Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Division of Samar
District of San Sebastian
INOBONGAN INTEGRATED SCHOOL
Test I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong o pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at eshade sa iyong sagutang papel.
17. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan
sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.
a. RA 9072 b. RA 9147 c. RA 9175 d. RA 7586
18. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng
nagaganap na deforestation?
a. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng
kanilang pinagkukunan ng pangangailangan
b. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
c. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
d. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
19. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing
produkto na dahilan kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon,
subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito?
a. Land reform c. Land grabbing
b. Land use d. Land Conversion
20. Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated
Protected Areas System o NIPAS. Alin sa sumusunod ang layunin nito?
a. Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso
b. Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan
c. Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities
d. Lahat ng nabanggit
21. Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave
Resources Management and Protection Act?
a. Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa
b. Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa
c. Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito
d. Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang
pamahalaan
22. Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang
epekto nito sa ating bansa?
a. Pagtaas sa insidente ng dengue
b. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
c. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
d. Lahat ng nabanggit
23. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng
climate change lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring
implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?
a. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
b. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
c. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
d. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
26. Inanunsiyo kagabi ni Mang Tani sa kanyang ulat panahon na may isang paparating na
bagyo sa inyong lugar. Dahil dito siya ay nagkaroon ng anunsiyo na magkakaroon ng
assembly sa inyong covered court bilang paghahanda sa paparating na bagyo. Nais niya na
ang bawat mamamayan ay maging bahagi sa pagbuo ng plano upang masolusyon ang mga
simpleng problema na maaaring kaharapin ng bawat isa sa panahon ng bagyo. Tama ba ang
naging hakbang ng inyong Kapitan batay sa top-down approach?
a. Tama, upang maiwasan ang matinding pinsala dulot ng bagyo.
b. Tama, dahil sa hakbang na ito mas nabigyan ang bawat isa na magkaroon ng boses
na marinig ang bawat pangangailangan at problema kung may bagyo.
c. Mali, dahil ang kanyang ginawa ay labag sa batas.
d. Mali, dahil ayon sa top-down approach magsisimula ang plano sa mas nakakataas
na pinuno o ahensiya at maghihintay lamang ang local na pamahalaan ng mga abiso o plano
mula sa itaas.
28. Pagkatapos ng anunsiyo ni Mang Tani tungkol sa isang paparating bagyo, agad na
nagkaroon ng pagpupulong ang inyong barangay para sa gagawing street party. Ang plano
ng inyong Kapitan, sa araw mismo ng pagdating ng bagyo gawin ang street party para
makatipid sa tubig. Ang kanyang katwiran, sinusunod niya ang top-down approach sa
paghahanda para sa isang kalamidad. Sa iyong palagay, tama ba ang pagkakaintindi ng
Kapitan sa kung ano ang ibig sabihin ng top-down approach?
a. Tama, dahil pinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng
pamahalaan ang lahat ng mga gawain tulad ng pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon
ng kalamidad.
b. Tama, dahil ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa isang pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng pamayanan.
c. Mali, dahil kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa
paggawa ng plano kung kaya’t limitado ang pagbuo sa disaster plan.
d. Tama, dahil hindi niya naman batid ang top-down approach.
29. Ang NDRRMC ay nag-utos na ang bawat barangay ay dapat na magsumite ng isang CBDRRM
Plan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng anong approach?
a. Bottom-up approach
b. Top-down approach
c. BDRRMC Plan
d. wala sa nabanggit
31. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan sa isang
bottom-up approach?
A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mailigtas ang maraming ari-arian.
C. Upang mabigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
32. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
nito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan.
A. Community Based Disaster and Risk Management Approach
B. Communitey Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
33. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
nito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan.
A. Community Based Disaster and Risk Management Approach
B. Communitey Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
34. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang
lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga
tao.
35. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon
sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng
yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod
pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang
komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan
at gamut
36. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan
upang maging handa pagdating ng kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga
mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring
magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga
maaapektuhan.
37. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang
CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ____________
A. tapat na pinuno C. suporta ng mga NGO’s
B. sapat na pundo D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng
lipunan
41. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon
at kasama ang inyong bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan
ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig
C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana
42. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa
lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan.
B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon
kung ito ay napapahalagahan.
C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay
mapahahalagahan.
D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad.
43. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan
upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga
mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring
magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa
mga maaapektuhan.
45. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol
sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad
46. Dahil sa hindi nagpagbuo ng isang CBDRRM ang inyong komunidad bago paman dumating
ang isang bagyo, marami ang mga ari-ariang napinsala at namatay. Sa pagkakataong ito,
paano mo hihikayatin ang bawat isa na makilahok sa pagpaplano para sa isang kalamidad?
a. Ipapakita sa kanila ang mga epekto ng isang kalamidad na hindi pinaghahandaan.
b. Magpopost sa Facebook ng mga hinanaing tungkol sa epekto ng isang kalamidad.
c. Papabayaan nalang.
d. Isusuplong sa kapitan.
47. Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas
48. Kapag resilient ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring
maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagtaas ng bilihin
B. Pagbagsak ng ekonomiya D. Pagdami ng basura
49. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at
kalamidad?
A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong
sektor.
B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian, at sa
kalikasan.
D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.
50. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Pagtutok saulat panahon ng PAGASA.
B. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS.
C. Pakikinig at panunuod sa Social Media.
D. Mahusay na plano ng Disaster Management