You are on page 1of 7

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
STA.CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
School ID: 307114
307114@deped.gov.ph
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)
S.Y:2019-2020
Pangalan: _________________________________________ Iskor: _______________
Baitang/Seksiyon: __________________________________ Pirma ng Magulang: ______________________
Inihanda ni: ALVIN M. MANDAPAT –TIII (GURO SA AP) Date ng Pagtanggap:______________________
I.PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. BILUGAN lamang ang titik ng tamang sagot. Tandaan: hindi lahat ng sa
tingin mo tama ay mabuti kaya kailangan mong maging sigurado sa pagpili. Huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon at
isa lamang ang kinakailangan na sagot kaya huwag ka ng magtangkang kumuha pa ng IBA makuntento kana sana sa
ISA. Para di ka magsisi sa huli kasi Mali yun.
1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ang pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan
D. Ito ay ang pag –aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran ,pang-
ekonomiya,pangkasarian at pampolitika.
2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas ,
tradisyon at pagpapahalaga.
A. Bansa
B. Komunidad
C. Lipunan
D. Organisasyon
3. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa
suliraning ito ang TOTOO?

A. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan


B. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas.
C. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino
D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang
kanilang mga tungkulin.
4. “ BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO “. Ipinababatid ng babala ang paalala sa isang patakaran. Ang paglabag
sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo
5. Alin sa mga sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan ang nagbibigay tuon sa posisyong kinabibilangan ng
isang indibidwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Simbolo C. Status D. Social Groups at Institusyon
6. Alin sa mga sumusunod ang totoo sa “ Ascribed Status “ ?
A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng mga dokumento
B. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya ay ipanganak.
C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng isinasaad ng batas.
D. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap
7. Ayon kay C. Wright Mills mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng
lipunan at personal na karanasan?
A. Isyung Panlipunan C. Kultura
B. Isyung Personal D. Sociological Imagination
8. Alin sa mga sumusunod ang tumpak na paliwanag sa istrukturang panlipunan?
A. Ang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan at elemento ng kultura
B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa
C. Mahalaga ang pag-alam sa istrukturang panlipunan upang masagot ang mga isyung panlipunan.
D. Ang bawat miyembro ng lipunan ay may gampanin sa pagpapaunlad ng lipunang kanilang ginagalawan

Para sa bilang 9, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan
“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills
(1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang
komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito
bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang
trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

9. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


A. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan
B. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
C. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal
D. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay
nakakaapekto sa isang tao lamang.

Para sa bilang na 10, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015)
Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo
ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay
kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin
makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan
ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng
mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng
hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot
harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng
paraan.Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng
hinaharap.

10. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
B. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad

Basahin ang talata sa ibaba para sa katanungan bilang 11


Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services.
They also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012,
natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters
also affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-economic
damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

11. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
12. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala
ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586
Para sa katanungan bilang 13, sumangguni sa graph sa ibaba

13. Ano ang ipinapakita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?


A. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.
D. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.
14. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura
na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang
ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa
Pilipinas?
A. Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao
15. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may
pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?
A. Biodegradables B. Recyclables C. Residual D. Special
16. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector

A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III


17. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na
matatagpuan sa Metro Manila?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay natutuksong gumawa ng illegal na gawain
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker

A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III


18. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
A. laptop, computer at cellular phone C. laptop, computer at mga basag na bubog
B. Computer at mga sirang yero D. Lata, plastic at mga papel
19. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A. Deforestation C. Illegal Logging
B. Fuel wood Harvesting D. Migration
20. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa
Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
21. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran
nito.
22. May mga NGOs na sumusuporta sa pamahalaan upang mabawasan ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas.
Anong grupo ng NGOs ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangagalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan C. Green Peace
B. Green and Green Foundation D. Mother earth Foundation
23. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pagoorganisa, pagtukoy sa mga
kasapi,pamumuno at pagkontrol sa isyung pangkapaligiran?
A. Disaster Management C. Disaster Operation
B. Disaster Mitigation D. Disaster Risk
24. Bukod sa pamahalaan, sino pa ang ang maaring maging kaagapay nila sa pagbalangkas ng disaster management
plan?
A. Mga mamamayan C. Mga Pribadong sektor
B. Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit
25. Kung ang bagyo , tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard, alin naman ang nabibilang sa
anthropogenic hazard?
A. landslide B. lindol C. storm surge D. terorismo
26. Kung ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at
gawaing pang-ekonomiya, ano naman ang vulnerability?
A. Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
B. Kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad
C. Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao,ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad
D. Tumutukoy sa tao,lugar,at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
27. Ipinasara ni Secretary Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaanan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang
ginagamit sa paggawa ng produkto. Anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Disaster D. Vulnerability
28. Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na
maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang
kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring
magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa
pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
29. Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework ay ang
pagbuo ng disaster resilient na mga pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga pamayanan
kung maaayos na maisasagawa ang CBDRM. Ano ang ibig sabihin ng CBDRM?
A. Country Based – Disaster and Risk Management
B. Community Based – Disaster and Risk Management .
C. Community Based – Disastered and Risk Management
D. Community Based – Based Disaster and Risk Managers
30. Alin sa mga sumusunod ang layunin na Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010?
A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan
ang kalamidad
C. Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng hazard at kalamidad sa pamamagitan ng organisadong
plano.
D. Ang hamon na dulot ng kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit
ng iba’t ibang kalamidad.
31. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay iniaasa sa mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng pamahalaan. Anong CBDRM Approach
ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach C. Top-down Approach
B. Down ward approach D. Upward approach
32. Sino sa mga sumusunod na manunulat ang nagpahayag na hindi natutugunan ng topdown approach ang mga
pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad?
A. Abarquez at Murshed C. Ondiz at Redito
B. Anderson at Woodrow D. Shesh at Zubair
33. Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa
maruming tubig baha sa kanilang lugar dala ng tatlong araw na walang tigil na pag –ulan, alin ang tinutukoy dito?
A. Anthropogenic Hazard
B. Disaster
C. Natural Hazard
D .Vulnerability
34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?
A. Sa kasalukuyan nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi
B. Nanalasa sa Bicol ang bagyo noong nakaraang lingo ang bagyong Gorio
C. Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta Quezon
D. Noong nakaraang bakasyon niyanig ng malakas na lindol ang Mabini Batangas
35. Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing
kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan, anong CBDRM approach ang
tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach C. Top-down Approach
B. down ward approach D. upward approach
36. Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na harapin
ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
37. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan?
I. Capability Assessment III. Loss Assessment
II. Hazard Assessment IV. Vulnerability Assessment

A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, IV


38. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard upang maging
malinaw ang mabubuong hazard assessment. Anong temporal na katangian ng hazard ang tumutukoy sa dalas ng
pagdanas ng hazard na maaring maganap taon-taon?
A. Duration B. Frequency C.Force D. Forewarning
39. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad.
Anong yugto ng DRRM plan ang ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparednes D.Disaster Rehabilitation and Recovery
40. Saang yugto ng DRRM plan nabibilang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng
tubig at kuryente at apgkukumpuni ng bahay?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
41. Isa sa mga paraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay
ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Ano kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon ang nagtakda sa paggamit at pagbuo ng
ng konsepto ng risk reduction management sa mga pampublikong paaralan?
A. DepEd Order no 55, s.2007 C. DepEd Order no 55, s.2008
B. DepEd Order no 55, s.2009 D. DepEd Order no 55, s.2010
42. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad kung kaya’t
ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang
uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito
nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct
43. Ang Non Structural mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging
ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama n hazard. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa non structural
mitigation?
A. paglalagay ng mga sandbags C. pagpapatayo ng floodgates
B. pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali D. paggawa ng mga ordinansa at batas.
44. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang uri ng hazard. Sa anong
kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang mga istruktura, tulad ng
bahay,paaralan at iba pang nasira ng kalamidad?
A. Pag-uugali ng mamamayan C. Pisikal o Materyal
B. Panlipunan D. Pampulitika
45. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
A. ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard,risk,capability at pisikal na katangian ng komunidad.
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang
lugar.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy , pagsusuri at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan
pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.
46. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang malakas na bagyong Glenda? Anong
katangian ang ipinamalas ng mga mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng
disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay nagkakaisa
B. Ang mga mamamayan ay masipag
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan
D. Lahat ng nabanggit
47. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang
may posibilidad na makaranas ng mga epekto at hazard.Bakit isinasagawa ang Community Based – Disaster and Risk
Management?
I. Upang hindi maranasan ang kalamidad
II. Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
III. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
IV. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay
may organisadong plano.

A. I, II, III B. I, II, IV, C. II, III, IV D. I, III, IV


48. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng Climate Change?
A. Ipinatutupad sa mga hospital ng Batangas ang 4R’s
B. Ang Barangay Luntian ang nagsagawa ng “ Oplan Muling Paggugubat “
C. Ang Division of Batangas ay nagbigay ng Memorandum tungkol sa pagpapatupad sa saste segregation
D. Walang open dumpsite ang Barangay Kasiyahan kaya minabuti ng mga mamamayan na sunugin na ln gang mga
basura
49. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagbibigay kahulugan sa isyung personal ?
A. Dahil sa kaguluhan sa Marawi , idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao
B. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho nang masunog ang ilang bahagi ng pabrika sa EPZA
C. Nawalan ng trabaho ang Tatay ni Cardo kaya ang kanyang anak na panganay ay huminto muna sa pag -aaral
D. Ang walang humpay na pag -ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ay nagdulot ng matinding baha at traffic
50. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.Alin sa mga
sumusunod ang hindi tumutukoy o nagpapakita ng kultura ng isang pamayanan?
A. Idinaraos sa Balayan ang parada ng lechon tuwing Hunyo 24.
B. Ipinagdiriwang sa mga bayan sa Batangas ang Flores de Mayo
C. Nakiisa ang mga magaaral ng Taal NHS sa pagdiriwang na El Pasubat
D. Ang grupong LGBT ng Juan Luna NHS ay nagpamalas ng kahusayan sa pagdiriwang ng buwan ng Wika

Pinagpapala ang taong tapat!


Sir Alvin

You might also like