You are on page 1of 19

9

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 6

Maikling Kuwento
(Mga Pang-ugnay para sa
Kronolohikang Pagkasunod-sunod)

NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Maikling Kuwento (Mga Pang-ugnay para sa
Kronolohikang Pagkasunod-sunod)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Clinton T. Dayot
Editor: Venicar P. Eltanal, Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Vincent Gee R. Abrasado,
Janeth A. Celin, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Bagong paksa na naman ang iyong pag-aaralan. Ang modyul na


ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang tungkulin
na ginagampanan ng mga transitional devices. Bahagi rin nito ang
pagsusuri sa katangian ng tauhan batay sa kanyang kilos, gawi at
karakter.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa


ilang pangyayari at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan
F9PU-IIId-e-54
• Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa lilikhaing kuwento
F9WG-IIId-e-54
• Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga
tauhan batay sa usapang napakinggan
F9PN-IIIf-53
• Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di
makatotohanan ng akda
F9PB-IIIf-53

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. Nakakikilala ng kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan;

2. Nakalilikha ng isang kuwento na ginagamitan ng mga pang-ugnay


na hudyat ng pagsusunod-sunod ng pangyayari; at

3. Napahahalagahan ang paggamit ng mga angkop na pang-ugnay


para mabisang pagsasalaysay ng mga pangyayari.

1 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
SUBUKIN

Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay nagpapahayag ng Katotohanan at DK


kung Di-Makatotohanan.

_________1. Nakikilala ang katangian at ugali ng tauhan batay sa kanyang kilos at


pananalita.
_________2. Maaaring simulan sa gitna, pabalik sa nakaraan, at pagpapatuloy sa
kasalukuyan ang pagsasalaysay ng kuwento.
_________3. Ang maikling kuwento ay tungkol sa pinagmulan ng isang isang bagay
o lugar.
_________4. Walang kuwento kung walang banghay sa akda.

_________5. Sa wakas lamang pwede matagpuan o makikita ang resolusyon o


kasagutan ng suliranin ng kuwento.
_________6. Mahalaga sa isang kuwento ang malinaw at maayos na
pagkakasalaysay ng mga pangyayari.
_________7. Ang kasukdulan ang itinuturing na pinakabalangkas ng mga
mahahala-gang pangyayari.
_________8. Sa panimula ng kuwento makikita ang tauhan at tagpuan ng akda.

_________9. Sa kasukdulan makikita ang pinakamataas na bahagi ng lebel ng


emosyon ng mga tauhan.
________10. Ang kakalasan ay ang sagot sa problemang kinakaharap ng tauhan
sa kuwento.
________11. Dahil sa mga kawing-kawing na pangyayari, nabubuo ang ,maikling
kwento.
________12. Laging nasa gitna ng isang pangungusap makikita ang mga
transitional devices.
________13. Ang transional devices at pangatnig ay ginagamit na pang-ugnay.

________14. Ang kultura ng isang lugar ay dapat na hindi masalamin


sa mga kuwento.
________15. Hindi kinakailangan na may malawak na kaalaman o karanasan sa
paksa ang isang manunulat ng kuwento.

2 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
TUKLASIN

Panuto: Pumili ng dalawang salita sa kahon na sa tingin mo ay magkaugnay o


mayroong kuwento. Isulat ang napiling mga salita sa inilaang kahon para
rito at sa hugis parihaba naman ang paliwanag kung bakit ito nagkaroon
ng kaugnayan sa isa’t isa.

Mga Salitang Pagpipilian:

PULIS GURO PAGBAHA

PAGSABOG
NG BULKAN BATA KAHIRAPAN

1.
Salitang Napili 1 Salitang Napili 2
______________ ________________

2. Salitang Napili 1 Salitang Napili 2


_________________ ________________
_

3 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging basehan upang magkaroon ng ugnayan ang mga
larawang napili?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paano ito nakatulong sa pagbuo ng kuwento?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

SURIIN

MAIKLING KUWENTO

Mahalaga sa isang kuwento ang malinaw at maayos na pagkakasalaysay ng


mga pangyayari. Dapat na maging mabisa ang pagkakalahad ng mga pangyayari,
kaisipan at konsepto. Upang magkaroon ng maayos na daloy at madaling
maunawain ang kuwento, mahalagang malaman at angkop na magamit ng isang
tagapagsalaysay ang gamit ng mga transitional devices.

Transitional device ang tawag samga katagang nag-uugnay sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Ang mga pangatnig at transitional devices
ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa
pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang
kuwento ayon sa tamang gamit nito.

Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:

1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o


gawain, una, sumunod, pagkatapos, saka, at pati.
Hal. Una silang pumunta sa zoo, sumunod sa magandang talon, pagkatapos sa
sikat na kainan ng lugar.

2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita, sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa


katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Hal. Siya ay laging namimigay ng tulong sa mga nangangailangan lalong-lalo na sa
mga naging biktima ng iba’t ibang sakuna. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa
mga mahihirap.

3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad


Hal. Maraming mga makabuluhang gawain na pwedeng isagawa para palipasin ang
oras at makaiwas sa bisyo, tulad ng paglilinis, pagtatanim, at pag-aalaga ng hayop.

4 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
4. Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di
kawasa, anupat
Hal. Bilang pagtatapos, hinihikayat ko kayong mga narito na tumulong para
malutas ang problema at iwasan ang pagsisihan.

5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa aking


palagay/
opinyon, bagaman, subalit

Hal. Sa aking palagay, walang saysay ang lahat na ginagawa ng gobyerno kung
hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan.

6. Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba pa.


Hal. Tunay na natutulungan tayo ng teknolohiya ngunit nasisira rin nito ang
magagandang katangian na dapat taglayin nating mga tao.

7. Pananhi - kaya, dahil sa, sapagkat


Hal. Dahil sa ipinakita niyang kabutihan minsan, ngayon ay bumabalik sa kanya
ang mga natulungan para magpasalamat.

Tunghayan mo muli ang kwento sa ibaba at naway maikintal sa iyong isipan ang
nakatagong mensahe nito. damhin ang bawat kaisipan.

Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi Lamang)


ni Ferdinand Pisigan Jarin

Nagsimula ang kuwento sa unang Sabado ng


paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang
ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako
ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan
ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”.
Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.
Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito kaysa sa
lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan.
Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush
Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang
Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade.
Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya
ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang
kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon.
https://bit.ly/36mNkPI Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Sumunod na araw sa ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya.


Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Pagkatapos,

5 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin
ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di
kaya’y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang
buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya
ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya
ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin


niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at
binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong
nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa
isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending
kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting
bumalik sa aming kinauupuan. Sa tingin ko, naglalambing ang aking anak. Nang
kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas
ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang


nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang
kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,
kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng
pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang
kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit


ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang
mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit
nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang
mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na
bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na
ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga
nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Saka sa huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong


katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang
sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik
ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap
pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na
palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.

Sa wakas, ang saad ko, “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka
namin. Paalam.”

6 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
PAGYAMANIN

A. Kilalanin kung ano ang katangian ng tauhan na ipinahiwatig sa sumusunod na


pahayag.

PAHAYAG KATANGIAN NG
TAUHAN

“Sige na, Bo. Salamat sa apat


na taon. Mahal ka namin.
Paalam.”

“Tay, may peya a?”


(Tay, may pera ka?)

B. Isulat ang angkop na transitional device upang mabuo ang diwa ng


pangungusap.

1. __________________, nakamit na ni Rebo ang hinihintay na kapayapaan.

2. __________________, di tayo dapat mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga


pagsubok.

3. Lahat ay kumuha ng kani-kaniyang kagamitang panlinis at tinapon ang mga


basura sa tamang lalagyan. _____________________, lahat ay nagnanais
ng malinis na kapaligiran.

4. __________________ banta ng virus, ang lahat ay sumusunod sa mga


health protocols na itinakda ng IATF.

5. Lahat ay nasabi ko na. _________________, kayo ay hinihikayat kong pag-


isipan ang aking mga sinabi at simulant sa inyong mga sarili ang
pagbabagong gusto ninyong mangyari.

7 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
ISAISIP

Mahalaga ang gamit ng mga transitional


devices sa pagsusunod-sunod ng mga pangayayari
sa kwento. Ito ay nakatutulong upang mas mabisa
ang pagsasalaysay at nang sa ganoon ay madaling
makuha at maintindihin ng mambabasa o tagapakinig
ang takbo ng mga pangyayari.

ISAGAWA

Pagsulat ng Isang Maikling Kuwento gamit ang Komik Istrip

Panuto: Bumuo ng komik strips na nagsasalaysay sa kwento ng iyong buhay na


ginagamitan ng mga angkop na transitional device.

Mga pagpipilian sa paggawa ng komik strips:


1. Pagguhit ng mga larawang ayon sa mga pangyayari; o
2. Paggupit ng mga larawan mula sa mga diyaryo o magasin na angkop sa mga
pangyayaring isinalaysay.

Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng nilalaman, bisa ng wika at pagkamalikahain.

8 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
PAMANTAYAN SA PAGSASANAY SA PAGLIKHA NG KOMIK ISTRIP

Pamantayan Natatangi Mahusay Magaling Kailangan Iskor


pang
Magsanay
Nilalaman Makabuluhan Makabuluhan Makabuluhan Hindi
25% ang lahat ng ang ang ilan sa makabuluhan
kaisipan at karamihan sa mga kaisipan ang mga
akmang- mga kaisipan batay sa kaisipang
akmang ang alinsunod sa paksa. ibinigay at
bawat pahayag paksa. hindi akma
sa paksa. sa paksa.
Masining at Natatangi at Masining ang Masining ang Maraming
maingat na masining ang paggamit ng ilang bahagi mali sa
paggamit ng paggamit ng mga pang- na paggamit ng
Transitional mga pang- ugnay sa gumagamit pang-ugnay
Devices ugnay sa pagsusunod- ng mga sa
35% pasusunod- sunod ng pang-ugnay pagsusunod-
sunod ng mga mga sa sunod ng
pangyayari. pangyayari. pagsusunod- mga
sunod ng pangyayari
mga
pangyayari.
Wastong Napakahusay Mahusay ang May ilang Hindi maayos
gamit ng ang paggamit ilang bahagi kamalian sa ang paggamit
Gramatika at ng gramatika at sa paggamit gramatika at ng gramatika
Retorika retorika sa ng gramatika retorika. at retorika.
20% pagkakabuo ng at retorika
kwento.
Pagkakaayos Makabuluhan Makabuluhan Makabuluhan Hindi
ng Larawan o ang ang ang ilang makabuluhan
Guhi pangkalahatang karamihang bahagi sa ang bahagi
20% daloy ng bahagi sa daloy ng sa daloy ng
kwento. daloy ng kwento. kwento.
kwento.
Kabuuang
Puntos

9 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
TAYAHIN

Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin ang ginampanan ng transitional device sa


sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa simula hiniling ni Rebo sa unang Sabado na magdiwang siya ng kaarawan


kahit hindi pa araw.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

2. Pagkatapos, tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko


siyang dinalaw.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

3. Sumunod na araw sa ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos


ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

4. Sa tingin ko, naglalambing ang aking anak.


A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pananhi
D. Paglalahat

5. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang
sakyan.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pananhi
D. Paglalahat

10 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
6. Saka sa huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

7. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan


na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit
sino.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pananhi
D. Paglalahat

8. Sa wakas saad niya, “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin.
Paalam.”
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

9. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at


pagpapaganda ng pamayanan.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

10. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang
magagandang kulturang minana natin sa ating mga ninuno.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagsalungat
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

11. Darating ngayon si Jean, saka kasama niya si ate mo.


A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

11 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
12. Hindi naman ako umayaw noon, samakatuwid nga ako pa yung gustong
pumunta doon.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pananhi
D. Paglalahat

13. Sa wakas Anne, nabili mo na rin ang mga paborito mong gamit.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

14. Bakit ka andito ngayon? Subalit, okay lang kasi kailangan ko din ng tulong.
A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita
C. Pananhi
D. Paglalahat

15. Sasama ako sayo, bagaman di naman ako pwede roon.


A. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod
B. Pagbabagong-lahad
C. Pagtitiyak
D. Paglalahat

12 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
REFLEKSIYON

3-2-1 Chart
Panuto: Tugunan ng hinihinging impormasyon ang 3-2-1 tsart sa ibaba. Sa
pamamagitan nito, matataya mo ang sariling pagtamo at pag-unawa ukol
sa mga pang-ugnay na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Tatlong mahalagang impormasyon na natutuhan mo ukol sa pang-


ugnay na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

3 1.
2.
3.

Dalawang kaisipan na sa palagay mo ay dapat mabatid ng


bawat mag-aaral ukol sa pang-ugnay na hudyat sa pagusunod-

2 sunod ng mga pangyayari.


1.
2.

Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay na hudyat sa

1 pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay?


1.

13 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

14 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
MGA SANGGUNIAN

Ambat, Vilma C. et.al. 2014. Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9.


Quezon City: Vibal Group, Inc.

http://blognicindy.blogspot.com/2014/07/aralin-11-pangatnig-at-transitional.html

15 NegOr_Q3_Filipino9_Module6_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like