You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Masbate Province
Aroroy East District
AROROY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Pangalan: __________________________________ Iskor: ______________________
Taon at Baitang: ____________________________ Petsa:
______________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Tapusin ang pagsusulit sa loob ng 60-minuto. Ibigay ang


tama/pinakamalapit na sagot sa bawat katanungan. Ang pagbubura, o pagpapalit ng sagot sa anumang
paraan ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.
I. Pagpipilian (Multiple Choice). Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat
numero.

______ 1. Anong uri ng pagsulat ang may kanya-kanyang panimulang estilo at nilalaman at dapat sumunod
sa isang partikular na pagsasaayos?
A. Teknikal B. Jornalistik C. Akademik D. Propesyonal
______ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang mabuting pananaliksik?
A. Masuri/Kritikal B. Matiyaga C. Obhetibo D. Dokumentado
______ 3. Ano ang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, isyu at iba pang ibig bigyang
linaw, patunayan o pasubalian?
A. Pagsisiyasat B. Pananaliksik C. Saliksik D. Pag-aaral
______ 4. Ilang salita ang hiniram ng mga Pilipino mula sa mga Kastila ayon sap ag-aaral?
A. Dalawang Libo B. Tatlong Libo C. Apat na Libo D. Limang Libo
______ 5. Tukuyin mula sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagsulat ng unang borador.
A. Kailangan kong magsaliksik upang maka isip ako ng mabuting paksang susulatin.
B. Maaari mo bang basahin at iwasto ang aking isinulat upang malaman ko ang mga pagkakamali?
C. Bubuuhin ko na ang mga ideyang aking nakalap upang matapos na ang aking sanaysay.
D. Pagsabay-sabayin na natin ang pag susumite ng ating mga sanaysay kay G. Marzan.
______ 6. Suriin mula sa mga pagpipilian ang tamang pahayag na binanggit ni Isagani R. Cruz
A. Ang kakayahan sa pagsulat ay naipapamana
B. Ang kakayahang maipamana ang pagsulat ay naituturo
C. Ang kakayahan sa pagsulat ay naituturo subalit hindi naipapamana
D. Ang kakayahan sa pagtuturo ng pagsulat ay hindi naipapamana
______ 7. Alin sa mga sumusunod ang ika-apat na yugto sa prose ng pagsulat?
A. Pagsulat ng unag borador
B. Pagpapakinis ng papel
C. Inisyal na pagtatangka
D. Pinal na papel
______ 8. Tukuyin kung kailan ginagawa ang pagpapasya kung anong estilo ng pagtatala ng katitikan ang
gagamitin?
A. Bago ang pulong
B. Habang isinasagawa ang pulong
C. Pagkatapos ng pulong
D. Wala sa nabanggit
______ 9. “Ito ang mga hakbang sa pagluto ng Adobo…” ay isang halimbawa ng pagsulat ayon sa layunin.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran D. Paglalarawan

______ 10. Ano ang pinapakita sa larawan?


A. Copyright
B. Plagiarism
C. Paghuhuwad ng datos
D. Pag-subscribe
______ 11. Gumawa ng isang akademikong sulatin ni Robert, napag-alaman ng kaniyang guro na hindi niya
nabanggit o naisulat ang pangalan ng may akda ng pinagkunan ng kanyang ideya. Anong paglabag sa etika
ang pagpapahalagang moral sa akademiya ang ipinakita sa pahayag?
A. Copyright
B. Plagiarism
C. Paghuhuwad ng datos
D. Pagbabayad sa iba
______ 12. Suriin ang estruktura at proseso ng mapanuring akademikong pagsulat at tukuyin ang tama.
A. Introduksiyon—Katawan—Kunklusyun
B. Intruduksiyon—Katwan—Kunklusiyon
C. Introduksiyon—Katawan—Konklusiyon
D. Intruduksiyon—Katawan—Konklusiyon
______ 13. Ano ang dalawang paraan sa pagpapaunlad sa talata sa katawang bahagi ng estruktura ng
pagsulat?
A. Ebidensiya/Argumento B. Opinyon/Argumento C. Analitikal/Kritikal D. Obhetibo/Subhetibo
______ 14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Heading B. Lagda C. Mga kalahok o dumalo D. Mga litratro
______ 15. Tukuyin mula sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting
mananaliksik.
A. Nangongopya sa gawa ng iba ng walang paalam o pasabi
B. Naghahanap ng mapagkukunan ng datos sa pagbabasa ng madaming mga aklat.
C. Pinapalitan ang datos kapag hindi gusto ang sagot na nakuha.
D. Wala sa mga nabanggit
______ 16. Tukuyin ang hindi kabilang sa grupo ng mga sumusunod:
A. Pasulat o sulat kamay
B. Elektroniko
C. Limbag
D. Wala sa nabanggit
______ 17. Anong katangian ng mapanuring pagsulat na karaniwang pagpapaunlad o paghamon sa mga
konsepto o katwiran?
A. Target na mambabasa B. Balangkas na kaisipan C. Tono D. Layunin
______ 18. Ito ay tumutukoy sa behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan na nais ilahad.
A. Pagsulat B. Wika C. Ideya D. Pamamaraan sa pagsulat
______ 19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa Pormal na uri ng pagsulat?
A. Gumawa kayo ng isang salaysay na may tatlong talata tungkol sainyong mga pangarap.
B. Bumuo ng isang argumentatibong papel ukol sa pagtatanggal ng Senior High School sa
sekondaryang lebel.
C. Gumawa ng isang pananaliksik tungkol sa karanasan ng mga mag-aaaral sa senior high school.
D. Lahat ng mga nabanggit
______ 20. Si Rey ay sumulat ng isang liham upang maipadala sa kanyang manager, ukol sa kanyang
pagliban sa trabaho.
A. Pormal B. Di pormal C. Kumbinasyon D. Wala sa nabanggit
II. Pagkilala (Identification). Tukuying ang tamang sagot sa bawat tanong at isulat sa patlang bago ang
bilang.

____________________ 21. Ang sanaysay ay isang halimbawa ng aling uri ng pagsulat?


____________________ 22. Tumutukoy na ang isang pananaliksik ay walang kinikilingan.
____________________ 23. Siya ang nagwika na ang pagsulat ay naituturo subalit hindi naipapamana.
____________________ 24. Isa sa mga anyo ng pagsulat ayon sa uri na nagsasaad ng obserbasyon,
kondisyon o damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
____________________ 25. Ang pagtala kung anong oras nagsimula ang pulong ay isinasagawa sa aling
bahagi ng pulong?
____________________ 26. Yugto ng pagsulat kung saan lahat ng ideya o konspeto na isusulat ay pinag-
iisipan muna bago ilapat.
____________________ 27. Uri ng estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong kung ssan isinasalaysay
lamang ang mahahlagang detalye ng pulong.
____________________ 28. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
____________________ 29. Isang yugto sa proseso ng pagsulat kung saan tatangkain ng manunulat na
ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon upang makbuo ng balangkas.
____________________ 30. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nagsasaad lamang ng lahat ng mga
isyung napagkasunduan ng Samahan.

III. Paglalahad (Enumeration). Ilahad ang hinihingi sa bawat bilang at isulat sa espasyo ang sagot.

31-32. Unang dalawang bahagi sa poseso ng pagsulat.


___________________________________________
___________________________________________
33-36. Magbigay na apat na katangian ng isang mabuting mananaliksik.
_________________________________ __________________________________________
_________________________________ __________________________________________
37-40. Ibigay ang apat na anyo ng pagsulat ayon sa layunin.
_________________________________ __________________________________________
_________________________________ __________________________________________

“Akala mo lang wala… pero meron! Meron! Meron!”


– Carlo Aquino, Bata, Bata…Paano Ka Ginawa? (1998)
***Meron at madami kang maisasagot sa exam!***

Inihanda ni:

ROLAND JOHN G. MARZAN


TI/SHS

Iwinasto ni:

DOLORES E. SAN LORENZO


Assistant Principal II
Pinagtibay ni:

ROSA MYRA T. FRANCO


Principal II

You might also like