You are on page 1of 11

LASSO Supervised School

Highway Minglanilla, Cebu


Tel nos. 490-0767/268-4746
S.Y. 2017-2018

Pangalan:____________________________________Petsa:________________Marka:________
Pangkat:_____________________________________Lagda ng Magulang:________________

I. KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU


Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at unawain ito pagkatapos ay ibigay ay isulat ang titik
ng wastong sagot sa inilaang patlang bago ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa Kontemporaryong Isyu?


a. sinasalamin nito ang pinakamainit na balita ng araw
b. palagi itong nag-uusapan, nababalita at nagaganap
c. ito ay tumutukoy sa mga kaganapan sa kasalukuyan
d. tumutukoy ito sa mga kaganapang pang ekonomiya ng bansa

_____2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Kontemporaryong Isyu maliban sa_________


a. Paglabag sa Karapatang Pantao c. Pagtatalo sa Teritoryo
b. Likas-kayang Pag-unlad d. Pagiging Laganap ng Investment Scam

_____3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kaibahan ng Kontemporaryong Isyu sa


Kasalukuyang Kaganapan.
a. Ang kontemporaryong Isyu ay nababalita samantalang ang Kasalukuyang Kaganapan
ay hindi.
b. Ang kontemporaryong Isyu ay pag-uusapan samantalang ang Kasalukuyang Kaganapan
ay hindi.
c. Nananatili ang Kontemporaryong Isyu ng hanggang isang dekada o higit pa
samantalang ang Kasalukuyang kaganapan ay hindi.
d. Ang Kontemporaryong Isyu ay isang maliit na paksa lamang habang ang kasalukuyan
Kaganapan ay isang malawak na paksa at bahagi nito ang kontemporaryong Isyu.

_____4. Ang mga susumusunod ay nagsaad ng kahalagahan ng mag-aaral ng Kontemporaryong


Isyu maliban sa ___________.
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mabuting pasiya
b. Nakapaddudulot ito ng malawakang kapayapaan
c. Naisusulong nito ang pagkamamamayan
d. Nahuhubog nito ang mapanuring pag-iisip

_____5. Bilang isang mag-aaral, paano mo higit na magagamit ang iyong kaalaman sa mga
Kontemporaryong Isyu?
a. Gagamitin ko ito upang protektahan ang aking sarili laban sa mga taong nais
samantalahin ang aking kakulangan sa kaalaman.
b. Bubuo ako ng mga programang pang-ekonomiya gamit ang aking kaalaman sa mga
Kontemporaryong Isyu upang mapaunlad ang bansa.
c. Magmumungkahi ako ng mga paraan upang mapigil ang kriminalidad sa bayan gamit
ang aking kaalaman sa mga Kontemporaryong Isyu.
1
d. Lahat ng nabanggit ay tama

_____6. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag ay naglalarawan sa Kontemporaryong Isyu,


alin ang hindi?

a. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan


b. nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo
sa kasalukuyang panahon
c. may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
d. layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro

_____7. Ano ang bahagi ng mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
a. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
b. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
c. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
d. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

_____8. Mayroong iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang ditto?
a. pagpatay b. aksidente c. terrorismo d. pagdukot

_____9. Ang pang-aabuso sa karapatang pantao ay maaaring nasa iba’t ibang anyo. Alin sa mga
sumusuond na katawagan ang HINDI aspektong naaapektuhan ng pang-aabuso.
a. seksuwal b. emosyonal c. pisikal d. moral

_____10. Mayroong mga ilang isyu na may kinalaman sa gender at kasarian bunsod ng bahaging
ginagampananng isang tao sa lipunan. Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang
indibidwal?
a. paaralan b. pamayanan c. simbahan d. tahanan

_____11. Ano ang pinaakmalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng


kontemporaryong isyu?
a. ito ang pag-aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
b. malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao
c. ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran,
pang-ekonomiya, pangkasarian at pampolitika
d. ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan
sa kasalukuyan

_____12. Bakit mas mainam na tayo ay may kaalaman tungkol sa mga isyu at suliraning
kinakaharap ng bayan?
a. upang makabuo ng mabuting pasiya para sa sariling kinabukasan
b. para maging malawak ang kamalayan sa mga suliraning ito
c. upang hindi maloko ng mga nais pagsamantalahan ang iyong kakulangan sa kaalaman
d. naisusulong nito ang pagkamamayan at pagmamahal sa bayan

_____13. Kung ikaw ang pangulo ng ating bansa, alin sa mga sumusunod ang mainam na gawin mo
upang maipaglaban ang karapatan sa West Philippine Sea?
a. Magdeklara ng giyera upang lubusang masugpo ang mga Tsinong patuloy na uma-
angkin dito.
b. Idulog ito sa United Nations Arbitral Tribunal upang malutas ang sigalot na ito.
c. Palibutan ang buong West Philippine Sea ng barkong pandigma ng bansa upang hindi
mapasok ng mga Tsino.
d. wala sa nabanggit
2
_____14. Aling sa mga sumusunod ang nagsasad ng negatibong epekto ng paggamit ng Sosyal
Midya?
a. paglaganap ng mga huwad na balita c. paglaganap ng cyber scam
b. pagiging talamak ng cyber bullying d. lahat ng nabanggit

Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Micahela Macan (2015)
Sanggunian: http://michaelamacan.blogspot.com/2015/09/tugon-ng-mga-kabataan-sa-mga-isyu-ng.html

Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan.


Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang
pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang
kahirapan ay kakabit ng ating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na
pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang
bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na
kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at
pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aaral ng mabuti para may sapat na
kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging
bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may
magagawa ka, simulan mo na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay
dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong
gumawa ng paraan.

Kaya sa mga kabataaang Pinoy, huwag tayong mabbulagbulagan sa mga


nagaganap dahil tayo nag pag-asa ng hinaharap!

_____15. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong
panlipunan?
a. pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
b. maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
c. maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
d. iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

Para sa bilang 6 – 10, suriing mabuti ang bahagi ng balita na hango sa iba’t ibang sanggunian.
Pagkatapos ay kilalanin kung anong kontemporaryong isyu ang tinutukoy nito.

_____16. “NaarPitong taon na ang nakalilipas nang sumiklab ang digmaan sa Syria. Sa tala ng United
Nations (UN), mahigit 400,000 na ang nagbuwis ng buhay sa labanan. Milyun-milyon ang
lumikas patungo sa ibang mga bansa, na karamihan ay sa Europa, bitbit ang pag-asang
muli silang makapagsisimula ng bagong buhay – balita.net.ph
a. Kapayapaan c. Likas-Kayang Pag-unlad
b. Paglabag sa Karapatang Pantao d. Pagtatalo sa Teritoryo

_____17. “Naaresto noong Sabado ang 5 miyembro umano ang gun-for-hire group na nasangkot sa
pagpatay sa isang negosyante sa Caloocan City” – https://news.abs-cbn.com
a. Kapayapaan c. Likas-Kayang Pag-unlad
b. Paglabag sa Karapatang Pantao d. Pagtatalo sa Teritoryo

_____18. “Isa sa malaking istorya ng taon na pumutok sa Department of Foreign Affairs ang isyu ng
Sabah. Malaking katanungan sa mga mamamayang Pilipino na walang alam sa
kasaysayan kung kanino ba talaga ang Sabah na inuupahan lamang umano ng Malaysia sa
Sultanate of Sulu na tunay naming nagmamay-ari ng nasabing lupain” – philstar.com
a. Kapayapaan c. Likas-Kayang Pag-unlad
b. Paglabag sa Karapatang Pantao d. Pagtatalo sa Teritoryo
3
_____19. “Inilunsad ng Junior Chamber International (JCI) ang Skip the Straw Program sa Palawan
nitong Martes. Sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement kasama ang PCSD,
Tubataha Management Office at Binibining Pilipinas, hinihikayat ng grupo ang mga
mamamayan na huwag ng gumamit ng plastic straw.” – https://news.abs-cbn.com
a. Kapayapaan c. Likas-Kayang Pag-unlad
b. Paglabag sa Karapatang Pantao d. Pagtatalo sa Teritoryo

____20. “Sapul sa cellphone video ang pagsasabunutan ng dalawang menor de edad sa kalsada
ng Barangay San Roque, Zamboanga City noong Huwebes ng hapon. Nag-ugat daw ang
gulo sa post kung saan tinawag ni Mercy na malandi at hindi dapat tularan si Ananbel at
lumaki raw ang gulo ng makialam ang kanilang mga kaanak.” – https://news.abs-cbn.com
a. Responsableng Paggamit ng Sosyal Midya c. Paglabag sa Karapatang Pantao
b. Pagkakapantay-pantay ng Kasarian d. Pagtatalo sa Teritoryo

II. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung ito ay hindi.

_______1. Ang mga kasalukuyang kaganapan ay maaring bahagi lamang ng mas malawak
na kontemporaryong isyu.

_______2. Ang mga kontemporaryong isyu ay mga kasalukuyang balita sa araw-araw.

_______3. Sampung taon lamang ang itinatagal ng isang kontemporaryong isyu.


_______4. Mga saligan ng demokrasya at kalayaan ang midya at pahayagan.

_______5. Ang Dagat Kanlurang Pilipinas ay iyong bahagi ng dagat sa kalurang ng Pilipinas
na bumubuo sa dagat teritoryal, EEZ, at malawig na kalapagang continental ng
Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.

_______6. Ang balita ay isang akdang pumupuna sa mga bisyo at kahinaan ng tao sa
lipunan sa paraang mapagpatawa at mapangutya, at may layuning magbunga
ng pagbabago kung minsan.

_______7. Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay ang tawag sa pantay na oportunidad


para sa kalalakihan at kababaihan.
_______8. Agwat-kasarian ang tawag sa’di pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan.

_______9. Ang tatlong pangunahing karapatang pantao na pinagbabatayan ng iba pang


mga karapatan ay ang karapatang mabuhay, karapatang maging malaya, at
karapatang magkaroon ng mga ari-arian.

______10. Ang opinion ay sariling argumento, pananaw, o pangatwiran ng isang tao na


suportado ng mga katunayan.

______11. Ang kontemporaryong isyu at kasalukuyang kaganapan ay magkapareho


lamang.
______12. Ang paggamit ng fossil fuels ay nakatutulong ng malaki sa paglago ng ekonomiya
at pagpapanatili ng kalikasan.

______13. Ang isang mamamahayag o organisasyon na may edad na ay malabo na ang


pagbabalita.

______14. Ang pinaganda at binagong larawan ay mahalaga sa pagbabalita upang maka-


akit ng maraming mga mambabasa.

______15. Ang batayan ng isang balita ay ang pinakamahalaga sa lahat ng bahagi ng

4
balita

III. PAGHAHANDA AT PANGANGASIWA SA MGA KALAMIDAD

_____1. Paano nakatutulong sa pagharap sa kalamidad ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol


dito?
a. nakatutulong ito upang mapaghandaan at matugunan ang malubhang epekto nito
b. nagagamit ang mga kaalamang ito upang makabuo ng planong pang mitigasyon
c. sa pamamagitan nito napadadali nag pag-angkop ng mga mamamayan
d. lahat ng nabanggit

_____2. Alin sa sumusunod ang pinakamabisang paraan upang makaiwas ang mga mamamayan sa
masamang epekto ng mga kalamidad?
a. bumuo ng disaster risk reduction at management plan
b. makipagtulungan sa pamahalaan
c. magtanim ng maraming puno
d. magpatupad ng programang pangkapaligiran

_____3. Bakit kailangan ng koperasyon sa pagitan ng lahat ng mga bansa sa pagtugon sa mga
negatibong epekto ng mga pagbabago ng klima?
a. sapagkat ito ay isang pandaigdigang suliranin na maaring makapinsala sa lahat
b. upang makabuo ng mabisang programang pangkapaligiran
c. dahil ito ay isa ng malubhang problema na kiankaharap ng maraming bansa
d. wala sa nabanggit

_____4. Bakit kinakailangang maging handa ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa kalamidad.
a. dahil tungkulin ng pamahalaan matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan
b. spagkat tungkulin ng pamahalaan na panatilihing ligtas ang mga mamamayan
c. lahat ng nabanggit
d. wala sa nabanggit

_____5. Paano makakaiwas ang mga mamamayan sa masamang epekto ng mga kalamidad?
a. siguraduhing laging handa sa lahat ng panahon
b. mag-ingat sa lahat ng oras
c. mag-aral ng mabuti
d. gumawa ng tama at umiwas sa masama

_____6. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pag-aangkop MALIBAN SA


a. Pinlago ng DENR ang mga mga kagubatan ng bansa sa pamamgitan ng paglulunsad ng
“Mandatory Tree Planting Program” sa mga komunidad.
b. Nagtanim ng maraming bakawan sa baybaying dagat ang mga mag-aaral sa SCC.
c. Napabalitang tatama ang isang malakas na bagyo sa susunod na araw kaya nag-imbak
ng pagkain at tubig ang pamilya Cruz.
d. Upang maibsan ang greenhouse gas emission, ipinakula ng pamahalaan na ibsan ang
ibinubugang cardon ng mga industriya.

_____7. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pag-aangkop MALIBAN SA


a. Pinlago ng DENR ang mga mga kagubatan ng bansa sa pamamgitan ng paglulunsad ng
“Mandatory Tree Planting Program” sa mga komunidad.
b. Nagtanim ng maraming bakawan sa baybaying dagat ang mga mag-aaral sa SCC.
c. Napabalitang tatama ang isang malakas na bagyo sa susunod na araw kaya nag-imbak
ng pagkain at tubig ang pamilya Cruz.

5
d. Upang maibsan ang greenhouse gas emission, ipinakula ng pamahalaan na ibsan ang
ibinubugang cardon ng mga industriya.

IV. PAGHAHANDA AT PANGANGASIWA SA MGA KALAMIDAD


V. PAGBABAGO NG KLIMA

____11. Ang Asya ay kasalukuyang nahaharap sa isang matinding pagsubok. Isa sa mga ito ay ang
mga suliraning pangkapaligiran na nakakaapekto ng lubos sa pamumuhay ng mga Asyano.
Ang mga pahayag sa ibaba ay nagsasaad ng mga suliraning pangkapaligiran sa Asya
maliban sa isa. Alin ito?
a. Panganib sa posibleng pagkaubos ng mga species ng hayop
b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. Walang-habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

____12. Basahin ang bahagi ng artikulo na “Improper Waste Disposal in Bangalore, Threatening Water
Sources” na halaw sa India Water Review na inilathala noong Mayo 26, 2011. Gawin itong
batayan ng pagsagot sa kasunod na tanong.

The public as well as the Bruhat Bangalore Mahanagara Palike (BBMP) is causing direct
contamination of groundwater and the municipal waste disposal and management is not
organized in the city, CGWB scientist Dr. M. A. Farooqui said while delivering a lecture on
“Ground water management in Bangalore Metropolitan Region” at the Geological Society
of India on May 25.

"BBMP is supposed to collect solid waste from houses in small bins and then transfer it to
community bins. The waste is subsequently to be carried to the disposal site. Random
dumping all around the metropolis is rampant, causing environmental pollution of land,
water, and air from garbage dumps that are set afire,” he added.

Sa bahaging ito ng artikulo, ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay
isang malaking suliraning pangkapaligiran sa Bangalore, India. Alin sa sumusunod ang
malaking epekto ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan sa
kapaligiran ng Bangalore, India?
a. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog
6
b. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong materyal
c. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa
d. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy
sa irigasyon

____16. Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang kasunod na tanong kaugnay nito.

Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa


kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na
may buhay at ang kanilang kapaligiran?
a. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon
b. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa
paggamit ng likas na yaman.
c. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning
pangkapaligiran at ekolohikal.
d. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto
nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig

____18. Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang
kasunod na mga tanong kaugnay nito.

____22. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng
kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa

7
rehiyon. Ikaw, bilang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang
talakayin ang solusyon sa paglutas ng suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang
mabigyang kalutasan ito?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at
tao sa pag-unlad ng isang bansa

____23. Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang hikayatin at impluwensiyahan ang


kabataang Asyano na magpalaganap ng mga programang susuporta sa ikabubuti ng
kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi-
media advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?
a. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan
b. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
c. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan
d. organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain

III. Loop a Word


Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang humanap ng mga salitang bubuo sa iyong
kaisipan tungkol sa paksang may kinalaman sa heograpiya ng Asya. Mula sa krossalita ay

8
subukan mong hanapin, sa anumang direksyon, ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan
ang salita at pagkatapos ay isulat ito sa patlang ng bawat aytem.

________________1. Katutubo o tagapagsimula

________________2. Katangiang nakikita at nahahawakan

________________3. Ang malaking masa ng lupain sa mundo

________________4. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo

________________5. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig

________________6. Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan

________________7. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon

________________8. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral, at kultural

________________9. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kanyang kabuhayan at


pagtugon sa pangangailangan

________________10. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing


panlipunan, edukasyon, relihiyon, at siyentipiko

9
IV. Ang Katangi-tanging Asya
Panuto: Ang mga aytem sa ibaba ay nagsasaad ng mga katangiang pisikal ng Asya. Suriin ang
bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot sa inilaang patlang.

_____1. Taglay ng Asya ang naggagandahang bundok maliban dito matatagpuan din sa
kontinenteng ito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod
ang binansagang pinakamataas na bundok sa buong daigdig?
a. Bundok Everest b. Mayon c. Taal d. Mount Fuji

_____2. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinakamaliit na bulkan sa daigdig?


a. Mount Fuji b. Bundok Everest c. Taal d. Mayon

_____3. Ang mga sumusunod ay mga kilalang talampas sa Asya. Alin ang itinuturing na pinakamalaki
hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
a. Bolaven b. Bashang c. Panchgani d. Tibet

_____4. Saan matatagpuan ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig?


a. Malaysia b. Indonesia c. Bangkok d. Singapore

_____5. Ano ang pinakamalaking dagat sa Asya?


a. Dagat Tsina b. Dagat Bering c. Dagat Okhotsk d. Dagat Pula

_____6. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking ilog na matatagpuan sa kontinenteng Asya?
a. Ilog Yangtze b. Ilog Hsi c. Ilog Cagayan d. Ilog Mindanao

_____7. Ang pinakamalaking kontinente ng daigdig na nagtataglay ng masaganang yamang likas.


a. Aprika b. Hilagang Amerika c. Europa d. Asya

_____8. Anong bansa ang may mahalagang daungan at isang sentro ng kalakalan bagaman
walang likas na yaman?
a. Tsina b. India c. Singapore d. Malaysia

_____9. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Asay ang walang katatagpuang disyerto?
a. Pilipinas b. India c. Arabia d. Iran

____10. Ang mga bansang may ganitong klima ay nakararanas ng malamig na panahon sa buong
taon kaya malamig-lamig din ang kanilang tag-init.
a. Tropikal b. Tundra c. Steppe d. Desert

10
11

You might also like