You are on page 1of 3

PRE-TEST in AP 10- Kontemporaryung Isyu

Name: _______________________________________ Date____________________ Score: __________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.

A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon

2. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning
ito ang TOTOO?

A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas.

B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino

C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan

D. Nagkakaroon ng mataas na unemploymentrate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang
kanilang mga tungkulin

3. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng
kultura?

A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo

4. “Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng
pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000
mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit
kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung
panlipunan.”

Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?

A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.

B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa
isang tao lamang.

C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.

D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

5. Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan.
Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating
pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang
bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa
pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa
kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung
may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung
mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.

Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap. Batay sa
talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?

A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan

B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad

C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan


AP10IPE-Ib-5
PANUTO: Basahin ang mga katanungan sa ibaba, tukuyin ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

6. Ano ang mga dapat itabi o iimbak kapag may bagyo?


A. Mga matatamis na pagkain na madaling mapanis B. Mga pagkain tulad ng sariwang isda at karne
C. Mga pagkain gaya ng biskwit at junkfoods
D. Mga pagkain tulad ng de lata na maaaring hindi na lutuin

7. Noong Nobyembre 8, 2013, hinagupit ang Leyte lalung-lalo na ang Tacloban City dahil sa matinding pag-ulan na nagdulot ng storm
surge. Ano ang tawag sa panlabas na bansag nito?
A. Super Typhoon Tzuchie
B. Super Typhoon Haiyan
C. Super Typhoon Ketsana
D. Super Tyhpoon Thelma

8. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi dapat gawin sa


paghupa ng baha?
A. Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang
bahay.
B. Kumpunihin ang mga nasirang kawad ng kuryente upang
magamit ulit ito.
C. Maging alerto sa mga bagay maaaring pagsimulan ng sunog
D. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin.

9. Ano ang inilalabas na abiso ng PAGASA upang malaman ng mga


tao kung gaano kalakas ang paparating na bagyo.
A. Flood Alerts Signal
B. Public Storm Warning Signal
C. Orange Rainfall Advisory
D. Yellow Rainfall Advisory.

10. Kung may bagyo, ano ang pinakamaaasahang mapag-kukunan ng


impormasyon ng mga tao?
A. diyaryo
B. magasin
C. radyo
D. sinehan

11. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Plan?

A. Bumuo si Anne ng DRRM plan kasama ang mga NGO at mga pangkaraniwang mamamayan

B. Nakipagpulong si Mayor Estoque sa kaniyang mga konsehal upang bumuo ng DRRM plan

C. Nakipagtulungan si Blessy, lider ng samahan ng mga kababaihan sa mga kawani ng pamahalaang pambarangay sa
pagsasagawa ng hazard assessment.

D. Nabuo ni Marites ang DRRM Plan ng kanilang barangay sa pakikipagtulungan ng business sector at NGO.

AP10IPE-Ib-4
PANUTO: Iugnay ang mga gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad, Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Illegal logging B. Muro-ami C. Industriya ng pagmimina D. Polusyon sa tubig

___12. Ito ay pagputol ng kahoy sa kagubatan na walang pahintulot sa pamahalaan.


___13. Ito ay isang sistema ng paggamit ng lambat na lubhang nakapipinsala dahil nawawasak ang coral reef at banta sa kabuhayan ng
mga mangingisda.
___14. Ito ay sector ng madalas napupuna sa pagdudumi ng kapaligiran
___15. Ito ay nagdudulot ng suliranin, ang patuloy na pagtapon ng mga dumi, toxins at basura ng mga kabahayan, pabrika at minahan
sa tubig.

C,d,a,b

Test II.

You might also like