ng bansa. Tumutulong din ang mga sundalo sa
paglilikas ng mga mamamayan kapag may kalamidad.
a. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

b. Department of National Depense (DND)

c. Department of Health (DOH)

d. Social Security System (SSS)

9. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahada at pgtugon sa mga kalamidad.

a. The National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC)

b. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

c. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

d. Department of National Depense (DND)

10. Ang ____________ ay isang orgasnisasyon di lamang pampubliko kundi pati mga pampribado.

a. Ahensya

b. Sektor

c. Departamento

d. Bureau

II. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

11. Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang
isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

a. Isyung Personal

b. Isyung Panlipunan

c. Isyu ng Buhay

d. Isyung Panlahat

12. Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.

a. Isyung Personal

b. Isyung Panlipunan
c. Isyu ng Buhay

d. Isyung Panlahat

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan?

a. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan

b. Ang kawalang ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang kumunidad
ay bulagsak sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan

c. Ang kahirapan dala ng bagyo ay matituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung
panlipunan kung ito ay naghihirap ang buong kumunidad

d. Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng
bayan.

14. Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa


kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.

a. Isyung Personal

b. Isyung Panlipunan

c. Isyu ng Buhay

d. Kontemporaryong isyu

15. Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?

a. Lipunan

b. Politika

c. Kapaligiran

d. Sarili

16. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag naglalarawan sa kontemporaryong isyu, alin ang hindi?

a. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan

b. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan

c. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng


kasalukuyang panahon
d. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro

17. Sa pangangalap ng impormasyon ay kailangan ng mga sanggunian upang maging mabisa sa pag-aaral
ng mga isyu, alin sa mga sumusunod na sanggunian ang hindi kasali sa mga batayan ng datos?

a. Saksi

b. Dokumento

c. Telebisyon

d. Wala sa nabanggit

18. Isang uri ng sanggunian na may orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong
nakaranas sa mga ito.

a. Sekundaryang sanggunian

b. Primaryang sanggunian

c. Talambuhay

d. Sulat

19. Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan, anong uri ng sanggunian ito?

a. Sekundaryang sanggunian

b. Primaryang sanggunian

c. Talambuhay

d. Ulat ng saksi

20. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng sekundaryang pinagkunan, alin sa mga sumusunod ang hindi
kasali sa pangkat?

a. Aklat

b. Biography

c. Articles

d. Lahat ng nabanggit

21. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay
nakapaloob sa anong elemento ng kultura?

a. Paniniwala
b. Pagpapahalaga

c. Norms

d. Simbolo

22. Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?

a. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan

b. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad

c. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

d. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

23. Isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.

a. institusyon,

b. social groups

c. status (social status)

d. gampanin (roles)

24. Tumutukoy ang __________ sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan

a. institusyon,

b. social groups

c. status (social status)

d. gampanin (roles)

25. Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.

a. Katotohaan

b. Opinion

c. Kuro-kuro

d. Haka-haka

26-29. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali:

26. “ Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas”


a. Tama

b. Mali

c. Hindi ko alam

d. Siguro

27. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers

a. Tama

b. Mali

c. Hindi ko alam

d. Siguro

28. “Kahirapan ng maraming Pilipino”

a. Tama

b. Mali

c. Hindi ko alam

d. Siguro

29. "Paglaki ng populasyon"

a. Tama

b. Mali

c. Hindi ko alam

d. Siguro

30. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong
isyu?

a. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral

b. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa

c. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino at


produktibong mamamayan

d. wala sa nabanggit
31. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

a. Ito ay nakatutulong hindi lamang sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral


kundi maging sa paghubog ng ating pagkatao bilang isang responsableng mamamayan ng bansa.

b. Hindi tayo tuwirang naaapektuhan ng lahat ng mga kontemporaryong isyung nagaganap kaya’t hindi
tayo dapat makialam.

c. Sapagkat ito ay maaaring makaapekto sa ating pamilya kung kaya’t dapat paghandaan ang mga dapat
gawin upang hindi lumala ang problema.

d. Nasasakripisyo ang ating pagiging mamamayan ng bansa kung hindi tayo makikialam sa mga
pangyayaring nagaganap sa lipunang ating ginagalawan.

32. Paano nakatutulong ang pagkamulat sa mga kontemporaryong isyu sa pagpapaunlad ng bansa?

a. Ito ay nakalilinang ng mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon,


pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw.

b. Ito ay nakalilinang ng masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan, at


makasandaigdigan na nag-uudyok upang maging produktibo at makatulong sa paglutas ng mga suliranin
sa kasalukuyan.

c. Ito ay nakatutulong upang mapagmunihan kung ano ang ating kaugnayan at papel na ginagampanan
sa mga pangyayari sa sariling komunidad.

d. Ito ay nakatutulong upang makapagpahayag o makapagmungkahi ng paraan kung paano malulutas


ang suliranin ng bansa

33. Ang salitang “isyu” ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning nakaaapekto sa lipunan
samantalang ang salitang “kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konsepto na halimbawa ay mga
pangyayari o panahong naganap sa nakalipas na mga dekada na naaalala pa ng mga tao sa ngayon at
nakaaapekto sa kasalukuyang henerasyon. Samakatuwid, ang kontemporaryong isyu at tumutukoy sa
_______________________.

a. Tawag sa mga pangyayari noong unang panahon na naging suliranin ng mga tao sa kasalukuyang
panahon

b. Tawag sa mga pangyayari na naganap sa nakalipas na mga dekada at hindi na binibigyang pansin sa
kasalukuyang panahon.

c. Tawag sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa


kalagayan ng ating bansa.

d. Tawag sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan subalit walang kinalaman sa mga pangyayari
daan taon na ang nakararaan.
34. Kinakailangang sa panahon ng sakuna ay handa ang mga ________ ng gobyerno sa pagresponde.

a. gobyerno

b. gabinete

c. sektor

d. hukuman

35. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at __________ ay


makakatulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

a. pilipinas

b. asya

c. daigdig

d. europa

36. Ang _______ ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema ng
marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya
sa diyametro ang laki.

a. sakuna

b. hindi ko alam

c. ulan

d. bagyo

37. Ang _________ ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at


kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.

a. pag lindol

b. kalamidad

c. hindi ko alam

d. pagbaha

38. Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan, pangkapaligiran,


pangkalakalan, at ___________ pang saklaw.

a. hindi ko alam
b. kaunti

c. marami

d. legend

39. Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa mga napapanahong isyu, usapin, o suliranin na
nagaganap sa kasalukuyan. Ilan sa mga kategorya nito ay gaya ng sumusunod:

a. Pangkapaligiran,Pang-ekonomiya,Kaunlarang Pantao

b. Panseguridad,Pangkapayapaan

c. A and B

d. A only

40.Ang isyung ito ay nagsisilbing hamon narin para salahat at napapanahon na marapat lamang na
harapin at bigyan bg agarang pansin.

a. Pansibiko

b. Pagkamamamayan

c. Kalusugan

d. Lahat ng nabanggit

41. Ang isyu o usaping ito ay tumutukoy saa mga suliraning may kaugnayan sa paglikha, pagbabahagi at
paggamit ng mga likas na yaman, isyu ng kahirapan, kakulangan sa pagkain, utang panlabas, pananalapi,
at mga tulong na natatanggap mula sa ibang bansa.

a. Pangkapaligiran

b. Pang-ekonomiya

c. Pangkapayapaan

d. Kaunlarang Pantao

42. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng isyu o suliraning personal.

a. pakikipag-away sa kapitbahay

b. kahirapan

c. kawalan ng trabaho

d. pagkalat ng bawal na gamot


43. Ito ay tumutukoy sa mga isyung kinakaharap ng daigdig kung saan sinisikap na matamo ang mithiin
na magkaroon ng isang mapayapa at matiwasay na mundo na ligtas mula sa sakuna, panganib, alitan at
kaguluhan.

a. Panseguridad

b. Pang-ekonomiya

c. Kaunlarang Pantao

d. Pangkapayapaan

44. Mga usapin ukol sa sa global warming, polusyon at iba pa.

a. Kalusugan

b. Kapaligiran

c. Panlipunan

d. Personal

45. Malaki ang daing at marubdob ang panawagan para sa COVID19 Mass Testing dahil na rin sa mas
lumolobong bilang ng mga naaapektuhang taumbayan at sa kawalan ng lunas para rito; ayon sa kanila,
ang unang hakbang sa pagpapagaling ay ang matukoy nga naman kung sino ang may sakit at positibo sa
nasabing virus. May ilan namang opinyon ang mababasang hindi kakayanin ang mass testing dahil na rin
sa kakulangan ng supply at sa dami ng tao ay magkukulang ang budget ng bansa para rito na magiging
dahil ng higit na kakulangan sa ating pinansyal na kalagayan.

"Nararapat lamang ang #MassTestingPH dahil sa matindi nitong pangangailangan sa kasulukuyan estado
ng Pilipinas sa kinahaharap na pandemya."

Ano ang tindig mo rito?

a. Sumasang-ayon ako

b. Hindi ako sumasang-ayon

c. Wala Pang Desisyon

d. Pag-aaralan Pa

You might also like