You are on page 1of 19

11

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 1:
Pagtukoy sa Paksa
ng Teksto
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagtukoy sa Paksa ng Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amparo May E. Lontok
Editor: Marlyn A. Publico, Delsie L. Porras
Tagasuri:
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Janette G. Veloso Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
CLMD EPS (Learning Area) Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center,


Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, Region XI, 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lms@deped.gov.ph
11

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 1:
Pagtukoy sa Paksa
ng Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

PAGE \* MERGEFORMAT ii
Alamin Natin
Maligayang pagsisimula sa ikatlong markahan, kaibigan! Sa
bahaging ito ng iyong pag-aaral, ihahanda ka na maging lohikal at
kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto na iyong magiging
batayan sa pagbuo ng isang makabuluhang pag-aaral. Simulan natin sa
modyul 1 kung saan ituturo nito sa iyo ang kasanayan sa pagtukoy sa
paksa ng teksto na iyong binabasa sa tulong ng pamagat, pangunahing
kaisipan at mga pantulong na detalye. Ang araling ito ay sadyang inihanda
upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa
pag-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilahad sa araling ito ang ilang
tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa paksa ng teksto.
Madaragdagan din ang iyong kaalaman sa pagtukoy sa kahulugan ng
mahahalagang salita sa mga tekstong babasahin.
Inaasahang sa pagtatapos ng modyul na ito ay matatamo mo ang
sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
F11PB-IIIa-98

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit


ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
F11PT- IIIa- 88

Layunin:
1. Natutukoy ang paksa sa teksto sa tulong ng pamagat, pangunahing
kaisipan at mga pantulong na detalye.
2. Nabibigyang kahulugan ang mahahalagang salita sa teksto.

Subukin Natin
Subukan mong sagutin ang maikling pagsusulit sa ibaba upang
masukat ang dati mong nalalaman sa paksang tatalakayin.

Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot
sa sagutang papel..
______1. Mahalagang may kaugnayan ang pamagat sa teksto.
______2. Ang paksa ng isang teksto ay hindi laging makikita sa pamagat
nito.
______3. Ang pangunahing kaisipan/ ideya ay ang paksa ng teksto.
______4. Ang kaisipan ng isang teksto ay agad na maibibigay sa
pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at huling
pangungusap nito.
______5. Ang paksa ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung
tungkol saan o kanino ang tekstong binasa.

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Aralin Natin
A. Paksa, Pangunahing Kaisipan at mga Pantulong na Detalye

Ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa tungo sa pag-


unawa ay ang pagtukoy sa paksa ng tekstong binasa. Ano nga ba ang
paksa?
Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin.
Isa sa mga paraan upang matukoy ang paksa ay ang pagsusuri sa pamagat.
Malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang paksa ng isang teksto.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Pansinin ang pamagat:

“Kakaibang New Year”

Ano sa palagay mo ang paksa? Siguro ay ang kakaibang pagdiriwang


ng New Year, di ba?
Basahin mo ang teksto at tingnan kung tungkol nga ba sa kakaibang
pagdiriwang ng New Year ang paksa nito.

Kakaibang New Year

Bago sumapit ang alas-dose ng hatinggabi sa huling araw ng 2020,


excited akong sumalubong sa Bagong Taon. Gusto kong masaksihan kung
paano magdiwang ang bansa ng New Year na walang putukan. Kasi,
sinabi ng pamahalaan na may total ban sa lahat ng klase ng fireworks.

At sa paghihiwalay nga ng taon, heto ang napansin ng marami. May


putukan pa rin pero kaunting-kaunti na, ang karamihan ay mga pinalipad
na kuwitis na sa kalangitan pumutok. Hindi talaga siyento porsyentong
maibabawal ang paggamit ng fireworks dahil bahagi na ito ng kulturang
Pilipino.
Ang magandang balita, nabawasan ng hanggang 85 percent ang
bilang ng mga firecracker-related injuries anang Department of Health.
Mas mainam sana kung zero casualty pero ganyan talaga.
Malaking factor ang pandemya kaya nabawasan ang putukan. Dahil
marahil sa ipinatutupad na social distancing, hindi na nangahas ang
marami para lumabas ng bahay para magpaputok sa pagdiriwang ng New
Year.

Pero hindi naman kailangang mayroong pandemya para supilin ang


tigas ng ulo ng ilang kababayan natin. Sana, sa susunod na Bagong Taon,
tuluyan nang mawala ang pagpapaputok ng rebentador at gayundin ng

PAGE \* MERGEFORMAT 4
mga sandata.

Pinagkunan: Kakaibang New Year, Pilipino Star Ngayon, nakuha noong


Enero 9, 2021, https://www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/opinyon/kakaibang-new- year

Tama ang iyong hula kaibigan, tungkol nga sa kakaibang pagdiriwang


ng New Year ang paksa ng teksto. Malinaw nga na natukoy ang paksa ng
teksto sa tulong ng pamagat.
Kapag natukoy mo na ang paksa ng isang teksto, ang susunod mo na
aalamin ay:
“Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa
paksa? Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng
teksto.
Ano ang pangunahing kaisipan ang inilahad ng tekstong, “Kakaibang
New Year? Tama, ipinagdiwang ang New Year na kakaunti ang putukan.
Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay
ng mga pansuporta o pantulong na detalye. Ang mga pantulong na detalye
ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang
lubos.
Ang mga pantulong na detalye ay naglalaman ng mahahalagang
impormasyon na lubusang nagpapaunawa sa mambabasa sa tekstong
binasa. Maaaring naglalahad ito ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan,
datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-
suporta sa pangunahing ideya.
Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng
suporta sa pangunahing ideya/kaisipan dahil sa:
1. ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya/kaisipan.
2. nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang
impormasyon sa isang teksto.
3. nakatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

Maaari mo bang ibigay ang mga pantulong na detalye sa binasang


teksto? Tama ka uli. Ang mga pantulong na detalye ay:
1. karamihan sa putukan ay pinalipad na kuwitis
2. nabawasan ng hanggang 85 percent ang mga bilang ng firecracker-
related injuries
3. malaking factor ang pandemya kaya nabawasan ang putukan

B. Pagtukoy sa Kahulugan

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Isang napakahalagang salik din sa pagbasa ang lawak ng kaalaman
sa talasalitaan. Higit na madali ang pag-unawa sa tekstong binabasa kung
natutukoy mo ang kahulugan ng mahahalagang salita na ginamit sa teksto.

Tukuyin mo ang kahulugan ng sumusunod na salita na ginamit sa teksto:


1. kuwitis
2. siyento porsyento
3. nangahas
4. supilin
5. rebentador

Kung ang sagot mo ay ang sumusunod. Tama ka.


1. raket; paputok na kumikislap
2. sandaang bahagdan
3. naglakas-loob
4. disiplinahin/ gapiin
5. paputok

Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa paksa,


pangunahing ideya/kaisipan at mga pantulong na detalye at pagtukoy din
sa kahulugan ng mahahalagang salita ng isang teksto ay isang magandang
simula upang ikaw ay maging epektibong mambabasa.

Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na teksto at


sagutin ang mga kasunod na tanong.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 91 percent ng mga


Pilipino ay sinalubong ang 2021 na punumpuno ng pag-asa. Umaasa sila na
mas magiging maganda ang taon na ito. Buo ang kanilang paniwala na ang
masamang dinulot ng pandemya at kalamidad ay mapapalitan ng mapayapa,
masagana at masayang buhay. Naniniwala sila na tapos na ang bangungot
ng nagdaang taon at ang haharapin ay maaliwalas na umaga. Wala na ang
mga salot na nagdulot ng pasakit at hirap.

Maski ang mga biktima ng mga Bagyong Quinta, Rolly, Ulysses at


Vicky ay malaki ang paniwalang maitatayo nila ang nawasak na bahay at
makababangon kahit na winasak ang kanilang pananim at iba pang
pinagkakakitaan. Malaki ang kanilang pag-asang ang 2021 ay magbubuhos
nang maraming oportunidad sa kanila.

Kahit maraming binaha na halos umabot sa ikalawang palapag ng


kanilang bahay at kailangang umakyat sa bubong para makaligtas sa
daluyong, nananatili pa rin ang ngiti sa mga labi at nagpapahiwatig na lilipas
din ang lahat. MawawalaPAGE \* MERGEFORMAT
rin ang baha at ang iba4 pang inanod na layak at
basura.

Kahit pa ilang beses pumutok ang bulkan at matakpan ang mga bahay,
Ano ang paksa ng iyong binasa?
Ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng pag-asa sa taong 2021, di ba?
Ano naman ang inilalahad na pangunahing kaisipan? Tama ka kung ang
sagot mo ay- Naniniwala ang mga Pilipino na ang masamang dulot ng
pandemya at mga kalamidad ay mapapalitan ng mapayapa, masagana at
masayang buhay.

Alin naman sa sumusunod ang mga pantulong na detalye?

*ang mga biktima ng baha ay nananatili pa rin ang ngiti sa mga labi
*ang mga biktima ng pagputok ng bulkan ay naniniwalang babalik
ang matahimik na buhay
*ang mga mahal sa buhay ng mga pumanaw sa virus ay umaasang
mahihilom ang sugat
*ang mga nawalan ng hanapbuhay ay nararamdaman ang unti-unting
pagkalugmok

Tumpak ang iyong sagot kung ang mga ito ay:

*ang mga biktima ng baha ay nananatili pa rin ang ngiti sa mga labi
*ang mga biktima ng pagputok ng bulkan ay naniniwalang babalik
ang matahimik na buhay

PAGE \* MERGEFORMAT 4
*ang mga mahal sa buhay ng mga pumanaw sa virus ay umaasang
mahihilom ang sugat

Ibigay mo naman ang kahulugan ng sumusunod na salita na ginamit sa


teksto:
1. bumahaw
2. mapapawi
3. pagngangalit

Tama ka uli kung ang mga sagot mo ay:


1. gumaling
2. mawawala/mabubura
3. galit

Ngayon, tingnan natin kung kaya mong gamitin ang iyong natutuhan.

Gawin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto. Tukuyin
ang paksa, pangunahing kaisipan at ang mga pantulong na detalye.
Teksto 1
Malungkot na balita ang dala ng Philippine Eagle Foundation (PEF).
Inanunsiyo nito na patay na nga si Pag-asa, ang first Philippine
eagle bred and hatched in captivity sa Malagos Eagle Center, Calinan district dito
sa Davao City noong Miyerkules, Enero 6.
The Philippine Eagle Foundation (PEF) is sad to announce the passing of
beloved Philippine Eagle, Pag-asa.
Pag-asa succumbed to infections associated with trichomoniasis and
aspergillosis. Both diseases are fatal for raptors.
Although treatment was done over a week ago, he continued to deteriorate
and died at 8:03 p.m. on January 6.
Naging bahagi na rin si Pag-asa sa buhay naming mga Dabawenyo, at isa
na ako roon. Naging parte na ako noong hatching ni Pag-asa hanggang sa mga
sumunod na araw na nag-vigil kaming mga mamamahayag sa Malagos Eagle
Center at binabantayan kung ano na ang nangyayari sa agila.
Hanggang sa lumaki na si Pag-asa at siya parati ang hinahanap ng mga
bumibisita sa Malagos Eagle Center.
Nakatira si Pag-asa sa pinakamalaking dome sa aviary.
Ngunit sa kasamaang palad, isang ligaw na kalapati ang nakapasok sa dome ni
Pag-asa. Kinain ni Pag-asa ang kalapati.
Dahil sa kinaing kalapati, nagkaroon ng infection si Pag-asa na naging
dahilan ng kamatayan nito.

Pinagkunan: Nang Dahil sa Kalapati, Pilipino Star Ngayon, nakuha noong Enero 9, 2021,
www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/nang-dahil-sa-kalapati.

Paksa: 1.___________________________________

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Pangunahing kaisipan: 2.__________________________________________________
Mga Pantulong na Detalye: 3. _____________________________________________
4.______________________________________________
5.______________________________________________
Teksto 2

Namamayagpag ang mga magsasaka sa Mindanao dahil sa pangangasiwa


ng Mindanao Development Authority (MinDA) sa liderato ni dating Agriculture
Sec. Emmanuel Piñol.
Malayong nalalamangan sa pag-aaruga ang mga magsasaka sa Norte,
kasama ang vegetable growers sa Benguet, Nueva Vizcaya at Mt. Province.

Todo arangkada ang hakbangin ng MinDA upang palaguin at payabungin


ang pagsasaka at pamamalakaya sa Mindanao upang bigyang lunas ang
kapabayaan noon na nagluwal ng rebelyon. Ang pruweba?

Nakakarating na ang mga produkto nila, mula fresh produce hanggang


semi-processed at processed sa NCR, Baguio City at ibang bansa.

Habang ang mga magsasaka ng gulay at iba pa sa Benguet, Mt. Province at


Vizcaya, pati na rin sa iba pang magsasaka at mamamalakaya sa Norte ay
lumalala ang daing na hindi naibebenta ang mga produkto sa merkado.

Saging na nga lang sa mga merkado sa Norte, galing pa sa Davao o kaya’y


China?

Ano ang problema rito? Policy ba o implementasyon sa agrikultura?

O dahil ba nakagawian na lang ng mga “concerned” government officials na


gumagawa na lang ng farm to market roads bilang suporta sa magsasaka at
kaligtaan ang mga essential na kailanganin upang palaguin ang agrikultura?

Tokenism, sabi ng iba. O baka may ibang dahilan na kailangang ipahayag


ng mga namamahala.

Sana naman hindi magpakasya ang agriculture sector at gobyerno rito sa


Norte na tanging production na lamang ang huling yugto ng pagsasaka, kundi
hangga’t sa merkado at processing. Sana nga pati exportation.

Dahil kung pagtatanim lang at pagbebenta ng fresh ang abot ng ating


agrikultura, aba e, pag inabutan ka nga naman ng bagyo, pagsasara ng merkado
o di kaya pandemya gaya ng COVID-19 na ‘di aabot sa merkado ang produkto,
sadyang mabubulok na lang ang mga ito at masasayang ang pagod at pawis ng
mga abang magsasaka.

Pinagkunan: Magsasaka ng Norte, nasaan ka na ba?, Pilipino Star Ngayon, nakuha noong Enero 9,
2021, https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/11/27/2059682.

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Paksa: 6.___________________________________
Pangunahing kaisipan: 7.__________________________________________________
Mga Pantulong na Detalye: 8. _____________________________________________
9.______________________________________________
10._____________________________________________

Inaasahan kong naibigay mo ang mga tamang sagot. Tandaan na


maging maikli o mahaba ang teksto, agad mo itong mauunawaan kung
tutukuyin mo muna ang paksa nito, ang pangunahing ideya/kaisipan at
ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan.

Sanayin Natin
A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang nais ipahayag nito.
1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may akda tungkol sa
teksto? Ang sagot sa tanong na ito ay ang _________.
a. detalye c. pangunahing ideya/kaisipan
b. paksa d. pamagat

2.Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung


tungkol saan ang teksto.
a. detalye b. kaisipan c. mensahe d. paksa

3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa


____________________ ng teksto.
a. detalye b. mensahe c. paksa d. pamagat

4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.


a. paksa c. pansuportang detalye
b. pangunahing ideya/kaisipan d. pamagat

5. Ang mga ______________________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing


ideya upang maunawaan ito ng lubos.
a. paksa c. pansuportang detalye
b. pangunahing ideya / kaisipan d. pamagat

PAGE \* MERGEFORMAT 4
B. Tukuyin ang paksa ng sumusunod. Titik lang ang isulat sa sagutang
papel.
6. “Anumang gawain ay gumagaan sa tuloy – tuloy na pamamaraan.” Ito
ang lagi nating isaisip sa tuwing ipinagpapaliban natin ang gawaing
kaya namang gawin ngayon. Talagang nakatatak na sa ating isipan
ang kaugaliang mañana habit.
a. pagpapaliban sa mga gawain c. pagiging mapamaraan
b. tuloy-tuloy na gawain d. agad na pagsasagawa sa gawain

7. “Colonial Mentality” -ito’y isa pang-kaugaliang hindi maiwasan ng mga


Pilipino. Ika nga “imported eh, kaya matibay, sikat!” Minsan
nakalilimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata
nati’y nakatuon na lamang sa mga produktong dayuhan at kung
magkakagayon, mas mauunahan pa nila tayong umunlad. Pero bago
mangyari ‘yon, “Tangkilikin ang sariling atin.”

a. kapag imported, matibay c. pagtangkilik sa sariling atin


b. pag-unlad ng produktong pinoy d. kaugaliang colonial mentality

8. Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na


nangangailangan tayo ng tulong sa ating kapuwa. Tulong na ang
kapalit ay ang simpleng “pagtanaw ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin
ito sa mga pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.”
a. pakikipagkapwa c. pangangailangan ng tulong
b. pagtanaw ng utang na loob d. pinahahalagahang kaugalian

9. Likas na sa ating mga Pilipino lalong-lalo na sa kabataan ang


magsunog ng kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon,
pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga
sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos
ang pamamalakad ng ating bansa.

a. pagsusunog ng kilay c. pagpapahalaga sa edukasyon


b. pamamalakad ng bansa d. kinabukasan ng mga Pilipino

10. “Pag may isinuksok, may madudukot “sa panahon ngayon na kung
saan ay nakararanas tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang
bawat sentimong ating ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y
mabuhay.

a. pagtitipid b. kahirapan c. paggastos d. halaga ng buhay

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Tandaan Natin
Sa kabuoan ng araling ito, madali mong mauunawaan ang
tekstong iyong binabasa kung susundin mo ang dayagram na nasa
ibaba.

PAKSA/PAMAGAT
( Tungkol saan o kanino ang teksto?)

PANGUNAHING KAISIPAN
(Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat
tungkol sa paksa?)

MGA PANSUPORTANG DETALYE


( Sumasagot sa mga tanong na:)

Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? Paano?

Suriin Natin
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang
ipinahahayag ng bawat pangungusap.
_______1. Ang pamagat ng teksto ay makatutulong sa pagtukoy sa paksa.
______ 2. Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang
teksto para sa lubusang pag-unawa nito.
______ 3. Sa pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap ay agad
na maibibigay mo ang pangunahing kaisipan ng teksto.
______4. Ang paksa ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung
ano ang isinulat ng awtor.
______5. Ang pamagat ay ang gustong ipaunawa ng sumulat tungkol sa
paksa.

PAGE \* MERGEFORMAT 4
B. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Titik lang ang isulat sa sagutang papel.
I. Gamit na gamit ang limang pandama sa simpleng buhay. Paningin ang
pang-alam ng magsasaka kung hinog na ang palay, at ng mangingisda kung
ligtas lumayag sa dagat. Sa mata nalalaman ng bata kung puwedeng tumawid ng
kalye, at ng tsuper kung kailangang magmenor o magpreno.

II. Pang-amoy ang pantiyak ng maybahay kung panis ang pagkain. Ang pintor
nalalaman sa amoy kung panis ang pintura, at ang bombero kung anong klaseng
sunog – kahoy, kemikal, koryente – ang hinaharap. Hindi kontento sina lolo’t lola
sa paghaplos sa apo; kailangang langhapin ang amoy araw at pawis!
III. Panlasa ang pantantiya ng nagluluto kung sapat ang timpla, at ng
kumakain kung lalantakan pa ang ulam. Kakambal ng panlasa ang pang-amoy.
Kapag sinabing lasang karton o lasang ipis ang isang bagay, hindi ibig sabihi’y
kumakain ng karton o ipis ang umaangal; naaamoy niya ang mga ‘yon kaya
nalalasahan.
IV. Pandinig – ng tibok ng puso ng ina – ang pampakalma sa sanggol. Tainga
ang pandama sa dilim kung umuulan, may sasakyan o ibang tao.
V. Sa pansalat alam mo kung velvet o seda ang tela. Tinatapik ang pakwan o
niyog kung malaman; pinipisil ang tinapay o isda kung sariwa. Kumakalabit para
mapansin; kumukurot para manggigil.
VI. Ginulo lahat ito ng coronavirus. Sintomas ng impeksiyon ang pagkawala ng
pang-amoy at panlasa. Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig dahil doon
pumapasok sa katawan ang virus. Sagabal ang goggles, facemask at face shield
sa paningin, pang-amoy at panlasa. Kailangang talasan ang pandinig kung may
masyadong malapit mula sa gilid o likod. Huwag kumamay; siko sa siko na lang.
Huwag pumindot ng buton sa elevator o kumapit sa hawakan sa escalator;
sundutin na lang ng ballpen, magsuot ng guwantes, at maghugas ng kamay.

Pinagkunan: Nakakapanibagong normal ang dulot ng coronavirus, Pilipino Star Ngayon, nakuha
noong Enero 9, 2021,www.philstar.com/pilipino-star ngayon/opinyon/nakakapanibagong-
normal-ang-dulot-ng-coronavirus

1. Ang paksa ng teksto ay ______________.


a. ang ating mga pandama sa panahon ng pandemya
b. iba-ibang antas ng tao na may iba-ibang gamit ng pandama
c. kung paano makaiwas sa coronavirus gamit ang mga pandama
d. ang mga pagbabagong dulot ng coronavirus sa ating mga pandama

2. Ginulo lahat ito ng virus. Ang pahayag ay nangangahulugang _______.


a. sinira ng virus ang hanapbuhay ng mga tao
b. binago ng virus ang nakasanayan ng ng mga tao
c. winasak ng virus ang simpleng buhay ng mga tao
d. tinanggal ng virus ang nakapagpapasaya sa mga tao

PAGE \* MERGEFORMAT 4
3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____
talata.
a. I b. III c. IV d. VI

4. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na __________.


a. maraming tao ang apektado dahil sa virus
b. nagkagulo ang mga tao sa paglaganap ng virus
c. nagbago ang gamit ng ating mga pandama dahil sa virus
d. sa pamamagitan ng ating mga pandama ay naipapasa ang virus

5.Ang sumusunod ay pantulong na detalye mula sa binasa maliban sa


_______.
a. nagkaroon ng pagbabago sa nakasanayang gamit ng mga pandama
b. pangunahing sintomas ng coronavirus ang pagkawala ng pang-amoy at
panlasa
c. nagbago ang gamit ng mga pandama dahil sa googles, facemask at
faceshield
d. may mga pag-iingat na dapat isaalang-alang sa paggamit ng mga
pandama

Payabungin Natin
Sumulat ng isang teksto tungkol sa mga pagbabagong naranasan
ng iyong pamilya dahil sa Coronavirus.
Rubrik:
Pamantayan 4 3 2 1
1. Angkop ang paksa
2. Nailahad ang pangunahing kaisipan
3. Magkaugnay ang mga pantulong na detalye
4. Maayos ang pagkakalahad ng mga detalye/ideya
5. Wasto ang mga salita at bantas na ginamit
KABUOAN
4- Lubos na Naisagawa 2- Bahagyang Naisagawa
3- Naisagawa 1- Hindi Naisagawa

Pagnilayan Natin
Binabati kita kaibigan! Ang pagtatamo mo ng mga kasanayan sa
pagtukoy sa paksa, pangunahing kaisipan at mga pantulong na
detalye gayundin ang pagtukoy sa kahulugan ng mga salita na ginamit sa
teksto ay magandang simula upang ikaw ay magiging epektibong
mambabasa. Sa pamamagitan ng mga kasanayang ito, lubusan mong
mauunawaan ang tekstong binabasa. Ang mga kasanayang ito ang magiging
pundasyon mo para sa iyong lohikal at kritikal na pagsusuri sa iba’t ibang
anyo ng teksto.

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Susi sa Pagwawasto

Payabungin Natin Suriin Natin Sanayin Natin

May Rubrik A. B. A. B.
1. Tama 6. d 1. c 6. d
2. Tama 7. b 2. d 7. c
3. Mali 8. d 3. b 8. b
4. Tama 9. d 4. b 9. c
5. Mali 10. c 5. c 10. a

Gawin Natin (Nasa guro ang pagpapasya sa pagkakalahad ng


kasagutan/ideya)
Teksto 1
1. Ang pagkamatay ng Philippine Eagle na si Pag-asa
2. Malungkot ang balita ng Philippine Eagle Foundation sa
pagkamatay ni Pag-asa.
3. - 5. *naging bahagi na si Pag-asa sa buhay ng mga
Dabawenyo
*mula hatching hanggang lumaki si Pag-asa, siya ang
Subukin hinahanap ng mga bumibisita sa Malagos Eagle Center
Natin *isang ligaw na kalapati ang nakapasok sa Dome ni Pag-
asa
1. Tama
*kinain ni Pag-asa ang kalapati
2. Tama *nagkaroon ng infection si Pag-asa na naging sanhi ng
kamatayan nito
3. Mali
4. Mali
Teksto 2
6. ang hinaing ng mga magsasaka sa Norte
5. Tama
7. Napag-iiwanan ang mga magsasaka ng Norte sa pagbebenta ng
produktong pang-agrikultura
8. - 10. *namamayagpag ang mga magsasaka sa Mindanao
*malayong nalalamangan sa pag-aaruga ang mga
magsasaka sa Norte
*nakakarating na ang mga produkto nila, sa NCR,
Baguio City at ibang bansa.
*Habang ang mga magsasaka ng gulay
sa Norte ay hindi naibebenta ang mga produkto sa
merkado.
*nakagawian na lang ng mga “concerned” government
officials na gumagawa na lang ng farm to market roads

PAGE \* MERGEFORMAT 4
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 11. Department of


Education, Curriculum and Instruction Strand 2020.

Project EASE. Bureau of Secondary Education.Pasig City.

Pilipino Star Ngayon. “Kakaibang New Year”. Nakuha noong Enero 9, 2021.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/kakaibang-new-
year.

Pilipino Star Ngayon. “Pag-asa sa Kabila ng Pandemya’t Kalamidad”. Nakuha


noong Enero 9, 2021. www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/editoryal-pag- asa-sa-kabila-ng-pandemyat-
kalamidad.

Pilipino Star Ngayon. “Nang Dahil sa Kalapati”. Nakuha noong Enero 9, 2021.
www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/nang-dahil-sa-kalapati.

Pilipino Star Ngayon. “Magsasaka ng Norte, nasaan ka na ba?”. Nakuha noong


Enero 9, 2021. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/
opinyon/ magsasaka-ng-Norte-nasaan-ka-na-ba
Pilipino Star Ngayon. “Nakakapanibagong Normal ang Dulot ng Coronavirus”.
Nakuha noong Enero 9, 2021,www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/nakakapanibagong-normal-ang-dulot-ng- coronavirus
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph
lrmds.regionxi@deped.gov.ph

You might also like