You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Samar
District of San Sebastian
INOBONGAN INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

TEST ITEM BANK

5. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag sa panahon ng neolitiko?


a. apoy c. pagsasaka
b. gulong d. pag-aalaga ng hayop

10. Kung pagbabatayan natin ang sistemang panlipunan ng mga sinaunang Asyano, saan
nabibilang ang mga alipin?
a. Pinakamataas na antas ng lipunan
b. Panggitnang uring panlipunan
c. Pinakamababang uring panlipunan
d. Pangkat ng mga elitista sa lipunan

14. Naniniwala sa maraming diyos at diyosa ang mga Sumerian, sa katunayan, may
pinaniniwalaan silang apat na pinakamahlagang diyos na may kontrol ng sandaigdigan.
Alin sa mga templo ang nagsisilbing tahanan ng diyos ng mga Sumerian?
a. kapilya c. mosque
b. simbahan d. ziggurat

19. May pitong lungsod ng Shang ang nahukay ng mga arkeologo. Bakit sinasabing ang
butong orakulo ang pinakamahalagang ebidensiyang nahukay ng mga iskolar sa labi ng
kabihasnang Shang?
a. dahil mula ito sa libingan ng mga hari
b. dahil mahal ang halaga ng mga butong ito
c. dahil magagamit din ito sa panghuhula sa kasalukuyan
d. dahil ito ng unang ebidensya ng pagsulat ng China at mahalagang labi upang
mabuo ang kasaysayan ng Shang.

23. Ang Budismo ay itinatag ni Sidharta Gautama at ang Jainismo ay itinatag ni


Mahavira. Bagama’t nagkakaiba-iba ang kanilang mga paniniwala, aral at gawain ay
mayroon din silang pagkakatulad. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
a. Sa paniniwala nila na magiging makapangyarihan sa buong daigdig
b. Dahil sa relihiyon ay makaaahon sa kahirapan at uunlad ang buhay sa lupa
c. Magiging matagumpay ang sarili sa lahat ng pagkakataon kapag naisagawa nila
ang turo ng kanilang relihiyon
d. Nang tinalikuran/isuko ng mga tagapagtatag ng relihiyon ang kanilang
kayamanan, kapangyarihan at masarap na buhay

26. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng paniniwala ng mga Hindu?


I. Pagsamba sa iisang Diyos
II. Paniniwala sa reinkarnasyon
III. Pagbubuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran
IV. Pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na maybuhay

a. I, III, IV c. I, II, III


b. I, II, IV d. II, III, IV

29. Halos lahat ng mga relihiyon ay binibigyang-diin ang konsepto ng mabuti at


masama. Ano ang pangunahing tuon ng Zoroastrianismo?
a. Iwanan ang karangyaan at mariwasang pamumuhay.
b. Pagkakaroon ng relihiyon na nagsusulong ng pagkakapatiran.
c. Ang labanan ang masama at mabuti at laya ng tao na pumili nang dapat niyang
sundin.
d. Ang pag-iwas sa masama at paggawa ng mabuti upang magkaroon ng buhay na walang
hanggan.

31. Maraming relihiyon na ang umusbong sa daigdig. Mayroon ding iba’t ibang doktrina na
may malaking impluwensiya sa kalagayang panlipunan, sining, at kultura ng mga Asyano.
Minsan, ito ang nagiging dahilan nang hindi pagkakaunawaan. Bilang isang indibidwal,
paano mo maiiwasan ang di- pagkakaunawaan sa usaping pang relihiyon?
a. Igalang ang relihiyon/paniniwala ng bawat isa
b. Ipangaral sa kapwa ang mga turo ng iyong relihiyon
c. Ipaglaban ang doktrina na pinaniniwalaan ng iyong relihiyon
d. Ipagpatuloy kung ano ang iyong pinaniniwalaan at iwasang makisalamuha sa taong
may ibang relihiyon

35. Nagmula sa salitang latin na re-ligare na ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik


loob.
a. pilosopiya c. legalismo
b. relihiyon d. sinocentrism

37. Naniniwala sila sa pagbubuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na


nagdadala ng pagkakaisang ispiritwal.
a. Kristiyanismo c. Judaismo
b. Hinduismo d. Sikhismo

39. Si Robin ay isang mananampalataya ng relihiyong Islam. Ayon sa mga turo ni Muhammad
na nakasulat sa Koran, ilang beses dapat sa isang araw siya magdasal?
a. sampu c. siyam
b. anim d. lima

48. Sinasabi na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. May dalawang
pinakaimportanteng lungsod sa kabihasnang ito na umaabot sa 40,000 katao ang nanirahan
dito. Alin sa mga sumusunod ang may planado at organisadong lungsod ang matatagpuan sa
kabihasnang Indus?
a. Mohenjo Daro at Harappa c. Yangshao at Longshan
b. Indus at Mergah d. Jericho at Catal Huyuk

Prepared by:

JEFFRE A. ABARRACOSO
Teacher
Noted by:

CAYO M. BABON, JR
Principal

You might also like