You are on page 1of 5

Lagumang BUGALLON INTEGRATED

Pagsusulit School: SCHOOL Grade Level: 10


(Summative Test) ARALING
Teacher: RODELYN MAE C. PAISO Learning Area: PANLIPUNAN
School Quarter/Week/
Head: FERNANDO P. ESPINOZA Day: Q1-Week 10

NAME_____________________Gr.&Section_____________Date_________Score:_______
Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga suliranin o pangyayari na may
kaugnayan sa kalagayan ng ating pamayanan at bansa sa kasalukuyang panahon at
nagdudulot ng malawakang epekto sa buhay ng mga tao sa lipunan?
A. Balita B. Isyung personal C. Kasaysayan D. Kontemporaryong Isyu

_____2. Alin sa mga sa uri ng kontemporaryong isyu nabibilang ang nararanasan nating
pandemya dulot ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan B. Isyung pangkapaligiran
C. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan

_____3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong


isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa
kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan sa
nakaraan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay
ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring napag-uusapan at gumagambala o nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan.

_____4. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay mo ang mga
kasanayan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy mo ang katotohanan at opinyon.
II. Hindi mo nailalahad ng kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Nakikilala mo ang mga nararapat na mga sanggunian.
IV. Nakabubuo ka ng opinyon at pangkalahatang pananaw sa isang
pangyayari.
A. I B. I, II C. II, III D. I, III, IV

_____5. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong


panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga ng mga isyung ito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para makamit mo ang iyong personal na mga mithiin lamang.
IV. Maunawaan na iilan lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV B. I, II C. II, IV D. I, III

_____6. Alin sa mga sumusunod na ahensya ang may tungkuling makipag-ugnayan,


bumalangkas at sumubaybay at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hinggil sa
pagbabago ng klima o climate change?
A. Climate Change Commission
B. International Monetary Fund
C. National Solid Waste Management Commission
D. Department of Environment And Natural Resources

_____7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran?
A. Darami ang mga turista na papasyal sa bansa kung masusugpo ito.
B. Ang lahat ay bahagi sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
C. Nababawasan ang gastusin ng pamahalaan kapag may pagtutulungan
D. Malawak ang suliraning pangkapaligiran kaya mahalaga na magtulungan ang bawat isa.

_____8. Bilang isang mag-aaral, alin dito ang maaari mong maitulong sa pagtugon sa
suliraning pangkapaligiran?
A. Gawin ang itinakda ng batas.
B. Simulan sa mga bahay ang pagsasawa ng 3R’s.
C. Gumawa ng mga hakbang para sugpuin ang mga nagkakalat at nagsasawalang kibo sa
suliraning pangkapaligiran
D. Gumawa ng mga pananaliksik para makaimbento ng mga makabagong kagamitan sa
pagpapaliit ng mga suliraning pangkapaligiran.

_____9. Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa at tumulong sa
pagpapanatili nito?
A. Upang maipagmalaki natin ito sa buong mundo
B. Upang dumami pa ang mga taong magmamalasakit dito
C. Makatutulong ito upang tayo ay maging tanyag sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
D. Maraming mga mamamayan ang nakasalalay ang kabuhayan at kinabukasan dito.

_____10. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ng tao ang hindi nagiging sanhi ng
deforestation?
A. illegal na pagtrotroso B. Illegal na pagmimina
C. Pagkakaingin D. global warming

_____11. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng bottom-up approach?


A. Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga
mamamayan na simulan at panatilihin ito.
B. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan
ay nabibigyang pansin.
C. Ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang pansin sa paggawa ng plano.
D. Nakasalalay sa mga mamamayan ang responsibilidad sa plano.

_____12. Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa


pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni David, isang lider ng Non Government Organization (NGO), kasama ang
mga lider ng iba’t-ibang sector ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Manuel ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano
kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na
bagyo.
C. Hinikayat ni Allan ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan
ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha.
D. Nakilahok ang mga kasapi ng NGOs at negosyante sa pagbuo ng plano ng barangay sa
pangunguna ng baeangay council.

_____13. Sinu-sino ang ang maaring maging kalahok sa pagbuo ng community- based
disaster risk reduction management plan?
A. Mga mamamayan B. Mga Pribadong sektor
C. Ang pamahalaan D. Lahat ng sector ng lipunan
_____14. Kapag naging resilient ang mga tao at ang komunidad sa epekto na dulot ng
kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?
A. Ang malawakang pinsala sa buhayat ari-arian.
B. Ang pagtaas ng presyo ng mga nilihin sa mga pamilihan.
C. Ang paglala ng polusyon sa tubig at pagkakalbo ng kagubatan.
D. Ang pagdami ng solid waste na nakakalat sa mga estero at kanal.

_____15. Pinulong ni Kapitan Malvar ang lahat ng mga opisyal ng barangay at mga
mamamayan upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad. Anong
konsepto ng disaster management ang inilalarawan?
A. disaster B. resilience C. risk D. vulnerability

_____16. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto
patungkol sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may sapat na kaalaman
II. Upang malayo o makaiwas tayo sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

_____17. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto. Alin sa
sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng bottom-up approach sa pagbuo ng Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Nabuo ni Kapitan Marco ang DRRM Plan ng kanilang barangay sa pakikipagtulungan ng
lahat ng opisyales ng barangay.
B. Bumuo si Mayor Armando ng DRRM plan kasama ang mga NGO, pribadong sektor at mga
pangkaraniwang mamamayan.
C. Nagsagawa si Blessy, lider ng samahan ng mga kababaihan, ng hazard assessment.
D. Nagsagawa ang mga opisyales ng Sangguniang Pambayan ng hazard assessment at
capacity assessment.

_____18. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto. Paano
magiging handa ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Sa pamamgitan ng panonood sa mga teleserye ukol dito.
B. Pagmomonitor sa mga usapin ukol sa lindol ng PHIVOLCS.
C. Pakikinig at panunuod sa iba’t-ibang social media platforms
D. Mahusay na plano ng Disaster Management at pagiging handa ng lahat ng mamamayan.

_____19. Nagtungo sa pamahalaang pambarangay at naglibot sa kanilang lugar sina CJ, Earl,
Angelica, at Jenica upang itala ang mga naranasang kalamidad at hazard sa iba’t-ibang
bahagi ng kanilang barangay . Alin sa mga sumusunod ang kanilang ginawa?
A. Hazard Assessment B. Capacity Assessment
C. Vulnerability Assessment D. Disaster Assessment

_____20. Bakit mainam na pagsamahin ang mga magagandang katangian ng top-down at


bottom-up approach sa pagbuo ng disaster management?
A. Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano ganoon din ang pananaw ng mga mamamayan na silang
pangunahing nakararanas ng suliranin.
B. Kailangang isaalang-alang ang pamahalaan dahil sa kanilang kasanayan sa
pagpaplano nito.
C. Ang paglutas ng suliranin ay mas mainam kapag marami ang makikibahagi.
D. Mas magiging madali ang trabaho kapag pamahalaan ang magsasagawa.

_____21. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga
mamamayan upang maging handa pagdating ng kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga
mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan
sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot
ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga
maaapektuhan.

_____22. Sa aling yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management


Plan nakapaloob ang mga gawain tulad ng hazard assessment at capability assessment?
A. Paghahanda sa Kalamidad (Disater Preparedness)
B. Paghadlang At Mitigasyon sa Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)
C. Rehabilitasyon sa Kalamidad (Disaster Rehabilitation and Recovery)
D. Pagtugon sa Kalamidad (Disaster Response)

_____23. Ang pamilya ni Andres ay naninirahan malapit sa estero. Ano ang nararapat nilang
gawin upang mapanatiling ligtas ang kanyang pamilya sa banta ng kalamidad?
A. Huwag magtapon ng basura sa estero
B. Panatihin ang kalinisan ng kapaligiran
C. Panatilihing matibay ang tirahan.
D. Lahat ng nabanggit

_____24. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan
ng iyong komunidad upang maging handa sa banta ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Ipaubaya sa mga opisyales ang pagpano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng programal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao

_____25. Sa pagbuo ng disaster management plan, alin sa mga sumusunod na gawain ang
nararapat mong unahin?
A. Pagsasagawa ng damage assessment
B. Pagpapanumbalik ng normal na takbo ng buhay
C. Pagsasagawa ng hazard assessment at capability assessment
D. Pagbibigay impormasyon, pagbibigay ng panuto at pagbibigay-babala

_____26. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing


naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng
kanilang pinagkukunan ng pangangailangan Sila ay naapektuhan ng mga masasamang
gawain ng tao.
B. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng
kanilang pinagkukunan ng pangangailangan
C. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
D. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga lungsod

_____27. Maagang umuwi ng bahay si Janine dahil sa banta ngpaparating na malakas na


bagyo. Anong konsepto ng disaster management ang inilalarawan ng sitwasyong ito?
A. hazard B. risk C. resilience D. vulnerability

_____28. Alin sa mga sumusunod ang kinabibilangan ng mga iba’t ibang gawain na
dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard?
A. Capacity management B. Disaster management
C. Hazard Assessment D. Vunerability assessment

_____29. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin


ang mga epekto ng kalamidad?
A. vulnerability B. resilience C. hazard D. disaster
_____30. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay nagdudulot
ng banta sa kalusugan ng tao. Sa aling konsepto ng disaster management ito maiuugnay?
A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Structural Risk D. vulnerability

You might also like