You are on page 1of 18

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Ikalawang Markahan-Modyul 6
PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT

NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Pagsulat ng
Naratibong Ulat
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shem Don C. Fabila
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa,
Rico C. Tañesa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palspis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Sa araw na ito, susulat ka na ng isa sa mga teknikal-bokasyunal na


sulatin. Sa mga naunang modyul, nabasa mo na ang hinggil sa naratibong
ulat. Naging sapat ang iyong kaalaman sa nasabing paksa sapagkat
malinaw at maayos ang pagkalahad nito.
Kaya sa modyul na ito, susubukin ang iyong husay sa pagsulat ng
naratibong ulat. Ihanda ang iyong sarili para sa nasabing gawain. Dito mo
maipapakita ang iyong kakayahan sa nasabing gawain.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang mundo ng pagsulat
ng naratibong ulat!

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
2. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PU-Om-o-99)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapagsasaalang-alang sa mga hakbang at etika sa pagsulat ng


naratibong ulat;
2. Nakasusulat ng naratibong ulat sa isang tiyak na paksa o pangyayari;at
3. Nakasasagawa nang may kawilihan ang pagsulat ng naratibong ulat
bilang halimbawang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal na sulat

1 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat
ang Oo kung ang pahayag may kaugnayan sa naratibong ulat at Hindi naman
kung hindi ito kaugnay sa naratibong ulat.

1. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging


kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan.
2. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na
nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang
pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.
3. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito
upang magkaroon ng sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o
kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
4. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa
nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari.
Makagugulo ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.
5. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang maging katanggap-
tanggap sa mga pamunuan ng ahensyang kinabibilangan nito.
6. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng pag-
uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda ng kabuuang set-up
ng pagkikita.
7. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan naganap ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain.?
8. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang pag- uusap,
mahalagang kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong
pangalan sa unang beses na banggitin ang pangalan nila.
9. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga pangyayaring
naging karanasan, namasid o nasaksihan at maaari namang pasalita o
pasulat ang pagsasalaysay.
10. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y
mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o institution.

2 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
TUKLASIN

Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, maglahad ng sariling kaisipan hinggil sa
pariralang nasa gitna ng concept map. Kopyahin ang concept map sa ibaba sa iyong
kuwaderno.

Naratibong Ulat

SURIIN

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Naratibong Ulat

1. May maikli at kawili-wiling pamagat.


2. May mahalagang paksa.
3. May wastong pagkakasunod-sunod.
4. May kawili-wiling simula at wakas
5. May layuning ilahad ang mga pangyayaring namasid o nasaksihan.
6. Gumagamit ng mga salitang angkop at pormal.
7. Gumagamit ito ng mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan.
8. Gumagamit ito ng panahon o mga tiyak na petsa o araw upang tukuyin
kung saan at kalian nangyari o naganap ang isang pangyayari.

Hango mula sa https://bit.ly/3kWPuHC

3 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Mga Etika sa Pagsulat ng Naratibong Ulat

1. Sumulat batay sa sariling ideya.


2. Timbangin kung makabubuti ba ang nilalaman ng sulatin.
3. Gumagamit ng tama at angkop na mga salita.
4. Iwasang mangopya ng likha/idea ng iba.
5. Tiyaking hindi nakakasakit ng damdamin ang ginagawang naratibong
sulatin.

Narito ang halimbawang naratibong ulat bilang gabay para sa iyo:

Naratibong Ulat sa Ikalimang Kongresyonal na Patimplak


sa Language Arts Show sa Filipino

Ika- 20 ng Setyembre 2017, ginanap ang isa sa pinakamalaking patimpalak


ng Third Congressional District ang Ika-limang Kongresyonal na Patimpalak sa
Language Arts Show kung saan ang Buong Distrito ng Zamboanguita (Elementarya
at Sekondarya) ay siyang naging punong-abala (host). Ang nasabing patimpalak ay
mga pakontes sa Filipino at Ingles. Ito ay pinamumunuan ng District In- Charge ng
Zamboanguita na si Dr. Jeanny M. Abejero, Bb. Ritchel Elnar District Subject
Specialist ng Filipino at Gng. Jacqueline Catargo District Subject Specialist ng
English at mga punong-guro sa mga paaralan ng Zamboanguita sa tulong at
koordinasyon ng lokal na pamahalaan ang Local Government Unit of Zamboanguita
na pinamumunuan ni Hon. Glenson E. Alanano ang Alkalde ng Zamboanguita.

Ang patimpalak na ito ay batay sa Memorandum ng Dibisyon ng Negros


Oriental na naitala noong ika-30 ng Hunyo, 2017 no.334, s.2017 na may Temang:
Pagpapahalaga sa Iba’t Ibang wika sa Pamamagitan ng K to 12 Kurikulum. Ang
Memorandum na ito ay nag-anunsyo sa pagkakaroon ng Pandibisyong Patimpalak
sa Language Arts Show at ang mananalo sa Third Cong ay siyang maging kalahok
sa nasabing patimpalak. Sinundan pa ito ng Division Memorandum na may Blg.
368.s.2017 tungkol sa mga Panununtunan at Pamantayan sa mga Tampok na
Paligsahan ng Language arts Show noong ika-13 ng Hulyo, 2017. At ang pangatlong
Memorandum ay ang Division Memorandum blg.465 s.2017 noong ika 31 ng Agosto
2017 na nag-anunsyo sa pagkakaroon ng Congressional Language Arst Show sa
ika-20 ng Setyembre 2017. Ang nasabing patimpalak ay magpapakita at
magpapatunay sa kakayahan ng mga mag-aaral sa wika sa pakikinig, pagbabasa,
pagsusulat, pag-aawit at pagganap. Ang mga kategorya nito ay ang mga
sumusunod: Interpretasyong Pagbasa; Balagtasan; Dagliang Talumpati; Movie
Trailer; Puppetry at Likhawit.

Ang patimpalak na ito ay nilahukan ng labindalawang Distrito ng 3rd Cong.


Ang Valencia, Bacong, Dauin, Zamboanguita, Siaton 1, Siaton 2, Siaton 3, Siaton 4,
Santa Catalina , Santa Catalina 2, Santa Catalina 3 at Santa Catalina 4. Bawat
Distrito ay may representateng kalahok na nanalo na sa Pandistritong Eliminasyon
sa kani-kanilang mga Distrito.

Ika-4 ng Setyembre, 2017 pa lamang, ang Pangkalahatang Tagapamahala sa


Filipino at District Suject Specialist na si Bb. Ritchel Elnar ay abalang-abala sa
pagkuha ng mga Hurado bilang paghahanda para sa mga Tampok na Patimpalak.

4 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Nagpapadala siya ng Liham Pahintulot sa mga Dekano at Dekana ng paaralan at sa
mga Hurado o Lupon ng Inampalan mismo. Nagpadala ng Liham ang DSS ng
Filipino sa Dekano Kolehiyo ng Edukasyon ng Siliiman na si Dr. Pablito De la Rama;
sa Kolehiyo ng Sining at Agham naman sa Silliman University na si Dr. Earl Jude
Paul L. Cleope; sa Kolehiyo ng Sining at Agham naman sa NORSU na si Dr. Michael
P. Baldado at ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Foundation University na si Dr. Cristina
P. Calisang. Ang Liham na ito ay nilagdaan ng punong-guro ng DSS sa Filipino na si
James D. Rodriguez at Dr. Jeanny M. Abejero ang District In-Charge ng
Zamboanguita.

Narito ang mga nakuha niya na mga Hurado mula sa Silliman University para
sa Patimpalak sa Interpretasyong Pagbasa: Gng. Maria Flordeline C. Sonjaco;
Bb.Ginalyn A. Orillana at Gng. Emelyn Jose-Kinilitan. Sa Balagtasan at Dagliang
Talumpati ay sina: Dr. Cristina P. Calisang ng Foundation University; G. Ronald B.
Kinilitan ng Silliman University; Gng. Marissa L. Salgado isang Asst.Professor ng
Negros Oriental State University. Sa Patimpalak sa Puppetry at Movie Trailer: ay
mga guro na galing sa Foundation University sina B. Nollete Mae Sialongo; G.
Baltazar Q. Banico at Felipe B. Sullera Jr. Ang mga Hurado sa Interpretasyong
Pagbasa,Balagtasan,Dagliang Talumpati, Puppetry at Movie Trailer ay mga batikang
guro sa Filipino na mayroong kasanayan at kakayahan sa wika.

Sa patimpalak sa Likhawit naman ay sina: Bb. Yaseff Ann S. Tuayon isang


guro sa musika ng Santiago Delmo Memorial High School; Nicky S. Dumapit na
isang Music Artist at Eleubert Benigay ng Parish Youth Choir ng Dauin. Ang mga
hurado sa Likhawit ay guro at artists na mayroong kasanayan at kakayahan sa
musika. Ang mga bio-data, liham at larawan para sa Lupon ng Inampalan na ito ay
kalakip sa Naratibong Ulat na ito.

Ika-14 ng Setyembre 2017, ay nagkaroon ng pagpupulong ang buong


Departamento ng Filipino at Ingles ng Elementarya at Sekondarya upang pag-
usapan ang lugar na pagdarausan o Venue ng nasabing patimpalak.
Napagkasunduan ng Buong Pangkat sa Filipino, na ang mga kategorya sa
Sekondarya ay gaganapin sa Zamboanguita Science High School. Ang mga
Coordinator sa Filipino na si G. Freddie E. Ibañez ng Santiago Delmo Mem. High
School, Bb. Ana Melissa Venido ng Zamboanguita Science High School, Bb. Ritchel
Elnar ng Jose Marie Locsin Memorial High School at Bb. Marivic P. Flores na siyang
tagatala at kalihim ng Zamboanguita Science High Schoool ay abala sa pagbabalak
sa mga venue, dekorasyon, at pagtatalaga ng mga Komitiba ng nasabing
patimpalak. Si Bb. Ana Melissa Venido mismo ang nag-aayos kung saang silid-
aralan ang gagamitin para sa patimpalak at mga billeting quarters dahil isa siya sa
mga guro ng Zamboaguita Science High School. Napagkasunduan ng mga Filipino
coordinators na magbigay ng mga katanungan na tampok para sa Dagliang-
Talumpati, at maghanda ng paksa para sa Interpretasyong Pagbasa at Movie
Trailer. Nagkaroon din ng rebyu at pagbabalik-aral sa mga panununtunan sa iba’t
ibang kategorya. Isa sa mga napagkasunduan namin na ang Chairman ng bawat
patimpalak ay mga District Subject Specialist ng ibang Distrito ng Third cong. At ang
mga Co-Chairman at mga tabulator nito ay magmula sa Distrito ng Zamboanguita.
Humingi ng pahintulot ang DSS ng Filipino sa mga punong-guro ng ilang chairman
upang payagan sila na maging isa mga Komitiba ng Patimpalak.

5 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Binigyan ng pahintulot ng punong-guro ng Zamboanguita Science High
School na si Gng. Melissa Adanza Lero na magdaos ng patimpalak sa
Zamboanguita Science High School ang Filipino sa Sekondarya . Si Gng. Lero
mismo ang nangunguna sa paghahanda ng mga gagamitin para sa dekorasyon
maging sa tarpuline para sa pagtanggap ng mga delegado at bisita sa araw ng
patimpalak. Ang buong Faculty ng Zamboanguita Science High School ay tulong-
tulong sa paglilinis ng buong paaralan lalo na ang mga billeting quarters at sama-
sama rin silang gumawa ng makukulay na dekorasyon para sa entablado at mga
silid-aralan na pagdarausan ng mga patimplak para sa iba’t ibang kategorya.

Humingi ng tulong ang DSS ng Filipino na si Bb. Ritchel Elnar sa Lokal na


pamahalaan ng Zamboanguita kina Hon. Glenson A. Alanano at G. David De la
Peña ng munisipyo upang makahiram ng Canopy at Sasakyan para sa mga
delegado at Lupon ng Inampalan at pati sa Sound System na gagamitin para sa
patimpalak sa likhawit. Si G. Reynaldo S. Banua na guro sa sa Science High School
ang siyang nakipagnegosasyon kay G. Timoteo S. Adalim ang Radio Program
Director ng RK FM ng Zamboanguita upang makahiram ng mikropono na siyang
gagamitin sa patimpalak sa Likhawit.

Ika- 17 ng Setyembre 2017 nagpunta sa Zamboanguita District sina Bb. Ana


Melissa T. Venido at Marivic P. Flores ng Zamboanguita Science High School, Bb.
Ritchel Elnar ng Jose Marie Locsin Memorial High School upang kunin ang mga
tropeo, medalya at signature certificate holder para sa mga nanalo at mga kalahok
,special paper/inkjet paper para sa mga sertipiko sa mga kalahok at komite, token at
certificate holder para sa mga Hurado. Lapis at bondpaper na gagamitin ng mga
hurado at komite.Ang mga kagamitang ito ay handog ng Local Government Unit of
Zamboanguita na pinamumunuan ng butihing Alkalde na si Hon. Glenson E.
Alanano.

Ika-18 ng Setyembre 2017, abala na si G. Mark Vincent R. Buling at G. Jerry


Mar Vadil ng Jose Marie Locsin Memorial High School sa paggawa ng mga sertipiko
para mga kalahok at hurado. Sila rin ang gumawa ng mga numero para sa
pagkakasunod-sunod ng kalahok at mga sticker na may markang una-ikatlong
gantimpala para sa mga medalya at signature certificate holder. Si G. Mark Vincent
R. Buling ang tumulong sa DSS ng FILIPINO para sa pag-encode ng mga Score
Sheets, attendance sheets at tabulasyon para sa mga patimpalak sa iba’t ibang
kategorya. Tumulong din si Bb. Marivic P. Flores para sa pag-encode ng mga
attendance sheets na kakailanganin sa Zamboanguita Gymnasium para sa araw ng
patimpalak sapagkat doon ang opening sa araw ng Language Arts Show.

Ika-19 ng Setyembre ay handang-handa na ang lahat para sa araw nang


patimpalak kinabukasan. Ang lahat ay abalang-abala sa physical set-up ng
Zamboanguita Science High Shool hanggang sa pagpapapirma ng mga sertipiko ng
pagpapakilala at katibayan ng pagdalo kay Dr. Jeanny M. Abejero.

Ika-20 ng Setyembre, araw ng Miyerkules ay abalang-abala na ang lahat. Ang


pambungad na palatuntunan o opening ay ginanap sa Zamboanguita Municipal
Gymnasium kung saan nagpapatala ang mga kalahok at mga tagapagsanay sa iba’t
ibang Distrito ng 3rd Cong. Nagsipagdating din ang mga Lupon ng Inampalan mula
sa Silliman University para sa Patimpalak sa Interpretasyong Pagbasa: Gng. Maria

6 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Flordeline C. Sonjaco; Bb.Ginalyn A. Orillana at Gng. Emelyn Jose-Kinilitan. Sa
Balagtasan at Dagliang Talumpati ay sina: Dr. Cristina P. Calisang ng Foundation
University; G. Ronald B. Kinilitan ng Silliman University; Gng. Marissa L. Salgado
isang Asst.Professor ng Negros Oriental State University. Sa Patimpalak sa
Puppetry at Movie Trailer: ay mga guro na galing sa Foundation University sina B.
Nollete Mae Sialongo; G. Baltazar Q. Banico at Felipe B. Sullera Jr.. Ipinakilala ang
mga Lupon ng Inampalan ng DSS ng Filipino. Pagkatapos ng pagpapakilala ay
pinasakay sila sa sasakyan ng Local Government Unit of Zamboanguita upang ihatid
sa Zamboanguita Science High kung saan ang pagdarausan o venue. Ang mga
kalahok ay pumunta din sakay ng kanilang mga sasakyan at ang iba naman ay
nakisakay sa sasakyan ng munisipyo.

Maraming mga bisitang dumating mga tagapagsanay sa iba’t ibang distrito,


mga magulang at dumating din ang mga District In-Charge ng Distrito ng Siaton,
Dauin at Santa Catalina atbp.

Nandoon din sa pambungad na palatuntunan ang Superbisor sa Filipino na si


Dr. Reynante Juanillo upang subaybayan ang buong patimpalak sa Filipino. Si G.
Juanillo mismo ang naghanda ng piyesa para sa Interpretasyong Pagbasa; paksa
para sa Movie Trailer na may kaugnayan sa tema at mga katanungan o paksa sa
Talumpating Di-Handa na may kinalaman sa mga isyung panlipunan.

Bago nagsimula ang patimpalak ay nagkaroon muna ng briefing at mga


tagubilin ang Superbisor sa Filipino sa mga Lupon ng Inampalan sa iba’t ibang
kategorya. Ibinigay niya sa mga Lupon ng Inampalan ang kaniyang mga inihandang
paksa para sa mga kalahok.

Eksaktong alas 9:45 ng umaga ay nagsimula na ika 5Th Kongresyonal na


Patimpalak sa Filipino sa kani-kaniyang mga Venue. Sabay-sabay ang mga
kategorya. Tanging dalawa sa patimpalak ay ginanap ang paghahatol sa hapon ang
Movie Trailer (dokumentaryo sa umaga) at ang Talumpating Di-Hinda. Handang-
handa na rin ang mga komite sa bawat kategorya na naghihintay na sa mga Venue.
Nandoon na ang pagkakasunod-sunod ng bilang kung saan dumaan muna sa draw
lots ang bawat kalahok, handa na rin ang scoresheets at tabulation sheets.
Naghintay na rin ang mga tabulators upang masimulan ang tabulasyon pagkatapos
din ng patimpalak.

Lahat ng mga kalahok ay nagtagisan sa pangangatuwiran sa Balagtasan at


Dagliang Talumpati. Ang ibang kalahok naman ay nagpatalbugan sa pagbirit at pag-
awit at komposisyon sa Likhawit. Pagandahan naman ng Puppet at iskrip sa
Puppetry. Patalbugan naman sa pagbibigay ng interpretasyon sa Interpretasyong
Pagbasa. Pagalingan at pagandahan naman sa iskrip at Video sa Movie Trailer.
Napagkasunduan na igagawad ang mga parangal sa kani-kanilang venues
pagkatapos ng bawat patimpalak. Ang mga nanalo ng una hanggang ikatlong
Gantimpala ay nakatanggap ng medalya, sertipiko at tropeo habang ang mga hindi
nanalo ay nakatanggap din ng sertipiko ng pakikilahok o partisipasyon.

Alas Dose Y media ng tanghali (12:30 n.t ), tatlo sa mga patimpalak ang
Interpretasyong Pagbsa, Balagtasan at Puppetry ang tapos na at binigyan muna ng
pagkakataon na makapananghalian ang mga hurado sa Zamboanguita District.

7 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
Hinatid sila ng sasakyan ng LGU patungo doon kung saan naghihintay ang butihing
District In-Charge na si Dr. Jeanny M. Abejero. Isang masarap na pananghalian ang
pinagsasaluhan ng lahat. Sumusnod naman na nananghalian ang mga Hurado sa
Likhawit.

Kinahapunan ay nagbalik ang ibang hurado para sa Dagliang Talumpati na


kung saan ay natapos ng mga alas dos Y media ng hapon (2:30 n.h)at paghatol
naman sa Movie Trailer na kung saan ay ginawa ang pagdodokumento sa umaga.

Natapos din ang patimpalak sa movie Trailer bandang alas tres ng hapon
(3:00) . Ginawaran ng parangal ang mga kalahok.

Naging matiwasay at punong-puno ng sigla ang naganap na patimpalak. Ang


buong Distrito sa Sekondarya ay nagpapasalamat sa lahat ng nakikilahok, nakikidalo
at lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang ika-5 Kongresyonal na
Patimpalak sa Language Arts Show ng Filipino. Ginawaran ng parangal ang lahat
ng nanalong mag-aaral at tagapagsanay at ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang
mga tagapamahala sa bawat kategorya.

Inihanda ni: Bb. RITCHEL ELNAR District Specialist sa Filipino


Pangkalahatang Tagapamahala Kongresyonal Language Arts Show

Inaprobahan ni: JEANNY M. ABEJERO Ed.D


District In-Charge Zamboanguita Neg.Or.

Pagyamanin

Panuto: Muling basahin at suriin ang halimbawang naratibong ulat sa itaas.


Tingnan mo kung nakapaloob ba rito ang mga dapat tandaan at etika sa
pagsulat ng naratibong ulat sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa
ibaba. Isulat mo kuwaderno ang iyong sagot.

1. Nasunod ba ng halimbawang naratibong ulat sa itaas ang mga


dapat tandaan kung paano ito isulat? Ipaliwanag.

2. Bakit mahalaga sa isang naratibong sulatin ang pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari?

3. Paano nakatulong sa iyo ang halimbawang naratibong ulat sa


paghahanda mo ng iyong sulatin?

8 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang pagsulat ng


Teknikal-Bokasyunal na sulatin, partikular na
ang naratibong ulat ay isang kasanayan na
dapat mong malinang at matutuhan. Ito ay
isang gawain upang maisalaysay ang mga
tiyak na pangyayari na naganap na batay sa
anumang programa o gawain. Halimbawa,
kapag pinasulat ka ng naratibong ulat hinggil
sa kabuuang kita sa loob ng isang buwan,
magagamit mo ang iyong natutuhan hinggil
rito.

ISAGAWA

Panuto: Magsulat ng sariling naratibong ulat batay sa isang pangyayari,


mahalagang gawain o programa na may kaugnayan sa strand na iyong
kinabibilangan.

Sundin ang format sa ibaba.

9 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
PAMAGAT
Simula
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Gitna
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Wakas
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Ipinasa ni _
Pangalan ng Mag-aaral
Ipinasa kay:
Pangalan ng Guro

Pamantayan sa Pagtataya

1. Nilalaman (may kaugnayan sa paksa) ........................................20 puntos


2. Kaayusan ng anyo at mga bahagi....................................... 20 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika ............................................. 10 puntos

KABUUAN 50 PUNTOS

10 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat ang
Oo kung ang pahayag may kaugnayan sa naratibong ulat at Hindi naman kung
hindi ito kaugnay sa naratibong ulat.

1. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng pag-uusap/pagpupulong/gawain


dahil ito ang magtatakda ng kabuuang set-up ng pagkikita.
2. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan naganap ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain? _ _ _
3. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang pag- uusap,
mahalagang kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong pangalan
sa unang beses na banggitin ang pangalan nila.
4. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga pangyayaring
naging karanasan, namasid o nasaksihan at maaari namang pasalita o
pasulat ang pagsasalaysay.
5. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang
pangyayari sa isang organisasyon o institution.
6. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging
kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan.
7. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na
nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang
pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.
8. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito
upang magkaroon ng sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o
kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
9. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa
nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari.
Makagugulo ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.
10. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang maging katanggap-
tanggap sa mga pamunuan ng ahensyang kinabibilangan nito.

11 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul6_v2
KARAGDAGANG
GAWAIN

Ang husay mo! Ngayon upang matiyak na may natutuhan ka mula sa modyul na
ito, dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang
kaisipan. Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may kaugnayan sa
araling nakapaloob dito. Kopyahin ang pormat sa ibaba at isulat sa iyong
kuwaderno

Nang dahil sa araling tinalakay ng modyul na ito, mapauunlad ko ang


kakayahan ko sa … (Pangatwiranan ang iyong sagot)
_
_
_
_
_

Makatutulong sa akin ang mga kaalamang aking natutuhan sa modyul


na ito dahil… (Pangatwiranan ang iyong sagot)
_
_
_
_
_
_

12 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul1_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

Panimulang Pagtataya
TAMA O MALI
1.TAMA 6. TAMA
2.TAMA 7. TAMA
3.TAMA 8. TAMA
4.TAMA 9. TAMA
5.MALI 10. TAMA

Pangwakas na Pagtataya
1.TAMA 6. TAMA
2.TAMA 7. TAMA
3.TAMA 8. TAMA
4.TAMA 9. TAMA
5.TAMA 10. MALI

13 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul1_v2
MGA SANGGUNIAN

Naratibong Ulat. Retrieved July 24,2019, from https://bit.ly/3kWPuHC

Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc: Kagamitan ng
Mag-aaral. Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd– BLR).
Unang Limbag 2016.

14 NegOr_Q2_PL_Tech-Voc12_Modyul1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like