You are on page 1of 2

Unang Markahan

Aralin 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
1.Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpappabago sa
kalagayan ng ating pamayanan.
a. Isyung Panlipunan b. Isyung Personal c. Isyung Pangkultura d. Kontemporaryong Isyu
2.Ang iyong ama ay tumatayong nanay at tatay sa inyong magkakapatid sapagkat ang iyong ina ay nagtatrabaho factory worker
sa South Korea. Anong element ng estrukturang panlipunan ang inilalarawan ng nabanggit na sitwasyon?
a.Gampanin b. Institusyon c. Social Group d. Social Status
3.Ang mga suliranin gaya ng kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino, war on drugs at lumalalang sitwasyon ng kahirapan ay
mga halimbawa ng: a. Isyung Panlipunan b. Isyung Pangkapaligiran c. Isyung Panseguridadd. Isyung Personal
4.Sino ang sosyolohistang naglarawan na “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa
pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinakukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.”
a. Charles Horton Cooley b. Emile Durkheim c. Karl Marx d. Max Weber
5.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng halimbawa ng element ng kultura?
a. Si Marie ay nagmamano sa kanilang magulang at sa mga nakatatanda.
b.Madalas na maghazard si tatay Nilos a tuwing ibababa niya ang mga mag-aaral sa harap ng paaralan.
c.Matalino at masipag na bata si Ana sap ag-aaral kaya naman ang kanyang magulang ay nagsusumikap upang maigapang ang
kanyang pag-aaral.
d.Sa edad na 50 ay hindi maaaring makapagtrabaho si Mang Jose sa konstruksyon.
6.Bakit mahalaga ang pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu?
a.Tinuturuan tayo nito na magsiyasat, magsuri ng datos at iba’t ibang sanggunian at pananaliksik.
b.Tinuturuan tayo nito ng kasanayan sa pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.
c.Tinituruan tayo nito ng paggamit ng malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na
nakaimpluwensya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.
d.Tinuturuan tayo nito na magkaroon ng mapanuring pag-iisip,matalinong pagpapasiya,mabisang komunikasyon,
pagkamalikhain at pagpapalawak ng pangdaigdigang pananaw.
7.Bilang mag-aaral sa ikasampung baiting paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan sa Kontemoraryong Isyu?
a.Sisimulan kong makibahagi na masyolusyonan ang mga suliranin na nakikita ko sa aming komunidad gaya ng problemasa
basura at maruming kapaligiran.
b.Magsasagawa ng mga protesta sa harap ng aming barangay para maiparating ang suliraning nakikita sa aming lugar.
c.Igigiit ang mga Karapatan ko bilang kabataan upang magawa ang mga bagay na magpapasaya sa akin.
d.Sisikaping huwag makialam sa mga suliranin upang walang responsibilidad na aalahanin.
8.Mahigpit ang panawagan ng Inter- Agency Task force sa mga mamamayan hinggil sa tamang pagsususot ng face-mask, face
shield at physical distancing upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na Covid-19. Bilang pakikiisa sa pamahalaan sa
paglaban sa pandemya, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maaaring gawin ng isang mag-aaral upang makibahagi sa
pagharap sa kasalukuyang suliranin?
A.Makilahok sa isinasagawang community pantry sa inyong barangay.
B.Ugaliing sundin ang mga health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.
C.Pumunta sa mga pagdiriwang upang pansamantalang malabanan ang stress.
D.Makilahok sa mga online fund-drive upang makakalap ng pondo para sa mga naapektuhan ng pandemya.
9.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit nagpapaliwanag ng konsepto ng kontemporaryong isyu?
A.Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang pangyayari kung saan ito ay isyu sa kapaligiran, lipunan at sa kaisipan ng mga tao.
B.Ito ay mahalagang mga isyu na kasalukuyang nagaganap sa mga tao at sa kanyang lipunang kinabibilangan.
C.Ito ay mga kaganapan sa lipunan na may kaugnayan sa konteksto ng mga kaisipan o nabubuong ideya ng mga tao na may
kinalaman sa kanilang kapaligiran.
D.Ito ay ang mga kasalukuyang pangyayari o isyu sa lipunan kaugnay ang mga pagbabago sa kapaligiran na lubos
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao.
10.Ang paaralan ay isang institusyong panlipunan na nagpapaunlad ng kakayahan, nagdulot ng karunungan at patuloy na
naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Paano higit na maiaangat ang kalidad ng
edukasyon sa ating bansa upang makalikha ng mga produktibo at episyenteng mamamayan?
A.Pipili ang mga mag-aaral ng mga asignaturang nais lamang nilang matutu-nan.
B.Ituro sa mga paaralan ang mga wikang banyaga upang malinang ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa iba pang
lahi sa mundo.
C.Isama sa kurikulum ng pag-aaral ang mga kasanayang teknikal na magagamit sa pagharap sa hamon ng buhay.
D.Ituro ang Mathematics at Science nang mas mahabang oras dahil ito ay mga asignaturang mahalaga sa kasalukuyang
panahon.
11.Ayon sa Philippine Statistics Authority tinatayang nasa 2.3 milyong Pilipino ang namumuhay sa kahirapan at kawalang
hanapbuhay dala ng pandemya sa taong kasalukuyan. Isa lamang ito sa mga tinatalakay sa kontemporaryong isyu. Bakit
mahalaga na maging mulat ang mga mag- aaral sa mga kasalukuyang pangyayari?
A.Upang maging handa sa mga nagaganap at maisaalangalang ang pag-iingat sa mga sakuna.
B.Upang magkaroon ng tamang kaisipan at paggalang sa dignidad at karapatang pantao.
C.Upang maging mapanuri, magkaroon ng malawak na pananaw at maging matalino sa pagpapasiya sa lokal at pandaigdigang
isyu.
D.Upang magamit ang makabuluhang kaalaman at magkaroon ng kasanayan kung paano makikipag- ugnayan sa komunidad
upang makatulong sa lipunang kinabibilangan.
12.May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang hindi angkop sa pahayag na ito patungkol sa mataas na bilang ng mga
mamamayang walang trabaho?
A.Kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon.
B.Kawalan ng kakayahang lumikha ng trabaho ng pamahalaan para sa kaniyang mamamayan.
C.Kakulangan ng pamilyang itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa kahirapan.
D.Kakayahang maging tamad at palaasa ng isang tao.
13.Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, opinion, o ideya n a may kaugnayan sa kasalukuyang panahon at
patuloy na pinag-uusapan dahil nagdudlot ng malawakang epekto na maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga to sa
lipunan. a.Isyung Panlipunan b.Kasaysayan c.Isyung Personal d. Kontemporaryong Isyu
14.Ito ay isang element ng kultur ana nagsisilbing batayan kung ano ang tama at mali, kung ano ang nararapat at hindi at kung
ano ang katanggap-tanggap o hind isa isang grupo o sa lipunan.
a.Pagpapahalaga b.Sinbolo c.Paniniwala d.Norms
15.Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na Institusyon ng lipunan?
a.Pamahalaan b.Teritoryo c.Pamilya d.Relihiyon
16.Alin sa mga sumusunod na element ng istrukturang panlipunan ang nagbibigay tuon sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan? a.Gampanin b.Social Group c.Social Status d.Simbolo
17.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagbibigay kahulugan sa isyung personal?
a.Dahil sa kaguluhan sa Marawi, idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao?
b.Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho nang masunog ang ilang bahagi ng pabrika sa EPZA.
c.Nawalan ng trabaho ang tatay ni Cardo kaya ang kanyang anak na panganay ay huminto muna sa pag-aaral.
d.Ang walang humpay nap ag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ay nagdulot ng matinding baha at traffic.
18.Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig maliban sa isa:
a. Mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga kaganapan sa lipunan.
b.Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan sa pagsusuri sa lipunan at daigdig.
c.Sa pagbabasa, nakapaghuhubog ito ng kasanayang pangwika at panggramatika na mabisang magagamit sa
pakikipagtalastasan at pakikinig.
d.Mapalalawak ang koneksyon ng sarili sa lipunan sapagkat mas maintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang
kasalukuyang konteksto.
19.”BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO” Ipinababatid ng babala ang paalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa
patakarang ito ay nakapaloob sa anong element ng kultura?
a.Paniniwala b.Norms c.Pagpapahalaga d.Simbolo
20.Ang mga suliranin gaya ng kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino, pagkakulong sa droga,at lumalalang sitwasyon ng
kahirapan ay mga halimbawa ng:
a.Isyung Panlipunan b.Isyung Pangkapaligiran c.Iyung Panseguridad d.Isyung Pesonal

You might also like