You are on page 1of 7

Cogon National High School

Unang Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan 10

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksiyon: ____________________

Lagda ng Magulang: _____________________ Petsa: ______________Iskor: ___________

I.Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian sa bawat katanungan. Itiman
ang katumbas na bilog ng tamang sagot sa itinalagang hanay ng sagutan.

1. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba't ibang kinatawan mula sa
pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?
A. Isyung Pangkalakalan
B. isyung Pangkalusugan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

2. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at malinaw na epekto sa lipunan.


A. Isyung Pangkapaligiran
B. Kontemporaryong Isyu
C. Isyung Pangkalakalan
D. Isyung Pangkalusugan

3. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan mg pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa
sumusunod ang kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. Kahalagahan
A. I B, II C. I, II, III, IV D. II, III

4. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
C. Pagkilala sa sanggunian.
D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

5. Ito ay ang Non- Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilipino balanse
at malusog na kapaligiran.
A. Greenpeace
B. Mother Earth Foundation
C. Bantay Kalikasan
D. Clean and Green Foundation

6. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 115
C. Republic Act 2649
D. Republic Act 9072

7. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management

Management Status Report noon 2015.


A. biodegradable
B. nuclear wsste
C. solid waste
D. electronic waste

8. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa _________


A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito

9. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demeansa mga pangunahing produkto na

dahilan kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa
sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito?
A. Land reform
B. Land use
C. Land grabbing
D. Land Conversion

10. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng mga nagaganap
na deforestation?

A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan


ng pangangailangan
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers.

11. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno

12. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan
ng pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.
A. RA 9071
B. RA 9147
C. RA 9175
D. RA7586

13. Tumutukoy sa iba't ibang gawin na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at
hazard.
A. Hazard Assessment
B. Capacity Management
C. Disaster Management
D. Disaster

14. Ikaw ay nakatira malapit sa dagat at may paparating na malakas na bagyo at nagsasagawa ng
evacuation sa inyong lugar. Sasama ka ba o hindi?
A. Oo, upang maging ligtas ako at ang aking pamilya sa paparating na sakuna.
B. Hindi, dahil para mabantayn ko ang aming mga ari - arian.
C. Oo, dahil mas masaya kung marami ang sasama.
D. Oo, dahil hindi kami aabutan ng bagyo.

15. Bakit sobrang mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa Community Based Disaster
Risk Management?
A. Dahil sila mismo ang nakikilahok sa pagpaplano upang makaiwas sa sakuna.
B. Dahil sila mismo ang direktang maapektuhan ng paparating na sakuna
C. Dahil importanteng malaman nila ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna.
D. Lahat ng nabanggit.

16. Ano ito na tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang- ekonomiya?
A. disaster B.vulnerability C. risk D. hazard

17. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang kahinaan at kakulangan o pagiging
vulnerable sa mga disaster?

A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.

C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan.


D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.

18. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?


A. Makakamit ito kung lahat ay nakapag-aral.
B. Kung sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Kung maayos ang ugnayan ng buong pamilya.

D. Kung ang bawat institusyon sa lipunan at mamamayan ay gagampanan ng maayos ang kanilang
responsibilidad.

19. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga
kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto. Anong klaseng hazard ang naging
dahilan ng pagpapasara?
A. Natural hazard B. Anthropogenic hazard C. Disaster D. Vulnerability

20. Kapag resilient ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasa?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian
B. Pagbagsak ng ekonomiya
C. Pagtaas ng bilihin
D. Pagdami ng basura

21. Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang


A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mailigtas ang maraming ari-arian.
C. Hindi mabibigyan ng karamptang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na paraan ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.

22. Ano ang ibig sabihin ng CBDRM?


A. Community Based Disaster Risk Management
B. City Based Danger Risk Management
C. Community Based Danger Risk Management.
D. City Based Disaster Risk Management

23. Magiging matagumpay ang CBDRRM kung?


A. Lahat ng mamamayan ay makikilahok sa pagpaplano upang maging handa sa panahon ng
sakuna
B. Bibigyan sila ng pera ng National Government
C. Kung maghihintay sila sa tulong na ipapadala ng gobyerno.
D. Wala sa nabanggit.

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng Unang Yugto ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan?
A. Vulnerability Assessment
B. Hazard Assessment
C. Loss Assessment
D. Capability Assessment

25. Ano ang ibig sabihin ng NDCC?


A. National Disaster Coordinating Council
B. National Danger Coordinating Council
C. National Disaster Cooperative Council
D. National Danger Coordinating Company

26. Kung ikaw ay naabutan ng baha sa daan, ano ang maaari mong gamitin upang iligtas ang sarili sa pagbaha?
A. karton
B. payong
C. malaking bag
D. malaking galon
27. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong

bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naniniraha ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig
C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana

28. Bakit importante ang ikalawang yugto o disaster preparedness?


A. Dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon sa paparating na sakuna.
B. Dahil ito ay nagbibigay ng mga hakbang upang maging ligtas sa panahon ng sakuna.
C. Dahil dito ay magkakaroon ng koordinasyon ang mga tao at maiwasan ang pagkalito
sa panahon ng sakuna.
D. Lahat ng nabanggit.

29. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing ngkakaroon ng ng kalamidad?


I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III. Hindin pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

30. Bakit mahalagang makinig o alamin ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

31. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?


A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana
B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana
D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng baha

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Disaster Prevention?


A. Hazard Assessment
B. Vulnerability
C. Capacity Assessment
D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan

33. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment mahalaga na suriin ang sumusunod na salik maliban sa
A. Elements at risk
B. Location of people at risk
C. People at risk
D. Location of elements at risk

34. Ito ay isang proseso sa pagsasagawa ng pagtataya sa panganib kung saan sinusuri ang mga hazard na
nararanasan sa lugar at antas ng pinsala nito.
A. Hazard Mapping
B. Hazard Profiling
C.Historical Profiling
D. Risk Management

35. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ang daloy ng
pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Response
C. Disaster Rehabilitation
D. Disaster Prevention

36. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng hazard assessment at capability assessment.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Rehabilitation and Recovery
C. Disater Response
D. Disaster Prevention and Mitigation

37. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa
pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan. Tukuyin ito.
A. Community Based Disaster and Risk Management Approach
B. Community Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council

38. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan at tinatawag na_________________


A. Disaster Preparedness
B. Disaster Rehabilitation and Recovery
C. Disaster Response
D. Disaster Prevention and Mitigation

39. Layunin ng Disaster Preparedness ang mga sumusunod maliban sa:


A. magbigay impormasyon
B. magbigay ng pagbabago
C. magbigay payo
D. magbigay ng panuto

40. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang
maging handa sa pagtama ng iba't ibang hazard at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ng mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
“CHEATING IS EASY… TRY SOMETHING MORE CHALLENGING…

LIKE BEING FAITHFUL AND HONEST.”

Good Luck and God Bless…

You might also like