You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF CEBU PROVINCE
District of San Fernando II
First Quarter Exam in Araling Panlipunan 10
S.Y. 2022 - 2023

Name: ____________________________________ Date: _____________


Section: ___________________ Score: ____ /_40___

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

A. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa sa kahit anong larangan na may
kaugnayan

sa kasalukuyang panahon.

B. Ito ay mga isyung nakakaapekto sa isang tao lamang.

C. Ito ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

D. Wala sa nabanggit.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng Kontemporaryong Isyu?

A. Isyung Personal C. Isyung Pangkapaligiran

B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkalusugan

3. Ang sumusunod ay halimbawa ng Kontemporaryong Isyu, maliban sa

A. Diskriminasyon sa Kasarian C. Kakulangan ng ayuda sa Barangay Kapas

B. Domestic Violence D. Paglubo ng Populasyon

4. Ang sumusunod na mga Isyu ay saklaw ng Isyung Pangkalugusan, maliban sa

A. Sobrang Katabaan B. AIDS C. Polusyon D. Drug Addiction

5. Alin sa sumusunod ang midyum upang madali na lang ang pag-alam sa pinakabagong balita?

A. Print Media B. Visual Media C. Online Media D. Lahat ng nabanggit

6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?

A.Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay

nakakaapekto sa isang tao lamang.

B.Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

C.Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay pansarili lamang.

D.Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isyung personal?

A. Migrasyon B. Pagbagsak sa klase C. Racial Discrimination D. COVID 19


8. Paano naiiba ang Kontemporaryong Isyu sa Kasalukuyang Kaganapan?

A. Nananatili ang Kontemporaryong Isyu hanggang isang dekada o higit pa samantalang ang Kasalukuyang

Kaganapan ay panandalian lamang.

B. Ang Kontemporaryong Isyu ay nababalita samantalang ang Kasalukuyang Kaganapan ay tahimik lang.

C. Ang Kontemporaryong Isyu ay isang limitadong paksa lamang habang ang Kasalukuyang Kaganapan ay
isang

malawak na paksa

D. Ang Kontemporaryong Isyu ay pag-uusapan samantalang ang kasalukuyang Kaganapan ay ipinagwawalang-

bahala lang.

9. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masayahin sa kabila ng madaming problemang kinakaharap. Alerto sa
pagtanggap at muling pagbangon sa mga hamon at nagaganap sa kapaligiran bagaman problemado. Mahalaga bang
maging mulat at handa sa kasalukuyang nangyayari sa ating kapaligiran bilang bahagi ng lipunan?

A. Oo, sapagkat maaari mo itong maging basehan upang iwasan ang mga posibleng panganib.

B. Oo, sapagkat marapat lamang na madami kang masabi sa mga talakayan ninyo sa silid-aralan.

C. Hindi, sapagkat maaga kang mamumulat sa kasamaan ng madaming tao sa paligid mo.

D. Hindi, sapagkat bilang mag-aaral wala pa ding saysay ang mga opinyon mo sa mas nakakatanda.

10. Si Tere ay nag-aaral nang mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Kung ikaw si
Tere, paano mo gagampanan ang iyong bahagi bilang mamamayan sa pagharap sa isyu at hamong panlipunan?

A. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.

B. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.

C. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.

D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.

11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

A. Nalilinang nito ang kahandaan sa hamon at opotunidad

B. Nahuhubog nito ang aktibo at pananagutang panlipunan.

C. Napapahalagahan nito ang mga tauhan, pangyayari at isyu.

D. Nakapagdudulot ito ng kaguluhan at kalituhan dahil sa pagkalat ng mga maling impormasyon.

12. Bilang isang mag-aaaral, paano mo gagamitin ang iyong kaalaman sa mga Kontemporaryong Isyu?

A. Gagamitin ko ito upang protektahan ang aking sarili laban sa mga taong nais samantalahin ang aking

kakulangan sa kaalaman.

B. Bubuo ako ng mga programang pang-ekonomiya gamit ang aking kaalaman sa mga Kontemporaryong Isyu

upang mapaunlad ang bansa.

C. Magmumungkahi ako ng mga paraan upang mapigil ang kriminalidad sa bayan gamit ang aking kaalaman
sa

mga Kontemporaryong Isyu


D. Lahat ng nabanggit

13. Ang sumusunod na pahayag ay TAMA, maliban sa

A. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong usapin na nangangailangan ng agarang pagtugon upang

maging matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao.

B. Hindi lahat ng Kontemporaryong Isyu ay negatibo at nagiging suliranin.

C. May mga Kontemporaryong Isyu rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa

pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

D. Wala sa nabanggit

14. Ang problema sa ilegal na droga ay isang malaking isyu na kinakahara ang ating bansa. Sa kabila ng pag-aksiyon at
paglaban ng pamahalaan dito, patuloy pa rin ang paggamit ng mga taong lulong dito. Kaya hindi napipigilan ang
pagtaas ng bilang ng mga krimen. Alin ang posibleng maapektuhan ng nabanggit na problema?

A. kapayapaan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan

B. kalakalan at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan

15. Si Juana ay isang tipikal na kabataan na maraming pangarap sa buhay. Isa na diyan ang pagnanais na iahon sa
hirap ang pamilya. Ngunit siya ay napabarkada na nagiging balakid sa kanyang pagpasok sa klase na nagiging sanhi sa
kawalan niya ng sapat na kakayahan upang matuto na naaayon sa kanyang baitang. Bakit nararapat na bigyan ito ng
agarang pansin?

A. upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga kabataang walang trabaho sa hinaharap.

B. upang maiwasan na maging modelo siya ng maraming kabataang mahilig din maglaro ng basketbol

C. upang siya ay muling mahikayat na sipagin pumasok kahit na may pinagkakaabalahan siya.

D. upang maging inspirasyon nya ang mga pangyayari sa kanyang buhay at maging inspirasyon sa iba

16. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid WasteManagement Status Report

noong 2015.

A. biodegradable B. nuclear waste C. solid waste D. electronic waste

17. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?

A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura

B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao

C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao

D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno

18. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______

A. Nagiging sanhi ng pagbaha

B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera

C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito

D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito

19. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na

kapaligiran.
A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan

B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation

20. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?

A. Republic Act 9003 B. Republic Act 115 C. Republic Act 2649 D. Republic Act 9072

21. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na
deforestation?

A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng

pangangailangan

B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan

C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao

D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers

22. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung
kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa
gawaing ito?

A. Land reform B. Land use C. Land grabbing D. Land Conversion

23. Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System o NIPAS.
Alin

sa sumusunod ang layunin nito?

A. Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso

B. Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan

C. Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities

D. Lahat ng nabanggit

24. Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave Resources Management and

Protection Act?

A. Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa

B. Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa

C. Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito

D.Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang pamahalaan

25. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng

pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.

A. RA 9072 B. RA 9147 C. RA 9175 D. RA 7586

26. Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of
2009?

A. Panatilihing malinis ang hangin sa bansa

B. Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago ng klima

C. Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change


D. Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang

mapaunlad ang ekonomiya

27. Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?

A. Pagtaas sa insidente ng dengue C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides

B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain D. lahat ng nabanggit

28. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin sa
sumusunod ang maaaring maging epekto nito?

A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa

B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo

C. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino

D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming

29. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang
sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?

A. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain

B. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa

C. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa

D. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad

30. Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?

A. Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas

B. Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran

C. Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng

pamahalaan

D. Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change
31. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing hakbang sa paghahanda sa anumang kalamidad?

A. mabilis na paglikas C. paghahanda ng first aid kit

B. pagbibigay impormasyon sa mga kinauukulan D. pagkukumpuni ng mga sirang gamit

32. Alin sa mga sumusunod ang higit na kinakailangan sa pagkakaroon ng komprehensibo at maayos na mga
programa

tungo sa paghahanda para sa pagharap sa mga kalamidad?

A. koordinasyon at ugnayan ng iba’t ibang sector C. pagsasaliksik ng mga dalubhasa

B. pagsunod sa mga pamantayan ng NDRRMC D. pagkakaroon ng malaking pondo

Para sa bilang 33-35. Piliin ang pinaka-angkop na tugon sa bawat sitwasyon ng bawat bilang.

33.Ikaw ay nasa isang malaking gusali habang nagaganap ang paglindol.

A. gawin ang duck, cover at hold C. maghanda ng mga kakailanganing kagamitan


B. kumaripas ng takbo palabas D. sumigaw ng tulong

34.Nagbigay ng utos ang opisyal ng barangay sa agarang paglikas dahil sa posibleng pagragasa ng lahar.

A. antabayanan ang mga susunod na balita mula sa radyo o telebisyon

B. mabilis na tumungo sa ligtas na lugar o evacuation center

C. magmasid sa paligid at siguraduhing bantayan ang mga ari-arian

D. ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang sitwasyon sa inyong lugar _

35. Nasusunog ang bahay 10 metro lamang ang layo mula sa inyo.

A. kunin ang pinakamahahalagang dokumento, tumawag sa fire hotline at agad na lumabas ng bahay

B. humingi ng tulong

C. maging kalmado at alamin kaagad ang dahilan ng sunog

D. pumunta sa lokasyon ng sunog at suriin ang sitwasyon

36. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng CommunityBased Disaster Risk Reduction and
Management

Plan?

I. Capability Assessment II. Hazard Assessment III. Loss Assessment IV. Vulnerability Assessment

A. I, II, III B. II, III, C. I, II, IV D. I, III, IV

37.Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at
kalamidad.

Anong yugto ng DRRM plan ang ito?

A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response

B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

38. Saang yugto ng DRRM plan nabibilang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay
ng tubig at kuryente at ang pagkukumpuni ng bahay?

A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response

B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

39.Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang uri ng hazard. Sa
anong kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang mga istruktura, tulad ng
bahay,paaralan at iba pang nasira ng kalamidad?

A. Pag-uugali ng mamamayan B. Panlipunan C. Pisikal o Materyal D. Pampulitika

40. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad, kaya
ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga Gawain, proteksiyon, paghahanda at pagiwas sa iba’t ibang uri ng
sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito
nabibilang?

A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct

You might also like